watch now

Author Topic: Help po. I know its OT :/  (Read 6465 times)

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Help po. I know its OT :/
« Reply #20 on: May 09, 2011, 06:29:06 pm »
naka-experience din ako buong highschool years kasi nilipat din ako ng parents ko sa mas magandang school. wala akong friends at ang hindi ko malimutan ay wala akong karapatan na baguhin ang hitsura ko kasi mang iinsulto sila once na mapansin. naalala ko sa loob ng 4 years eh hindi ko pwedeng ilugay yung mahaba kong hair kahit basa kelangan i-ponytail ko. kasi pag nakita nila na naka-lugay ako eh lolokohin ako. parang ang feeling ko sila lang ang may karapatan na gumanda.  ;D pero nung 4th year na ako pinagupit ko na yung buhok ng hanggang tenga. kaya ayun ang panget ng grad pic ko para akong si Jose Rizal sa iksi ng buhok.
nagkaroon din ako ng 5 friends na kagaya ko rin, mga tahimik din at laging nasa sulok lang.
pero nung nag college na ako na-overcome ko na, tapos yung mga bago naman na galing sa public highschool ang inaapi. parang paulit ulit lang.  ;D

MartyneWiston

  • Guest
Re: Help po. I know its OT :/
« Reply #21 on: May 09, 2011, 07:02:06 pm »
^Nako, medyo pareho pala tayo :P Lagi nga nila pinapansin ginagawa ko. Super hate ko tong isa kong kaklase kase lagi ako tinatawanan,  binubully :( First time ko kasi ahaha. Sa prev school ko kasi very warm, friendly at simple. (Yung batch ko. Pero may isang batch na kaugali nong new schoolmates ko :-\) parang 360 super opposite. As in, di ko magawa gusto ko kase ijujudge at ipapahiya talaga. Parang sbrang baba ng tingin nila saken :( Hindi ako makapagparticipate sa class. Tapos etong higher class e wala naman ako ginagawa sakanila pero they keep calling me in a diff name :( Pwede pa ba lumipat kung sakali? Kasi May na, Lapit na pasukan.. Pero sana pwede pa Pls Plss Plsss

PerfectionNDVanity

  • Guest
Re: Help po. I know its OT :/
« Reply #22 on: May 09, 2011, 09:46:16 pm »
Hi Sis  :) Sa pasukan, 3rd yr HS na ako. Alam mo sis, magulat ka, public school lang itong pinapasukan ko. Eh nako naman! HALOS KARAMIHAN ng mga estudyante dito eh napaka mapang asar at mapang lait! Akala mo sila perpekto at walang ka lait lait.  :P Hmm medyo mahabang storya talaga to eh pero iiksian ko na lang.

Tahimik talaga ako pag sa School. Yung mga classmates ko, parang tingin saakin "walang kwenta" dahil tahimik nga at hindi nakikisama sa kalokohan nila. Pero nakikisama ako sa mga matitino. Hindi man kami mayaman pero tinuruan ako ng magulang ko ng mga tamang behaviors, mangarap at ipakita ang magandang background ng pamilya namin. Tuwing tatanungin ko sila, halimbawa "Ano ba yung score ko?" (pag sila yung nag check ng quizzes) Ang sasagutin nila "Ewan ko sayo/Malay ko sayo" Ang sakit diba. Pero pag iba yung magtatanong sasagutin nila ng tama.  :( Buti na lang merong DALAWANG matitino sa classroom ko. At sila ang itinuring kong mga kaibigan. Tahimik din sila gaya ko. At inaapi-api din sila. Minsan nga naiiyak ako eh..Tapos pag nakita nilang nag aayos ako, nag susuot ako ng magandang damit, inaasar nila ako. Parang ayaw nilang natatabunan sila. Minsan nga pag katabi ko yung mga flirty girls/mean girls sa classroom, yung mga boys ikukumpara ako sakanila, inaasar nila ako tapos biglang pupuriin naman yung katabi ko. Ang sakit sobra. Kahit alam kong wala akong ginagawang masama sakanila.Alam rin naman ng mga teachers ugali nila halos lahat nga ng sub.teachers ko pinapagalitan ang klase namin dahil masama daw ang ugali. Pati guro hindi iginagalang.

