watch now

Author Topic: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world  (Read 15314 times)

i_miss_sleep

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #40 on: July 21, 2011, 08:05:10 pm »
Just sharing my recent ordeal with NAIA 1. Medyo na-late kami sa pagpunta sa carousel where our baggages were taken. And just as 'expected' (cause it happened to us last time!), nawawala ang 2 baggages namin. We had to go through paper work para ilagay ang details ng bag and kung saan 'ishi-ship'. Pagdating namin sa bahay, we got a phone call na natagpuan na raw ang bags namin and it was 'mistakenly' taken by someone daw. At dahil sa ganun yung reason, hindi daw nila malaman kung kanino icha-charge ang shipping! So in other words, bumalik daw kami and i-claim. Hellooo...napaka-unique kaya ng luggage ko para mapagkamalan na sa kanya yun! Sobrang coincidence naman na merong pasahero ng same airline (Hawaiian airlines) na kapareho ng bagahe ko?!

We went there and asked for an explanation kung bakit nawala ang bags namin in the first place. Kase daw, merong flight papuntang Bicol and natangay yung bags namin. Hellloooo....sabi noong una merong kumuhang iba at binalik lang kaya nga di nila ma-handle yung shipping and claiming it's not their fault. Tapos ngayon, yung baggage handlers pala ang may kasalanan. Sobrang abala talaga for us. Imagine, di pa kami nakaka-settle sa bahay eh bumalik agad kami sa airport.

And of course, merong nawala! The big bag of chocolates na nasa front side ng baggage ko ang natangay.

Hay! Pang-welcome to the Philippines talaga!

glendale

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #41 on: July 21, 2011, 11:13:49 pm »
talaga namang poor service ang NAIA. dami pa manloloko. truly the worst airport i've ever seen  :(

jhandee

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #42 on: July 27, 2011, 01:40:43 pm »
I agree!worst talaga pati security....nung dumating yung ate ko from canada...we were walking papunta na sa carpark...from the arrival area....nung malapit na kami sa car...may lumapit na babae and kinausap yung ate ko and sabi nya "ate baka pwede makahingi ng kahit ano sayo" then my sister politely replied na "sorry po kasi wala akong cash and wala pa ang mga baggage ko" nagulat kami kasi biglang sinabi nung babae "Galing kang abroad wala kang pera"??? sa sobrang highblood ng nanay ko eh nasigawan at sinabihan ng nanay ko na hindi sila obligasyon ng ate ko...tapos umalis yung babae ...yung mga guards nakatingin lang...halata namang hindi taga airport yung babae ...parang dun nakatira sa slum area malapit sa airport...imagine nakakapasok sila dun...dapat secured din ang area na yun...tapos ang arrival area sobrang dumi...parang pang terminal ng bus byaheng probinsya ang CR ...kung bagong dating ka at first time mo sa pinas at dun ka bumaba sa NAIA 1 ..maiisip mo kung sa Somalia ka ba bumaba or sang lupalop ng mundo... >:(

Starlust

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #43 on: July 28, 2011, 01:02:17 pm »
It's really in an undescribable state of decay. I'm already dreading my September flight via NAIA 1.

rhia9lam

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #44 on: July 31, 2011, 02:12:29 am »
OMG. Never flew with PAL in the last 5 years. My last flight was disappointing.  Pero hindi ko naranasan yan. Ang naranasan ko 5 years ago was:
- mano-mano yung gate number. as in white board and marker! for some reason, the main board was not working
- ang gulo ng pila sa immigration. i recall may mga tao nakakadaan ng walang tatak. ayoko na i-stress sarili ko sa pagsabi sa kanila na kelangan nila patatak, bahala na sila mamoblema pabalik nila, kung babalik sila sa Pinas
- pagdating naman, pila!  as in ang gulo gulo ng arrival area na pila for immigration. Kasi 3 ata ang flights na nagkasabay sabay.  malas ko lang siguro. pero maski na, hindi dapat ganun.
- pagdating sa conveyor, maryosep, bangga bangga mga tao in all directions. the airport is simply too small to handle international flights. Pero baka recently, hindi na ganun kasikip kasi nagbawas na sila ng flights at mas konti narin lumilipad ng PAL.

