Yung 6-7K na salary ng yaya anong scope ng work dapat ni yaya?
Yung yaya ko is 4K lang may SSS, Philhealth, Pag ibig, 13thmonth, leave with pay, we shoulder her airfair kapag magbabakasyon siya, regular day off and birthdday bonus. Bantay siya ng anak ko na 4 years old.
As in nagbabantay lang siya ng banta, kung saan ang anak ko nandoon din siya. Pag sleep ang anak ko sleep din siya.
Ayaw daw niya mag laba ng damit ng anak ko.
Medyo pansin ko nagiging tamad na simula na mag FB at nagka boyfriend nang dahil sa FB.
Back to the topic, medyo mahirap na talaga mag hanap na "perfect" yaya. Kaya totoo na malaking tulong ang CCTV.
Sa totoo lang, marami na akong kwento na mga klase ng yaya lalo na kapag fellow mommies na ang mga naguusap:
1. THE HONGKONG YAYA - Ito yung yaya na "4 days at 3 nights" lang ang stay sa inyo eh mag papaalam na umalis.
2. THE OVERDUE YAYA - Ito yung yaya na sabi ay uuwi ng Monday, pero tatawag sa amo na sa Tuesday, Wednesday etc. na lang siya uwi.
3. THE FIESTA YAYA - Ang yaya na mahilig umuwi dahil fiesta.
4. THE REAPER YAYA - Ang yaya ng mahilig umuwi dahil namatay ang pinsan, tiyuhin, kamag-anak, kapit bahay etc. Kahit na hindi pa patay eh pinapatay na ang kamag-anak basta may dahilan lang na makauwi sa kanila.
5. THE KAPUSO/ KAPAMILYA YAYA - Ang yaya na malakas maka-movie marathon sa ABS CBN at GMA. Umiiyak na ang alaga pero ang mata nasa TV parin.
6. THE FOOD CRITIC YAYA - Ang yaya na choosy sa food.
7. THE TEKKIE YAYA - Ang yaya na mahilig sa cellphone, minsan tatlo pa cellphone. Magugulat ka nalang pati Ipad ng anak mo alam niyang galawin at nilagyan pa niya ng wallpaper ni Coco Martin ang Ipad ng anak mo.
8. THE FB YAYA - Need I say more?
9. THE BEST ACTRESS YAYA - Ang yaya na mahilig kang iyakan para makapag cash advance kasi may sakit ang asawa, pang tuition ng anak, sinisingil na ng bumbay etc.
10. THE BUFFET YAYA - Si yaya na lahat ng nakikitang pagkain sa bahay ay kinakain nang hindi nagpapaalam.
11. THE HIGAD YAYA - Ang yayang naging boyfriend na ang lahat ng mga boy, karpintero, security guard sa subdivision ninyo.
12. THE FEELING CLOSE YAYA - Ang yaya na sumasawsaw sa usapan ninyong mag asawa, sa family mo, sa friends mo.
13. THE "IKAW ANG BOSS KO" YAYA - Ang yaya na walang ginawa kundi mag kulong sa kuwarto, ang amo niya nalang gumgawa ng trabaho niya.
14. THE SLEEPING BEAUTY - Late na magising, matutulog pa sa tanghali, maagang matulog sa gabi.
15. THE "PLEASE BE CAREFUL WITH MY HEART" YAYA - Ang yaya na umaasang maging "Maja" sa buhay ni Kuya (believe it or not, its true)
16. THE YAYA FROM HELL - Ito ang mga yayang nananakit ng alaga, pumapatay ng amo yung mga yaya na gumagawa ng modus operandi.
17. THE HEAVEN SCENT YAYA - Ito ang mga yayang pinapangarap nating magkaroon. Nandiyan siya para tumulong sa iyo, nakakabawas siya sa stress mo. Your third arm, your eyes, your ears... loyal sa atin, higit sa lahat mahal na mahal ang anak mo. Parang "on call" assistant, walang reklamo sa work, sinasabi mo palang eh tapos na niyang gawin. Parang DARLA ni Kris Aquino sa buhay mo.