Parang impyerno nga itong napasukan ko eh. Kaso pag lumipat ako ng ibang school, magmumukha akong talunan sakanila. Hindi naman ako masyado magpapa apekto dahil lang sakanila noh. Hindi ako mamamatay dun. Pero hinahayaan ko na lang.  "Love your enemy" ika nga. Basta ako. Hindi naman ako nagtatanim ng galit sakanila eh. Oo, nagtatampo ako minsan at nasasaktan. Pero hindi ko balak na gantihan sila. Hinahayaan ko sila. Nagdadasal ako kay God palagi. Isipin mo na lang karamihan ng tao ganun na talaga. Nang aasar palagi. At isipin mo rin na "Immature" o kaya "Insecure" lang ang mga iyon.  :) Basta aral lang talaga ng mabuti. Hayaan mo sila gumawa ng kalokohan. Tignan natin sa future kung sino naman ang mas respetado diba? Hehe.  :)

Medyo mahaba ata yung sinabi kong iksian ah. LOL.  ;D Sensya na po ngayon lang po 'to. xD


MartyneWiston

  • Guest
Re: Help po. I know its OT :/
« Reply #23 on: May 14, 2011, 09:02:22 pm »
^ Sorry.. "Tignan natin sa future kung sino naman ang mas respetado diba?" Haha :D Buti ka pa kaya mo hindi gumanti. good for you, you are so optimistic and such a forgiver :) Sana ganan din ako haha. Sobrang unfair kasi ng buhay ko lol. I think my life is pointless and everyone thinks that i'm hopeless :P Its pretty awful na di ko maexpress sarili ko. Tapos lagi ako minamaliit at lahat nalang ng gawin ko pinapansin ren. Kapatid ko naman yung nanloloko sa pananamit ko. When we're going out as a family, they always laugh on what i wear. Its nothing weird or sosyal. Just a sleeveless at pangpatong. Pff, Tapos lagi pang mainit ulo saken nong bunso. di ko na nga kinakausap. nagagalit pa den. tapos lagi nila ako ineexclude. wawa naman ako, loko loko nalang buhay ko. Bla Bla Bla :(

PerfectionNDVanity

  • Guest
Re: Help po. I know its OT :/
« Reply #24 on: May 17, 2011, 11:17:41 am »
Ganyan talaga life sis. So unfair! LOL  ;D Pasensya na dun sobrang haba ata ng aking na ipost haha. Kinuwento ko lang naman yung experience ko kasi medyo parehas tayo ng napagdadaanan.  ;) Hmm Sis, siguro tayo rin muna ang mag adjust sa sarili natin. Kasi nga, yung nangyari saakin, syempre nasasaktan din naman ako, pero ako na talaga ang nag adjust sa sarili ko tsaka ginagawa ko talaga lahat ng tama at iniiwasan ko yung mga bagay na mapapansin nila at yung malalait nila. Alam ko naman it's normal to us, teenagers.  :) Minsan madali talaga tayo ma hurt. We are teenagers pa naman sis. Kailangan matuto na tayo tanggapin kung ano ang buhay ngayon.  :) Kasi balang araw, mas matindi pa dito ang madadaanan natin eh. Tsaka, nobody's perfect. Talagang nagkakamali at nagkakamali pa rin ang tao.  :)  Basta THINK POSITIVE at ALWAYS PRAY TO GOD. Yun lang ang keys Sis.  :) Good Luck!  :D

slovy

  • Guest
Re: Help po. I know its OT :/
« Reply #25 on: May 22, 2011, 10:17:43 pm »
Ayy to the TS.. I somehow relate with you, ganyan na ganyan din ako dati. Sa school, sa bahay. Umabot pa nga sa point na nag break down ako sa sobrang sama ng loob.  Nong high school ako 1st yr to 3rd yr, victim din ako ng pangbubully ng iisang grupo, meron yung times na nahulog ako sa seawall ng school namin, alam mo yung aaksyon silang ihuhulog yung book sa dagat. siempre pilit ko namang kinuha sa kanya, ayun pagpupumilit ko nahulog tuloy ako. Meron din naiwanan ako ng bus nong field trip namin pauwi dahilan yung pinaka kontra kong clasmeyt, dun kasi ako na belong sa bus kung saan ang group nila. Late kasi akong dumating sa school namin katulad nila kaya pang huling bus kami. May mga kakampi din ako pero katulad ko, nabubully din. Kahit saan talaga meron nyan.

