Grayce, P410/person ang Mongolian buffet kapag sa resto ka nila kakain, kapag catered P440/person, inclusive of drinks (iced tea, soda), dessert (simple lang mga yema balls - masarap ito, brownies, macaroons), set-up, waiters and the chef/cook who will cook on the spot. Sulit na rin. Generous sila sa beef, pork, chicken, squid and squid balls, pati veggies. Ang daming tira! Kaya naka-Mongolian kami hanggang dinner kagabi LOL. Pero iba-iba naman ang timpla. Happy ako sa service ng Sweet Inspirations kaya dito na siguro ako pa-cater sa birthday ng chikitings ko. Ang kagandahan, ang minimum no. of persons nila sa catering is just 30 pax. Sa iba, 50 or 100 so hindi swak sa small parties.
Hmm, sarap sarap ng butter cake ng Shoppersville. Mas masarap kapag nailagay na sa fridge. Nag-settle na raw kasi ang flavors, especially ang butter, according to my mom. Breakfast ko kahapon at kanina, nagbaon pa ko ngayon sa office LOL. Lagot ako kailangan bumawi sa exercise or sa fasting this Holy Week.
May tiramisu (Conti's), crema de fruta (Goldilocks) at chocolate cake (Dulcinea) pa kami sa bahay. Ang mga guests kasi wine or cake ang dinala.

Re Chanel, naku nasa FB ko naman sina karlasugar and temptalia. At lagi akong browse sa cafemakeup at beauty lookbook. Mga temptation talaga!

Huwag mo na pansinin si husband mo. Ganyan talaga ang mga lalaki LOL.
Tin, play time lang gusto ng mga daddies with the babies. Ang real pag-aalaga hindi nila kaya.
Maui, thanks for the greeting.

Minsan, sasabihin ko kay hubby, binati ka ng GT friend ko. Sino daw? Tapos papakita ko ang FB profile. Natatawa na lang siya sa dami ng kaibigan ko dito. Yung OB nga namin nina Jen (redrose) akala may grupo kaming mga APAS patients hehe kasi magkakakilala kaming mga patients niya.