watch now

Author Topic: How To Deal with Maldita(s)  (Read 10625 times)

Glam21Vylet

  • Guest
How To Deal with Maldita(s)
« on: April 21, 2011, 10:14:09 am »
Hi sissies,

I am having a problem dealing with my uncle's live - in partner. They are living in my grandma's house so there's no way I can't encounter her. Dun ako kumaki and dun ako nag stay every weekends or holiday. She is so maldita na iniirapan ako or pag nakita ako lalapit sya sa nearest door to slam it. she's also making parining and naiinis na ako. Mayabang sya sa family namin kasi ang dami daw connection. She's working as a government employee sa lugar namin and as far as I know sa Office of the Governor pa. Madami din daw syang kilala na pulis.. power tripper sya talaga.. We had an encounter before na sinita ko na sya kasi lahat ng caregiver ng lola ko inaaway nya, pinapalayas kaya naiiwan ang lola ko na mag isa..

Can you give me ideas on how to deal with her.. Deadma is the least na ayokong gawin

Thanks in advance

emeenem

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #1 on: April 21, 2011, 11:58:19 am »
Be extra sweet to your uncle. Lagi kang dumikit sa uncle mo para mairita siya lalo. Or why not maging plastic ka sa kanya?

Btw, alam ba ng uncle mo ugali niya? Inaapi ba niya lola mo?

Bakit ka daw iniirapan? What is the root cause of this? Hindi mo ba siya tinry kaibiganin before?

Glam21Vylet

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #2 on: April 22, 2011, 02:10:41 am »
^ Hi sis! I can't be sweet sa tito ko kasi lagi silang magkasama.. He knows everything pero wala syang ginagawa kinakampihan pa nya.. Kahit yun sa lola ko ganun din. before binabastos nya ang lola ko, pero since d na nakakabangon si lola di na nya nakikita kaya wala syang magawa.

I tried to be nice to her actually ako lang nga ang naging nice sa kanya then after I confronted her sa mga ginagawa nyang pananakit at pagpapaalis sa mga caregiver at nurse ng lola naging ganon nadin sya sakin. pag makikita nya ako she'll slam the door and parinig na or irap ng irap.

Just this 3:30PM di na ako nakapigil. I was about to buy a medicines for my lola. Nagpaalam lang ako sa lola ko but nagkasalubong kami, again she slammed the door kasama ko si mama kaya nakita nya. after that lumabas nadin kami agad ni mama. Yun pala inabangan nya kami, nagparinig sya ng below the belt na.. mga tipong napapanuod sa TV na bad with halakhak pa ni celina (mula sa puso). Minura nya si mama ng sinabihan sya ni mama na tumigil an at di nya bahay yun bumibisita lang kami sa lola. nang minura na nya si mama dun na ko nagalit ng sobra because my mom is sick.. sinabunutan nya ko at sinipa... tsk.. first time ko really... binantaan nya kami na ipapapatay daw at madami syang kilala.

Nagpa blotter na ako sa police and barangay. sana hindi mapulitika.. I have 3 bukol and kalmot.. tsk...

raven03

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #3 on: April 22, 2011, 02:37:50 am »
Grabe naman yang babae na yan, hanep sa ego-tripping pati sa hindi niya pamilya eh naghahasik ng lagim.

Maglagay kaya kayo ng camera sa bahay paa ma-record talaga lahat ng kabulustugan ng sampid na yan. Oo nga pala, how come hindi sila nagpapakasal ng tito mo? Isa ba sa kanila eh married? Naku, if yes and if you really wanna be bad, record them doing thr deed, use it to blackmail her na kapag hindi niya niyaya tito mo mag-move out eh ikakalat mo. Then sabihan mo you have a secured copy na lalabas if any of your family members get hurt. Ayan parang soap na.

I'm giving the above advise kasi sabi mo ayaw mo ng deadma. Pero choice mo rin naman kasi to turn na lang the other cheek, although as of your latest post mahirap na kasi nagkasakitan na kayo.

Glam21Vylet

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #4 on: April 22, 2011, 03:13:27 am »
Married sya with a kid kaya hindi sila pwedeng pakasal.. Nice idea sis.. san kaya ako makakabili ng cam na di installed obviously..

mooncake and leaves

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #5 on: April 22, 2011, 03:34:21 am »
^ hindi na maldita yan. psycho na.

married siya with a kid? nyaha eh di puwede siya makulong. sira pala siya eh, ang tapang niya umasta eh siya yung madaming gulo sa buhay.

sabihan mo uncle mo. kontrolin niya yang babae niya. eh silang dalawa na puwedeng kasuhan diyan kaya kelangan magtino sila. wag mo i-blackmail but remind them that they've got a lot more to lose if they keep messing with you guys. :P

P.S.

may term sa uncle mo: "may t__i pero walang b___g."

:P

Glam21Vylet

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #6 on: April 22, 2011, 09:48:45 am »
^Yes sis Married with a kid. wala na talaga.. sya talaga kinampihan ng tito ko..

Di na kami makapunta sa lola ko.  :(

emeenem

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #7 on: April 22, 2011, 09:50:27 am »
parang sa pagkakaintindi ko, gusto na niya mamatay ang lola mo. may kinalaman ba yan sa mana? oh ayaw lang niyang may ibang tao dun sa bahay nila?

