watch now

Author Topic: saan kayo kumukuha ng yaya?  (Read 116248 times)

hunny_ally

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #200 on: June 21, 2013, 03:37:28 pm »
momentum, I didnt get to go out that much anymore when I was alone in the house. Mahirap ihandle 3 kids alone. I don't know the number of the one who referred. Nakikita ko Lang siya sa lobby. Come to think of it, I dont see the "referrer" around anymore. These info I got from the other yaya na kapitbahay nila.

Scubadoobidoo

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #201 on: June 22, 2013, 10:36:12 am »
Whether you get your maid from referrals or agency its not a good thing to trust a stranger who you just met. All our maids are referrals pero they dont have our trust...they have to earn it. It helps that we have CCTV sa house. We view those videos pag ang maid mag isa lang sa house...they can tell alot about the personality of your maid.

m0mish

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #202 on: July 14, 2013, 09:30:16 am »
ako naman mga sis ayoko talaga sana kumuha ng mag-aalaga sa baby ko kasi i had a very bad experienced sa yaya namin when i was a kid.. like linulublob ako sa drum kinukulong ako sa banyo, pinapaso ng sandok sa tuhod that's why i have scars on my knees, nagdadala ng folding bed sa kalsada at hihiga sya hang nagyoyosi kasi tapat ng basketball court, i was only 7years old back then. Pag naglalaro kami she used to cover my face with our big pillow! Marami pang abused ang naranasan ko sa kanya and t he worst was, may gusto sya dun sa kapitbahay namin and she told me to give some flowers to him but i refused and she scolded at me that was so loud that it made me cry so i followed her instruction, i went to our neighborhood's house at naliligo pala yung lalake so i returned home again and she was so mad that she even get a knife and tinututok nya sa akin and papatayin daw nya ako pag di ko sya sinunod syempre bata pa ako non i was so scared at nanlalamig talaga sa takot so kahit nakakahiya pinuntahan ko yung lalake at i knocked and gave him those f******* flowers! kaya sabi ko di talaga ako kukuha ng yaya pero kinain ko din yung sinabi ko kasi my mama has a rheumatoid athritis (sorry di ko alam spelling) sobrang namamaga na mga kamay, tuhod, at papa ng mama ko nahihirapan na dins sya pag-aalaga ng baby ko and may work kami pareho ng husband ko, yung sis ko may work din nasa dubai, so kinontak namin yung kapatin ng husband ko at ni-refer yung pamangkin nya. may experience na daw yun sa pag-aalaga at take note husband ko din nag-alaga sa kanya nung bata pa sya so kampante na ako.. eto na binilhan din namin sya ng 1-month supplies nya at wala kami pina-kitang mali sa kanya, naku walang kusa, kahit paulit-ulit mo turuan di nya nakukuha, malikot ang kamay pati ipon namin kinukuha nya yung nasa ti-lilimang piso lang naman pero kahit pa ipon namin yun.. and uminom ng tanduay ice yung natira ng husband ko nung party ng  baby ko napaka-pasaway talaga! Nung bumili ng pandesal inabot ng 1 hr.. at marami pang-iba ang sabi namin mag-aalaga lang talaga sya ng baby pati lahat ng about sa bata like paglalaba ng damit ni baby, paglilinis ng bote pag pasyal sa kanya pag wala kami pero di nya ginagawa ng maayos haaayyy... kaya pinauwi na lang namin talaga.. may history na pala sya dun sa province namin bat ni-refer pa nung sister ng husband ko well lesson learned din.. kaya sabi ng nanay ko kahit mahirap kami na lang daw mag-aalaga mahirap talaga magtiwala sa panahon ngayon.. gusto sana namin yung kasambahay nung kapit bahay namin 15years na sya dun at kilalang-kilala na namin sya kaya lang mataas na rate nya.. sabi ko sa husband ko pag yumaman kami pipiratahin namin sya  ;D
« Last Edit: July 14, 2013, 09:33:17 am by m0mish »

momentum

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #203 on: July 15, 2013, 06:31:25 am »
^ omg sis kawawa ka naman nung bata ka!  :o :'( nasumbong mo ba ito sa parents mo yung mga pinaggagagawa ng yaya mo sayo? omg pwede siya pakulong..kakatakot siya..


