watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5  (Read 79476 times)

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #500 on: April 11, 2011, 07:40:00 pm »
^ thanks Van. Lista ko yan. Yan yung take home ng kids tama? What about prizes?

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #501 on: April 11, 2011, 07:43:10 pm »
^Yung mga prizes tignan ko na lang din kung ano meron sa Divi. Baka mga toys din or other stuff. Hinde kase malaki ang budget na in-allot ko for these eh. Ok sana yung mga stools na personalized but I'll have to check other options pa kase pag yun ang kinuha ko, malaki ang makakain nya sa budget ko.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #502 on: April 11, 2011, 08:02:36 pm »
Habang backread nanaman...

Lia, hope gianna feels better soon.

Marose, sa friday i will go to rustans to check the face powder. But you said to try muna sa counter. As in to try on my face? Then observe muna before i buy? Sorry, clueless.

Wait, dinner muna. Tuloy ko later.

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #503 on: April 11, 2011, 08:30:12 pm »
^lisa yep itry mo sa face, the SA can help you with this naman so paassist ka nalang.

tin, sige balitaan mo ako hehe. send my regards to doktora pag nakadaan ka :) si dr. yu is also good, may friend ako na cya rin ang derma. nagstick na kasi ako kay dra. wong since hiyang naman ako sa kanya and i prefer kasi talaga na derma mismo ang gumagawa ng procedure kahit diamond peel lang, yung iba assistant lang kasi.

uyyy excited na cya sa uwi ni hubby! ;D

marose, akala ko ba si hubby lang ang hinahanapan mo ng gift? :P pero ang ganda ng chanel lipsticks noh? ;D d pa drying sa lips kaya super love ko cya specially rouge allure :)

speaking of 365 days na leave, promise nakakainip lang na sa bahay lang :( kaya nitong weekend nung nakalabas ako para akong nakawala sa hawla :P kakatuwa pa si baby, pag nasa labas talagang gising kung gising cya, then pag nakastop ang stroller ng matagal iiyak. nakupo gala in the making na ata ang anak ko! :o

speaking of bills and chores, sa wakas last night na ng mga asungot dito sa bahay bukas na kasi ang alis nila. pero mygulay nagulat ako dun sa joy dishwashing namin na de-gallon, sino ba naman ang d mapapamura yung big size namin na joy ni hubby oct-feb tumagal. samantalang etong de gallon na ginagawa ko refill refill then dilute w/ water lang, nangalahati agad?! kung wala lang ako respeto sa mga nakakatanda baka nasita ko na talaga nanay ng housemate namin. then yung mga basahan, sinampay dun sa hamper, eh duh naman para sa mga damit yun! hygiene naman please utang na loob lang. and ang nakakapikon talaga dito sa mga to is napansin kong nasisimot na ang ingredients ng kusina namin, from bigas, patis, toyo, paminta etc., they know for a fact it's not cheap in this country but they decided to "go here" since andito anak nila which is our housemate pero konting hiya naman at sobrang napeperwisyo na rin ako sa pakikialam, pati yung mga plug ng appliances tinatanggal >:(

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #504 on: April 11, 2011, 09:59:51 pm »
Van, mahal nga yung stools. Gusto ko nga sana yun, pero namamahalan ako. Since ang kids samin eh mga pamangkin lang namin ni hubby, maappreciate na nila anything na ibibigay namin.

Grayce, mother kapag napadaan ako. Pero not soon! Bawi muna sa magagastos namin this month and next month. Kasi bakasyon si hubby. Lol! Ako naman ang may trabaho! Joke :) sis, sino mas affordable sakanilang 2? Thanks!

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #505 on: April 11, 2011, 10:06:47 pm »
Grayce, imbyernang imbyerna ka. Feel na feel ko. Malamang kung ako din ganyan.

May all-around maid ako nagstart kahapon. High school graduate so sana naman kahit papano e madaling matuto at maturuan. Yung dati kong all-around na ginawa kong yaya na dapat ibabalik ko sa pagka all-around ay magyayaya na ng tuluyan (hehe, ang gulo ba) kasi yung yaya na nirefer ng yaya ng sister ko di dumating! Eh uuwi na mom ko sa farm next week. :( sana naman makayanan ni yaya si baby lalo na magpatulog sa gabi kasi til 11pm pasok ko.

I'm seriously reconsidering my decision to work midshift. While ok kasi tipid kami sa gas, toll, parking kasi 1 car na lang kami ng husband ko, di ako mapakali na uuwi na mom ko at yaya na walang pruor experience ang maiiwan with baby while we're at work. Malamang di pa sanay sa puyatan yan at baka di magising agad pag umiyak ang baby. Pero ang ok din naman is i get to spend quality time with bianca in the mornings kasi we leave the house at 1pm pa.

