Author Topic: My Friend is the mistress  (Read 10740 times)

glamorosa_09

  • Guest
Re: My Friend is the mistress
« Reply #20 on: July 15, 2012, 09:34:01 pm »
^nagpakumbaba na ba si friend, umamin at pinagsisihan ang kasalanan at higit sa lahat, humingi na ba ng tawad kay legal wife?

katrinac

  • Guest
Re: My Friend is the mistress
« Reply #21 on: July 17, 2012, 12:27:39 am »
m_lim - sis, i agree with sis glamorosa. teka, if i may ask sis, paanong nanggugulo si legal wife? as in may sugod effect ba sya? tawag and nang aaway? sa point ni legal wife, kahit hiwalay sila ng husband nya, mahirap tanggapin yun sis. i know someone, a close relative, 37 years na nagsasama si mistress and ang guy, (matanda na sila) up to now, di parin tanggap ni legal wife ang estado nila sa buhay. di hiwalay si husband sa legal wife. pumupunta sya sa US every now and then to visit the legal wife, pero mas madalas kasama nya si mistress.

Si mistress,  tried to reach out sa legal wife to apologize pero wala. She can't let go of the man, dahil 2 din ang anak nila. ayaw din makipag hiwalay ni man kay mistress. dahil sya din daw ang happiness. kumbaga pikot kasi ang nanyari kay legal wife and husband.

m_lim

  • Guest
Re: My Friend is the mistress
« Reply #22 on: July 17, 2012, 03:18:35 am »
Dinemanda sila pareho ni legal wife (na naiintindihan ko kasi i am a legal wife. At kung ako siguro yun baka hindi lang demanda ang abutin nila).. Anyway, sa tingin ko sa situation, never na sila mapapatawad ng legal wife. Mga 5years na rin sila nagsasama ngayon pero hinahabol pa rin sila.

Humihingi ng settlement pero hindi pa magkasundo. Saktong sakto lang rin kasi ang kinikita ni friend at lalaki.

Naawa lang ako sa anak nila. Turning 2years old. Nakakatakot kasi what if magkaisip na ang bata tapos siya ang harrassin ng legal wife? Btw, may isang anak rin pala sila ni legal wife.

Shempre nanghihinayang rin ako sa friend ko. Masarap ang buhay niya dati before niya nakilala itong lalaking may sabit. Ngayon halos di alam gagawin kasi kaliwa't kanan ang bayarin. Atty fee, pang bail, pang settlement, tsaka everyday gastusin nila.

Yung lalaki naman, ewan ko mahirap magsalita. May trabaho naman pero parang mahina ang loob dumiskarte kaya si friend na nakatapos ang dumidiskarte ano bang gagawin.

Sabi ng ibang friends namin, sabihah ko raw na hiwalayaan nq kasi hindi na worth it. Sabi ko naman, mahirap mag advice ng ganyan kasi hindi ko hawak ang feelings niya at ang capacity niya hanggang saan siya magtitiis.

Ang nakikita ko lang na solusyon eh mag migrate sila buong pamilyq. Kesa habangbuhay sila hahabulin ng kasalanan nila. Basta huwag lang talikuran yung obligasyon sa unang anak.

« Last Edit: July 17, 2012, 03:25:51 am by m_lim »

m_lim

  • Guest
Re: My Friend is the mistress
« Reply #23 on: July 17, 2012, 03:23:42 am »
Oo nga pala, one time rin pinasundan sila ng legql wife. Alam kung ano suot nila that day. Then sinugod sila sa bahay kasama mga tanod. Nakakahiya yun sa mga kapitbahay ha!

Nung dinemanda na sila, pati picture ng anak nila nakakuha ng copy.

Nagtatago sila dati. Nagkita lang si legal wife at friend sa korte na nung nagkademandahan. At shempre hindi sila nag usap kaya walang sorry na nangyari.

Yung family pala ni friend, civil lang sa kanya esp the father. Kaya etong pamilya niya ngayon (anak at kinakasama) ang tanging pamilya na kasama niya. Kumabaga, mas mahirap bitawan.

Sabi ni friend, alam niya na kabayaran itong mga nangyayari sa ginawa nila. Kumabaga, alam naman niyang mali. Ewan ko ba bakit pinatulan pa rin.