ako rin may bad experience ako sa yaya ko before..i dont recall what my age was then but I remember that tinuruan niya ako, my sister and pinsan to smoke! she taught us we can use a sheet of paper..tinuruan pa pano i-roll tapos sisindihan yung dulo then puff na..omg.. :o buti hindi ako naging smoker coz of that..I think I was less than 10.yo back then..
« Last Edit: July 15, 2013, 06:39:30 am by momentum »

m0mish

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #204 on: July 15, 2013, 08:02:55 am »
^^one time sis nasumbong ko sya na pinaglaba nya ko ng blanket kasi yung lil sis ko nun eh gumagapang sabi nya bantayan ko daw at pag umiyak ako daw ako paglalabahin nya yun umiyak tong kapatid ko kaya pinaglaba nya ko.. sinumbong ko sya sa mama ko at habang pinapagalitan sya ang sama ng tingin nya sakin sabi ng mama ko "wag kang titingin-tingin ng masama dudukutin ko yan!" after ilang days pinaalis na rin ng mama ko.. yun lang yung first time kong isumbong sya kasi dati takot na takot ako kasi everytime na kakain kami huhugasan nya kamay ko tapos sinasabi nya na wag daw akong magsusumbong kundi patay ako sa kanya pag-alis ng parents ko tapos everytime dadaan papa ko kunyari naglalaro kami sa gripo.. up until now pag napagkekwentuhan namin ng mama ko nun sabi nya kahit ngayong may asawa't anak na ko at nakita nya yun bubugbugin pa din daw nya hehe sweet ng nanay ko.. pati mga auntie ko galit na galit nung nalaman yun.. kaya ayokong mag-hire ng yaya kung di ko kakilala ng lubusan.. ako pa naman basta tungkol sa mga bata masyado ako emosyonal like pag may nakikita ko sa daang or napapanood sa t.v. na mga batang sinasaktan or nakakaawa talagang umiiyak ako lalo na ngayon na nanay na ko ang sakit sa dibdib literal  :'( kaya mga sis piliin natin mabuti ang iha-hire natin mga yaya mahirap na talaga sa panahon ngayon ang magtiwala agad.. like sa mga nababasa kong news abroad nakaka-shock yung cctv footage nila ng mga nannies na inaabuso yung mga bata lalo yung mga 1month old babies kakaawa talaga...

Buti sis di ka natutong mag-smoke grabe talaga sila trip kung trip..

momentum

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #205 on: July 15, 2013, 12:18:15 pm »
^ aww sis kakatakot talaga yung yaya mo. hays kahit ako ganun din sasabihin ko if I were in your mom's shoes..don't worry sis, im sure kinarma na siya or kinakarma na siya sa mga ginawa niyang nung.  >:(

yeah buti hindi nga ako naging smoker. loko talaga yun

m0mish

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #206 on: July 16, 2013, 07:40:38 am »
^^ oo nga sis yaan na lang natin sya at si God na bahala sa kanya.. haaayyy ang hirap naman maghanap ng yayang mapagkakatiwalaan, marunong magluto, masipag, madiskarte, mabait, hindi malikot ang kamay, magalang, honest, maingat, at hindi nakikipaglandian sa guard, construction workers, kapit-bahay atbp  ;D

ladyisabella

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #207 on: July 26, 2013, 04:19:14 am »
anyone na may kakilala pwede mag stay in kasambahay/yaya? please message me. TIA! :)

angelina08

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #208 on: July 27, 2013, 12:43:21 am »
i am also currently looking for a maid, i have tried using agencies before, but beware of agencies because some of them don't even really screen the maids and just give whoever, right now im trying to look for one online

Kady_14

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #209 on: August 14, 2013, 06:35:03 pm »
Any recommended agencies?

Mukhang eto na lang ang swerte natin sa sobrang hirap humanap sa ngayon.

AnJelatine

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #210 on: August 22, 2013, 05:17:57 pm »
http://www.maidagencyphilippines.com/ :) Hindi ko pa na-tawagan or na-try. Nakita ko lang habang nag research-resaerch ako.

Coffee_lover

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #211 on: August 23, 2013, 07:13:23 am »
Haaay salamat nakakuha din ng yaya! Narecommend ng kapitbahay namin.. may isa pa sya kasama na naghahanap din ng work pero bata pa 18 pa lang daw.

swt_fem

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #212 on: August 27, 2013, 10:46:17 am »
Sisses, naghahanap din ako ng yaya. Baka may marerefer kayo.. Please let me know. My number is 09053310956. All around sya: laba, linis, luto not so much and bantay sa 3-year old son ko from morning until mga 2pm. After that, kaming magasawa na ang bantay magdamag. Starting salary is 3k.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #213 on: August 27, 2013, 10:40:24 pm »
I'm getting a yaya this weekend (hopefully). Nirefer ng maid ng colleague ko. I hope matuloy and sana ok if ever.

