watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6  (Read 79196 times)

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #140 on: April 14, 2011, 02:40:10 pm »
i remember mommy vicky, sya yung mickey mouse clubhouse din ang theme ng 1st bday ng anak nya - parang mickey celebrating xmas ata yun.  Sa kanya ko humingi ng advice re: verleo saka deals sa ibang suppliers.  Dapat kase si bluekaren kukunin ko for food and pp kaso di ko na tinuloy.

yung balloon creations, naging 1st choice ko din kase nagandahan ako dun sa under the sea set-up nya sa multiply.  Buti pala di ako natuloy dun :)  pero daming good reviews sa kanya di ba?

MauiGS

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #141 on: April 14, 2011, 02:43:19 pm »
nakitsismis din ako at binasa ko yung "away" sa kabila LOL Pansin ko lang, normally ng nasasabit sa ganyan mga newbie/probie

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #142 on: April 14, 2011, 02:54:31 pm »
van, marose, thanks sa tips :) at mukhang kailangan nga ng cooler kung gagala kami. tho lately sa sunod sunod na labas namin direct feeding cya sakin kahit nasa labas. madami naman kasi nursing stations here, pero yun nga lang minsan ang hassle na pupunta pa ng nursing station or maghahanap, so ginawa ko nagimprovise ako ng nursing cover ko. keribels kung pagtinginan ako, pandidilatan ko sila ng ka-liit kong mata ;D

tin, ok lang walang nakakahiya sa samples noh, pero waaah naiinis ako sobra sa nanloko sa inyo ni hubby! pagnanakaw na yang ginawa nila e.

mommy luz, bluekaren is dynamic impact diba?

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #143 on: April 14, 2011, 02:59:32 pm »
Oo nga Marose - newbie pala yung sumagot! At kaisa-isang post lang  ;D Ay naku, buti sinabe mo to keep away from Heidi Lu. Buti na lang nabanggit ni Maui si Printed Kids Avenue  ;) Baka mamya, kahit centerpiece lang eh, maguyo ako. Sayang din yun  ;D

Yung nabanggit din ni Luz...si B, may issue siya sa isang GT friend ko. Chika niya sakin, kinuha sila nito for ilang events, tapos fully paid naman ang client, pero ang PP di nagbayad  :( Nung nakwento ko nga sa kanya na dame bad feedbacks lately yun sa Kid's Parties na thread, ayun nagbasa din dun and True nga. Wawa, mga almost 40K ata yun lahat and 5K lang binigay ni ano  ;D hays!

Kaya dapat talaga ingat tayo sa mga suppliers kase hard earned money din tinatapon para sa mga party ng mga anak naten. Lalo na medyo iba satin dito, atat sa party planning  ;D Syempre kasama ako dyan  ;D

Edited....alam ko kokontakin ka niya Marose one of these days for the demand letter pala. Kase ilang beses na daw ata nangako si ano, di pa din nag-remit. And to add pala, pati kay Alex L, may delayed payments din ata  :(
« Last Edit: April 14, 2011, 03:12:01 pm by redrose »

MauiGS

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #144 on: April 14, 2011, 03:31:09 pm »
Pero Jen, hindi ko pa na-try si Printed Ave Kids ha... may nag-feedback lang din dito sa GT kaya nalaman ko :) type ko nga kasi ganyang centerpiece
Speaking, hindi pa din ako naka-dropby sa office nila para makita yung moving invites pero parang ganun talaga eh-- self standing sya tapos may swaying part, hindi ko lang din ma-imagine san kumukuha ng power yun para mag-sway2 hahaha gusto ko nga din, naiisip ko lang yung packaging pag ganung invite, awkward na i-envelope :D
Kelan nga event mo ulit sis? Balitaan tayo heheh

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #145 on: April 14, 2011, 03:39:56 pm »
marose, sent you a pm regarding a possible opportunity. :)

