lia, marose, aynako speaking of disiplina, napagalitan ko pa nga si hubby bago kami nagkairingan kahapon abt sa pagbubuhat nya. i noticed kasi na pag andyan cya si J nagpapakarga e ayokong ayoko ng nasasanay ang baby sa karga and siempre ako rin ang kawawa pag nagkataon. kesyo ayaw daw nya ng nagiiiyak and all. hay para akong nagaalaga ng malaking bata!

marose, yung 410 na rate ng SI is pag yung event sa resto nila mismo? pwede na yung rate nila ha

alam mo ba naalala ko tuloy nung kabataan ko at nadiscover ko ang SI, 195 palang ata yung mongolian buffet nila hihi... huling kain ko dun is nung umuwi ako ng all saints day last yr, 295 na ata. laki na ng tinaas but nonetheless binabalik balikan ko parin cya. kilalang kilala na nga ako ng mga old waiters nila doon kasi since HS palang talaga kumakain na ako doon.
re: walang tiyan, try mo mag yoga mother. then sabayan mo ng pilates, aynaku flat agad ang tiyan mo promise. having said that, sana makagym na ako starting bukas. namimiss na ako ng mga pre-pregnancy clothes ko

speaking of ilocos, nag roadtrip ako magisa dati dyan. meron malapit sa sinking bell tower sa laoag yung masarap na pancit, 40 lang cya (way back 2006) pero winner ang sarap and malaki serving, generous pa sa sahog

i'm trying to recall the name, ipost ko dito pag naalala ko.
jen, halos pareho pala tayo but yun nga lang sakin isama mo pa ang bonggang household chores dito sa bahay. bongga ang inis ko sa asawa ko ngayon kaya bahala cya sa damit and pagkain nya. ang nilaundry ko lang is yung samin ni baby. pasalamat cya d ko maiwan sa kanya si baby kahit 1 day lang para mafeel nya ang pagod ng nagaalaga ng baby and may iniintindi pang chores dito sa bahay. hay mga lalaki talaga!

pia, aynako eto pagdating sa mga toys sige game yan pero pag paligpitin mo ibang usapan na yan

nung christmas bumili ng nerf gun kasi to as in inis na inis ako pag nakikita ko every morning hawak nya and ang mga bala nagkalat! as much as possible ayoko talaga ng kalat

kim, uy punta ka dito sg? when ka punta dito?
weng, maganda sa ilocos promise. pero kung may 3rd eye ka tulad ko ibang usapan yan heehee. sa may vigan andun kami sa may main road na cobblestone road, picture picture kami. yung isang kasama ko bongga sa lakas ang 3rd eye kasi, paglingon nya sa taas meron cya nakitang lalaki na duguan ang mukha so nung sumigaw cya and kinuha ang gamit para kumarimpas ng takbo, napatingin rin ako and ang nakita ko lang is walang mukha pero rotten ang kamay! imagine nagtatakbo kami dun ha tapos yung mga locals sabi samin, "nakakita kayo noh?" parang normal na lang sa kanila ata ang ganun na happening.
then nung gabi naman, ako ang huling natulog. may naririnig ako na creeking wood pero dineadma ko lang, tho hinanap ko san galing and i tried to listen to the wooden floor pa as in dinikit ko tenga ko sa sahig, nawawala cya pag tinatry ko hanapin san galing, the next day nung pagkagising namin, etong friend ko bigla napasabi ng para daw akong t**** nung gabi kasi meron pala naglalakad from labas hanggang papasok ng room namin and ako naman daw hinahanap ko pa san galing ang sound

ehhh malay ko ba noh na yun yon

ang catch? yung tinirhan namin since 1700s pa pala cya
re: tagaytay, SOBRA ang traffic ng holy week dyan. we used to go there during lent kasi dyan madalas venue ng family retreat ng church where my parents used to go to (which i super dread btw kasi iba ang mga tao). para kang nasa manila parin sa sobrang dami ng tao dyan pag holy week

and super love ko rin ang palawan!
marose try mo magcoron. i go here every summer dati for wreck diving

nakakainis lang kasi a portion of coron binenta sa SG gov't ng magaling nating gov't

but there's a news na meron ioopen na underwater resort dito na first in asia daw. sana lang mapreserve na untouched ang coron, nakakatakot baka maging boracay na rin cya na sobrang commercialized.
last yr dapat mag el nido kami, ang problema is i got pregnant. oh well, next time.
Warning - while you were typing 4 new replies have been posted. You may wish to review your post. - bumabawi ang mga mommies after magfasting ng weekend sa GT :p