watch now

Author Topic: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera  (Read 78396 times)

chasiderwin

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #20 on: April 26, 2011, 03:44:32 pm »
^ Super iniingatan ko talaga ang kinikita ng hubby ko kasi hindi biro yung hirap ng tarbaho nya... sis guilleanne, ako hirapan din sa budget kasi baby ko sa gatas pa lang 5k+ n sa isang buwan 1115 every week ang gatas niya (enfagrow a+) gusto ko na nga palitan para kahit pano makamura, pero ayaw ni hubby hiyang daw si baby namin kaya go pa rin....sa diaper din magastos lalo na kung nag-iipin si baby palagi pupu, lahat pa ng stuff na needed niya (oil, lotion, alcohol,baby shampoo, baby soap, etc...)bayad pa sa yaya, hayzt...di naman ganoon kalaki ang pasahod sa company ni hubby ko at monthly pa din yun padala para sa ibang panggastos ng kapatid nia kaya ang hirap din....

mama ko ate ko at tita ko sa abroad, hay naku kung makahingi din mga kamag-anak namin akala mo nilalabas lang sa wetpu ang pera, mabuti sana kung hihingi e para talaga sa pangangailangan, ,hindi naman minsan pambababae lang, katwiran naman ng mama ko at tita  ko na di matiis dahil kapatid  >:( kaya tumandang palaasa, niloloko naman sila, kunyari may sakit malalaman din namin sa ibang kamag-anak ala pala....

guilleanne

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #21 on: April 27, 2011, 11:31:22 pm »
malaki talaga budget pag may kids sis, habang lumalaki mas lalaki rin gastos. I also have a 15 month old baby, luckily she's exclusively breastfed so I've save lots of money from formula and health care kasi hindi sakitin.

And take note, and seaman walang sweldo pag nasa lupa, unless to the lucky few na paid and vacation, so lalo pag may kids ka dapat malalim ang kaban ng cash kasi pano matutustusan ang needs for example na aberya ang medicals ni seaman at hindi makasampa agad, or worst not fit for sea service na, tapos ang career! swerte kung magamit nya pa yung seaman course nya sa landbase work. May mga sad stories pa nga na dating seaman, nag kasakit now tricycle driver na lang, hindi pa sa kanya yung binabyahe nya.

dapat maging mahigpit talaga tayo sa pera number one kasi hindi stable ang tarbaho ng seaman, pwedeng bigla bigla na lang na unfit to work or magkaroon ng bad record mahirapan na maka sampa.


Yun lang payo ko, hehe, save and invest. ang mga tao sa paligid wala naman tayong magawa jan, pero nasa atin yun kung pano tayo magpapa apekto. Hindi ka naman nila dapat pilitin kung ayaw mo maglabas ng pera, if you are wiser and you know naman na masasayang lang yung pinag hirapan ng asawa mo, then say no.

blooming

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #22 on: April 30, 2011, 10:19:01 pm »
how much ba ang sweldo ng seaman?  I also get this impression na pag seaman, malaki sweldo.  :D

rianne_mallows

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #23 on: May 01, 2011, 07:28:40 am »
malaki sis..average 2000 USD.. PERO consider niyoyung time kapag hindi sila onboard.. walang kita ganun din.. yung maiipon magagasta din lalo kung walang business

jhenrheign

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #24 on: May 01, 2011, 07:41:53 am »
blooming-iba iba ang sahod ng seaman... depende sa position, sa type ng vessel, at sa lugar ng pinupuntahan nila at sa agency na din...

may iba nagstastart sa 600-800 USD lang lalu na yung pinaka mababa position and maliit na vessel lang...


rianne_mallows

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #25 on: May 01, 2011, 07:49:13 am »
^talaga sis?

cabinista kasi alamkong rate..  with tips and perks aabot ng 2000 USD kapag hindi maganda kitaan 1500 USD..

mas malaki siyempre kung mas mataas pa posisyon..

yung 600 USD alam ko sa star cruises lang yung mga ganyan sweldo kasi asia lang.. pero yung ilang lines ok kitaan

jhenrheign

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #26 on: May 01, 2011, 08:08:57 am »
rianne_mallows-yes sis, hubby ko nagstart nasa 700+ lang all in na yun, passenger cruise pa yun in Europe... lowest position pa sya kasi kakasimula pa lang nya... that was year 2009... that's his first contract...  ;)

but then sa 2nd contract up to now na 4th contract nya buti nalipat sya ng vessel, naging DSV offshore na kaya mas malaki na sahod nya kahit messman lang sya...

hati naman ang sweldo ng seaman, onboard and allotment... kaya di lahat nauuwe nila... depende din yun kung magastos yung seaman... hehe!


blooming

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #27 on: May 01, 2011, 01:56:38 pm »
USD2k is barely P100,000.  Wala pa siguro syang 13th month?  Tapos pa-depreciate pa lately ang dollar.