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #146 on: April 14, 2011, 03:43:45 pm »
grayce, tumpak! :) nag pm kase sya sa kin nung time na naghahanap nga ko ng PP.  Sabi nya check ko daw website nya.  Nagpa quote ako pareho kay Jacque and sa kanya, mas murang di hamak kay partyboosters kaya di ko na sya kinuha. Buti na lang pala :)  Sa kin lang, di ko sya masyadong gusto. IMO ko lang, dapat kase pag PP ka, di ka magbabad sa forum na yun, parang form of advertising na din yung ginagawa nya so she can get clients.

jen, uy ang laking pera din nun ah.

marose, tuloy ka ba kay Handicrafts atbp?  ako tutuloy na, babawasan ko na lang yung mascots ko para ibili nung mini stools :) tutal 30mins appearance compared sa magandang give-aways, san pa ko?! :)  naguguluhan pa ko kung anong design - parang gusto ko din curious george face para maiba, baka lang may extra charge

maui, baka sa ganda ng centerpiece mag away away yung nasa table kung kanino mapupunta yun hahahaha

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #147 on: April 14, 2011, 03:56:00 pm »
Maui - yup I understand sis! mukha naman wala pa ako na-search na negative feedback sa kanila. Sa Oct 30 pa birthday baby ko sis. Kaw kelan?

Luz - oo nga, laki nga. Ewan ko if mababayaran pa siya  :( Mukhang madami dami din kase ata need i-settle nun eh.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #148 on: April 14, 2011, 04:31:15 pm »
25%off sa oldnavy.. today only

30%off sa gap ends today

ang saya no?? kelangan magmadali??   :P

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #149 on: April 14, 2011, 04:35:17 pm »
3 pagEs backread ko ha. Ang haba.

Van, sorry wAsnt able to replyna to your last text. Natulog na kasi ako non. I'm thinking of using it na nga lang.

Lia, ay size 5 si gianna. Eh size 5 sana bibilhin kong salt water. Laki pala, check ko kung may mas maliit. Yung soft soled shoes ni bianca na 6-12 months sa multiply ko nabili. Damin non ngayon, yung mga "branded pre-walker shoes" na mothercare, old navy, etc. At least mura lang. Yung rl na size 1 kasya na. May size 2 at size 3 pa ako. :(

Bad yang post mo! Pero may old navy clothes si b na malaki pa sa kanya. Tama na damit. Shoes na lang! :)

Pareho tayo, minsan sukat mode lang din ako pero mas gusto ko isukat shoes! Text kita about ilog maria ha. Thanks.

Grayce, making excuses ako talaga. Bad!!!!!!! Di ako makapag bigay ng advice sa expressed milk lag lumalabas kasi ang expressed bm ko good for one feeding lang so sa bahay ito iniinom ni b. Pero sa office nagp-pump ako. Since avent isis duo din yung akin, meron din yung sinasabi ni marose na insulated bag at ice packs. That's where i put my pump parts after i pump. Di ko malagay sa fridge sa office kasi laging puno ng food at minsan madumi. Tapos may playtex fridge to go ako. That's where i put the expressed bm naman. Tumatagal yan sakin up to 12 hours na malamig, wag lang mabilad sa araw syempre. Maliit lang yung playtex fridge to go. Got it sa rustans for 1400. May bigger na fridge to go bags sa multiply, yung victoria na style gamit ng sister ko. Kasya lock & lock niya for pump parts (freestyle pump niya) and bottles for expressed bm. 2500 o 2800 bili niya if i remember correctly. Pero better magdirect feed ka na lang.

Tin, kinwento ko kay hubs nangyari sayo. Sabi niya sana umutang na lang ang "friend" imbes na magnakaw. Yes, nakaw ang tingin ko sa ginawa nila sa inyo kasi kinuha ng walang pasabi. Sana talaga mabayaran kayo.

May interview ako bukas. Isang interview lang ito via telepresence. Sana silawin ako sa pera. :) dalhin din namin si b sa pedia bukas for 2nd dose of rv and pcv.

