watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5  (Read 79314 times)

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #520 on: April 12, 2011, 06:19:27 am »
^may housing and transpo rin starbucks? nakupo sis, sad to say medyo d ok sa atlantis hotel. pangit ng management. madaming napako na "benefits" tsaka pangit ng dept ko :( kung ok dept ko siguro tumagal ako ng konti. namimiss ko tuloy bigla ang gumala sa mall of emirates, deira city centre at festival mall hehee ;D

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #521 on: April 12, 2011, 08:16:29 am »
^ wala sis. Kasama na sa breakdown ng salary. Masabi lang bang may transpo and housing :( talaga panget? Naku nakakamiss sa dubai mall. Ang ganda noh. Naaamaze lang ako sa buildings, structures dun. Basta kakaiba! Lol! Pero ha, ang amoy ng mga 'tao', grabe! Nagkalat ang shawarma :) para lang din nga akong nasa pinas nun eh. Dameng Pinoy!

Morning mommies! :)

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #522 on: April 12, 2011, 09:08:36 am »
pwede bann wala ng panggabi saten? di nako nakakahabol eh! si tin, graveyard na may umaga pa..

sis pia, sige itry ko yan.. tamaders kasi.. hahaha!

Goodmorning saten! Work muna akech!

Btw, naglagas ba hair nio after manganak? Major lagas ako, eto nagtutubuan na ang pangit!

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #523 on: April 12, 2011, 09:20:58 am »
Good morning din mommies! grabe na eto, mamya thread 30 na! LOL

Pia - yup amoy basahan talaga si maid ko, pero mga 1 month lang na ganun (good thing at di pa ako nanganak nun). Ginawa ko, binilhan ko talaga ng toiletries na mabango, then pinalabhan ko lahat ng damit with downy passion pa yan ha, pero as in meron pa din. LOL! Last remedy, binilhan ko ng mga damit, ayun nawala. Buti na lang!  ;D

Lisa - re having a house naman, yan din ang prob namen ngayon, ang DP. Kaya ipon ipon muna  ;) Atsaka syempre, aside from DP, isama na rin natin ang pagbili ng new gamit pag nagtransfer sa new house di ba? Pero if MA lang, kaya naman...DP lang talaga  :( Although I heard na may mga promos naman ngayon na you give 10% of the 20% DP, pwede na daw move in. Kaya scout scout muna san magandang place  :)

Nesz - ako sis, halos wala pa tumutubo. Pero nung di pa ako buntis, ang dame kong falling hair. As in!

Medyo balik lang ako ng konti re insurances ha (life insurance per se), we were discussing about this ni hubby over the weekends and I think it's a good investment nga. Meron kase ako nabasa sa net regarding difference of pre-need insurances to the one you've mentioned here (VUL, Life insurance etc etc), sorry di pa ako masyado knowledgeable about all these. Ayun, convinced ko na si hubby and we are meeting yung tita ng officemate nya na agent ng SunLife after holy week (papa explain muna namen and we'll see from there if avail na kame). Actually, meron daw life insurance sila hubby sa company eh, pero I think it's a group insurance and SunLife din ata, does it matter pa ba? Ay magulo pa talaga, I need to know differences ng insurances. I should know what we're getting into  ;)

« Last Edit: April 12, 2011, 09:23:06 am by redrose »

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #524 on: April 12, 2011, 10:10:24 am »
Jen, usually naman may group life insurance talaga sa companies. But you're only covered while you're an employee. And i'm not sure ha pero covered ka lang din yata pag work-related ang cause of death? O kahit hind. For me, better ang vul kasi nga 2 birds with 1 stone ito. May insurance na may investment pa. Yung life insurance kasi nainsurance lang, yon nga, insurance lang na makukuha lang pag wala na yung policy holder. Task your agent about maxi prime and flexi link yata yon. Maxi prime yung kay husband and we will get maxi primes for each of us again soon.

Yung mga 10% downpayment to move in, usually sa mga condo yata yon? Pag house and lot yata di ganon. Not sure lang. Sa bpinagtanong ako kahapon. Very loyal kasi ako sa bank nato. Taas ng interst nila, 10% fixed for 5 years. Sa iba as low as 5.99% pero daming fine print. MA wala din kaming problem, dp lang talaga. Kasi sa 10mil na house, 20% ang minmum equity. Eh wala pa kaming ganon ngayon. Furniture naman meron na ako ngayon. If ever we rent out our condo, i will not rent it out as a fur ished unit. Mga furniture kong iba antique. Di ko ipapagamit sa iba.