Last choice ko ang PAL when flying international. Kahit pa local. May local flights pa ba sila? Kung walang available at PAL lang, am even willing to move my flight date para maiwasan ang PAL. tsk tsk tsk, it should also be voted as one of the worst airlines. Alala ko pa, pag take off ng plane, san ka nakakita na nag-i-incline automatically ang seats sa kalumaan.   ???  Sobrang bulok na airline.  Ang tatanda din ng mga stewardess na na-encounter ko.  Luma pa mga planes.  And having NAIA2 as its exclusive airport with such lousy services does not help. 






my 2-16hr trip, back & forth ha was with PAL last year and 2009. Ayus naman, terminal 2 yata un. siguro kase i checked in early. Aircraft was OK too... Swerte lang ako, kasi may monitor sa harap and you can play & watch with. Tapos un pauwi naman ako, wala naman humablot ng bagggage ko (siguro mukha kasi akong kuripot hahaha). May mga nag ooffer ng pagbuhat at nagbibigay pa agad ng push cart. Sinasabi ko lang "salamat mga kuya" may kasama ako para kumuha. Ayun wala ng lumalapit sa group namen pag ganun. Saka kasi mukha akong teenager na walang pera!!!

Sadyly, been at LAX, DFW & SFO wow as in bongga ang terminals. Maglibot ka ienjoy mo ang terminal. Pag balik sa NAIA, Oh well nasa Pilipinas na nga talaga ako!


fabulosity

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #45 on: August 07, 2011, 01:25:51 pm »
Funny I saw this post. I've always thought NAIA was the worst airport in the world...

japs

  • Guest
Philippine Airport.
« Reply #46 on: February 17, 2013, 11:47:57 pm »
So I was watching The Layover with Anthony Bourdain earlier and nakita ko ang mga airport ng Hong Kong and other Asian countries and I've thought na tayo lang yata ang may pinakapangit na Airport.

Madumi na nga magulo pa. I thought President Noynoy have plans to improve the NAIA? I have seen videos that promote Philippine Tourism, pero sa airport pa lang sablay na.

Just my two cents, what are your thoughts?

clouds_1028

  • Guest
Re: Philippine Airport.
« Reply #47 on: February 18, 2013, 06:51:03 am »
Yeah our government should really work on improving our airports not only NAIA. Kasi sayang ang tourism natin if airports pa lang flop na.  :)

nageinna

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #48 on: February 19, 2013, 09:27:55 am »
nakakasad to. i must say walang wala talaga airports natin dito. especially terminal I. imagine nandun halos lahat ng international flights, meaning most ng tourist doon ang terminal, ni hindi nila maayos? terminal II and III kahit not that impressive pwede pag pagtyagaan but yung terminal I nila, talagang way behind na sa ibang airports.

j_in_tokyo

  • Guest
NAIA-1 WORST AIRPORT AGAIN
« Reply #49 on: October 17, 2013, 09:52:04 am »
http://www.gmanetwork.com/news/story/331183/lifestyle/travel/naia-1-gets-worst-airport-tag-again

I thought nirerenovate na ang NAIA-1? ano na kaya balita sa renovations?
may pag-asa pa bang maayos tong airport na to?
gawin na lang domestic terminal to or ibenta na at gumawa na lang na bagong airport.

alexandrea

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #50 on: October 17, 2013, 09:57:04 pm »
Yung RGN nga sa Myanmar, kahit maliit lang, efficient, clean, fresh, and maaliwalas! Hiyang hiya naman ako sa Terminal 1 natin!!!

sima

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #51 on: October 17, 2013, 10:54:20 pm »
Ang pangit naman talaga eh!  Buti nga at isinama nila ang NAIA 1 sa listahan para magising naman ang mga kinauukulan.  Kung hindi kasi isi-sensationalize, walang kikilos eh.

