Author Topic: late nang sinabi na may anak...confirm  (Read 19634 times)

oyetken

  • Guest
late nang sinabi na may anak...confirm
« on: April 11, 2011, 02:48:02 pm »
mga sisess need advice , pls share ur opinions...
lately lang nalaman ko lang tong issue tru facebook  sa hubby ko, when time mag-on pa lang kami sinabi ny na me dati siya karelasyon live-in  pero matagal na silang wala  so tinanggap ko sya... now 6 yrs na kming mag-asawa w/  my son , maayos , tahimik ang buhay nmin while hubby nasa abroad..  nalaman ko na lang na nagkaroon siya ng ANAK dun sa kalive-in nya she's 10 ...tinanong ko siya direct to the point , confirm anak nya ..alam nyo nanlambot ako at nalungkot  dahil hinde nya sinabi sa kin noon. here saying
 huli na niyang nalaman at huli na din para sabihin sa akin noon dahil ayaw nyang masira ang pamilya namin at natatakot siya na baka hinde ko siya matanggap...
mga sis nakatira pa kmi sa parents ko until now  , hinde din nila alam ayokong sabihin sa knila dahil ayokong mag-iba ang tingin nila sa hubby ko ...pero eto ako ngayun alone walang masabihan ...
really hurt pero andyan na yan , accept ko dahil wala namang kasalanan ang bata pero ang ilihim sa kin ng mahabang panahon .. tama ba yon ? ano ang dapat kong sabihin .? :(

ebiko

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #1 on: April 11, 2011, 03:25:22 pm »
tell him you were hurt, and ask mo na rin kung may iba pa siyang tinatago, remember, he had kept it for the longest time, but then, the act happened before you became a family, pwedeng itinago din ng partner niya noon ang situation, at natakot siyang mawala kayo kapag sinabi niya yun, may mga lalaki kasing hindi automatic mag-isip pagdating sa mga bagay na ganyan.

ang  pagtuunan mo ng pansin is, how to tell your son/daughter. 

aquacharly

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #2 on: April 11, 2011, 04:07:18 pm »
EBIKO is right on the spot there:
      "I am hurt", tell him. 
But do not complicate matters.  The less said, the better.  Sabi nga, do not make decisions based on emotions.  And of course, gigil na gigil ka ngayon.
      "Ano pa tinatago mo?  Lalo na yung sigurado ka makaka hurt ng feelings ko?"

Tama ka din -- do NOT tell your parents or friends about this 10yo.  The truth will come out eventually, wala namang secret hindi nabubunyag ika nga nang matatanda...  so just let it be now.  Andyan na yan. At least if they find out later on , calmado ka na .. either you and your husband are back on an emotional plateau or nagkahiwalay na kayo (baka kasi nga as EBIKO says, may mga secrets pa sya).

What else can you do aside from what EBIKO cited?  Wala. 
Keep cool, although mahirap kasi nga gigil na gigil ka now..  look at it objectively,  Isipin mo, kung kapatid mo your husband... how will you advise your SIL about this matter? 

mistiqshannen

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #3 on: April 11, 2011, 05:40:32 pm »
I third the motion as what ebiko said. Again.. You have to tell him and let him know na nasaktan ka kasi una nilihim nya sayo nun nalaman nya me anak na pala sila nun kalive in partner nya noon and maybe he has also the point kasi if sinabi nya sayo ayan nga masasaktan ka nya.

pero bakit naman maiiba ang tingin ng parents mo sa kanya? it happened from the past wala ka pa sa buhay nya noon nagkaanak sya, hindi nga nya alam diba? nalaman nalang nya lately.. You can tell him na dahil sa ginawa nya medyo nabawasan yun trust mo sa kanya which is natural lang at ask mo din sya if meron pang ibang tinatago he has to tell you para magkaayos na kayo para din matahimik na yun kalooban mo.

Sis.. naging masama ba syang asawa at ama sa anak mo through out teh years na magkasama kayo? Hindi nya kasalanan nagkaanak sya dun sa EX nya ang kasalan lang nya ay tinago nya sayo yun.. mag usap kayo yun lang and weigh mo ang mga bagay bagay.. mas matimbang ba yun fact na me anak sya sa iba than sa mga ginagawa nya sa inyo ngayon sa anak mo? ikaw lang makakapag sabi nyan