Dineliver na pala kanina yung mga sofa na binili namin nung sale sa sm makati. Natuwa ako. :)

So girls, kelan tayo magp-pobox? Para alam ko kung bibili ako ng happy baby or not. May nakita na akong website na pwede tingi, not in packs of 6 gaya sa amazon so if ever walang makikihati sakin, ok lang.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #150 on: April 14, 2011, 05:07:10 pm »
bumili ako ng messy bessy sa tee hee!..
lalaklak lang kami ng insect repellant at sanitizer :P

lisa.. medyo malaki yung size 5 kasi pang toddler na yun...
yung link mo pang infant yata! so baka iba sizing nila? ang cute nung sea wees kaya! gusto ko din nun kaso walang size for toddlers..
sasabay ako sa pobox mo :P buy din ako ng red na salt water surfer or maybe strappy..di pa ako maka decide..
and i have a few items sa amazon..

MauiGS

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #151 on: April 14, 2011, 05:44:37 pm »
Jen, mauna pa pala yung sa'kin... Aug :)

Lia, so tempting! browse browse lang ako mamya paguwi  :D

Lisa, goodluck sa interview mo

Sino nga ba yung working sa Accenture dito? Wala lang, makikibalita... nag-work din ako dati kasi dun heheh

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #152 on: April 14, 2011, 06:07:00 pm »
van, advanced happy bday!

lia, ako din please sa propolis. small one lang pero pm pa din kita.

lisa, if magppo box tayo, dapat tayo magpurchase online through our credit card? mukhang kelangan ko magpaalam muna kay ej para gamitin ang card niya. hehe pero may gusto na ako. if not, makikishare na lang ako sa happy baby mo and pay you. :)

tin, delayed reaction na ako sa story mo pero nakakainis nga yun. pagawa ka na kay marose ng demand letter. :P
« Last Edit: April 14, 2011, 06:11:28 pm by kimdimatulac »

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #153 on: April 14, 2011, 09:38:06 pm »
lisa, lia, may nakuha akong email from gap. tinatawag na kayo ;D

lisa, you think better kung mag direct feed nalang kami everytime nasa labas kami? kasi ang gusto sana ni hubby dala kami kahit atleast 1 bottle daw pero yun nga lang baka kailanganin ng cooler. parang mas gusto ko na direct feeding nalang kami kaysa magbibitbit ako ng malaking cooler, lately kasi gamit namin yung carters na maliit na diaper bag para d na gano magbitbit, not unless siguro meron cooler na kakasya dun ???

luz, i agree, matagal na si dynamic impact (bluekaren) dito, may naging issue pa nga sa kanya before pero yung other party ang may atraso in a way, not her :-X teka sorry nalilito na ako, partyboosters is si jacque? si apple PP rin ba? eto ata epekto ng natutulog ng 7am araw araw :-\

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #154 on: April 14, 2011, 10:08:31 pm »
Jen, ay nalock na ba nila yung thread? ang bilis naman.. sana mag open ng new thread para maka inquire ako ng magician..

Si PartyTime Philippines wala naman issue sa kanila di ba? takot ako! hahha 45k pa man din ang package na kinuha ko sa kanila for the venue dressup/magician... good feedback ba sila?

Brendz, musta ang yaya?

Lisa, goodluck sa interview.. i like telepresence :D galing talaga ng technology natin..

m i k m i k

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #155 on: April 14, 2011, 10:16:22 pm »
Hi mga moms! :) Kamusta kayo? New here. Grabe! Ang hirap pala maging mom at a very young age. Got pregnant at age 18, now my baby is already 2 turning 3 this July. Nakakaloka! Medyo panic mode ako ngayon kasi ang hirap nya pakainin. Super! Any tips mga sis?

huckleberry

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #156 on: April 14, 2011, 10:39:08 pm »
Hello mommies!!!

Tin - late reaction na pero naiinis ako sa ginawa ni "friend" sa inyo ha. sana maibalik pa ang pera pero kung hindi na, bahala na si Lord sa kanila.