Pero ngayon at least may motivation talaga kami na magtipid kasi alam namin di kami makakabili ng bahay ever unless may pang downpayment ako. Or unless bayaran nanaman ng dad ko ang downpayment. Hehe. Ayaw ko din naman umasa di ba.

Grayce, kumusta fuzzibunz mo? Ang hirap ng may ibang kasama sa house talaga. Pero ang mahal naman kasi dyan. Nung nagwork ako dyan dati 9 kami sa 3br flat. 4 kami sa master bedroom! Kaya din 3 weeks lang tinagal ko dyan eh.

Tin, gusto kong pumunta ng dubai. Gusto ko mg san dunes at makapadok sa burj al arab. Hehe. At napanood ko sa megastructures kung paano ginawa yung palm islans at world islands. Super na-amaze ako.

May nag-offer sakin ng work dati peto sa doha naman. Eh di ko ata kaya kahit medyo open city naman yata. Pero ang laki ng sweldo ha. Di ko p-problemahin bumili ng bahay ng cash!

Sana pumayag si hubby na bumili ako ng chanel powder of ever. Alam ko nga ok talaga an kasi sister ko gumagamt din nyan.

Pia, about my mom. Sabi ko na lang di ko siya pipilitin. Sasakyan ko na lang kung anong gusto niya. Kung gusto dito, thank you. Kung gusto sa farm, ok kang din.


redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #525 on: April 12, 2011, 10:23:06 am »
Lisa - yup sis once you're an employee nga lang dun ka covered. Note ko nga mga na-mention mo so I can ask the agent na ka-meet namin. I want na nga ata yang VUL pero I need more details pa  :)

Re house naman - may condo, meron din mga townhouses I think, yun lang kase target namen na bilhin, as in townhouse lang. Siguro ranging from 3M and max 4M lang ang ina-eye namen ni hubby, then MA siguro max na ang 30K. Kaw ata sis house noh? Yeah, I think wala ngang ganun na promo. Pero di naman kame masyado todo ipon kase gusto namen enjoy lahat  ;D eh di ba if you enjoy naman nowadays, it comes with a price. LOL! Kahit pa simpleng pa-mall mall lang yan, kelangan may datung  ;D But anyway, our short term plan muna is baby's 1st birthday and in addition ang insurance. Siguro house mga late next year till 2012 pa, basta bago mag big school si Y, dapat meron na.

Re BPI - kame din super loyal BPI client. Before nung get na sana kame house (bago ko nalaman na positive ako), nasa 8%+ lang ang interest! Kaso di nga natuloy, will check again soon pag ready na sa DP.

I saw this Somerset townhouses in Manggahan, Pasig nga na 10% DP lang, pwede na move-in. Anyone na may feedback? Baka kase may pangit na feedback. Pasok sana ito sa 4M na house na gusto namen.
« Last Edit: April 12, 2011, 10:33:52 am by redrose »

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #526 on: April 12, 2011, 10:29:39 am »
hello mommies! madami ako ibbackread. later na lang, paramdam muna ako. :)

pia, yep mejo busy nga and di din kita nakikita nagoonline. hehe malapit ka na dumating. april na! how are your preparations for bong's 40th? kelan booked si alex l.? sa january or june? parang aga naman kung sa january..

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #527 on: April 12, 2011, 11:15:10 am »
Jen, yes gusto namin house and lot na. Yung may maliit na garden. Ang ganda ng talaga nung nakita ko sa fb ni kim pero di pa talaga kaya ang dp. Kaya ipon mode talaga. Dito sa condo namin, 10% lang din ang downpayment. 2006 pa kami dito. Ok na for a starter home. Pag tumatakbo na si B, better i thinm pag house and lot na. Ang ok naman dito samin ngayon ay very secure ang place. Yung maid ko kahit ilang years na sakin, tuwing lalabas, tumatawag pa din ang guard sa akin to check kung pwede ngang luamabs. At nung sunday. Nagcommute siya with the new maid from my parents' house. Nauna sila dumating dito kesa sa amin. Tumawag pa ang guard sa akin sa mobile landline to check if pwede papasukin kasi may kasama.

