watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5  (Read 79320 times)

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #60 on: April 05, 2011, 03:34:56 pm »
^ayan weng.. great minds think a like.. or.. lying by ommission?? bwahahahaha!

tin
bakit ba!? eh sa di naman sa kanila galing ang perang gastusin ko bakit sila maninira ng trip?
di ba? makikinabang naman sila di ba? makakain naman ang desserts na yan.. magalit sila KUNG inubos mo ng pang sarili ang pera! yonm dun sila umangal eh sa bata naman at saka makakain din nila..if i know..sila pa kaunaunahang kukuha at mag-ta-take home!

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #61 on: April 05, 2011, 03:38:21 pm »
Tin - naku po! bakit ba ayaw gumastos ng in laws mo ha? eh apo naman nila yang mag-birthday! Ibang in-laws nga, sila pa nagkukumahog na sumagot ng kahit ano eh. And haler, pera ni hubby mo yan di ba? So dapat mas ikaw may karapatan kung san mo lalagay ang budget. Kalurky naman talag sila  :) Sundin mo gusto mo sis, anak mo naman yan. BI ako! LOL! Dapat party! party na lang sis!  ;D

Korek si Weng na wag na i-reveal nagastos! Ako ganyan lage, kumabaga if may nag-ask sinasabi ko lang, mura lang or kaya mo din yan  ;D
« Last Edit: April 05, 2011, 03:40:36 pm by redrose »

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #62 on: April 05, 2011, 03:40:04 pm »
reading pa lang ako meron na nito: Warning - while you were reading 3 new replies have been posted. You may wish to review your post.

lisa, natawa naman ako sa example mo. ako naman kasi, as much as kaya ko, i try to spend wisely. and since sinabi nung SA na malapit na sale nila, ipinagpaliban ko na muna. tee hee! pero otherwise, malamang binili ko din yun. pero that time, pabalik balik ako dun kasi gusto ko talaga yun pero naisip ko, baka di nga masuot ni baby at ang dami niyang damit. may iba kasi siya ngayon na once or twice lang nagamit. pero pag sa sale ko nabili yun, no more second thoughts ako kesihodang once lang magagamit. LOL the problem with me naman, nagpupumilit nga ako magpigil ng gastos pero pag after a while naman na feeling ko matagal ako "nagtiis", naku po! splurge naman ng bonggang bongga.

regarding groceries, wala din kami ginagastos because of the in-laws. dati nakiki-share ako sa bayad sa house help pero nung nagkaroon kami ng yaya, sabi ng MIL ko, wag na daw. ibayad ko na lang daw sa yaya yun. kaya nga minsan napapaisip din talaga ako kung ano pwede i-contribute sa bahay. if money kasi iaabot ko, ayaw tanggapin ng MIL ko. pag nagdala naman ako ng pasalubong, madalas nasisira mga pagkain dun kasi madalas walang tao.  even my MIL herself madalas nasa labas kaya ang food talaga nasasayang. oftentimes tuloy, si ej lang napapasalubungan ko.. ano pa kaya pwede kong i-share?

eto nanaman siya: Warning - while you were typing 2 new replies have been posted. You may wish to review your post.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #63 on: April 05, 2011, 03:42:09 pm »
Grabe talaga ang mga gastusin ngayon ano? Kaya dati pag nakikita ko yung mga staff ko sa office, alam ko magkano sweldo nila, siguro doble non ang sweldo ng asawa nila, tqpos may 2 kids pinapaaral. Paano nila nagagawa? Tapos everyday lunch out pa. Ako ng everyday baon na. Tingin ko tuloy lahat ng pinagkakagastusan ko eh luho. Like di naman kailang may steak regularly. Ganon ba.

Yung MIL ko din feeling ko feeling niya napakagastadora ko. Sabi ko sa asawa ko sana malaman ng nanay niya na mas magastis siya kesa sa akin. Ano namang binatbat ng balenciaga ko sa speakers ng kotse niya.

