watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6  (Read 79060 times)

pinkpotato

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #460 on: April 20, 2011, 12:20:49 pm »
^ mars sa crocs na open sa front lang naman issue to di ba? gusto ko talaga crocs e. :(

domestic diva

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #461 on: April 20, 2011, 12:21:50 pm »
Weng, my name is Grace :) 
Thanks for the heads up sa stroller and escalators.  Super nagalanganin ako so I asked my daughter if we could just stay on the ground floor and take the elevator.  Bihira kami mag-mall kasi ayaw ni baby sa stroller and we want to stay away from the crowds until complete ang vaccinations.  Mahirap na kasi.

Marcia, where's the service elevator?  Di ko alam yon ah!  Yes, the elevator we rode in yesterday was the one sa may Debenham's side.  Gulat ako there was enough space for us but when we got to the ground floor, grabe ang mga taong tamad na nagaabang pumasok.

Tin! Wag ka muna mag-internet!  Quality time ka muna with hubby and K :)

Lia, para ngang may curry ang HK McDo nuggets.  Yuck 'no?

Jen, thanks for the concern~  will let you know how PP goes. Sana nga not too much people pa!

Ever since nagkaroon kami ng Shakey's/Pizza hut card, di na kami nakaka-Dominoes!  Sayang din kasi ang free pizza, soda and points kasi sa Shakey's.

Hay naku, yang pagpapayat ang hirap talaga. BF really helped kaya lang na gain back ko din after na stress out ako. I try to walk 30 min everyday with my kids kahit mainit!  Ang isang friend ko naman bread and water ang diet. Di yata kaya yon lang. Sandwich and water kaya ko! LOL

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #462 on: April 20, 2011, 12:25:02 pm »
^naalala ko tuloy nung kasagsagan ng news na aaliyah (yes the international singer) passed away dahil nagcrash ang eroplano sa bahamas, litanya ng friend ko, hala sa amin pala namatay si aaliyah buti d nagcrash sa bahay namin... ;D

tin, 2nd honeyomoon na yan! ;D

kim, aynaku kakaririn ko na talaga gym promise. pero d parin bumabalik usual stamina ko. hay totoo pala talaga na after manganak d naman talaga agad balik to normal lahat agad kahit normal delivery ka :-\ consolation ko lang talaga walang strechies sa tyan.

lia, alam mo ba meron curry sauce ang chicken nuggets dito. sagwa ng lasa ng bbq sauce kaya kahit love ko nuggets kahit sa pinas palang, nevermind nalang :(

mother hapi, d ko rin type crocs :(

grace, kung sakin nangyari yan, baka matarayan ko ang mga tao dyan. LOL.

re: malls there, ang ayala malls meron na rin ba breastfeeding area tulad ng sa SM?

pinkpotato

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #463 on: April 20, 2011, 12:28:48 pm »
^ ako naman i like crocs! hahaha. kulit. :) my daughter has a few pairs. meron pa same design different colors lang. yun lang careful lang esp sa elevator.

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #464 on: April 20, 2011, 12:35:54 pm »
^sakin d bagay kasi, mukha akong ronald mcdonals. hello size 9 naman diba :(

si mother marose, umaarangkada sa chanel thread. huli ka! ;D

emeenem

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #465 on: April 20, 2011, 12:37:10 pm »
Haps, yung usual crocs ang alam ko. Cayman style ata tawag dun.

Grace ka rin pala! :) Yung service elevator sa likod siya ng food court, powerbooks. Ginagamit siya pag nag grocery ka sa rustan's, dun mo papadaanin if sa upper floors ka nagpark at hindi kaya sa walkalator. Entrance niya from the basement is yung door in between the two elevators sa food court and then dadaanan ka sa alley na likod ng mga food stalls tapos sa dulo nun yung service elevator. Kung familiar ka sa parking ng 7th floor, may entrance din siya dun. Between the 2 elevators sa Debenhams side and the stairs entrance na paglabas mo Pho Hoa. Pero mabagal lang and walang aircon yun ha so kung claustrophobic ka, this is not for you. :)

Lagi naman kami nakakasakay dun sa elevators near Debenhams. :)

Ang ayoko na mall yung Galleria. Madalas isa lang (out of 2 na meron sila ) ang elevator dun na gumagana. Isa pa Greenhills (mall ba yun). Sling talaga kami kay baby noon. Megamall din, cinoconstruct yung ibang elevators nila ngayon. Ang chance lang namin makasakay dun is if we are at the lowest or highest levels. Pero the attendants naman in Galleria and Megamall prioritize strollers. Sa Podium kasi sagana sa elevators pero wala namang mapuntahan. Sa Powerplant, tago ang elevators nila kaya siguro hindi crowded.