Kim, that house is giving me sleepeless nights!

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #528 on: April 12, 2011, 11:23:45 am »
mamaya na din ako mag back read sagutin muna kita JEN re: Somerset in Pasig.  Nakapunta na ko dun to check yung mga townhouses nila. Mukahang ok naman kaso masyadong looban tapos binabaha yung area maski mahinang ulan lang.

post ulit ako later :)

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #529 on: April 12, 2011, 11:24:47 am »
naku mga sis ako din gusto ko ng house para samen ni baby.. sad lang kasi ako lang magfifinance nun mag-isa.. currently staying kami sa parents ko.. siyempre gusto ko din naman maging independent mom.. :)  sa mga di nakakalam, eh may hubby po ako, kaso sumakabilang bahay na.. hehe! dinadaan ko nalang sa masayang usapan pero masaklap ang nangyari sa lablyf ko.. change topic!

right now, birthday muna ni baby.. tas MBA ako tas pursue ko ang make up school.. Magpapacareer woman na muna ako, para makabili ng house :)

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #530 on: April 12, 2011, 11:28:00 am »
Lisa, try mo muna Chanel powder sa counter.  If sa Rustan's Makati, look for Wilma. :)

Go for the job with normal hours.  Nakaka-affect din kasi sa health natin ang night shift all the time.

Jen, bumabaha sa Manggahan, Pasig.  Malapit ako diyan nakatira before (sa Village East, Cainta kami and may short cut sa Manggahan).  At medyo ma-traffic.

Pia, I was also a loyal Clinique user when I was in my 20s.  Pero ganoon nga, bagay ang Clinique for those in their 20s.  When I turned 30, I shifted to Bobbi Brown for makeup (and MAC and Lancome for lipsticks and glosses) and Dr. Yu's potions (plus different brands of eye cream) for skin care.  Mid-30s na-discover ko ang Laura Mercier makeup.  Tapos, recently, I fell in love with Chanel makeup.   

I have to warn you though.  Once you start, you'll get addicted!   For me, mas maganda ang shades at mas hiyang ako sa Chanel makeup.  Kahit eye shadows nila (note: hindi ako nag-a-apply ng eye shadow on a daily basis), maganda at iba ang texture!  Yung blushes sobrang pretty ng colors!  Nakatabi ang NARS blushes ko at hindi ko na ginagalaw.

Nesz, stay ka muna with your parents.  Huwag kang magmadali bumili ng house.  Hindi biro magbayad ng amortization.  At, take note, ang daming kung ano-anong repairs na kailangan sa isang house from time to time.

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #531 on: April 12, 2011, 11:35:44 am »
marose, yup sis kaya career mode muna ako.. bigay mo nalang din saken mga nars mo, mageexpire yan! hehe!

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #532 on: April 12, 2011, 11:38:47 am »
Lisa - yun nga, kelangan talaga ng may lupa na bahay pag lumaki na ang mga chikiting  ;D but I'll still go for a townhouse, small time muna kase yun lang ang kaya for now. Saka na ako mangangarap sa mala mansion na bahay  ;D Inggit ako sa budget mo na 10M sis! Malaking house na yan ha! Pwede na mag-tumbling tumbling pa sa lawn  ;D True yan, magandang security is a peaceful living. Ang ayala subdivisions alam ko, medyo strict sa security.

Luz - thanks sa feedback regarding Somerset, ay erase erase na ito!  ;D Scouting ka din ba ng house sis?

Nesz - go go sa career sis! yup, wag ka magmadali, madami ka pa iyayaman sis and last thing you know, mansion na ang nabili mo  ;)

Marose - trueness! as in I heard from friends din na medyo mahirap ang MA ha. Lalo na di na uubra ang 20K na MA within manila vicinity. Siguro sa province, pwede pa! Pero dito, I doubt kung kasya pa yan. Last year nga na muntik na kame makakuha ng townhouse, 3M lang max budget namen and 20K max for MA eh, pero nag-check ako now, di na pwede yan kaya in-up na rin namen ang budget for project bahay. I think 30K is mahal na din ha as a max for MA, pero I want to be realistic na yun lang talaga ang kaya namin. Ayaw ko naman mabuhay (like 15 yrs at least di ba pag HL?) na panay bayad na lang ng MA  :)


neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #533 on: April 12, 2011, 11:44:21 am »
^salamat sis! naku sana magdilang anghel ka sa pagyaman ko.. :)

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #534 on: April 12, 2011, 11:51:48 am »
Marose, yes will try muna. But how do i know if i'm hiyang? How long after i try it on can i say sige, buy na?