Buti parents ko walang sinasabi kasi alam naman nila pinagt-trabahuhan namin ito. Minsan lang sinasabi nila na magipon daw kami kasi nga may baby na. Pero ang dating eh hindi yung meddling sila.

Lia, swerte mo wala kang binabayarang MA. Take advantage ka. Kung magkasundo naman kayo at di naman nagc-clash, maganda yang ganyang setup.

Ngayon tumataas nanaman kuryente namin kasi umiinit na plus 2 aircons na ngayon, dati 1 lang.

Sa groceries ko pala na 12k di kasama pang-baby. Hiwalay budget ko don. Di din kasama bigas at wet market pa don. Ang kasama dyan meats, chicken, kitchen and laundry stuff at napakadaming junk food! Magrereklamo naman asawa ko pag biglang feel niya kumain ng tostitis and dip niy o m&ms nita o planters roasted peanuts niya tapos di pala ako bumili. :( di din nagtutubig yon. Pepsi nax i lipton iced tea lite lang. Pepsi max pa gusto in can, ayaw ng litro. Fresh milk gusto small tetra pack. Mas maarte siya kesa sa akin.

Ang reklamo non mga sapatos at bag kAsi ako lang daw nakikinabang don. Home theater, car audio, magandang computer - mga hilig niya na napapakinabangan ko din naman daw. May point din naman siya.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #64 on: April 05, 2011, 03:50:18 pm »
IpHone mode... Sorry sa mga typo errors.  :-[

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #65 on: April 05, 2011, 04:06:20 pm »
hahahahaha, katuwa ka naman lisa :) aliw ako sa pinost mo :)

tin, grabe feel ko yung mga hinaing mo.  Bakit naman kase may mga ganyang inlaws, na sana di na makialam sa buhay ng mga anak nya at mga apo lalo ganyang bday.  Syempre tayo pag unang anak, ganyan talaga super excited ibili at ibigay ang lahat ng maganda. 

jen, thanks sa pm.  di pa din sya nagrereply :(

weng, pag soft copy lang ilang shots yun?  walang assistant na kasama?

marose, naku kailangan mabasa ko na yung sa education thread para dagdag info at di ako engot sa mga ganito :)

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #66 on: April 05, 2011, 04:08:51 pm »
Weng, naku kasi makulit. Magkano daw yun, ganito ganyan. Palage pang sasabihin na 'ayaw ng daddy nyo yan'. Tsk tsk! sabi nga nila yung sa desserts daw, gastusin nalang sa iba, like sa salad. Eh kasama na yun sa budget, may salad talaga! Kaya sabi ko, share ko na ho yun at nakapagDP na ako. Wag silang kukuha dun ha! Hahaha.

Jen, korek ka dyan! Yan din ang sabi ng pinsan ko. Mga pinsan lang kasi ang kakampi at kasama ko since only child ako at si mama nasa Japan. Sabi nya apo naman nila yun, wala nga silang nisshare or ipnpledge man lang. Mom ko kahit ganun magbibigay sya ng 15k for the party. Gift nya kay K yun. Pero hindi ko naman yun gagastusin na. Basta kasya na yung budget ni hubs, dagdag nalang ng konti.

Lia! Haha, kaloka. Maldita ako pero tiklop ako sakanila. Mahirap din kasi makaaway ang inlaws eh. Lalo na't mama's boy and asawa ko! Jusko noh, hindi naman kamahalan yun sa totoo lang. Hindi kasi pwedeng itago sakanila na may desserts and host kasi nga gusto nila gumawa ng kung ano ano pa. At baka kumuha ng clown, kaya mabuti na na alam nila lahat. Pano pa pala kung sinabi ko na may photog pa! Ano kaya ang sasabihin nila sakin!