2wyx03

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #214 on: August 29, 2013, 09:06:33 am »
i'm looking for a helper as well, not really a yaya as i want to be the one who will take care of my baby, household help lang talaga and hindi stay-in, parang she'll be working lang reg hours, like maybe 8-6pm. sana yung taga makati lang. if you know someone, pls pm me.

hirap din kasi talaga to just get from an agency, lalo na most of the bad news on tv about yaya/helpers, galing pa talaga sila sa agency, nakakatakot na tuloy  :(, mas okay sana kung may kakilala talaga that you can trust na magrerefer.

Halee

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #215 on: August 29, 2013, 10:04:17 am »

Referal of my sister (former student). My baby is just 6 months pero naka 2 yaya na sya. Yong isa umuwi sa kanila kase namimiss ang bunso. Ayaw ko rin naman sya kase hindi malinis sa baby at tamad maglaba ng damit. Kung anong damit ni baby sa umaga pag-uwi ko from work at kaskype ko sila eh yon pa rin ang suot. Tong second (hopefully she’ll last) is turning 4 months na samin. She’s just 17y/o kaya parang niece ko lang. Non ngbakasyon ako inobserve ko sya kung paano alagaan si baby, marunong naman. It’s her very first time to work. Since bata pa dapat pa ring i-guide from time to time.

I just read a yahoo article about the kasambahay bill this morning, mejo mabigat bigat na responsibilities for the employers. 

imeego

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #216 on: August 29, 2013, 10:45:08 am »
my baby's yaya has been with us for more than 2 years already...dati syang all-around helper ng MIL ko...when we moved to our own place sya na ginawa naming yaya and so far, satisfied ako sa kanya, maalaga sa bata, matyaga, may kusa at may common sense.  few months ago, yung younger sister naman nya ang pumasok sa amin as an all-around helper so magkasama na sila dito sa house, and pareho silang ok, so far satisfied talaga ako sa kanila kaya  wala pang 6 mos binigyan ko na silang 2 ng salary increase ;)

momentum

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #217 on: August 29, 2013, 11:44:28 am »
^ swerte mo sis

kami din magkapatid yung nagwowork samin. first month palang nila we increased them both na, then last 15th i increased din may yaya uli and yung maid sa end of the month. so far okay yung maid for my lola, kaso sa yaya ko ako hindi ok, mareklamo and sinungaling  >:( planning to get rid of her soon

Kady_14

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #218 on: September 13, 2013, 07:06:17 am »
I have a new one. Referred by my on-call stay out. Hipag ng asawa nya, basta ganun.

Naku narinig ni Lord ang dasal ko. (I prayed that sana makakita ako ng angel kagaya nun long time maid ko)

Swerte, she's a year older than me. Hiwalay sa asawa, me isang anak. Super sipag, masarap magluto, Speaks English (worked in Jordan and in SG) mabait, di siya nananamantala ng pagkain (ok lang naman kaso minsan me mga OA kasi) Malakas lang siya sa kape. Keri lang ill buy her isang drum, willing to pass on that kasi dami naman advantages with having her. Ma abilidad, isang utos or when I give instructions and directions, kuha nya agad. She budgets din our grocery - dito ako bilib sa kanya. Sanay siya sa dogs, di takot. I have 5 (2 Labradors, 1 Rottweiler, 1 Beagle and 1 Aspin na 12 yrs old na)

I hope she stays. Kasi nga nakapag abroad na so baka eventually mgpaalam na mag-aabroad na. I told her she can opt to save her days off and if naipon na nya I can send her home for a short vacay. She's from Tabuk, Kalinga (Syempre di nya yun pwede gawin if she's abroad kasi me contract sila min of two years) She happily agreed kasi wala naman daw siya pupuntahan din dito sa Manila or meron man, siya pa gagastos like for meryenda. hehe...
« Last Edit: September 13, 2013, 07:08:20 am by Kady_14 »

2wyx03

  • Guest
Re: saan kayo kumukuha ng yaya?
« Reply #219 on: September 13, 2013, 10:11:34 am »
^sis Kady_14, where did you get your stay-out helper?  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close