Mataas nga bp ko lately maybe because of the puyat. Will see how it goes with this other company. Yon ng lang, may travel requirement din kasi so will see pa. With my job now, minimal travel eh. Worst case, i will ask to move to a 12-9pm shift para at least i can go home early at ako magpatulog kay b.

Nesz, very big commitment bumili ng property kaya mahabang isipan ito. But when we boguth our  condo late 2005, mabilisang decision. We grabbed the opportunity kasi near competion na non, hinabol namin ang lower pre-selling price. No regrets naman ever since. 31k din ang MA namin dito. 2 units kasi kinuha namin tapos ni-combine para mas malaki. Wala pang parking dyan. We bought 1 parking slot, my tita madre paid for it in cash then we pay her monthly. Then we rent another parking slot. Aside from the MA you havr to think about overhead pa. Di talaga biro. Fortunately naman so far eh ok kami. Yon nga ,ang, it's getting small na for us lalo na if my parents are here. Mapapadalas ngayon na silsng 2 nandito kasi nga they sold their house na. Pero sabi din naman ni husband, at least we have a place of our own so hindi "urgent" ang need for a house. But we want to hVe our own house na house talaga later on. Iba ang  ondo environment kasi though each has its own pros and cons.

Jen, gusto namin ni hubs ngayon maging preferred client ng bpi. We're applying for that status soon. Inaayos ko lang ang accounts kasi yung joint account sana namin ang gusto kong ipa-gold. Sana sana. Thougb di ko alam anong beneits nito bukod sa may sariling counter sa bank. Hehe.

Itong townhoue namin wi got for 2.6mil back in 2005 kasi nga pre-selling pa noon lumalaabs. We moved in summer of 2006. 3 years ago, i wanted ot buy a vacant lot sa verdana in mamplasan. Sayang ang pinalampas namin kasi amg mahal na ngayon. Gusto ko dn kasi ng ayala community pero di kaya ang ayala land premier. Malamang hanggang alveo lang ang kakayin. Location is a big factor din kasi for us kaya ang target namin si mga 10mil. Madaming mas mura pero sa not so nice locations kasi either malAyo o hindi masyadong secure, etc. Pero yong nga, sa 10ml, we have to have at least 2mil for dp plus yung mga transfer of title pa, etc. So di pa kaya ngayon. Target namin sana in 2-3 years.

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #535 on: April 12, 2011, 11:57:11 am »
Nesz, mukhang expired na ang Torrid at Deep Throat ko.  Kakahiyang ibigay kasi I hit the pan already.   Kapag weekends, sinusulyapan ko sila LOL.

Grayce, nakalimutan ko.  Gusto ko ang texture ng Rouge Coco Shine at Rouge Allure Laque.  Di ko type ang rouge coco.  Drying eh.

Jen, if you want less than 30k na MA, dapat malaki-laki ang DP.  Usually sa bahay, 20-30% ang equity/DP.  Malaki-laki.  Depende sa developer din kung puwedeng installment pa ang DP.  Maganda mag-housing loan these days kasi pababaan sa interest rates ang banks ngayon.

Lisa, if you did not have any allergic reactions, okay siya.  Wait for 24 hours siguro before buying since sensitive ang skin mo.

If sobra kang na-excite (haha like me most of the time) at binili mo na agad, you can always resell it.  Maraming bibili niyan dito sa GT.

Ang ganda-ganda ng loose powder talaga na White Essentiel.  Sobrang finely-milled.  At ang ganda ng finish sa skin.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #536 on: April 12, 2011, 12:15:16 pm »
Lisa - correct! good environment comes with a price talaga  :D wait nalito ako sis, townhouse ba nabili nyo or condo? kase condo is in a building di ba? I mean patong patong. And, townhouse is yung mini bahay? Yung minsan, duplex type or minsan 3 doors pa nga ito (don't know how it's called eh). Kase baka mamya eh townhouse ako ng townhouse sa gusto namen buy, iba pala ang name nun or should I say bahay na ata talaga term dun. Ay naku, naguluhan ako tuloy.

