Author Topic: late nang sinabi na may anak...confirm  (Read 19564 times)

viper2877

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #60 on: March 20, 2015, 03:09:38 pm »
maybe the questions here are kung ano ang mga coping mechanisms natin..it might be applicable to you but not to others..iba iba tayo ng paraan eh..sa mga babae mas madali siguro matatanggap pero sa mga guys na tulad ko paano? mahirap lalo na kung ang culture natin eh iba talaga.

mifmif

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #61 on: March 21, 2015, 04:49:52 am »
kung sa akin mangyayari ito, sobrang wasak ang tiwala ko sa kanya. lalo kung sa sarili ko, alam ko na hindi ko siya pakakasalan kung may anak siya sa iba. Hindi ko rin ikakatutuwa kung idadahilan nya na ayaw nya akong mawala sa buhay nya kaya hindi niya sinabi sa akin, kasi ang totoo, nilagay nya ako sa sitwasyon na hindi ko na matatakasan kung kasal na kami.

swerte na lang siguro kung halimbawa wala naman sa akin na may anak siya sa iba. ang issue na lang e paano ko maaalis ang duda kung ganito kalaking bagay ang kaya niyang ilihim sa akin. papaalalahanan ko na lang din siya na may responsebilidad siya sa bata. gaano man kasakit, sisiguraduhin kong gagampanan niya ang responsibilidad na iyon kung tatangapin nung kabila.

hindi ko rin ililihim ito sa kamag-anakan ko pero pili lang naman ang dapat sabihan. ayoko namang sila ang magulat kapag dumating ang panahon na magpakilala na yung bata.
« Last Edit: March 21, 2015, 05:09:46 am by mifmif »

viper2877

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #62 on: March 21, 2015, 02:37:58 pm »
Thanks MIFMIF for your input..yun na nga eh naitago sa akin yung anak ng misis ko sa ibang lalake ng mahigit sampung taon na sinusustentuhan nya galing sa pinagpaguran ko dito sa abroad ng patago birthdays, christmases, and kinder graduation nagbibigay sya ng pera ng wala akong kaalam alam tapos sinasabi nya sa akin na ayaw daw nya sa batang yun sige nga paano ko pa bubuuin ang tiwala ko at maibabalik ang pagmamahal ko sa kanya! the only way is to leave her for the second time and make it legal thru annulment.

snowflakes

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #63 on: March 22, 2015, 09:07:50 am »
same tayo sis, nalaman ko late na. pagkakaiba lang naanakan lang nya yung babae at wala ni isa sa family or relative or friends ng asawa ko may alam ng tungkol sa bastarda. 4 yrs old na yung bata noon ng malaman ko. 18 na sha this year. pero till now wala pa rin shang kilala sa side ni hubby and alam pa rin nya nya mom nya at hubby mag asawa. hinde ako pinakilala ni hubby sa kanya at ganon din sha sakin. parang ano lang she doesn't exist. pinapaaral alng asawa ko since kinder till now sa college.

EYESCREAM

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #64 on: March 22, 2015, 03:40:55 pm »
Sis snowflakes, ok lang sayo na hindi ka pinakilala ng hubby mo sa anak niya? Malaki nga pinagkaiba natin sis. In-laws ko alam tungkol dito pero wala man lang ni isa nagsabi sakin. Bakit kaya ganun? Napaka unfair. Sana pala nung namanhikan palang sila dun na sinabi atleast mas napag usapan. Tsk! Pero sabi naman ng sil ko, sinabi sakanila ni hubby na huwag sabihin sakin dahil siya na daw magsasabi. Wala daw sila sa posisyon para magsabi nun. Tama lang ba yun? Dapat ba hindi na ko magtampo sakanila? Lalo na magbabakasyon na ngayon sa school. May balak ang mag ama na magkita ata at mamasyal. At ipupunta sa mga in-laws ko. Help me mga sis. I cant take it anymore. Ayoko din naman maging masama pero nasasaktan parin ako. Parang napakalaking sampal nito sa akin. :-(

viper2877

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #65 on: March 23, 2015, 08:27:28 am »
those people who are afraid to tell the truth is the one who are living in a lie and contradicts..

