Hi mga sis. Share ko lang experience ko.
Nadiagnose ako last year, Genital Warts and isa lang naging partner ko.
Pinatanggal ko yung warts through cauterization.
9 months na akong walang recurrence. Ang saya saya ko talaga.
Feeling ko pangalawang buhay.
Sabi kasi pag 4-6 months na walang recurrence it means na fight off na ng body yung virus or naimmune ang body sa virus and hindi na harmful.
Anyways after 1 month pala ng cauterization, inflamed/itchy ang vagina ko.
Akala ko nga that time bumalik.
Narealize ko baka sa kakagamit ko ng feminine wash. Gumagamit kasi ako that time ng guava leaves and den thrice a day na betadine feminine wash as in araw araw.
Hininto ko yun and water lang talaga ginagamit ko panlinis den after that dinadry ko with tissue.
Ayun nawala yung itch and pamamaga.
Minsan nakakaexperiece ako ng itch at napaparanoid talaga ako pero i think normal lang naman ang itch minsan kumpara sa kati na cause ang warts. (Umiiyak ako before sa kati cause ng warts, parang kinakagat ng langgam na super makati)
Ngayon, nagddrink ako ng super daming h20 and Yakult.
Super inaalagaan ko na talaga ang katawan ko and ayoko na magkabf at makipag sex.
Ayoko na maranasan yung nanyari sakin before.
Alam nyo ba mga sis, pumunta ako sa hospital at pinasok ako sa OR na walang kasamang kafamily.
Ikanakahiya kasi ako that time ng mom ko, nakakadiri daw ako. hehe. Pero ok na kami ngayon.
At ayoko din malaman ng mga friends ko yung situation ko that time. Sinolo ko talaga.
Inadvisan ako ng ob ko that time na general anesthesia gagamitin kasi medyo marami na yung warts, sabi ko naman local nalang at wala akong kasama and kakayanin ko. Sobrang sakit nung procedure, sa may urethra meron na din kasi, para na akong mamatay pero ang weird never akong lumuha nung procedure eh masmasakit pa yon sa facial session ko na napapaiyak ako.
Awang awa sakin ob ko and mga nurses. Nung lalabas na ako sa OR hinahanap nila kasama ko sabi ko naman wala ako kasama and di na ako magwiwheel chair at kaya ko naman maglakad. Sabi ng nurse ang tibay ko daw at gusto pa ng ob ko siya maghahatid sakin pag uwi. Pag labas ko sa hospital tska ako umiyak, ganun pala ang pakiramdam ng walang karamay, awang awa ako sa sarili ko at nandiri ako sa sarili ko. After that di pa nagtapos hirap ko. Nag 3 days pa ko sa hotel, hinintay ko mom ko to pick me up kasi di ko na din kaya that time magtravel mag 1 kasi im pregnant (Malayo bahay namin from the hospital, im from province) . Sa 3 days na yun sobrang sakit pag nag ppee dahil tinatamaan ang sugat at napapasigaw talaga ako sa sakit Plus sinabayan pa ng pagsusuka at hilo because of my pregnancy. Nagkamiscarriage ako on my 2 1/2 months.
Yun na ata ang pinakadown na moment ng life ko at nalampasan ko.
Sa mga sis natin na hindi pa binibigay ang sarili sa mga bf, advice ko lang, kilalanin nyo muna bf nyo. If possible background check muna kung ilan naging partners niya para sure na hindi kayo mahahawaan ng kahit na anong sakit. And pinakaimportant to have your cervical cancer vaccine shot. What is 12k kung magiging protected ka against sa warts and repro cancer. At sa mga sis natin na may Genital warts or other type of STD, ok naman na maniwala sa natural remedies pero best parin to consult a Doctor.
Never kung naisip na magkakaroon ako ng ganung sakit, im a nurse pala and my ex bf is a nurse din.
Sorry mga sis sobrang haba nito.