goodluck

oyetken

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #4 on: April 11, 2011, 07:54:27 pm »
hi mga sis.. really appriciate all sa mga concern nyo, actually last thurs. lang to nangyare, now its my 4 days na ganito nag-iisip...and natutulala! shock tlaga, but then nakka refresh pagnababasa ko mga msg nyo w/ same opinion..  ebiko- correct ka dyn sis  sa anak ko kung papaano ko sasabihin ito hindi pa ngayun..  Aquacharly-  last thurs talaga habang binabsa ko email ng hubby ko hindi ko mapigil ang iyak ko , sobrang nasaktan ako pilit  ko tinatago sa parents ko pagmagkakasama na kming kumakain...very emotional tlaga kaya hindi ko muna nirereply ang mga email nya kc baka ano masabi ko and malayo pa sya sa amin.. kya pala cya hindi msayadong pala kwento dahil my lihim syang tinatago naramdaman ko yun  ...mistiqshannen- trust & respect andun lahat binigay ko sa knya ,alam mo sis he's responsible and a good provider pero may pagkukulang din sya sa anak nya and as wife no time for us kung minsan when it comes sa work..workaholic kase  bihira lang ang f.bonding nmin or chat ... pero still i understand ..

now lahat puro  :( i know nagiisip din yun dun kung ano ang isasagot ko sa knya ..
thank u mga sis  i try na maging calm and tell him how i feel now ...simple lang naman gusto ko mging maayos at buo ang family ko and lahat nito para sa anak ko mging maayos lang ang family namin . natatakot din sya na mawala kami siguro .... thanks sa mga sis sa advice .. godbless

mistiqshannen

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #5 on: April 11, 2011, 08:22:18 pm »
hi sis I understand what you are feeling right now. Maybe take time muna to think para mahimasmasan ka kasi if susugurin mo si hubby ng mga replies mo na galit at masama loob mo minsan hindi tayo nakakapag isip ng mabuting sasabihin baka lalo lang lumala yun situasyon. Maybe you could response to your hubby na sasagutin mo sya later just give you a time to think.

Sabi mo nga nasa abroad sya so maybe he is busy pero it doesnt mean na pinababayaan ka nya. Ikaw padin talaga makakasabi if naging mabuti ba sya sa inyo. against dun sa nalaman mo na me anak sya. kasi ganito lang naman yan.. OK fine me anak sya so ano gagawin mo? Mabubura mo ba yun katotohanan na yun? wala ka talagang choice kundi tanggapin yun at bigyan ng oras na mawala yun sama ng loob mo sa hubby mo for not telling you that.

oyetken

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #6 on: April 11, 2011, 08:48:32 pm »
yah ..thanks sis  tama ka dyan mababago ko pa ba yon ' .. im trying to accept completely  ...  im trying to think the possitve side ... hoping ..

Tigershark09

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #7 on: April 12, 2011, 12:00:07 am »
Yung 10 year old na batang yon part ng past ng asawa mo. Given the benefit of the doubt, marahil nagawa niyang ilihim dahil sa sobrang pagmamahal niya sa iyo at baka hindi mo ka matanggap. On the other hand, masakit yung ginawa niya hindi lang sa iyo, kundi don sa bata. Siguro totoo din ang sinasabi ni hubby na wala siyang alam na may 10 yr old siyang anak, baka nilihim sa kanya ng kalive-in niya noon. So masakit din yon sa bata na hindi niya nakilala ang tatay niya. You and your family will go on and have a good life but this kid will never have a complete family.

Try to be more patient. Baka pare-pareho kayong nasaktan,na-betray at naguguluhan sa pangyayari.

oyetken

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #8 on: April 12, 2011, 02:03:09 pm »
thanks tigershark09  honga e need to accept kahit medu naiisip ko pa lalo na pag nakikita ko anak ko maliit pa siya, shock kasi kung iisipin mo "hello may anak na pala siya?  dapat na sinabi na din nya nagkaroon sya ng anak kahit masakit at least HANDA ako ..kaya parang back frm the past  nanganak ako that time   wala siya nasa abroad siya and i dunno kung nasabik siya sa anak namin .. hayzzz eto na naman ako ... its sad dahil din sa bata .. alam ko na balang -araw hahanapin ng bata ang  father nya... i pray na malampasan ko tong pagsubok nto' ..
thank u  sis..

ebiko

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #9 on: April 12, 2011, 02:24:28 pm »
^ naging curious tuloy ako, alam kaya ng in-laws mo? na may anak siya?

anyway, may mga reasons, kung bakit nangyayari ang isang bagay, anyway, goodluck sis, mag-isip ng mabuti, at mahinahon and i am sure, malalampasan mo/nyo din yan ... 

