watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5  (Read 79385 times)

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #480 on: April 11, 2011, 02:02:06 pm »
tin, swertihan din pagkuha ng yaya 'no? buti na lang nakakuha tayo ng medyo ok :) sang shipping co. yung husband mo? sang country sya base?

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #481 on: April 11, 2011, 02:06:06 pm »
Luz - o di ba? sarap ng nong shim red! ay naglalaway din ako dyan, wala na ako stock  ;D

Re helper - ako kaka 7 months pa ng ng maid ko samen, nung una di ko masyado type kase mahilig mag-please ng amo (like kung ano ano gnagawa sa pinaluto ko). Sa kaka-please nya sa amo, dame nasasayang. Di tuloy namen ma-appreciate mag-asawa how she wants to impress us. Nung una punta dito, ang baho pa and all (as in amoy basahan, sorry for the term), kase di ba sa probinsya mahirap lang naman ang buhay? pero since nilibre naman namen toiletries niya, unti unti nag-improve hanggang sa mawala na amoy at bumango na  ;D Muntik ko na din ito pauwiin sa probinsya nun kaso I tried to change things baka sakali mag-improve and so far so good naman.

Hubby had this monthly talk with her, sinasabe ni hubby ano ayaw namin na ginawa nya and ganun din naman sya, so it's an open communication. Now, medyo unti na lang ang di ko type na ginagawa nya pero tolerable na. By the way, maid and yaya ito ha kase WAHM naman ako so mostly hands on ako kay baby sa lahat, yung pagkarga lang talaga kay baby pinapagawa ko at times when I'm working on something.

Talagang minsan siguro, both amo and maid should work hard to have a harmonious relationship noh? mahirap talaga makisama at itiwala household kase pag di natin kakilala ang tao  :( Tapos minsan gaya ng kay marose, abuso naman yung maid sa kaka-day off ha! to think na every sunday eh off na nya  >:( pag ganyan din maid ko, papalayasin ko na! as in, now na! LOL ;D

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #482 on: April 11, 2011, 02:10:33 pm »
^^ oo nga sis. Buti nagbago na simangot din madalas :d
Sa dubai sya sis. Logix, alshaya ang company nya.

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #483 on: April 11, 2011, 02:27:12 pm »
Jen, may pamilya siya kaya usapan naman namin talaga na day off siya kapag Linggo (pero, take note Sabado pa lang ng hapon or gabi aalis na) tapos balik siya ng Monday.  Nag-off pa iyan ng 1 1/2 weeks when she was new kasi nakunan daw siya (hindi niya alam na buntis siya noong nag-apply siya sa amin).  Tapos, 2 weeks ago, pumasok siya on a Tuesday. 

Nakakainis kasi parang papasok siya kung kailan niya gusto.   >:(

Sa totoo lang, understanding kaming mag-asawa sa day-off day-off. Yung maids ng neighbors bihirang mag-day off.  Pero, kung ganyan na depende sa mood kung kelan papasok, nakakainis na.

Si Yaya naman aalis sa 15th, ang balik sa 26th or 27th pa.  Kaya dapat makakuha ako kahit isa, kundi mapapa-VL ako ng wala sa plano.

domestic diva

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #484 on: April 11, 2011, 02:43:04 pm »
^marose!  Ganyan din maid ko noon!  Baka she went to you na? LOL  Her name is Vilma.  In the beginning, ok lang na she was on the phone kasi akala ko anak niya parati niyang kausap.  Boyfriend pala.  As in almost every hour, nasa phone kasi call all ang prepaid niya. She had a migraine on Christmas eve.  I hate it when they don't take the medicines you give them or when you ask them how they're feeling, they don't answer you at all.. di lang namin pinayagan ng vacation (again) di na bumalik. ni ha ni ho. dala pa lahat ng gamit niya ng di namin alam.  and then she has the gana to text the rest of the maids here that she went to a doctor (on christmas day?!) and he said to rest. Well, she can rest all she wants now.  Good riddance!