Pero sa friday, i have an interview for a job na normal hours. Kung ok ito, baka lumipat ako. Good decision kaya?

Hay. Hindi ako mapakali.

Tapos di ko pa maintindihan mom ko lately kasi nga nagpaparinig na 24/7 daw naka uniform siya (daster) at yaya daw siya. 2 weekends ko na nga siyang pinag-casino para malibang. Yon kasi hilig niya. Eh di naman pwede magcasino ng di mo bigyan ng pang-casino diba? Tapos d-drama pa din siya.

Kahapon nakatingin lang di bianca sa kanya. Kinakausap niy bakit daw siya tinitingnan. Sabi ko eh kasi lola iiwanqn mo na ako. Tapos sabi niya eh may aayusin lang naman daw sita tapos babalik din. Pero pag nandito naman nagpaparinig. :(

Tapos kahapon nagpunta siya sa house nila ng morning. Sinundo namin nung hapon. Kinuha agad di bianca sakin kasi na-miss daw niya. Eh. Ang labo.

Di ko alam anong gusto niya. Gusto niya matuto ako at ang yaya pero mas gusto naman niya nasa kanya ang bata. Naloloka ako. Kung pwede lang di na ako magwork, magaalaga na lang ako ng baby. Kaso hindi namin kaya maging single income family lalo na because i make 2x more than my husband does. :(

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #506 on: April 11, 2011, 10:15:13 pm »
4 pages ang backread ko today kaya fast reading lang ako.. scroll ko lang ng mabilis.. at si kyle gusto pa makipag taguan.. he learned a new sentence recently: "FOLLOW ME".. papagod ako :( lol

Lia, oh my gulay! hindi ko kaya si alakim.. hahaha.. si alex L. ay fully booked na on that day. sayang.. On molars, hindi nahirapan si kyle dito considering na ito ang ineexpect kong magiging worst moment ni kyle kasi sa ibang mga ipin nya talagang ubo sipon lagnat ang combo.. apply lang namin ng DAKTARIN gel ang gums nya and ice/ice pops.

Tin, woooot! dyan na si hubby! so less GT ka na :( lapit na bday ni kenzo!!!

Lisa, nakakalungkot naman na aalis na parents mo dun sa house nyo.. san na sila? hirap iwan ng ganon.. nakakalungkot.. pag bumibisita nga ako sa house sa pinas (we were there since 1987), flashback talaga palagi. And nakakatuwa makita ang mga improvement sa village namin.. Interview ka ba sa ibang company?

Grayce, congrats at wala na sila! yahoo! ang mahal pala sa Palm Beach seafood.. mas mahal pa sya sa No Signboard.. kumain kami kanina.. and double ang bill namin.. yikes!

Van, page 26 na tayo.. konti na lang gagawa ka nanaman ng new thread.. hahaa

Marose, thanks sa post mo about Party Time.. I got them to arrange/decorate/setup our venue.. I'll get the draft beer centerpiece from them din (thanks ate Luz!)

Hi Nesz and Grace!

Kim, long time no talk.. busy mode ka ata......

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #507 on: April 11, 2011, 10:46:23 pm »
Pia, yes, ibang company. I declined their offer last year but they called again last week lang. Di kasi kami nagkasundo sa rate last time. Eh wala yata silang makuha. Sabi ko sa friend ko na don nagw-work, pera-pera na lang. Silawin na lang nila ako sa pera. Haha.

Yung parents ko sa farm naman kasi nakatira. Kaming kids lang sa house. Eh my 2 brothers are abroad. I dont live there anymore. My other sister na married din and gas twins us just waiting for their condo to be turned over so ang titira na lang don is my eldest sister eh si single naman siya a d stags in her studio condo unit on weekends. My parents said don na siya tumira kasi sayang naman to maintain a 6-br house tapos siya lang nakatida. Nung may gustong bumili ng house, binenta na. Ang bilis nga eh. Binayaran na 2 weeks ago. Sabi ko nga sa dad ko di ba ako maambunan kahit konti lang downpayment naman at makabili din kami ng sarili naming bahay. Hehe. Tutal pag nandito sila sa manila, titira din naman sila sakin minsan eh napakaliit ng bahay ko! Di kami kasya.

Nalulungkot nga ako na mawawala na yung house.

Nakita ko nga sa fb ni kim yung house na for sale sa bf. Within our budget sana and maganda yung house and layout kaso kulang na kulang pa pang-downpayment namin.