Sorry ha, mukhang masyado ng personal mga nshashare ko dito! Waaah

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #67 on: April 05, 2011, 04:16:43 pm »
maglalabas lang ako ng sama ng loob - kainis kase 'tong boss ko di pa ko tapos sa pinapagawa nya ngayon meron na naman tapos gusto nya matapos ng 6pm kase may miting sya.  Buti sana kung ita-type ko lang at di i-aanalyze yung pinapagawa nya.  Saka yung presentation ko sa country manager saka vp ipepresent  tapos minamadali nya ko.  Hay! di nya ipagawa sa ibang head nya, lahat sa kin na parang ako lang andito.  Aaaamp!  ang wrinkles ko!  >:(

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #68 on: April 05, 2011, 04:18:03 pm »
Tin, mabuti na lang at hindi ako ang daughter-in-law ng in-laws mo LOL.  Hay naku, sa lahat ng ayaw ko, yung pakikialaman ako sa gastos, especially kung hindi naman sila ang nagbigay ng money para sa party.

Mabuti na lang at nasa US ang in-laws ko, very generous sila at hindi nangingialam.  Masuwerte ako.  Pero, mas masuwerte ang anak nila at ako ang napangasawa niya. ;)

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #69 on: April 05, 2011, 04:21:00 pm »
lisa..
ohh my! ang laki ng grocery bill mo!!
natawa ako sa hubby mo!! ganyan din sentimyento namin sa isa't isa..
bakit daw ako nakkaabili ng sapatos.. damit..kung anik anik for the room.. samatalang sya kontrolado ko ang pagbili ng gusto nyo... sabi ko ang gusto ko.. di umaakyat ng 500 pesos.. ikaw palaging 5 digits pumapatak na hinde ko kayang magic-in sa budget! as in halatang halatang big negative yon noh!!

naalala ko nung sale sa s&r.. butasan lang bulsa eh..
pag usual grocery kami sa makati super or landmark..i would ask him if he wants popcorn..(yung ACT II) small box lang yon 3pcs inside.. sabihin nya ayaw nya..or meron naman daw sa bahay yung bili ng nanay nya..so OK.. di ako bibili..
pero nung nakita nya yung big box ng ACT II popcorn sa s&r 28 pcs laman!.. dali-dali nyang nilagay sa cart.. kasama ng isang box ng crush orange softdrink nya at 2 pints ng starbucks icecream na almost P500 ang isa!!! heller eh mas masarap pa ang ben and jerrys!!! naka sale pa nung ang b&j na ice cream!! pinagbigyan ko na lang kasi.. parang lagi kong kinakawawa at kinokontrol hahaha!

sa bahay nila hubby..malaki din budget sa grocery..
one time kasama ako nag grocery ng M-IL ko.. inabot sila ng almost 30k.. ewan kung pang ilang weeks yon ha?
mantakin nyo naman kasi..ilan kami sa bahay.. F-IL, M-IL, Gino, Me and Gianna.. 1 mayordoma, 1 cook, 1 yaya, 2 boy, 2 househelp, 1 driver. 3 poodles, 2 big dogs na nakalimutan ko ang lahi..
wala pa ang gulay don sa palengke at bigas....
mas madami pa ang help kesa sa amin.


lisa.. semi-take advatage lang ako..kasi baka makahalatang super free loader na ako eh magalit naman sa akin..so tamang "take advantage" lang..

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #70 on: April 05, 2011, 04:23:34 pm »
tin...
tama ba intindi ko??
gusto ng in laws mo sa kanila manggaling ang pakulo at hinde galing sa iyo?? ganun ba? if yes, and WEIRD nila!

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #71 on: April 05, 2011, 04:25:44 pm »
Marose, yes naman sis, lucky sila to have you noh! :) ako naman, ewan ko sakanila. Eh hindi naman sila magsshare eh.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #72 on: April 05, 2011, 04:33:31 pm »
Lia, hindi ganun sis. Pero kasi kapag hindi mo sinabi na may host at games baka naman sabihin wala man lang clown. Or baka kumuha sila since it's a kiddie party. Parang ang ayaw nila is yung host lang 2k. Baka feeling naman super expensive na yun! Kaloka diba. Yung sa desserts parang type nila hindi cupcakes, brownies, cookies. Gusto ata nila puro salad! Dito pa ko naasar, sabi ko sa side namin nasa 40 lang ang guests, sakanila ang marami kasi parang doble sakanila. Sabi ba naman 'wag mo isipin yung sakin, kahit ano pakain samin okay lang, kahit spag at chicken lang yan'. Whhhhaaat!! Sino ba di maloloka dun. Kasi 1st birthday daw, wag daw pagkagastusan!