snowflakes

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #66 on: March 23, 2015, 08:28:23 am »
^in a away ok sakin na hinde kami magkakilala kase it only means na wala shang pagpapahalaga sa anak nya kase ayaw nga pakilala kahit kanino sa pamilya Nya. Pero parang nababastos pa rin ako kase nag uusap sila ng di ko alam at panay hinge ng pera ng bastarda at kung ano ano pinapabili. At shempre iba pa rin pag alam nya san ang lugar nya. Kaso ayaw ni hubs na mag meet kami.
Sis, normal naman ang nararamdaman mo lase shempre ngayon mo lang nalaman kaya masakit pa. Pero darating ang time na matatanggap mo yan. Siguro pag pinakilala ka na nya sa bata ng pormal. Or pag nakakasama mo na rin yung bata. Pero shempre sa una awkward un at mahirap accept. It takes time. Wag mo pakita na nagseselos ka sa bata kahit durog na puso mo sa inis at galit pag magkasama sila.

Girltalker2

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #67 on: March 23, 2015, 12:00:25 pm »
^in a away ok sakin na hinde kami magkakilala kase it only means na wala shang pagpapahalaga sa anak nya kase ayaw nga pakilala kahit kanino sa pamilya Nya. Pero parang nababastos pa rin ako kase nag uusap sila ng di ko alam at panay hinge ng pera ng bastarda at kung ano ano pinapabili. At shempre iba pa rin pag alam nya san ang lugar nya. Kaso ayaw ni hubs na mag meet kami.


I think walang kasalanan yung bata for her to be hated so much.

It is your hubby and kailangan manindigan on this matter. If he remains duwag, he will always make it appear na married parin mom nung bata at sya, making the child think Ikaw ang kabit. And that's not very nice. Kung nir-respect ka ng hubby mo and treats you as his partner, I think he should make you aware of his actions regarding the child and make the truth known to the child. 


Sis, normal naman ang nararamdaman mo lase shempre ngayon mo lang nalaman kaya masakit pa.

Yup it is normal na mainis at magalit. But it is not right na ibaling ang galit mo sa bata na walang kinalaman sa situation. Hindi purkit mahal mo ang asawa mo, at dahil nainis ka sa ginawa nya, need mo magalit at ilabas sa ibang tao na walang ginawang masama sayo.


Girltalker2

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #68 on: March 23, 2015, 12:12:19 pm »
May balak ang mag ama na magkita ata at mamasyal. At ipupunta sa mga in-laws ko. Help me mga sis. I cant take it anymore. Ayoko din naman maging masama pero nasasaktan parin ako. Parang napakalaking sampal nito sa akin. :-(

First and foremost, you have to accept the truth. Andyan na yan e. If you want your relationship/marriage to work, you have to accept this part of him.

However, in return, I think your hubby owes you to regain your trust para magkaayos kayo sa nagawa nyang pagsinungaling. Therefore, kapag mamamasyal sila, dapat alam mo (you posted 'ata' so not sure ka). Up to you if you want to join them or not. Totooong malaking sampal if ever they continue to do things behind your back. You are your husband's partner, hindi acceptable i-exclude ka nya sa mga labas/plano nila.

On your part naman, I hope you won't appear as a madrasta at apihin yung bats. Maybe they're aftaid na iyan ang gagawin mo that's why they are not letting you know?

So in summary, give and take dapat kayong mag asawa kung gusto ninyo maayos ang marriage nyo. Tanggapin mo, forgive him. But talk to him you need to be involved para hindi ka feeling lost at bilang partner nya sa buhay. At the same time be open to accept the child also.

snowflakes

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #69 on: March 24, 2015, 05:00:06 am »
I think walang kasalanan yung bata for her to be hated so much.

It is your hubby and kailangan manindigan on this matter. If he remains duwag, he will always make it appear na married parin mom nung bata at sya, making the child think Ikaw ang kabit. And that's not very nice. Kung nir-respect ka ng hubby mo and treats you as his partner, I think he should make you aware of his actions regarding the child and make the truth known to the child. 