Marose - atty ka pala. yan ang 2nd dream profession ko, 1st e maging doctor kaya lang kulang sa fund kaya di ko na-pursue.

Girls  kung mag PO Box kayo sa memorial day weekend (May 27-29) kayo mag-shop para makakuha kayo ng magandang deal di lang para kay baby, para kay mommy din ;)

reb_woods072683

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #157 on: April 14, 2011, 10:49:20 pm »
mga sis update lang sa nangyari kaninang umaga. NAKU!

paguwi ko, pinaghandaan ko talaga ang paghaharap namin ni yaya (oa!) and when I entered the house, sakto na palabas siya ng restroom. so tinanong ko siya with matching pamewang, "ano nanyari sayo kagabi?" at ang ginawa? ngumiti at nagpamewang din!!!!!!! sabay sabi na aabsent daw siya today dahil may interview daw siya sa shaw blvd ng 9am (7am ako dumating). natulala ako with disbelief. as in, i swear. kung [textspeak!] ano pang alibi ang sinabi. and so i said, yes, go. but at the back of my mind, hindi na talaga siya pwede magtagal sa bahay namin. i didn't expect na maaga siya uuwi dahil alam ko naman na pwedeng abutin na naman siya ng hanggang gabi. saktong may allergic rhinitis na naman si Amber to grumpy ang baby at need ng super attention and I had to sleep around past noon na and had to wake up at 5pm, oha!!!

Nung nagpaalam siya, I said, sige mamaya na lang kita kakausapin pag uwi mo. Umuwi siya mga before noon sabi ng hubby ko. Then pumasok siya sa room namen kasi hawak ko si Amber and she asked me kung natulog na daw ba si Amber, sabi ko saglit lang. Tinanong niya ako kung natulog na daw ba ako, sabi ko hindi pa. Then she opened up about dun sa interview niya na kesyo sabi daw wala daw siya sales experience so hindi pa daw sigurado yun. So I asked her, "hanggang kelan ka na lang dito?" sabi niya end of the month nga daw. I honestly want her out na this weekend but because I have no choice but to keep her until I find a new yaya for Amber, pumayag na rin ako. But yung treatment ko sa kanya nagiba na talaga because of what she did.

Buti na lang, and I really thanked God for answering my prayers so quickly. When I woke up at 5pm, nasa bahay pala ang tatay ko at hinihintay ako magising. Kinausap ako dahil nagpahanap ako nung umaga na yun sa stepmom ko ng yaya at maid all in one. Sinabi ng tatay ko na may kakilala daw sila. Weird to ha, yung anak ng stepmom ko. She's 19 years old and she's currently living with my tatay and stepmom. Sabi ng tatay ko ok naman daw at marunong sa bahay at hindi na kailangan utusan. At pag wala daw kaming mag asawa, dadalhin daw si Amber sa tatay ko para malaro. Ok sakin ang idea kasi kahit papano kakilala at magiging close si Amber sa grandpa niya. So I said ok.

I can't wait na mag end ang month para makaalis na siya sa bahay. Hehe. But I am ok now. Deadma na siya sa banga sa akin. Sabi nga ng hubby ko ang sama ko daw kasi nagagalit ako, nadedemonyo daw ako. haha.

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #158 on: April 14, 2011, 10:50:16 pm »
^^welcome to our thread! what's your name sis? and baby's name? nagmimilk pa din baby mo? sa amin nakatulong yung pagbawas ng milk. Kaya pag time to eat na, gutom na gutom kaya madami nakakain.. we also offer biscuits/snacks in between.. nakalagay somewhere where he can reach it para bubuksan nya pag gusto nya.. kahit pakonti konti basta madalas, happy na ako ng ganon..

Dette, sayang di ko pa naabutan yang memorial day... pag asa ko na lang ang mga outlet..

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #159 on: April 14, 2011, 11:01:14 pm »
^^tigas ng mukha ng HH mo sis. yan lang ang masasabi ko ::)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close