Sa bahay naman namin, simula't sapol nong umuwi ako sa tunay kong mga magulang at the age of 9 (inadopt kase ako nong bata pa ko) grabe iyong trato sa akin ng dalawa kong kapatid, yung sinundan ko at sumunod sa akin (bunso), sobrang layo ng loob nila for me, the way they treat me para akong hindi nila kapatid. Ako lahat gumagawa ng mga house chores kasi wala pa naman kami maid non. Lahat ng gawain sa bahay may sched kami, kung sino nakatuka, parang ganun. Except sa 2 older sisters ko, pass na daw sila sa mga gawaing bahay. Pero yun na nga, yung dalawa kong kapatid ayaw sumunod sa sched lahat pinapaubaya sa akin. Basta talo ako sa lahat ng mga bagay. Sabi naman ng nanay ko, wag ko na daw patulan lalo na ang bunso kasi mas bata. so ok, go!

Pero lahat ng bagay may hangganan, basta na lang din yun. Like nong sa school namin, lumakas ang loob ko since nong may transferee na naging ka close ko, sabi kasi nya na laban daw ako susuportahan daw nya ako, kasi namimihasa daw kapag easy easy lang ako, kaya yun hindi na sila umulit nong isang beses na lumilevel na ako sa taray nila. Alam ko mali, pero kailangan. Kasi kung wala lang ay naku talo ka talaga. Alam mo iyang mga nangbubully malakas lang loob nyan kasi marami sila at puro salita lang din ang mga iyan, try mong hamunin ng suntukan, tingnan natin kung di titiklop yan.

Ngayon yung nambully sakin before, alam ko sa kanya, may 2 anak na puro panganay, lol. grumadweyt man sa nursing, di naman makapasa pasa sa board. yun siguro ang karma nya.

As to my family naman, wala.. talagang api apihan ako dati kaya lumayas ako. pero iyong pag alis ko nagdudulot naman ng magandang simula kasi after ko maglayas nagbago naman silang lahat. kaya ngayon ok na ok na kami. close na sa isa't isa.

TS, di ko sinabi na maglayas ka din ha hehe, may I know how old is your brother? why not tell ur mom na lang about sa lahat ng mga hinanakit mo and para masettle iyan. Dapat din yata mag open up ka sa parents mo sa iyong mga hinanakit kasi maaaring di nila alam. Sana maging ok ka na. I know how you feel. Sad talaga pag ganyan pero sabi nga nila, kapag daw naaapi may magandang kapalit.

CityHunter

  • Guest
Re: Help po. I know its OT :/
« Reply #26 on: May 23, 2011, 08:16:38 am »
Hi, MartyneWiston.

I've been to exclusive schools and I saw such things.  Yun lang mukhang mas malala nowadays as compared to before dahil na rin siguro sa less time ng mga parents to attend to their kids.  Kaya ayun ang daming lumalaking pasaway.

What you should learn is never to run away from a problem IF its for the long haul.  Like in your case malabong pumayag ang parents mo na bumalik ka sa old school mo. 

You should also note that such groups tend to bully only those that they could.  I am not saying maging confrontational ka.  Reverse psychology works for some while sa iba naman play on their fears.  Dahil you will bring that with you when you go out into the world.  Dahil mas worse ang issues sa work environment.  Mas matindi ang sipsipan, sirain, etc.

Maganda yun advice ni slovy as play on their weakness nga.  Most bullies have personal issues kasi and they vent it out on those that they could.  Kaya huwag naman todo ang tira ha.  Takot then understanding factor ang gamitin.

MartyneWiston

  • Guest
Re: Help po. I know its OT :/
« Reply #27 on: May 23, 2011, 01:37:07 pm »
Thankyou sa lahat ng nag advice :) need an advice naman kung pano mag gain ng self esteem at confidence lol. Ayaw ko kasi na habang buhay apiapihan lang. Twing naglalakad nga ako nakatingin pa ko sa lupa, tapos sobrang tahimik at di magaling makipag socialize. lagi pa nakasimangot :P Gusto ko maging confident at magaling makipagsocialize :D

CityHunter

Tama ka, di kasi ao "powerful" never nga ako naging leader at ambaba lagi ng tingin saken. Gusto ko talaga baguhin yon..

slovy
Sorry.. Buti maayos na :) 14 na bunso namin. di naman siya sobrang sama. mabait siya. di ko lang lam kung bakit sa public nila ako lagi  pinapahiya. lagi rin ako gumagawa ng house chores, pero kusa yung akin hehe. naawa rin kasi ako sa mom ko. Di ko na rin sinusumbong kase dami na rin syang problema. In a year dami ng nangyare. my mom is so good, she is a great mom. ewan ko ba bt ang daming obstacles nangyayare samen hehe.


PerfectionNDVanity
No prob sa long post mo :) Binabasa ko lahat ng post ng nandito. your so optimistic! Bigyan mo ko nan :P

 

Latest Stories

Load More Stories
Close