naputol yung post ko kanina...
ysa, baka naman wala na yung savings? kaya walang mailabas na pera. kahit sino naman, may nakatabi kang pera kahit pa sabihin na may pinaglalaanan na yun, kung buhay naman ang kapalit, bakit hindi ilabas.
1month lang? hehe. sabagay, leksyon na sa kanya yan!
haha! yahoo! pinag alay pa nila ng itlog sa bubong yung outing na yan sis, kaya hindi pwedeng hindi matutuloy. :-)
kaye, ikaw ba humahawak ng sweldo ni hubby mo? hehe. ako hindi. kung ibigay niya sakin, hahawakan ko. pero kung hindi, hindi ko siya kukulitin para iintrega sakin yun. ayokong gawin sa kanya yung ginagawa ni mil kay f i l (excuse me lang ysa noh. hehe).
actually, ang lumalabas lang na pera sa sweldo ni hubby, yung panggastos lang namin, may list of expenses na kami monthly, kasama na allowance naming lahat dyan, pang weekend gimik, budgeted talaga, kaya yung natitira sa sweldo, naiiwan sa savings.
ate joyz, ako kasi, wala akong pakialam kung ibigay sakin ni jay ang lahat ng pera niya o hindi. hindi ako demanding sa pera. im not saying na isa sa inyo demanding sa pera kapag hinahawakan ang sweldo ng asawa. siyempre, gusto ko din may pera siya palagi, ganun din naman siya sakin.
ang pagkakaalam ko nga nung bata pa ako, ang sweldo ng asawa dapat binibigay talaga lahat sa babae, parang sa movie. hehe. para yung babae ang magba-budget. sa case kasi ng mom ni jay, hindi niya kinukuha para siya ang magbudget, kinukuha niya yun para masolo niya yung pera hanggat maaari.
si jay din umiinom sila ng barkada niya. pag uuwi lasing, diretso na sa kama. nagtataka nga ako kung paano pa nakakapagdrive pauwi yun. yun naman ang kinakagalit ko pag lumalabas siya. kaya sabi ko, mas maganda pa sa bahay nalang sila uminom, kesa siya pa ang lumabas. hindi siya naninigarilyo. inom lang talaga pag nasa pinas kami. dalaw ng dalaw mga barkada niya. hehe.
ako din lumalabas once in a while, minsan kasama si jay, minsan with friends. madalang lang. madalas cinderella pa pag ako lang mag isa. hehe. nung minsan nga nagulat ako, lumabas ako with kumares. biglang nagtext si hubby, sabi pag may g**o dyan sa loob, andito lang kami sa labas. LOL! may body guards pala ako. kaya umuwi kami e naka convoy pa siya sakin. ano ba yun!
in short, baka hindi ka nga lang sanay ate joyz. :-)
lyn, si jing din mahirap hanapan ng size ng uniform sa school, kaya pasadya din yung iba sa kanya, pero recommended pa rin ng school yung mananahi. hehe. tsk!
true! si jay, bihira bumili, pero naman, ang mamahal ng binibili niya. hindi basta basta. minsan sinasabi niiya sakin, minsan makikita ko nalang na bago. okay lang naman sakin yun. he deserves it all.
hi sa mga bru na late! hehe.