sis ayen,
share ko lang ha, based eto sa research ko recently:
bouncer - hindi siya rocking chair / rocker. yung feet nya ay flat sa floor, gumagalaw sya by baby's own movement, ang galaw nya ay parang yugyog.
rocker - rocking chair, yung feet nya ay arch sa floor para mag-rock or duyan-duyan yung baby; typically, yung rocker ay may option na maging steady rin, para maging seat lang sya, which is needed like kapag nakatulog na si baby sa rocker or kapag pakakainin sya; usually din merong added feature na vibration unit.
Rocker vs bouncer: ayaw ko ng bouncer kasi si baby magugulatin! kahit sa konting movement nya kapag tulog, kapag umalog yung higaan nya, magugulat na sya! kahit nga yung movement ng air from the electric fan, minsan nagugulat din! unlike sa rocker, soothing and continuous ang movement kaysa sa bouncer... baka mas limited din ang weight limit sa bouncer...
Rocker vs Swing: sa palagay ko, mas Ok ang swing kaysa bouncer or rocker. mas magugustuhan ni baby ang swing at pwedi ring maiwan si baby sa swing. unlike ang rocker, dapat may mag-ugoy sa kanya, except kung marunong na si baby mag-ugoy ng sarili nya. see this, 4month old ang galing mag rock!!! ang cute:
http://www.youtube.com/watch?v=NuqTazuKF8oon the other hand, ang swing is until 11kgs lang, whereas yung rocker ay pweding until toddler which is 18kgs. hindi ko sure ilang months yan, pwedi mo makita sa chart ng weight-vs-month. yang weight din na yan ay yung sa fisher price na items. kahit yung 2-in-1 na swing&rocker, yung rocker ay until 11kgs lang din ata (not so sure; pero kasi makitid na yung seat dahil sa support cushions sa sides, kaya hindi na kakasya kung malapad na si baby). same thing kung swing&cradle...
so for me, rocker nalang siguro muna bibilin ko. may yaya naman na mag-uugoy sa kanya at sana matuto din syang mag-uugoy by herself.
finally, yung baby/ infant carseat ni baby ay actually pwedi naring gawing rocker!!! so pweding hindi na ako bumili ng rocker?!@#$ na-confuse ako sa sarili ko noh... che-check ko nga this option kasi nag-ro-rocker din naman yung carseat nya. only problem could be that hindi gaanong well ventilated ang likod ni baby dyan dahil sa side cushions, kailangan naka-aircon or malamig, otherwise, papawisan ang likod nya kapag tumagal.

kung may budget naman, syempre ok lang ang swing&cradle!
hope this helps!