watch now

Author Topic: 2011 BRIDES XIV  (Read 93434 times)

dashipink

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #80 on: April 23, 2011, 05:36:22 pm »
hello mga sis.. ang bilis part XIV na agad. di pa ako tapos magbackread sa kabila. me bagong bahay na agad. Musta ang holyweek? ako dito ko lucena ngayon.. hay kala ko makakapagfasting ako ngayon sabay diet na din pero food trip ang nangyari. wala nga pork.kaya puro seafoods eh favorite ko yun kaya ayun lafang ginawa ko.

ang sarap naman sa mga nagbebeach. ang skin ingatan mahal pa naman magpainject ng gluta.. ;) but kung carry naman.. go lang sarap kaya magswimming.

Hindi kami nakapagbisita iglesia kaya rosary na lang kami dito sa bahay.

usapang DIY- ang galing-galing naman ng mga sistah ko. ako din nagsstart na magDIY ng pamaypay. ang laki impluwensya ng mga sis natin.  Galing galing talaga.

Sis carmi- florist ka na din ha..

sa h2b ni sis ida- belated happy birthday. musta ang tantrum? :)

Sa mga pabalik from vacation. Ngat po sa byahe..Isa na ako dun.. ;)


TwinkleDream

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #81 on: April 23, 2011, 09:51:35 pm »
Good evening mga sis! Advance Happy Easter! :)

sis ima Thank you! Pwede sis for wedding website..Kahit ano pwede..It's a site where you can build Flash website minus the programming side.. Drag and drop lang.. ;)

sis carmi Pwede bang ikaw na lang florist namin? :)

sis Dhee-Dhee Thank you din at na-cute-an ka sa wedsite namin kahit d pa masyadong tapos..

Re wedding preps, ayon, wala na naman akong nagawa..Nakatunganga sa PC buong bakasyon pero inuna ang wedsite..Binalak kong gawin ang WYB cards namin pero wala akong maisip na magandang gawin..Hayz.. By the way mga sis, yung sa principal sponsor nyo ba, did you send na lang mga WYB cards or meet them personally para i-ask kung pwede silang maging ninong / ninang nyo?

rjaye_2000

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #82 on: April 24, 2011, 11:30:31 am »
good morning beautiful gals!!! happy easter sa lahat!!!! sa mga pabalik from vacation ingat po.

usapang holy week activities: last friday nagstation of the cross din kami ni h2b sa white cross sa Antipolo then kahapon nagkaroon kami ng konting salo-salo para sa nakaraan kong birthday and anniversary ng aking parents. tapos agenda for today continuation ng DIY invite namin ni h2b.  ;D

nihrs11

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #83 on: April 24, 2011, 12:19:02 pm »
HAPPY EASTER EVERYONE!!!

RE:holyweek activites - Thurs; Visita Iglesia (7churches) in Bulacan Fri; haus lang rest day Sat; house cleaning Part1 Sun; house cleaning Part2 hehe! then church later!!

Hope you all had a meaningful and blessed holyweek!! :)

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #84 on: April 24, 2011, 12:41:47 pm »
happy easter mga kapatid....

absent kahapon dahil nagswimming kami ni  h2b with Fsil and famly sa amana... ang daming tao grabe, naubusan pa kami ng cottage... so umbrella cottage na lang naiwan sa amin. and that's it, di na ako aasang mababawi ko ang kulay ko for out prenup, so papantayin ko na lang cya... :) im sooo getting tanned this month!

backread muna

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #85 on: April 24, 2011, 12:48:25 pm »
morning!!! 1 araw na lang tapos na maliligayang araw ng bakasyon..

dhee and angel, kinarir ng lola mo eh.. hehe or else, walang bulaklak sa church!!!

mafia, nagpalit na ba ng date? sige update niyo lang ako ha... buti na lang nalipat, kasi nagPM sa akin si Mr. Blue.. may kailangan ata siya.. di ba sa april 30 kasal niya.. hintay ko pa nga reply niya eh.. baka kailngan ng emcee..

 opo yata, sila sis kendi ri. kasi kasama sa planning... pm mo rin kaya sya... dahil walang pasok, mobile like ako, at hindi masyadng madali magpm sa mobile... ;p will also ask...

lapit na pala si bro blue, pati si sis tala... yipee!