Dito ko napatunayan na totoo talaga ang karma. Itago mo man ang ginawa mong kasalanan, kapalaran ang maniningil sayo.
« Last Edit: July 17, 2012, 03:31:44 am by m_lim »

katrinac

  • Guest
Re: My Friend is the mistress
« Reply #24 on: July 17, 2012, 05:04:13 am »
siguro si legal wife, andun sya sa revenge part. and walang laban si friend and si guy kung na demanda na sila. lalo na't di pa ata talaga sila totally hiwalay nung legal wife.

sana, maliwanagan si friend mo and marealize nya na may mali talaga sa relationship nila ng lalake. pero nevertheless, kahit siguro magka balikan si husband and si legal wife, mukhang di titigilan ng legal wife si friend mo. sa kwento mo palang sis, mukhang matapang talaga sya.

glamorosa_09

  • Guest
Re: My Friend is the mistress
« Reply #25 on: July 17, 2012, 11:40:05 am »
akala ko naman, hiwalay na itong si friend at married guy, hindi pala, sila pala ang nagsama in the end. Kung yan ang paraan ni legal wife to cope up with anger, pain and hurt, no one can help it. Though hindi maganda ginagawa nya, no one can blame her kahit it's a lose-lose situation.

Si friend mo, hayaan mo sya to live with it. Pinili nya yan eh, desperado at bulag sa pagmamahal kahit nasa maling lugar. Bakit mo sya tutulungan? I thought she tried to correct her mistakes, hindi pala. Give her tough love. Pag-pray mo na lang na mauntog hanggang hindi pa huli ang lahat. Kasi if you help them with their relationship, you are condoning them. Parang you are participating with their sin.

m_lim

  • Guest
Re: My Friend is the mistress
« Reply #26 on: July 17, 2012, 01:40:33 pm »
^may point ka sis. Masabi nga yan sa kanya pag hindi parin naayos ang gulo nila. Na mag isip isip na siya na its about time to correct her mistakes at humingi ng tawad sa Diyos para makapag simula ulit.

glamorosa_09

  • Guest
Re: My Friend is the mistress
« Reply #27 on: July 17, 2012, 03:22:13 pm »
^sana lang makinig si friend sayo sis...

nasira kasi buhay ni legal wife at buhay ng anak nila, kaya mukhang itong si legal wife, mukhang hindi yata susuko, gagawin ang lahat para sirain din buhay ng friend mo pati ng anak nya. Good luck sa friend mo.

phatgirl

  • Guest
Re: My Friend is the mistress
« Reply #28 on: July 18, 2012, 06:02:24 pm »
ako naman ganan rin yung sa friend ko.sabi niya "friend"raw niya yung guy na ka fling niya(para sakin)..nakilala niya 5 years ago,same year na makilala niya hubby niya..kasal na yung guy na yon at lagi sila chatmate..nag meet na pala sila 2 years ago nung umuwi ng Pinas yung lalaki,at yan may nangyari pala sa kanila!..ayoko siya sabihan ng kung ano-ano kasi buhay niya yon,gusto ko man siya tawagin na babaeng haliparot,pinigil ko..kasi kung meron man nakaka alam kung bakit niya ginawa yon,walang iba kundi siya..so yun nga sabi ko sa kanya bakit nia ginawa,di raw nya alam..parang mahal rin raw niya yung lalaki kasi pag may problema siya sa asawa niya dun siya nakikipag usap..sabi ko bakit sa akin di siya lumapit,kasi nga raw ma asawa na ako..

siya rin naman halos asawa na niya yung live-in partner niya..kasal na lang ang kulang eh..sinabi niya sa akin na kaya niya gnawa yon kahit sa super bait ng asawa niya dahil gusto nya gumanti..minsan raw kasi sinusuntok siya at snasaktan ng asawa nya pag sumasagot siya o lumalaban sa away nilang mag asawa..

di ko alam na may sikreto siyang ganyan..at bakt ngayon lang niya sinabi sakin..natatakot raw siya..kasi nung last week pala nandito rn sa Pinas yung lalaki,at nagkita sila..may nangyari na naman raw..sabi ko sa kanya sana makonsensya naman siya kasi karma balk niyan sa kanya..ayon di na ko kinausap..di ko naman raw siya maiintindihan..payo ko lang sa kanya na sana iwasan na niya yung lalaki,isa pa kasal na on at pamlyado na..siya naman kahit di sila kasal ng partner niya,may anak na sila at mukha naman mabait yung partner niya..saka kahit naman pareho silang may problema sa mga asawa nla,di naman sagot yung manlalaki o mambabae sila eh..buhay pa,nasa impiyerno na kaluluwa..ayoko na muna siya kausapn kaya nakatago ako sa chat sa fb..

Nuriko

  • Guest
Re: My Friend is the mistress
« Reply #29 on: July 27, 2012, 03:06:42 pm »
May taong malapit din sa akin na isang kabet pakbet. Hindi ako nangingialam sa kanya kasi buhay nya yun. Matanda na sya, 10 years older sa akin at malamang sa alamang, hindi sya isip musmos na hindi alam ang ginagawa. Sabi ko lang, nasa kanya naman yun. Wala akong masabi eh. Ayoko manghusga (ng harapan) o pakialaman pa sya, baka may masabi akong di maganda at mag-away pa kami. Kumbaga, it's none of my business. Kung umiyak sya sa huli, kasalanan nya na yun. Alam nya na ngang mali. Buti sana kung hindi nya alam na mali sya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close