Jen! Apir! Haha, feeling ko lang jologs ko. Lols. Naku, ano bang lasa? Tsk tsk. Hindi ko maimagine talaga!
Lisa, feeling ko same tayo, mas mahilig sa cookies, brownies, cuppies, etc. Wow, bags! Ako lahat ng bags ko na designer, second hand from my mom.
Magastos ako sa pagkain, obvious naman sakin. Hehe. I'm not into make-ups, expired na nga ata ang only set ko. Nabili ko pa sa Japan kasi mas mura dun shisiedo, pang ojt ko sana. Hindi ko nagamit halos. With shoes, tama lang. Pagurin ako kaya hindi na keri ang may hills. Dapat ako wedge or flats. Flat footed pa

sa damit, abang abang ng sale madalas sa zara. Hehe.
Lia, swerte mo sa inlaws mo! Ako naman, gusto din ni hubby tumira sakanila. Pero kung mahirap makisama sa isang pamilya, mas mahirap makisama sa isang compound. Kaya hindi ko pa kaya na si hubby lang ang magbibigay ng pera sakin, kelangan ko pa si mama. Yung kay hubs kasi, pang kay baby lang at konting groceries. Yung sa mom ko, bills sa house naman. 3 lang din kame sa house, umaabot din kame 6k+ for groceries. Hilig ko talaga pagkain naman! Sobra!

Pinakamalaki talaga na gastos ko, sa kuryente. Hindi kame bumababa sa 6k monthly. Minsan umaabot pa ng 7k ang meralco!
Share ko lang pala yung ngyari kagabe. Tsk tsk. Pumunta ako sa inlaws ko, paguusapan nga yung gagawin sa birthday ni K. Naku ang lake daw ng budget na 30k! Maloloka ako. Sabi ko yan naman ang inallot na money ni hubs. Pero wag na daw bonggahan at simple nalang daw. Sabi ko kasi sa food 20k na. Yung 10k ako na bahala sa ibang stuff then dadagdagan ko yung kulang. Malake daw yun sa food! Grabe! Kaasar talaga. Sabi ko may host ako na friend ko 2k nalang, hindi ko na sinabi na 3500 yun. Mahal daw, sayang daw ang 2k. Even sa desserts, hindi na daw patok sa chikiting ang brownies, cookies. Eh helleerr! Yun kaya gusto ng mga bata noh! Wag na daw gumastos ng malaki kasi first birthday lang naman. Naku nawalan ako ng gana talaga. Kaya kinausap ko si hubby na kausapin side nya, and explain nya dun na sya may gusto na ganun yung budget. Kasi ang tingin kila pasosyal sosyal ako! Tsk. Eh buti nga pumapay na ko sa ganyang setup kasi most of the money will come from hubs eh. Feeling ko. Iccritize nila yung party ni K. Hahanapan ng butas na pasosyal at hindi naman kagandahan. If I know, hindi lang nila aaminin na maayos ang party ng anak ko. Palibhasa, this will be the first na medyo paghahandaan. Not the usual parties na ginagawa nila! Grrr. Sorry haba ng kwento ko.