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #86 on: April 24, 2011, 01:11:49 pm »
hi po kay sis angel... welcome po. stay tuned lagi dahil mabilis ang turn around time ng mga poss dito :)

holy week: thursday, bahay lang watch lang and had a date with mah pillows, friday, bahay lang ulet at luto ng palitaw tapos pillows pa rin, saturday, nagpasunog, at nagswimming sa bulacan, and now, house lang muna, tapos pagmejo wala nang araw, punta lang sa cubao to get aloe gel

wedding preps: hindi pa rin umuusad, booking rei is still the latest update. wala pa ring diy for the preps... pero may mga plans na

up this week, maraming nakaline up... and i just learned na fully bookedna lahat ng weekends ko this may... o davah?

iamruthie

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #87 on: April 24, 2011, 01:59:06 pm »
Happy Easter Sunday, peeps!

Here's my holy week update:

Maundy Thursday - visita iglesia with the whole family of h2b. We started sa forbes and ended in Christ The King around 11PM then headed to Libis for a late dinner.

Good Friday - early morning we woke up since h2b wants to go home sa Pampanga. First time ko kasi mawiwitness yung mga nagpapaspas sa likod so we went nga around 6am he drove down the NLEX then stop over kami sa Burger King for some breakfast and nakarating sa vacation house nila ng maaga. Andun din mga tito and tita ni h2b plus mga pinsan so masaya naman.

Black Saturday - back to Manila ng late afternoon, Nag pasalubong hunting muna for some Pampanga's Best goodies then went straight to my mom's house. Not realizing na may dinner pala sila sa MIL naman ng ate ko so iniwan na lang namin yung mga pasalubong.  We went home na kina h2b habang naghihintay uli mga brother and SIL.

Eto ang maganda: hinintay pala ako ng dalawang SIL dahil magbobonding kami ng mga girls.  We had footspa and nail care pare-pareho. mga 8PM na yun habang binabaybay namin ang trinoma and back to congressional (dashing diva is closing na kasi late na daw and fully booked na sila). So si 2nd SIL mega drive na naman tapos nauwi nga kami sa isang nail spa malapit sa village namin. After that (and some picture takings), we went out for a late dinner along Visayas Ave.  hehe..

Habang sila h2b and the dad and brothers with their mom nasa coffee bean sa technohub nagbobonding ang immediate family hehe.. sinamantala habang ang mga manungang na babae e nagpapa spa.. hehe..

Now... back to reality ..
« Last Edit: April 24, 2011, 05:42:04 pm by iamruthie »

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #88 on: April 24, 2011, 04:47:13 pm »
good afternoon sissies! happy easter! :)

buti pa kayo maraming narating ngayong week na to.. ako sa house lang, nag aadik sa DIY projects. :)

nag church lang kami ng family ko kanina tapos daan sa mall saglit kasi naghahanap ako ng round corner punch, nakakaloka, wala sa national eh. meron sa office warehouse kaso nakakapanghinayang kasi nasa 350 siya, eh ngayon ko lang naman gagamitin. alam ko merong maliliit na versions nun eh, sana makahanap ako ng mas mura, hehe.. galing din kaming tabora, bumili akong ribbons saka nagtingin-tingin.. ang luwag sa tabora ngayon, nakakaaliw. :) merienda muna.. ;D

rjaye_2000

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #89 on: April 24, 2011, 06:21:36 pm »
^^ sis dhee-hee kahit sa office warehouse 300+ din ata. balak ko din sana gumamit noon sa wedding invites namin kaso hehe.. ang naaliw ako sa one-hole puncher na binili namin at sa paper trimmer na tig100 ang isa.  ;D speaking of DIY invite malapit na kami matapos sa final template. mukhang 6 pages per set ang aabutin.  ;D

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #90 on: April 24, 2011, 06:28:23 pm »
^yup sis, parang 329 something ata siya kaya nanghihinayang naman ako. ako rin one hole puncher nalang binili ko, hehe!