Britney

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #10 on: April 12, 2011, 06:15:58 pm »
@oyetken,
A year ago, medyo pareho tayo ng sitwasyon. Ang pinagkaiba nga lang, ako alam ko na may anak na si hubby pero walang communication, pero lately, dahil sa mga social network, ayun nagkaroon na ng communication, di man lang sinabi sa akin. Ang explanation ni hubby, sasabihin din niya sa akin pero baka daw magalit ako. Eh natuklasan ko na. Dumaan ako sa dinaranas mo ngayon at masasabi kong nasa process pa rin ako para matanggap ito. Hindi madaling tanggapin kasi, all the while, kayo lang ng pamilya mo tapos here comes a new person in your husband's life.
Kung ang tanong mo eh paano sasagutin ang sulat ng asawa mo, pag isipan mo muna ang lahat. Kailangang tantiyahin mo ang sitwasyon. Huwag mong ilagay ang sarili mo na ikaw ang magiging masama. Fine, sabihin mo na hindi tamang ilihim sayo pero mag iingat ka na huwag ibaling sa bata ang galit mo...Kailangang maging winner pa rin ang labas mo eventually.

younis

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #11 on: April 12, 2011, 06:36:38 pm »
@oyetken... i can imagine how hurtful it was sis. parang parehas kayo ng situation ng mother ko.

when my mom died, after ng libing nya, kinausap kami ng kapatid ko ng father namin. and there he was, inamin nya sa amin ang greatest secret nila ng mother namin. that he has a daughter long before they got married ng mother ko. hindi lang ako sure kung sinabi nya ito before sila ikasal or kasal na sila ng mother ko. hanga ako sa mother ko, she kept this secret sa amin ng kapatid ko for a very very long time, I was 21 then. biglang may nagflashback sa head ko, my mom and I (i was just maybe 7yrs old) used to go to this place in quezon city, lagi kaming nagpupunta dito, siguro once a month, may dala kami lagi like cake or chocolate at nakikita ko may inaabot na sobre ang mother ko dun sa isang babae na guardian nung bata. sya pala yung pinupuntahan namin dun, yung anak ng father ko. sayang wala na ang mother namin para tanungin ako about this things. lumaki kaming maayos ng kapatid ko, maayos kaming pamilya na namumuhay. my parents decided to keep this secret from us and from my mom's relatives. with my mom, hanga ako sa tapang nyang harapin ang situation na yun. wala naman kasi ding gulo like pang-aaway ng babae para sa sustento na nangyari eh, tahimik kaming namuhay bilang buong pamilya. syempre nagalit kami ng kapatid ko, pero normal reaction lang namin yun, eventually natanggap din namin. ngayon may kanya-kanya na kaming pamilya at walang kaming parehas na koneksyon or anything dun sa sinasabing anak ng dad ko. normal lang, parang walang nangyari.

now with you, i guess ang maipapayo ko lang sa iyo, magusap kayong masinsinan ng husband mo. based from your kwento, mukhang pamilya mo naman talaga ang priority ng husband mo eh, kaya ikaw din talaga ang pinili nya. now if all is well naman with your family, walang gulo, I guess mabuting sa inyo na lang muna ng asawa mo ang secret na ito. tanong ko lang, sinusustenuhan ba ng husband mo yung daughter nya dun sa ka-live-in nya? pano ba ang setup? i guess ito ang pag-usapan nyong maigi talaga kung papaano ang magiging setup nya/nyo with this situation.

« Last Edit: April 12, 2011, 06:39:38 pm by younis »

tabbru

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #12 on: April 12, 2011, 11:42:26 pm »
Tanong ko lang din, ano ba ang plan of action ng husband mo dun sa unang anak nya? Gusto ba niyang sustentuhan? Ipasyal paminsan-minsan? Ipakilala sa family ninyo? Ipagsigawan sa buong mundo na nagka-anak siya dati?

Wala ka ng magagawa, nandyan na yan. May anak na siya. Masakit of course. But the real conflict starts dun nga sa kung ano ang gusto niyang gawin sa bata now that it's out in the open.

Ang sabi mo nga, 10 years old na yung kid. Kung nabuhay naman iyon ng walang financial support from your husband, pwedeng di niya na rin sustentuhan. Pag nangyari iyon, suwerte ka. Kasi wala kayong kaagaw sa pera ng husband mo. Kung susustentuhan naman niya, dapat ka niyang iconsult kung paano at kung magkano. Hindi na siya single, dapat ikonsidera niya ang opinyon mo sa bagay na ito.