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #485 on: April 11, 2011, 03:03:51 pm »
jen, sarap nga ng nongshim :)  pero yung red lang talaga gusto ko, yung ibang flavors di ko na masyado type.

tin, layo pala ni hubby di mo pwede basta bisitahin.  So tuwing kelan kayo nagkikita nyan? lungkot pag malayo sila no?  pagdating nila baka di na sila kilala ng baby natin :(

marose, naku abuso na yan pag ganyan.  Minsan pag alam nila kase na mabait tayo at naiintidihan natin sila, they tend to abuse us.  Mahirap humanap ng maayos ngayon and swertihan talaga.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #486 on: April 11, 2011, 03:19:19 pm »
Grace, isa pang prob ko pala yan. Kapag masakit ang katawan at ulo or masama ang pakiramdam, alam ko kasi halata naman. Pero kapag tinanong ko na, hindi sasagot. Pag nagbigay ako ng gamot, makikita ko nandun pa rin sa table at hindi ininom. Nakakainis din yung ganun minsan :(

Luz, yes sis, hirap nga eh. Last year umuwi sya kasi nanganak ako, nagpakasal kame at binyag ni baby. Darating sya sa friday! Woohoo! Once a year lang kame nagkikita eh. Pero baka magkasama na kame later this year or early next year. Basta bahala na. Kelangan ko na din magwork eh. Hirap ng umaasa lang ha. Hehe.

domestic diva

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #487 on: April 11, 2011, 03:28:03 pm »
@tin, in the end, ang nakakainis is ikaw pa ang masama! hay!... sorry girls for ranting..

on a brighter note, I asked baby J to make beautiful eyes.. and she did :D
i need her to learn dede so i know she wants milk instead of going to my side of the bed and leaning towards the milk bottles like a blood hound.

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #488 on: April 11, 2011, 03:36:12 pm »
wow! party party ka na nga pala kaya andyan na si daddy :)  hindi halata sis na excited ka hahahahaha, baka masundan na si baby nyan woot wooot :)  so dito na sa pinas for good si hubby mo? ayan, makaka work ka na and makakabili ng luho hahahaha, yung sweldo nya for ipon :)

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #489 on: April 11, 2011, 03:57:57 pm »
^ hindi pa sis. 35days lang sya dito :( hindi halatang excited? Naku wag mapreggy! Hindi pwede! Haha. Nope, hindi sya dito magstay for good. Susunod ako sakanya baka december or january. Basta ganun, then kapag nakakuha na work, kunin na si baby. Yan ang plano namin, sana magkatotoo! Para naman happy family na palage at the same time, both kame may trabaho.

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #490 on: April 11, 2011, 04:02:50 pm »
hahahaha! ang saya naman ni mother tin! pagdiwang natin yan hahahaha :) pero in fairness ha, ang tagal ng 35days na leave.  Si hubby ko 3 weeks na yung pinaka matagal.  So bilang na bilang ko yung pagsasama namin hehe. 

may nakita kong magandang pang give away, yung stool sa handicrafts atbp :)  sabi ko na kase wag ako titingin sa kiddie parties thread e.  Pasaway ako sa sarili ko, hmmp!

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #491 on: April 11, 2011, 04:39:57 pm »
Luz,  balak kong giveaway yung Mickey kiddie stools ng Handicrafts.  P180/stool for orders less than 20.  Tutal, less than 15 lang naman ang kiddie guests namin.

Tin, gusto ko rin magkaroon ng 365-day leave.  LOL.

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #492 on: April 11, 2011, 04:47:57 pm »
marose, ang cute nga nun.  Kung nalaman ko lang yun last year sigurado kinuha ko yun, swak sa theme ko.  Ang mahal pala pag less than 20 ang kukunin. Kala ko fixed na 100 yun.  Yung kay joefe super cute din :) gusto ko din kumuha sana nun pero jollibee face mga 30pcs, papa approve ko muna kay mister :) di na naman ako makakatulog neto :(  inquire ko na nga today kung magkano pag 30pcs, di talaga ko mapakali kakainis

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #493 on: April 11, 2011, 04:50:40 pm »
Luz, I think the mini kiddie stools ang P90 each.  Kaso, naliliitan ako.  Mas type ko ang kiddie stools.