Yup it is normal na mainis at magalit. But it is not right na ibaling ang galit mo sa bata na walang kinalaman sa situation. Hindi purkit mahal mo ang asawa mo, at dahil nainis ka sa ginawa nya, need mo magalit at ilabas sa ibang tao na walang ginawang masama sayo.



what made you say that? panu mo nasasabi na walang ginawa sakin ang bata to be hated so much.
siguro yung TS oo pero sakin hinde mo alam ang history namin kung bakit ako galit.
wala rin ako sinabing masama sa TS about sa kid. sabi ko lang its fine na ma feel nya yun kase fresh pa ang sakit na nararamdaman nya. wala rin akong sinabi na ibuhos nya sa iba or sa bata ang kasalanan ng asawa nya.
hinde ko naman pinapakita sa bata at sa asawa ko ang galit ko at inis. kung yun man maramdaman ko sa kanya, dahil may sarili akong dahilan. kaya nga dito sa gt ako nag lalabas ng galit ko para kahit papano manawasan ang laman ng dibdib ko tuwng nakikita ko sila.
kung ano man nararamdaman ko siguro naman karapatan ko yun, at hinde ko mapipilit sarili ko na mawala nalang bigla yun. gusto ko naman mawala eh sino ba may gusto ng galit, kaso tuwing hihinge sha ng kotse, macbook, iphone, at kung ano ano pa, hinde nakakatuwa yun.
« Last Edit: March 24, 2015, 05:17:39 am by snowflakes »

bwiset12

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #70 on: March 31, 2015, 03:40:28 am »
Kamusta naman yung may mga asawa na nabuntis ang kabit? For me, siguro mas madaling tanggapin yung nagka anak sya bago naging kayo. Kesa yung may naanakan sya WHILE kayo.This is our situation.  bale 1yr and 10 mos. ang pagitan nung bata s bunso namin.  hindi alam ng family ko at ng family nya na nabuntis nya yung kabitch nya. yung 2 closest cousin ko lang ang nakakaalam bukod sakin. Yung eldest namin alam nya pero dedma lang.

Obachan

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #71 on: April 17, 2015, 02:11:46 pm »
Hubby have a child also before kami nag sama.
He told me this during our GF/BF relationship.
Bago pa ako dumating sa buhay nya me child na sya
pero hindi nya kasama, nasa mother side lang un bata and sinusuportahan nya lang.

I accept him as who he is.
This is part of his past life.
The important thing is , I am his future now.

Hindi ko inaalam how much sinusuporta nya sa bata.
As long as na responsible husband naman sya and nakikita ko mahal nya ako.
Kontento na ako.

 :)

baku-kang

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #72 on: April 17, 2015, 06:09:58 pm »
Hi sis TS I feel you..ako nga magbf kami kundi pa ko naging makulit katatanong sa BF ko noon di ko malalaman na may dati pala syang asawa kasal sila  at may dalawa anak  :-\    hindi nya din inamin at sinabi sakin non naging kami non nalaman ko para akong binagsakan ng langit at lupa at at feeling ko mag isa ko sa mundo non time na yun wala ko ibang masabihan at until now na 10 years na kami wala pa din nakaka alam family at close relatives nya lang..di alam ng family ko at wala sila idea maganda pa naman ang tingin ng parents ko sa BF ko  :-\   kaya lang too late for me to leave him kasi mahal na mahal ko na sya at until now kami pa rin at tinanggap ko yun at isa pa hate na hate ako ng family ni bf ewan ko ba sa kanila  eh non naging kami na ni bf 3 years na sila hiwalay ng ex nya so hindi ako home wrecker tapos nagbago si bf ng malaki at naging responsible at naayos nya ang life nya  ::) ..on going na ang annulment nya sa ex nya ngayon para maayos na namin ang lahat..until now hirap na hirap ako tangapin ang past nya kasi first bf ko sya at malinis na malinis ako non naging kami at sabi ko yun first bf ko sya na din papakasalan ko..tapos ganon pala.. oh well  :o

 

Latest Stories

Load More Stories
Close