Btw, your son is only 6 years old? Why tell him na may kapatid siya sa labas? Unless nga may plan ang husband mo na iuwi ang anak niya sa inyo kahit paminsan-minsan. Kung ganito ang gusto niya, papayag ka ba? I guess you have the option to object. Pwede naman kayo magco-exist ng unang anak niya ng hindi kayo nagkikita. Unless martyr type ka. Sa ngayon, I have a feeling na sobrang hurt ka at di mo sincerely kayang tanggapin ang bata. Confront your real emotion. Yeah, walang kasalanan ang bata. Pero di mo rin kasalanan ang naging situation ninyo (lalo na at di mo alam na may anak sa una ang asawa mo) so may karapatan kang masaktan at protektahan ang sarili mo.

Given the chance, spare your kid from early heart ache. Hindi naman niya kailangang malaman ang situation. Yeah, wala namang secret na hindi nabubunyag. Pero sana malaman niya iyan when he's older at mas mauunawaan na ang bagay-bagay. Napaka-unfair naman kasi na iimpose sa inyong mag-ina ng husband mo na tanggapin ang bata. It takes time.


ysa.belle

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #13 on: April 13, 2011, 10:07:42 am »
hi Britney, musta ka na?

@oyetken, tell your husband na nasaktan ka. he needs to know how hurt you are.

oyetken

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #14 on: April 13, 2011, 02:14:32 pm »
^ naging curious tuloy ako, alam kaya ng in-laws mo? na may anak siya?

anyway, may mga reasons, kung bakit nangyayari ang isang bagay, anyway, goodluck sis, mag-isip ng mabuti, at mahinahon and i am sure, malalampasan mo/nyo din yan ...

i think sis alam nya bout sa anak niya ...[textspeak!] lang nagsasabi sa kin at dapat ang 1st na makakapagsabi nito si hubby... wala akong masasabi sa mother-in-law ko , mabait siya ,sila sa akin , ... kaso eto nga nagyare ..hinde pa nga namin napapag-uusapan naming 2 ng in-law ko kung bakit ganun ... hinahayaan ko muna gusto ko kasi maging ok ako ..

Britney

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #15 on: April 13, 2011, 02:17:51 pm »
Hi ysa.belle,

Musta na? Send you a private email sa gmail. Eto pa rin, unti unti na ring natatanggap ng konti pero alam mo yun, hindi pa rin buo...

@ebiko,

Wag ka muna magsalita ng kung ano ano hanggat hindi ka ready. Mahirap magbitaw ng mga salita at dapat hindi ka magiging mukhang masama sa kanila. Pero kailangan mong i-voice out na nasaktan ka sa paglilihim...Kaya mo yan, sa pagbabasa mo dito, mamumulat ka unti unti...Ako ganito ang ginawa ko. Katulad mo rin ako, ang hirap hirap talaga...Hanggang sa ngayon, in the process pa rin ako pero wala na akong magagawa, andyan na eh...

ysa.belle

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #16 on: April 13, 2011, 02:19:37 pm »
@oyetken,

akala siguro ng parents in law mo alam mo na noh?

oyetken

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #17 on: April 13, 2011, 02:38:40 pm »
thanks mga sis  for sharing ...  ask ko siya bout sa bata sabi ko kung sinusustentuhan ba niya? sagot nya nung  nag hiwalay daw sila sinabihan siya  ng buong angkan ng girl  na [textspeak!] na puedeng magpakita sa kanila kundi papatayin cya ...so mahabang panahon na walang balita .. and dahil sa mga social network n yan , lumabas ang totoo..
[textspeak!] ko pa ina-ask sa knya  kung ano palno nya sa bata ..sa ngayun madami akong tanong sa kanya and he reply naman .. i'm just trying to accept , hanggang maari ayokong mag-isip ng negative bout kanya , hanggang ngaun natutulala ako at napapaisip ..pinipilit kong maging ok sa mga parents ko ng hinde nila nahahalata ..


ysa.belle

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #18 on: April 13, 2011, 02:44:49 pm »
O since sinabihan naman pala siya ng buong angkan ng girl na wag na magpakita sa kanila eh hayaan nalang niya. wag na rin niyang sustentuhan ang bata. baka nagparamdam lang ang mga yan para perahan kayo.

younis

  • Guest
Re: late nang sinabi na may anak...confirm
« Reply #19 on: April 13, 2011, 02:50:08 pm »
korek, ganun naman pala eh. so live your own life na lang kayo ng pamilya mo. wag ng gambalain pa ang nananahimik na. unless yung mismong husband mo ang gusto magkaroon ng communication sa anak nya, otherwise ganun na lang yun, nalaman mo nalang, then move on sa life nyo together as happy family. tingin ko wag mo ng sabihin sa kahit sino muna, sa inyong 2 na lang muna.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close