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #494 on: April 11, 2011, 05:01:56 pm »
marose, o nga yung mini kiddie stools yung nakita ko.  Mga bulilit pa naman mga guest ko kaya ok yun :) na-inquire ko na, Php80 for 30pcs.  Kaso di pala sila gumagawa ng jollibee.  Ano kaya mas ok? mickey face or spongebob? yung thomas sana kaso di pwede sa girls yun, kaya gusto ko na unisex sana

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #495 on: April 11, 2011, 05:03:36 pm »
^ I think puwedeng magpa-customize ng design.  Kaso, baka magka-problem siya sa copyright ng Jollibee.   Ang alam ko, si Angelina, pina-customize ni Joefe. :)

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #496 on: April 11, 2011, 05:10:05 pm »
o nga, di daw pwede jollibee face e.  Maghanap muna ko siguro ng magandang design.  Pero pag wala kong nakita, mickey face or spongebob na ko. Happy na naman ako today! :)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #497 on: April 11, 2011, 06:00:37 pm »
Tin, am so happy naman na makakasama mo hubby mo ng mejo matagal. Pero ingat baka masundan si Kenzo hehe :P

Regarding helpers naman, sa yaya ko wala ko problems at all (sa ngayon and sana wag naman talaga ever) pero yung isang helper namin overall problem talaga sya. Madumi sa katawan, mahilig mag-text and manood ng TV, and may pagka-intrigera. Bakit hinde pinapaalis? Kase naawa mama ko dahil wala syang bahay and may kasama pa syang 5 year old son (na baka ampunin ng auntie ko from the province). That helper naman is ok sometimes kaso mas madalas yung hinde and nauubos patience ko sa kanya especially in terms of hygiene.

Eto pa pala, ang hilig nya mag-wash ng dishes. Ok sana diba, walang tambak na hugasan kaso ang lakas sa tubig non. Kanina we got our water bill na naman and na-highblood na naman ako kase 2,100 yung water bill namin samantalang 1,300 lang last month. Hay, nga naman ang mga taong to palibhasa hinde sila ang nagbabayad....

Naku, I dont like negative vibes on a Monday so change topic na hehe

I finalized my cake design with Nadine na. 1 tier cake plus 20 cupcakes. Konti lang angc upcakes since hinde naman sya pwedeng kainin sa Shakeys so display purposes lang pero edible naman sya (ang happy ko, uubusin ko sya hahaha). Nadine wont copy the exact design I sent her pero I trust her artistic skills naman. She quoted 2300 for everything, ok na diba.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #498 on: April 11, 2011, 06:32:51 pm »
Marose, sarap nun sis, 1year na leave! Happy ang twins nyan and si hubby, ofcourse :)

Luz, buti ikaw kahit 3weeks lang, ilang beses naman kayo nagkikita. Kame naman, once a year lang :( pero okay na, kesa sa wala talaga.

Van! Thanks sis :) naku, wag muna susundan si K, gusto ko sya muna. 3years pa, pwede na, and sana baby girl naman para quota na. Okay na yung quote sayo ni Nadine, kame naman 3.5k for a 2tier mickey mouse cake. Ayaw nga nya kopyahin yung design, respect na din daw sa gumawa :)

Ano kayang give aways ko? At anong laman ng loot bags? :(

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #499 on: April 11, 2011, 06:56:05 pm »
^Yung lootbags ko Tin I thought of buying bubbles, pens, notepads, small toys, stickers, and biscuits. Wag na sweets kase baka may ibang moms na ayaw pakainin ng sweets ang kids nila, at least safe na diba.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close