Kahapon nagtingin din pala kami ng van. Sabi ko din kasi sa dad ko pag nandito sila, di kami kasya sa kotse kasi carseat pa and yaya pa. Inaantay ko bigyan ako lang downpayment pero wala eh. Hehe. Iniisip ko na lang wag na ako magparinig at baka inaantay lang niya ang tamang oras para i-surprise ako. Hehe. Nasa account ko ang pera niya, alam ko kung magkano. Hehe. Ayaw niya ilagay sa account niya kasi baka daw bigla siya mamatay ma-freeze pa yung account. :(

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #508 on: April 11, 2011, 10:52:26 pm »
Paging Van! Another thread na ata tayo :)

Pia, naku mother, kahit na nandito si hubby sigurado GT mode pa rin ako. Grabe nakakaadik ang GT ha. Hindi pwedeng hindi ko mabisita ang thread natin! Lol :)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #509 on: April 12, 2011, 12:58:29 am »
Pia and Tin, correct, I'm sure bukas kelangan na ng Part 6 heehee

reb_woods072683

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #510 on: April 12, 2011, 01:30:54 am »
hindi na ako makasunod... ano na ba topic? hehe.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #511 on: April 12, 2011, 01:48:33 am »
Hi brendz! Pagpapaganda at party planning pa rin yung iba. And about helpers/maids.

reb_woods072683

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #512 on: April 12, 2011, 01:53:46 am »
naku! nagpaparamdam na aalis na ang yaya ni amber. :( magwork daw siya sa cavite. Nakikipag bargain pa rin ako, dahil ang hirap humanap ng yaya! naku!!

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #513 on: April 12, 2011, 01:56:21 am »
Tin, LOL.. natawa ako sa pagpapaganda.. tamaaaa! night shift ka pa din? lol

Brendz! ako din kanina grabe di makasunod.. eto nga nag babackread ako.. i missed the topic about pasaway na yaya.. basahin ko ulit.. ano nangyari kay yaya? dun na sya mamasukan sa cavite? bakit daw?

Van, mixed feeding na pala si Zoe.. konti na lang milk mo? Buy both: Tartine et chocolat and Mustela Musti.. bango bango talaga :) sa tip ng clothes/dress mo nya ilagay lang. Hotel na pala ang bahay nyo ah.. hahaha

Marose, happy bday to your husband! Perfume na lang siguro.. you'll benefit from this too :D lol nakaka engganyo talaga raves nyo on Chanel.. Clinique lang ako eversince kasi.. most of the time hindi ko pa nagagamit yung powder.. Paubos na nga eh. Kaya sisilip ako sa Chanel.. Sa DFS ako sisilip pati everyday lipstick ko. Bilib ako sa mga students na ka-chat mo na afford na ang Chanel.. Hindi pa ako allowed mag make-up when I was in College.. yaya hunting ka pala ulit.. Agency ulit?

Lisa, sayang nga hindi narefund.. pero mas malaki pa din ang nasave nyo ngayon.. at least di ba? nacoconfuse din siguro ang mommy mo kaya ganon.. torn na torn sya.. baka kaya emote mode..

Grace, i googled 'money clip'.. meron palang ganun.. nice idea din yun as gifts..

Nesz, on dark elbows, calamansi sis.. babad mo mga 10mins before ka maligo.. that's what I apply sa UA ko and sa knees ni kyle. Effective ito pero gradual change.

Jen, same tayo na clueless on GT posting rules.. nakikita ko din mga ganyang stat under their username.. naloka ako sa maid mong amoy basahan :(  buti mabango na sya.

Ate Luz, pano mo napa coat si yuel? iyak lang ba sya or nagwawala? kasi si kyle for sure magwawala ng bongga yun.
« Last Edit: April 12, 2011, 02:31:36 am by yapeegurl »

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #514 on: April 12, 2011, 02:52:40 am »
Brendz, bakit aalis si yaya? Si helper, okay na sya dito samin. Happy naman sya, family na talaga ang turing ko. Sabi ko nga 'nanay' sya ni Kenzo eh :)

Mother Pia, lahat ng oras ata nagchecheck ako ng GT. As in! Bago magsleep, kapag nagising ng konti, GT mode na kaagad. Grabe pagkaadik ko dito. And happy din cause I found new friends. Cheeezzzy!