P100,000 can be enough to raise a family of two. Makakaipon din for a house na matirhan.  Pero kung kelangan pa nga sustentuhan ang buong angkan, kulang ang P100,000/month  :-\. (assuming monthly ang sweldo).

rianne_mallows

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #28 on: May 01, 2011, 05:16:15 pm »
^walang 13th month ang onboard crew sis.. yun ang alam ko.. sis ko sa barko nagwowork..

100k maliit yun kasi, 100k nga for 8 months kung maganda tips  eh minsan naman pag uwi mo 3 to 4 months kang walang sakay.. syempre wala din sweldo.. bukod pa bills and insurance na mga binabayaran,wala din matitira.. sabi mo nga paano kung hindi lang isang pamilya sinosoportahan diba?

and not only that kailangan malaki savings mo.. kasi halimbawa kung cabinista ka (chambermaid) may age limit.. kailangan bago ka umabot doon at least may business ka na kaya kang suportahan kapag wala ka ng trabaho..

malaki kita ng seaman pero madami din cons ang job.. still ok pa din  compared sa dito nagwowork kung same job.. (wala naman janitress na 100k ang sweldo sa pinas hehe)

guilleanne

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #29 on: May 01, 2011, 11:54:02 pm »
sa office nila hubby mga officers lang ang lumalagpas sa 1500 USD na sahod, ang mga ratings nila (messman, OS, wiper) around 500 USD lang. Tapos ang baba pa ng dollars ngayon. Sa totoo lang malaki sahod pero not necessarily mapera.

Like yung kapitbahay namin supervisor sa planta ng san miguel, umaabot ng 90K pesos ang sahod nya monthly maliban pa ang bonuses at benefits dun pero hindi naman sya kinukuyog.

Meron din dito accountant sumasahod ng 150k a month, wala naman expectations sa kanya.

Pero yung isang batang seaman dito naka unang sampa palang, pag baba ayun fiesta for 3 days, bosing bosing for 2 weeks. after nun nanghihingi na ng yosi. hehe...

jhenrheign

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #30 on: May 02, 2011, 06:07:24 am »
guilleanne-i agree with you sis...  madame ang seaman na around dun lang sweldo, karamihan mataas na position na aabot ng thousand USD... bihira ang mga seaman na mababa ang  position at mataas ang sweldo... gaya nga ng sabi ko depende sa position, type ng vessel at agency nababase ang sahod nila...nasa seaman na lang din yun kung paano nya ihahandle yung kinikita nya...

may kilala din kami ni hubby na ganyan sis, yung pag baba eh bongga paglipas ilang araw nakatunganga... yun naka ilang sampa na...ang yabang pa, ayun di na uli pinasampa... lalu na nag cadet sya dun sa office nila hubby ko, tulad din ni hubby, eh yung pinaka boss nila (may ari ng company) ayaw nya ng ganun, gusto nya kasi lahat ng nag cadet sa office nila may maipundar kaya nga sila tinutulungan eh, sa iba na lang binigay yung opportunity...

chasiderwin

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #31 on: May 02, 2011, 09:13:34 am »
korek....kala talaga nila kapag seaman mapera "akala lang nila yun"...kapag nasa barko may pera pero kapag nasa lupa na puro palabas lahat ng pera wala ng pumapasok maliban kung may  negosyo...sa mga bagong sampa one day millionaire....di nakikita ang hirap ng buhay, buti na lang mister ko hindi ganun, lagi nakabudget, at iniisip pa nia paano kung hindi siya agad makakasakay saan kami kukuha, may iba naman (wiper, oiler, messman, os) kung umasta kala mo mas malaki pa sahod nila sa ablebody seaman (ab), kapag nakita na bumili si isa ng gadget gaya-gaya, pampayabang lang masabi lang na meron...

pero sana malaman ng lahat na hindi lahat ng seaman mapera (buti sana kung kapitan ka na tiga utos mando na lang), kung malalaman lang nila ang hirap ng trabaho ng seaman baka mas gugustuhin pa nilang mag land job...sa mga nag-aabroad din mahirap din buhay kaya nga nag-abroad para kumita ng pera hindi para maging hingian at utangan ng mga  kamag-anak na hindi rin naman marunong magbayad...na puro asa na may mahihiraman at mauutangan sila....

blooming

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #32 on: May 02, 2011, 03:42:14 pm »
pag nakalayag yung barko, wala din silang gastos di ba?  so kung 4 months ang byahe, 4 months na sweldo buong buo. kaya siguro iniisip ng mga tao, "mapera"  :D

at malamang pagbaba ng barko, yun lang din ang outlet nila kasi wala nga naman ibang libangan sa barko. kaya pagbaba, todo enjoy na sila at alam nilang once sumakay sila, tiis na naman.