Grayce, type ko ang curry and BBQ sauce ng nuggets nyo diyan. Parang A1. :)

Re BFing areas in malls - super love ko ang Rustan's dahil dito. Lalo na Rustan's in Makati. Their BFing room is lovely! Yung sa Alabang kasi curtain lang and hindi masyado bongga like yung nasa Makati branch. Yung sa shang dati (nirerenovate kasi now), isang kwartong maliit lang so solo mo kaso hindi kasya ang stroller namin so parked outside yung stroller. Meron din sa Galleria kaso couch lang talaga and walang ka design design. Yun lang alam ko na meron.
« Last Edit: April 20, 2011, 12:41:28 pm by emeenem »

pinkpotato

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #466 on: April 20, 2011, 12:40:04 pm »
tama, marcia ang cayman. i explained it to H kaya aware sya everytime sa elevator minsan sya pag nagreremind. wala ng cayman si D? pamangkin mo yung muntik na madisgrasya di ba?

GRAYCE, ay ganun ba? :) nasusugatan ako sa crocs pro aside from that like ko sya. 37 ako normally pro sa crocs, 36 na lang. size 9 ka?

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #467 on: April 20, 2011, 12:42:00 pm »
nagbasa pa lang ako: Warning - while you were reading 3 new replies have been posted. You may wish to review your post.

Grace, greenbelt 5 is stroller-friendly also. greenbelt 3 not so much pero pag may mga very healthy people naman na nakikipagunahan sakin sa stroller, tinitingnan ko na masama kung puno ang elevator. pero kung maluwang naman, ok lang.

sm makati has an elevator also. tago din and it's usually the SAs who use it lang. i discovered this when i was with my dad and niece a couple of months ago. pagpasok ng sm department store sa may f21, nandon siya.

we very rarely take the escalator pag dala namin stroller pero pag no choice talaga, i carry baby and si hubby and yaya carry the stroller sa escalator.

Grayce, go na sa bag! mura talaga sa europe sobra! some of my LCs pinabili ko sa london and belguim.

Marcia, Weng, taga better din ako ngayon malapit sa japan. gusto na nga nain itong area na ito so sabi ni hubby mag-save na lang daw muna kami then buy a property here kesa sa verdana nga na malayo. pero ayala is ayala eh so nanghihinayang ako ipass up yung chance sa verdana. ok kasi payment terms nila now.

Kim, thanks. still waiting for their email but they said they will send the offer daw today.  :)

tapos ngayon naman nag-type lang ako - Warning - while you were typing 2 new replies have been posted. You may wish to review your post.

ano ba...

emeenem

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #468 on: April 20, 2011, 12:46:32 pm »
Haps, may cayman si Dana pero talagang todo ingat kami pag yun ang gamit. Yes pamangkin ko yung kinain yung crocs niya sa elevator diyan sa SG.

Lisa, kamusta nga pala ang bag mo? dumating na? Oo, I remember, taga Better ka, so love mo rin ang Barriatos bbq?

Tama, GB pa pala. Kaso ang hirap sumakay sa parking. Lalo na the one beside Tory Burch. Andaming sumasakay din sa level na yun.

Meron din tagong elevator sa Landmark Makati. Nung may binili kami na malaki, dun pinadaan. :)

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #469 on: April 20, 2011, 12:47:49 pm »
mother grayce, ako din mahilig sa crocs pero di ko like yung nakakamukhang ronald mcdonalds yung classic ata na design nila yun, na di ko alam ano tawag LOL! suot ko nga ngayon yung hello kitty crocs ko e :D feeling bata ampfness :P

the best na puntahan serendra/boni high street, walang escalator at elev! (sa parking lang ng serendra) pero winner sa init! greenbelt okay din saka megamall pero usually sa may atrium lang para konti tao hehe. sa MOA, nakakaphobia ;D parking elevs pa lang mamumuti na mata mo sa kakahintay. pero in fernez, madami silang elev, inis lang mga peeps na sabik.