Nagscrabble pa rin kame ng mga pinsan ko. Si K, kanina pa tulog. Hehe. Grabe energy ko, to think na nagligpit pa ako ng mga stuff, dumating kasi package ni hubby. Happy ako sa nutella! Matagal tagal din akong hindi bibili ng toiletries. Dame din diaper si K, bawas talaga sa groceries to. Lol! Puro food and gamit sa house. Halatang mahilig kame sa food ni hubs! Btw, nakabili si hubs ng 40pc set ng Luminarc at less than 2k pesos! Super sulit!

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #515 on: April 12, 2011, 04:04:16 am »
Night shift! ;D

Eniwei...
lisa, paano nga ba naman d uusok ang ilong ko sa asar, etong housemate kasi namin na to ultimo barat, as in ibang level ang kabaratan PERO ang garapal sobra. kaya there was a time natarayan ko yan ng bongga nung buntis pa ako kasi naman nagluto ako ng dinner only to find out na inubos yung food. sige fine may share cya dun pero tama bang ubusin mo yung food e para sa lahat yun? ::) ibang level cya promise.

tin, ang mura ng luminarc na nabili ni hubby a, sa dxb galing? alala ko tuloy, nung nasa toronto pa ako ang mumura ng corelle dun. ang cute pa ng designs. gusto ko yun ang bilhin for plates kaso tong si hubby, ang girly daw ng designs. haller naman bulaklak lang yan sa plate :P and goodluck sa plan mo magjob hunting sa dubai. namiss ko tuloy bigla ang dubai, specially ang pagkain ;D

pia, ngek kami naman nag no signboard kagabi hehe! ;D san yung palmbeach? ang bait ni LORD grabe. remember me & hubby agreed na no full month celebration kasi ayokong maulit ulit yung scenario nung "babyshower" ko. naginuman lang sila tapos ang mga ultimo kuring officemates ni hubby lang ang dumating. turns out na biglaan last week dumating yung gradeschool bestfriend ni hubby tapos yung parents ng hs barkada ni hubby na isa sa housemates namin dumating rin! eh yung dad kasi ng hs barkada nya mygulay, kung ano anong food ang binibili samin madalas tapos nung friday cya pa nagbayad ng bill namin sa paradise dynasty, kakahiya lol :P kaya sabi ni hubby dinner daw kami na cya ang taya para d nakakahiya and para sa 1st month na rin ni jayden :) tuwang tuwa ako at natikman ko ulit si coffee ribs :P

re: maids, yan ang dahilan kaya wala kaming maids dun sa lola ko. kasi lola ko mahirap rin makahanap ng kasundo nya na kasang bahay. and ang hirap pa maghanap ng matino nowadays :-\

adrenalin rush na naman ako, natambakan kasi ako ng labahin since 4 days kami sunod sunod lumalabas lately. tapos nakuha ko pa mga gamit ni baby from my parents, ayan ang mommy na excited nilabhan agad ang gamit ni bebe, buti nalang tulog si jayden kaya nakalaba naman :) and buti nalang may lakas pa ako maghand wash! plantsa nalang poproblemahin ko bukas sa mga damit...

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #516 on: April 12, 2011, 04:12:49 am »
^ onga pala, galing kang dxb! San ka dun mother? Sana makahanap ako ng work kagad, para makuha agad si K :( kakasad, pero kelangan na din talaga kasi lumalaki na si baby. Mura na nga sobra yung Luminarc set. Kaya happy! Parang 110+ aed lang eh. Meron pa dito from Ikea naman. Pero baka ibigay naman sa mom nya.

reb_woods072683

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #517 on: April 12, 2011, 05:01:26 am »
sabi niya kasi pinag aapply daw siya ng sup niya dati dun sa cavite, sa mall ata. ewan ko. sana magbago isip. bubuyuin ko. hehe.

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #518 on: April 12, 2011, 05:07:27 am »
^^accomodation namin sa intl city, medyo malayo sa kabihasnan :P i worked sa atlantis hotel dun, sa may palm jumeirah. may friend ako na pumunta dun on a tourist visa nakahanap naman ng work. mostly sales and hotel daw ang opening. try mo sumilip sa mga job search engines online to see ano majority ng work ang meron dun ngayon :)

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #519 on: April 12, 2011, 05:48:39 am »
^ usually nga sales, hotels, food and beverage and secretarial ang jobs na available agad. Nung pumunta ako dun, natanggap ako sa starbucks and secretary ng isang co. Pero I chose starbucks kasi mas okay ang salary and benefits. but I got pregnant kaya uwi ako. Though hawak ko na yung working permit ko nun. Yes, may mga kakilala kame ni hubs na dun nakatira sa place nyo. Malayo nga. Dapat may karu ka dun sis ah :) okay yung work mo dun mother! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close