jhenrheign

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #33 on: May 02, 2011, 04:01:45 pm »
hindi din buo ang sweldo nila, kasi ang sweldo ng seaman hati yan, may tinatawag na allotment ( yan yung monthly na allotted na pera sa pamilya ng seaman). onboard lang ang binibigay sa kanila. ibang barko tulad sa hubby ko na iniipon sa opisina ang onboard. tsaka kahit may byahe sila monthly pwede pa din sila magpadala ng pera dito sa pinas bukod sa allotment, so hindi pa din buo yung sahod nila. pero may ibang barko na wala sila way para magpadala ng pera sa pinas pag nasa byahe sila.

gaya nga ng sabi ng ibang wife ng seaman dito, di mapera ang seaman. malaki ang sahod dahil dollar rate, pero kung mababa naman palitan ng dollar dito sa atin eh di maliit din yung sasahurin nila... ang thinking kasi ng mga pinoy porke dollar rate ang sweldo eh mayaman na or mapera na...tulad ng mga ofw o mga nagtatrabaho sa ibang bansa... ;)

hindi lahat ng seaman magastos pag umuuwe at pinagyayabang na kababa lang nila...bili dito bili ng ganun... madame ako kilala lalu na mga kasamahan ng hubby ko na puro sa investments napupunta ang kinikita nila which is yun naman ang dapat dahil hindi madali ang trabaho nila sa barko, hindi nila sinasayang yung pinagpaguran nila.

guilleanne

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #34 on: May 02, 2011, 09:15:15 pm »
May gastos rin naman sila sis pag onboard, personal effects nila like toiletries, tapos ang communications magastos din, ang mahal kaya ng satellite calls, pati good time nila onboard, may time na libre ng kapitan ang alak pero pag wala sa recreation budget nila pwede sila bumili sa provisions ng barko, tapos may mga sugal sugal pa sila dun, lam mo na pag wala silang magpaglibangan.

Ang masaklap lang talaga sa sitwasyon ng mga seaman, yung mga mangungutang/hingi. Yung feeling nila pag nilapitan ka nila dapat bigyan mo sila kasi lumalangoy ka naman sa pera tapos pag hindi mo na pag bigyan eh lumalabas ang damot mo. buti sana kung babayaran ka eh most of the time hindi naman at ikaw pa masama pag singil mo, kasi bakit ka naniningil eh seaman naman asawa mo maraming pera!


sidthemantis

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #35 on: May 05, 2011, 02:09:29 pm »
sabon panligo at panlaba sagot ng kumpanya na yun sis, pero mga deodorant, toothpaste hindi dala na nila yun galing dito sa pinas

seaman asawa ko, lagi pa nila sinasabi nagkukuripot lang daw ako, kung ang bangko daw nauubusan ng pera ako daw hindi. ano akala nila sa akin namumunga ng pera kapag pinausukan, kung alam lang nila ang hirap, kung makakapag-asawa sila ng seaman malalaman din nila sentemeyento natin.

blooming

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #36 on: May 07, 2011, 06:40:46 am »
May gastos rin naman sila sis pag onboard, personal effects nila like toiletries, tapos ang communications magastos din, ang mahal kaya ng satellite calls, pati good time nila onboard,

wala bang internet sa barko?

rianne_mallows

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #37 on: May 07, 2011, 07:09:54 am »
^meron sis.. sa shi ng  kapatid ko $20 per hour.. magastos

jhenrheign

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #38 on: May 07, 2011, 08:20:53 am »
yung internet depende sa barko kung meron... yung iba meron pero may bayad... yung iba email lang... pero in my hubby's case meron sila bawat cabin for free kaya pag break, pag gising or before sya matulog depends sa schedule ng duty nya, nakakapagchat kami araw-araw not unless wala sila signal... kaya di kami hirap sa pag dating sa communication... isa yun sa perks ng barko nila... ;)

re toiletries, meron din supply for free na bath soap, detergent soap...nag dadala lang sya ng sarili nyang toothpaste, shampoo, mouthwash... yung food nila ganun din aside sa breakfast, lunch at dinner, may stock sila ng water, biscuit, chocolates, chichiria provided ng barko...  sa barko nila yan di ko alam sa ibang barko kung ano mga free nila pagdating sa toiletries at food...
« Last Edit: May 07, 2011, 08:28:42 am by jhenrheign »

khengzky

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #39 on: May 11, 2011, 10:03:45 am »
grabe kala ko ako lang may ganitong issue haha tama mga sis hindi porket seaman si hubby e madami ng pera agree ako sa mga sisses here si hubby ko din kung huthutan ng iba kala nila may mga pinatago buti na lang kuripot husband ko haha & now yung dollar account nya Awa ni Lord di naman nagagastos & now na malapit na naman sya umalis makakaipon ulit kami para makabili ng house pang 4th contract na nya ngayon kaya 2 kami nagwowork para di lahat ng pera nya nagagastos namin mahirap ang buhay seaman hindi basta basta.. :o

 

Latest Stories

Load More Stories
Close