Marose - oo nga, we're into saving talaga 20-30% DP sana. Medyo ka-engganyo lang the offers I see now for some na 10% DP pwede na move in then another 10% of the 20% supposedly is payable in 12 months pa. After that, dun pa lang start MA daw sa bank. For us na renting, wise move na yun since our money is not put to trash! Mahal na din our rent ha na 15K/month (mura pa ito for some). Kaya nga, dream small muna kame for a townhouse para attainable kumabaga. Masakit na sa loob ko magtapon ng 15K! LOL! Pero if MA na yan, dagdagan ko pa ng half, luluwag siguro sa loob ko  ;D Since, amin na ang property. Di yung pinapayaman ko may-ari ng nirerentahan namen. LOL!

Re make-up, ayan na medyo unti unti na ako napapa search search sa mga binabanggit nyo! LOL!  ;D last thing I know, may nabili na ako sa mga recos nyo  ;D
« Last Edit: April 12, 2011, 12:18:04 pm by redrose »

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #537 on: April 12, 2011, 12:59:17 pm »
Lisa, go ka na sa Dubai! Kayang kaya mo magstay sa hotels dun :) basta wag ka lang pupunta dun ng summer at pati ulo mo iinit sa sobrang init ng panahon! Summer ako pumunta dun at Ramadan pa, stayed there for 2months lang naman. At umaabot sa 40+ deg celcius ha!

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #538 on: April 12, 2011, 01:25:18 pm »
marose oo nga sis eh.. sa kagaya kong "single" mom, napakahirap magfinance or maglabas ng 30 para sa MA.. Bukod pa dun ang DP.. Di naman ganun kalakihan ang sahod ko..  Gusto ko sa chanel yung insolente..

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #539 on: April 12, 2011, 01:27:02 pm »
Tin, natawa ako dun sa amoy! ;D sa karama nagkalat ang mga ganito :P Kakawindang minsan tipong bigla ka nalang may naaamoy. Masarap sa dubai lalo na kung may pera ka. naiinis nga ako minsan pag naaalala ko yung sweldo ko dun tapos i gave up working in the corporate world pa satin para lang sa atlantis then d pala ok management ??? sweldo ko is the same lang in pinas, then akala ko makakabawi sa SC/tips (SC=service charge), yun pala pangit ang hospitality industry sa dubai kaya halos magkano lang SC tapos quarterly pa binibigay, hindi pa on time! >:( d ko naabutan ang dubai mall, nagopen cya nung umalis na ako. and 40 deg in dubai is nothing, nung andun ako waaah umabot ng 50! :o

marose, yun nga napansin ko sa RC:( medyo drying pero keri pa naman. RA naman gandang ganda ako sa packaging, parang ang tutyal nya kasi sobra tignan hehe ;D yung RA lacque iniwasan ko at mahirap nang mapabili. nahiritan na nga ako ng asawa ko na yung mga makeup ko nalang daw ang ipambayad namin sa hospital bill ko nung nanganak ako, sabi ko wag at ipapamana ko sa anak ko na girl pag nagkataon :P

jen, nakupo wag sa manggahan, binabaha ng bongga dyan. d ko makakalimutan ang place na yan dahil may "boylet" ako before na taga dyan at nastranded ako sa place nila dahil sa baha :o

lisa, try mo muna kaya yung sa sister mo para macheck mo talaga ng matagalan kung may reactions ka sa chanel powder? sayang kasi kung bibili ka then d ka hiyang, pero like what marose said, you can resell it here sa beauty bazaar. yung fuzzibunz ko nakatago pa, sa weekend hopefully malabhan ko na. and hopefully rin on baby's 3rd month magamit na. medyo napapansin ko na ang pagiba ng pattern ng poopoo nya. nagiging mas less pero pag nagpoop ang dami, d tulad dati na parang installment and nakaka more than 10 disposables pa cya each day. kaloka sa dami :o

nesz, dati pinangarap ko rin mag makeup school. kaso daming competition kasi dyan satin kya feeling ko not worth it na. pinaubaya ko nalang ang muk aps sa mga becky friends ko sa MAC na nagfrefreelance na ngayon (RB, emer and yuki). now i miss my becky friends :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close