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #73 on: April 05, 2011, 04:42:06 pm »
Maiba tayo.  Nagui-guilty ako.  Every time aalis ako or tatawag ako sa bahay, si Marty, sinasabi gusto daw niya doon ako sa house.  Lagi siyang humahabol ngayon. :(  Gusto kong mag-VL sana ng 5 days man lang pero sine-save ko kasi darating ang SIL and possibly my father-in-law and MIL sa June kaya ayaw ko gamitin ang leave credits.  Saka, isa pa, may ongoing project ako ngayon.  Kung magbabakasyon ako, tatawagan lang ako araw-araw ng opisina para magtanong ng kung ano-ano.

Tin, mahirap makipagtalo sa illogical persons.  Isagot mo na lang ang gusto nilang marinig or huwag mo na lang silang sagutin.  Puwede kaya ang ganoong style?

Or, sabihin mo na lang ganito, since first baby si Kyle, gusto mo special ang celebration kahit simple.  Gusto mo may details that make it special.  Kasi kung wala ang details, common lang.

Sige, dito mo na lang ibuhos ang frustration mo. :D
« Last Edit: April 05, 2011, 04:45:40 pm by marose17 »

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #74 on: April 05, 2011, 04:44:19 pm »
ahhhh basta,.........

swerte mga asawa natin sa tin!

luz, usually, unlimited na yun shots nun. minsan wala, minsan meron hehe depende sa usapan nyo. yung sa first birthday party ni chloe, may assistant na kasama. so kumusta naman ang unlimited shots di ba? di ako magkandaugaga sa pag upload sa facebook. LOL!


tin, tama! sabihin mo yun mga nakuha mong suppliers, sponsor ng kaibigan or kung magsabi ka ng presyo 50% off agad!

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #75 on: April 05, 2011, 04:48:29 pm »
tin.

ahh ok..kala ko ganun eh..naloka naman ako.. LOL
so ok.. reasonable naman pala..may point naman sila kahit papaano..
marami bang kids na mag-attend sa party ni kenzo? kasi kung maraming kids nararapat nga na may host para naman mag enjoy sila sa games etc. etc.  baka isip nila eat and run ang mga tao kaya di nila nakikita ang necessity ng host..

yung sa desserts mo.. salad? like mga macaroni at potato at buko pandan.. just tell them meron naman but the ang dessert bar will be something new.. try lang naman di ba? baka pwedeng sabihin.. yun po kasi ang uso ngayon..
may i kwento lang ha..
nung ikakasal kami ni hubby major headache ko si F-IL.. di kami magkasundo masyado nun kasi clash kami ..parehong strong personalities namin..ayaw namin patalo..
pinukol nya ng kapangitan ang gusto ko na cake..basta i stood my ground kasi pinagbigyan ko na sya sa maraming points sa kasal namin kumbaga sabi ko ibigay na lang nya sa akin yun tutal ako naman magbabayad non.. basta  i opted to have mini cakes..kesa tiered cake na 1 layer lang ang edible tapos puro sytro..anyway.. nung night before the wedding pinakita nya yung table na paglalagyan ng mini cakes ko na parang 4 seater round table lang sabi ko kulang po yun kasi ang order ko 150 pcs na mini cakes at 12 pcs na principal cake at may set up po yun na chuva chuva so we will need a 12 seater na round table to accommodate the cake set-up... nagulat sya tapos nung gabi na ng reception nagulat din sya..kasi ang ganda naman ng nilabasan and na-impress ang mga guests kasi they were able to take home 1 cake each!! after non di na nya kinuwestion ang desisyon ko.

baka kaya mo din? for sure mag -e-enjoy naman sila sa brownies at cupcakes no

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #76 on: April 05, 2011, 04:57:10 pm »
Thanks Marose! Dito ko nga lang talaga sya mashare! Wala din ako masyadong mapagsabihan eh. Ganun nalang nga, silent type nalang ako. Mahirap makipag away. I'm just hoping na maappreciate nila yung party ni K. Kasi kahit ano ang kalabasan, todo effort naman ako sa preps nun.