cheezecake

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #52 on: October 17, 2013, 11:17:47 pm »
sana may mangyari here. I would say mas maayos naman ang NAIA 1 sa Changi airport ng SG. =) Sana talaga ma improve ang NAIA 1 natin sayang at best pilots pa naman ang mga pinoy. According to my friend his parents frequently travel and sabi ng mga employees ng mga airports sa ibang bansa pagbagsak pa lang ng gulong ng airplane sa runway alam na nila kung pinoy ang pilot, ganun kagaling ang mga pinoy.

j_in_tokyo

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #53 on: October 18, 2013, 09:26:06 am »
unahin munang tanggalin lahat ng buwayang IO at custom officials jan sa aiport.

entwife

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #54 on: October 18, 2013, 09:47:12 am »
Di ko pa naexperience yung mga porter. Anong itsura nila? I mean in uniform? With ID? Or parang tambay lang na biglang hahablot ng bag mo?

Pinaka- prob ko sa airport is transportation. No choice ka kasi, taxi lang talaga and they charge millions kahit pa yung white taxi ang sakyan ko, in which I am taking the risk na hindi sila airport taxi.

I have a question, I know na hindi sila nagpapapasok ng hindi passenger, but wala ba talagang way para maihatid ako around 5am na hindi mabilisan? Kasi gusto akong ihatid ng mama ko sa December. T3.

nettai

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #55 on: October 22, 2013, 05:42:45 pm »
Jakarta was once the worst for me pero nung bumalik ako dun the airport was already renovated and ayun nga, kinain ko ang sinabi ko -- considering that both airports have their own share of pesky porters and irritating IOs. LOLS

Took them quite a short time to renovate the International Airport, considering that the corruption there is worse than ours (Nabawasan din ang case ng corruption dun kasi nag-install na sila ng CCTV sa mga IO desks). Jeez, what happened, MIAA and BOI?

j_in_tokyo

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #56 on: October 22, 2013, 06:15:06 pm »
Eto.. Worst employees working in the world's worst airport
http://www.rappler.com/nation/41928-sanctions-airport-employees-video-games

entwife

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #57 on: October 25, 2013, 12:21:55 pm »
Sa Terminal 1 wala ba talagang hatiran blues? Yung tipong saying goodbyes, hug etc? haha

kurengkeng

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #58 on: November 03, 2013, 08:41:08 pm »
last week lang i was in terminal 1 for my shanghai flight

dun sa waiting lounge before you enter your respective gates, dun muna ako tumambay. kaso mo wala
ako maupuan kasi may mga nakahiga dun sa upuan at sakop na halos yung four to five seats.
so akala ko naman mga passengers din noh waiting for their flights kasi madaling araw yun.

aba maya maya tumayo yung isa, nagbihis ng uniporme. anak ng! empleyado pala at nakadestino dun sa may
securty check. ganun din yung isang lalaki sa kabilang lane, tumayo at nagbihis. sus maryosep. paikot ikot yung
ibang passengers kaahanap ng mauupuan while they eat and wait for their flights.  yun pala natutulog yung mga
employees.!!

X_03

  • Guest
Re: NAIA voted worst airport in Asia, ranks 5th in world
« Reply #59 on: November 10, 2013, 05:25:03 pm »
wow parang kaabang abang na ang muling pagdalaw ko sa NAIA this November... although not my first time nakaka high blood talaga doon. Kahit irenovate ang T1-T3 kung bulok ang empleyado walang mangyayaring pagbabago pangit padin. Nakaranas nako diyan na hinhintay ko ang luggage ko sabay may mga porter na "tumutulong"' ako naman sige go pinakuha ko pa nga bag ko nung nakita ko na. sabay hingi nang pera that time wala pako akong peso sabi sakin "kahit magkano lang" sabi ko wala pa nga akong peso sabay sagot "kahit dollar!" sabi ko nalang lumabas kami ng bansa para kumayod. pare pareho lang tayong kumakayod para kumita ng pera, diba trabaho mo yan? ayun wala na siya say.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close