Hi all, share ko lang experience ko sa pagkuha ng student permit sa LTO East Ave.
Tuesday ako pumunta, dumating ako dun before 11am (dapat pala agahan talaga pag dito kukuha!). Kelangan daw kumuha ng medical exam sabi noong officer na nasa Step 1 desk. Pero wala namang nakalagay sa website nila na kelangan 'yun. Pero sige, go na rin ako.
P200 sa "accredited" clinic somewhere along East Ave., mga 5 minute-walk from LTO. Sobrang daling kumuha. Eyesight lang chineck tapos tinanong lang ako kung ano height and weight ko. Jusko talaga. Anyway, ginawa ko na rin para lang matapos na. Naisip ko lang, ang laki ng kita nung clinic. Parang hindi bababa sa 50 katao kada ang araw ang binibigyan nila ng med cert. Easy money

Mga 11:30am na ko nakakuha ng number sa Step 1 desk. Ang nakakaloka pa, nag-download ako ng form from their website tapos 'yun ang finill out ko. Hindi daw dapat 'yun, binigyan ako ng blank form. So doble effort ako. Original NSO birth certificate (binibabalik din pala after evaluation), photocopy of birth certificate, photocopy of govt issued ID, and med cert ang requirements.
Anyway, pagpasok ko 'dun sa licensing office, #199 pa lang yung sineserve nila. Pang-309 ako. Naghintay ako ng 3 hours para lang sa evaluation (step 2). Tips: magbaon ng inumin at tinapay (may maliit na tindahan doon na ginto ang presyo ng mga bilihin); magdala ng pamaypay- hindi aircon sa loob pero maraming electric fan kaya lang mainit pa rin sa dami ng tao; magdala ng tissue - malinis naman ang CR pero walang tissue; at higit sa lahat, habaan ang pasensya. LOL
Okay so finally, after 3 hours, tinawag na number ko. Mabilis lang 'yung evaluation itself. Kaya lang nagka-problem 'yung sa akin kasi nakakuha na 'ko dati ng student permit, hindi na daw pwede mabago 'yung details sa database nila like 'yung address, height and weight (I was 10kgs lighter when I first applied for a student permit 5 yrs ago LOL). Papalitan ko na lang daw pag kukuha na ko ng non-pro after a month. Okay, pinush ko na. Sayang naman ang 3 hrs kong paghihintay!
After that, mabilis na lang ang mga pangyayari. Photo/sig taking > bayad ng P317 > releasing ng student permit all under 30 minutes.
I'm already dreading applying for non-pro kung ganito katagal sa LTO East Ave. Or aagahan ko na lang talaga ng bongga next time.