Lia, hindi ko alam kung kaya ko. Pero kasi iba sila. Basta mahirap iexplain. Iba kasi sila kapag nandyan si hubby eh. Kapag wala na, naiiba na din ng konti ang treatment. Basta ganun!

Weng, ganun nga sabi ko. Mura lang sya, at nagbigay si mama at cousins.

I heard pa another chika from the compound na malayo daw ako sakanila kasi hindi ko daw madalas dinadala si K. Pero hindi naman inlaws ko nagsabi, yung mga kapinsanan nila. Hay bahala sila. Naku, enough of me! Hehe. Basta enjoy nalang sana at walang bad vibes sa birthday nya.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #77 on: April 05, 2011, 05:28:55 pm »
Tin, may mga ganyan talaga na inlaws. Buti yung saken hinde nakekealam samin kase hind kame dun nakatira and kahit piso wala kame hinihingi sakanila. Dito kame samin nakatira pero same thing din wala kame hinihingi na money kaya kung gumastos man kame, walang nagco-comment cus they all know na we save money for these expenses. Pero nakakainis yung comment ng comment diba. Pabayaan mo na hubby mo kumausap sa kanila, anyway side nya yon eh. Chaka honestly, kausapin mo man sila, I dont think they will change their mind about their perception, so useless din diba. I feel for you Tin, iba kase yung kasama mo talaga hubby mo. Pero wag mo na lang sila masyado pansinin, focus your time on Kenzo na lang :) Mag-enjoy man sila sa party or not, eh well, hinde naman para sa kanila yon hehe ;)

Yesterday before I left for work, naiyak na naman ako bago umalis. Kase si Zoe was still awake and gusto nya mag-play pa kame pero kelangan ko na mag-prepare. Nag-guilty na naman ako sobra for leaving her at home at naiyak na naman ako.

maui_chie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #78 on: April 05, 2011, 05:30:05 pm »
haaays! ang mga in-laws talaga! haays...basta enjoy mo na lang Tin ang party party ni K! anyway, pera nyo yang mag-asawa...bahala sila kung may makita silang panget or what...haha! :)

ganyan din dati nung first bday ng anak ko...sus! dedma! e pera naman naming mag-asawa yung ginastos..saka ang mas madami pa nasasabi yung mga relative lang ng in-laws..haha! ok lang yan sis Tin! ganyan ang mga relative ng in-laws ko...(pero hindi mismo yung MIL at [textspeak!] ko...medyo medyo yung SIL ko,haha!) pero deadma! i will do what i want to do sa party ng anak ko!

haha! teka, BI na yata ako... ;D

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 5
« Reply #79 on: April 05, 2011, 06:00:33 pm »
hay, umalis na boss ko :) yehey! maski dami ko gagawin basta wala sya dito ok lang :) im free!

tin, ayaw ba ng hubby mo na mag solo na lang kayo? kase kahit gano kabait ang mga biyenan mo may masasabi at masasabi sila sa 'yo basta magkasama kayo sa iisang lugar.  Saka porke wala kang work, wag mong isipin na wala kang karapatan mag decide even kay hubby mo. 

Tapos pag may sinabi in-laws mo about their suggestion, smile ka na lang and wag ka na lang sumagot tapos in the end yung gusto mo pa din ang ituloy mo.  Di ka pa nakasakit ng damdamin at happy ka pa din :)

ako happy sa in-laws ko kase super mabait sila sa kin saka sa apo nila.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close