rjaye_2000

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #91 on: April 24, 2011, 06:35:11 pm »
^^^ sa sobrang aliw nga ni h2b nagkukunyari na konduktor ng bus..tawa ako ng tawa. btw katakot iyong blog ni sis pixiedust regarding pamahiin no. talagang di mo masasabi ang kapalaran mo.  :-\

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #92 on: April 24, 2011, 06:54:11 pm »
happy easter mga sis!

re: holy week
tuesday - half day sa office then punta sa sorsogon nung gabi...kakangawit ng leeg!
wednesday - went to donsol beach for butanding watching! ang saya! scary kasi ang laki pero kakaaliw sundan ng langoy haha
thursday - went to ligñon hills para magzipline si SIL (bawal kami ni h2b, wag na tuksuhin ang tandhana sa mga pamahiin baka) and visita altares nung gabi
friday - rest day...and nanood lang ng prusisyon nung gabi
saturday - beach time kaya eto nita negrita na naman! then uwi na nung gabi
sobrang kapagod itong week na to pero sobrang saya! nasira ang diet ko dahil grabeng asikaso namin ng aming future ninong and ninang, puro pagkain yumyum!   ;D

usapang DIY:
nagpunta kami kanina sa japan homes, and may nakita akong tissue paper na laging nababanggit sa paggawa ng pomanders..bumili ako isa lang muna para matry, mahal din kasi e kung tutuusin. may nabili rin akong parang door hanger, balak ko gawin na parang door tag (bride / groom)

usapang pamahiin
marami rin samin nito, yung iba sinusunod lang din namin, yung iba keri lang. basta tipong di makakaapekto masyado samin and feel namin wala naman masama kung gawin e ginagawa namin.

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #93 on: April 24, 2011, 07:24:18 pm »
I'm baaaaaaaaaaaaaaaack!!

Successful ang sacrifice ko. Hindi ako nag-internet since nung umalis kami. Inooffer pa nung bf ko sa province yung sun usb nya pero di na oi! minsan lang ako matahimik! hehe

kumusta na kayo mga sisses??!? i so miss lahat kayo!

sa mga bagong pasok - enter lang mga sisters! at ha? minu-minuto eh updated ito. pag minsan pa, segu-segundo kaya masanay na kayo. if you need help, dito lang kami.

camy bday - what time ba magkikita kita sa trinoma? ok na ba yon? ano suggestment nyong gift?

wedding crash - ano na rin update dito? gora ako kina kaice. pwede mcdo, pwede sa reception. let me know kung sino mga kasama.

wait! dinner muna..kfc! namiss ko ito!!!

iamruthie

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #94 on: April 24, 2011, 07:31:20 pm »
what time uli yun kay camy? eto nga sorry ha. May 1 ang alis ni daddy (ni h2b) so lahat kami maghatid sa airport. but I think aabot kami sa bday di nga lang on or before 3pm.. yesterday ko lang nalaman kasi..

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #95 on: April 24, 2011, 07:50:06 pm »
^bakla! daanan nyo na lang ako sa office non.. 2pm ang labas ko.. dun lang ako sa may PACGOR eh.  ;D

iamruthie

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #96 on: April 24, 2011, 08:07:42 pm »
hahaha.. confirm ni h2b ang tamang oras ng paghatid until tuesday tas balitaan kita kumare!

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #97 on: April 24, 2011, 08:20:17 pm »
^sige mare..kahit hanggang saturday mo pa ako balitaan!

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #98 on: April 25, 2011, 06:37:50 am »
ako na last post kagabi, ako pa first post ngayong morning.

GOOD MONDAY MORNING BEAUTIFUL BRIDES OF 2011 (AND MGA 2012 NA DUMADAAN DITO)!


carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #99 on: April 25, 2011, 07:06:06 am »
good morning mga gandara parks!!!

hano neh?! namiss ko kayo ha.. sa sunday na ba yung bday ni camy?

rio: thanks ulit sa number ni mr. blue. kaso tipid talaga mag reply.. ayun nga ngback out pala yung nagvolunteer na emcee kaya kinontak niya ako.. buti na lang libre ako next week...

tuloy po ba ang kitaan sa trinoma bago pumunta ng bday ni camy?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close