hi grace! nice to meet you :)

lia, jusmeeee di ko type bsb ever!!!! maka boyzone ako bwahahaha!!!!!! kung nkotboyzone yan... PWEDE! *yari ako sa asawa ko neto if ever haha nasusuka nga yun pag naririnig nya boyzone sa ipod ko e* text kita bukas pag nakabili na ako gymbo. mag gym tayo sa gymbo haha! pero ang swerte naman ng yaya ko kung ganon...

marcia, nakuuu stay away muna ako sa bags. sabi ni hubby last week, "ilan ba balikat mo at kelangan mo ng sobrang daming bag?"  :o mag project LV ako next year though haha! ayaw papigil

nag easter egg hunt sila chloe this morning sa salcedo park. nakakatuwa, ayaw nya mamulot ng eggs haha! pinapulot nya kay yaya, naka 8 eggs kami. hardboiled itoh. sabi ni hubs gawin daw egg sandwich haha!

edit - hirap mag post ah!

emeenem

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #470 on: April 20, 2011, 12:51:47 pm »
weng, tama ka sa MOA! mamumuti talaga mata mo kakaintay. Papasok ka palang ng mall, kakawalang gana na!

Go go go sa LV! :) Sorry nadamay kita sa bag, kay Grayce pala dapat yun!
 
« Last Edit: April 20, 2011, 12:55:44 pm by emeenem »

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #471 on: April 20, 2011, 01:07:19 pm »
weng, dati natypan ko yung prima e kaso flat footed ako so lalong nagmukhang flatfooted kasi bumubuka sa sides. wala talaga akong pagasa mag crocs kahit yung prima lang :( naalala ko bigla, sa dubai nasa kiosk lang cya sa gitna ng mall. wala talagang store. pati havaianas ganun rin.

UY anong LV yan? ;D huhu gusto ko si speedy30 pero ayoko monogram, damier sana. meron dito yung personalized LV, tinanong namin ni hubby, ang speedy30 nasa 1,2K. libre lang mangarap. yan ang paalala ko sa aking sarili ::)

hapi, YEP! size 9-10 ang paa ko. winner sa laki diba? d naman ako kasing tangkad ni kim sa lagay na to. bitter ang lola sa height hehe ;D

lisa, napapaisip tuloy ako kay rose gold! anubeh. baka mabatukan na ako ng asawa ko... :P

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #472 on: April 20, 2011, 01:14:42 pm »
Good morning!!!!

Tin!!! Amishu!! Ano pasalubong sayo ni hubby? Mainit na yakap itow!! This sat na party mo Di ba? May chika ako sayo pero mamayang gabi nako mag YM.

Re:crocs, meron nyan noon si Kyle. Spongebob. Pambahay Nya. He wears rubber shoes or top sider pag aalis.

Re: better living, taga Russia naman kami dati. Russian itow! Lol ang namimiss ko dun Yung tindahan ng palabok and lumpiang sariwa. Nalimutan ko name ng store. Aling something or Manang something yun. And tambayan namin Sa cup-o-chino.

Grayce, meet natin si Kim ha.

Weng, magpa-egg sandwich party ka na!

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #473 on: April 20, 2011, 01:36:02 pm »
pia and grace, naeexcite tuloy ako lalo sa trip ko. see you girls! :)

grace, ako ba yang nasingit sa usapang shoe size? si marose mukhang busy nga sa chanel thread. di tayo binibisita. hehe may gusto din akong LV. yung neverfull. meron sa fn marketplace, php 23k lang vs. php 41k sa LV store in gb5. sayang pero i have to set aside my money for the SG trip. :)


wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #474 on: April 20, 2011, 01:48:14 pm »
mother grayce, hindi pa ako oriented sa mga models ng LV i have to do my homework haha!!! pero nandyan ka naman sabihan mo na lang ako ano ba magandang bilhin bwahahahaa!!!! plano ko dyan sa SG bumili ;D

mother pia, uyyy Russia!!! nadadaanan din namin yan hehe papunta sa pedia ni chloe :) super small ng world natin ano? :) haha! oo nga mag egg sandwich parteeey na itoh. gusto ko nga itabi muna mag egg hunting din kami sa taytay haha! guguluhin ko yung bahay dun!!!

pinagppray ko magdeclare ng early dismissal dito sa office... 7 lang kami ngayon nandito haha!