Glam21Vylet

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #8 on: April 22, 2011, 10:26:15 am »
Yun din ang tingin ko.. Gusto na nyang mawala ang lola.. nahihirapan na ko kung paano makakapag deal sa kanya..

emeenem

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #9 on: April 22, 2011, 10:32:41 am »
Mayaman ba si lola mo? Why not tell your lola to make a will na lang hanggat buhay pa siya. Yung hindi kasama ang tito mo.

Gawa ka ng fake account sa fb using her photos and info tapos siraan mo siya. Kunwari makipagflirt ka sa ibang guys. Istalk mo siya. I'm sure may baho yan.

Glam21Vylet

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #10 on: April 22, 2011, 10:46:53 am »
Yes sis, pero hinati na ng lola ko sa kanila mama..

Good idea sis gagawin ko na sya ngayun :) Salamat!

msTiKtac

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #11 on: April 22, 2011, 03:09:43 pm »

^sis, ang ganyang klaseng tao, matindi ang sekreto niyan, Nanlalalaki eh, makati, di na nakontento sa asawa niya.    kaya dinadaan kayo sa sindak, para hindi kayo makalapit, at magtangkang laitin siya.   Takutan lang ba... matira matibay. 

ang pagka psycho niya, wag mong lamangan ng pagkapsycho din, kasi madali lang ipaikot ang lahat, mabintangan ka pa kung bakit ka nagstastalk at naggawa ng fake accounts.  if i were you, magparinig ka din.  gaya ng gawa niya.  kung nagslam siya ng door, magslam ka din... dapat mas malakas  ;D  wag niyo na ipamukha sa kanya na di niya bahay yon, kasi hindi eepekto yan sa mga psycho, lalo lang yan mang-iinis.

btw sis, bakit ba siya galit sa inyo? bakit ba minumura niya mama mo? 

Glam21Vylet

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #12 on: April 22, 2011, 04:07:57 pm »
^ actually sis galit sya sa lahat ng tao sa bahay kahit maid or nurse galit sya..

msTiKtac

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #13 on: April 22, 2011, 06:00:14 pm »

naalala ko tuloy ang kapitbahay namin dati.  ganyan din, maldita na wala sa lugar.  kung umasta, akala
mo may-ari ng compound, gusto niya pinagbubukas sila ng gate, eh may susi kaya kami sarili sa gate each unit.  so dapat sila ang magbubukas.   

ganyan din, si lalaki single, si babae married with 1 kid.  unannulled.  ubod ng paranoid si babae, galit siya sa amin lahat dahil bakit daw binabasa ang sulat niya, eh we only share one mailbox, so natural titingnan lahat ng sulat kung meron ba kami dun.  dun namin nalaman, unhappy wife pala ito, at binabahay siya ng kanyang single bf.  takot malaman ang totoo at matsismis, kaya lahat kaaway.  always on defensive mode.  akala mo naman api.  siya lang naman ang nagpababa sa sarili niya.   ;D

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #14 on: April 22, 2011, 11:36:48 pm »
Kung ako sayo gawin mo lahat ng advice dito.
Sindakin mo rin ang maldita,
yang ganyang klaseng tao di dapat dinedeadma kc di titigil yan.
Nuknukan ng bastos pati mama mo minura, sino sha sa akala nya? Marami daw koneksyon pati pulis? Baka naman kc pati parak nilalandi nya?
Hay sori naasar lang talaga ako.

Glam21Vylet

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #15 on: April 22, 2011, 11:49:57 pm »
May "hearing" (not sure kung ano talaga ang term dun) kami sa baranggay hall tomorrow ng 10AM. I'm not sure kung pupunta sila.. I can't handle her sobra ang kapal..

Sobrang tapang nya... nakakaloka ang kakapalan..

Glam21Vylet

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #16 on: April 22, 2011, 11:51:30 pm »
BTW, update sa sabunot nya.. masakit at may bukol ako.. >:(

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #17 on: April 23, 2011, 12:38:54 am »
^naku lumaban ka na sis. Bad na kung bad ako pero mahirap talagang i-tolerate ang ugali nya. Kapal ng apog!

catwomenpower

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #18 on: April 24, 2011, 08:25:33 pm »
kung ako sis para makaganti ka isumbong mo nalang sa asawa nya, tawagan mo sa landline or phone para mawala nsya nang tuluyan sa bahay nyo.Grabe naman sya.

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: How To Deal with Maldita(s)
« Reply #19 on: April 24, 2011, 08:51:03 pm »
government employee sya pero ganyan umasta?! papatayin ka kamo?! pag may nangyari sa inyong masama, sya unang unang suspect, t**** sya >:(

kung ako sayo, sya ipapabugbog ko. Habang dakdak sya ng dakdak dyan, unahan mo na :P

meron din akong "government employee" na kaaway dati. Pinahack nya accounts ko ;D pero wala kasi akong takot kesyo government employee ka man o hindi.. pulis ka o hindi... kung masama ugali ng kaharap ko, masama rin ugali ko. Doble pa. My eye for your TWO eyes and a limb! Ganyan ako gumanti.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close