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #475 on: April 20, 2011, 01:57:55 pm »
Girls, andito ako!  Lurker mode lang kanina. ;)

Grayce, binuking mo pa ko talaga ha. ;D  Nagpa-reserve ako ng Pro Lumiere kay Wilma at kukunin ko mamaya.  Isang bottle na lang ng 20 Clair (shade ko) ang natira at kailangan ko ng back-up bago ma-discontinue.  Bakit ba kasi kailangan i-discontinue pa?

Hindi ako maka-relate sa bags.  Actually, mahilig ako diyan dati pero nawala na dahil namamahalan ako.  Yung mga gusto kong bags, sobrang prohibitive ang price.  Gustong-gusto ko ngayon ang Tod's D Bag pero hindi ko afford.  Sa store lang ako bumibili eh.  Natatakot akong bumili sa resellers.  At hindi kasya sa closet ko ang maraming bags so kapag bibili ako kailangan may ibenta or ipamigay.

May LV speedy Damier ako. ;)  At hindi pa nasundan.  Naisip ko kasi yung ibang LV, konti na lang pang-tuition na. :(

Pati shoes at clothes din.  Ayokong nag-uumapaw ang closet.  Kailangan kapag may bibilhin ako, may aalisin din.  Natuto akong mag-edit ng closet nang naka-condo kami at up to now, ganyan pa rin ako.

Ang makeup at skin care, konting space lang ang nakakain. ;)

Re breastfeeding station.  Natuwa naman ako at may facility for lactating mothers sa SEC.  Nandoon kasi ako yesterday.

Sa Eastwood meron na din.

Malls na pinupuntahan namin madalas:  Eastwood, Rockwell, Trinoma (kapag early morning lang at idedeposit ko lang muna sa Fully Booked ang mga bata or idadaan ko lang sila sa carousel), Greenbelt 5 at Shangrila mall.  Two weeks ago, nag-Megamall kami.  Nakupo.  Daming tao.  BHS okay din kaso mainit nga pero love ng kids ko ang Fully Booked sa BHS.  Kahit doon lang sila, kuntento na sila.

emeenem

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #476 on: April 20, 2011, 02:00:59 pm »
Pia, Russian ka pala! Lola Idangs pa ang tinutukoy mo?

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #477 on: April 20, 2011, 02:02:44 pm »
^^uy bakit pro? pang shoot yan? as in full coverage? siempre curiosity killed the cat ako madalas kaya sana hindi maganda ang sagot mo para deadmahin ko :P parang gusto ko na bumili ng backup ng RA's ko :( confeermed na talagang ididiscontinue? :'(

ay d pa nagimplement ng breastfeeding stations ang ayala malls? :( nasa law yung dapat meron breastfeeding chorva diba?

mother weng, isa pa palang trip ko, LV damier hampstead! nasa 1,4K ata yan dito. depends sa size kasi. Ay parang shusing noh may size? ;D tama dito ka bumili dito ang pinakamurang lv compared to hk! ;D

kim, ialott na ang budget for LV dito, dito mura hehe :P

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #478 on: April 20, 2011, 02:07:04 pm »
weng, sa south ka din ba? sorry, epidural effect na naman ata ako. mas mura ba LV sa SG? mukhang mas malaking problema yan if ever coz ibig sabihin, kelangan SG + LV ang budget. hehe

marose, ang cute ng twins mo. fully booked na agad ang tambayan. :)

edit to add:

grace, nasagot mo ang tanong ko. erase erase ang usapang bags at ang barbie slippers ni jen from landmark, hindi pa ko pinapatahimik. mukhang susugod nako mamaya. nakakainis pag may itch to shop noh? pero curious lang, gano kalaki difference ng LV jan compared dito? let's say the neverfull, how much jan?
« Last Edit: April 20, 2011, 02:12:26 pm by kimdimatulac »

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #479 on: April 20, 2011, 02:12:10 pm »
kim, dati nung sa ILs pa kami nakatira sa BF ;D pero balik south kami by October tapos na dapat si project bahay. at oo mas mura sa SG. isama mo na ang tax refund na 7% keribels na!!!

grayce, lilista ko lahat yan haha at humanda sila (sila talaga oh!) sa aking mga braso ang lagpak nila ;D ayoko ng masyadong malaking bag, mas "nawawalan" ako ng gamit pag ganun. hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close