clumsish, secret pala ang name mo. okay okay! :-)
mommy, colon ba is sa bituka? yung favorite lolo ko kasi nun, palagi sumasakit tyan niya, pero hindi naman sinasabi samin kasi takot sa doctor kaya tinitiis niya. e nahalata namin bumabagsak katawan niya. pinacheckup, mababa daw ang dugo. kaya sinasalinan. tapos pag chineck ulit, mababa nanaman, yun pala may dumudugo sa bituka niya, may butas. inoperahan. nagising naman siya pero nasa icu. kaya lang hindi pa nakakalampas sa critical period, ilang beses na nag cardiac arrest. ilang beses din siya tinurukan ng pampasurvive sa takot namin. ilang ulit yun, halos hours nalang ata ang pagitan. nag give up na si lola ko, hayaan na daw magpahinga kung yun ang gusto. ayun, nag iyakan na kami.
nakakasad. ang huling bilin pa naman niya samin ni jay, wag daw pababayaan si jing, 4y/o palang si jing nun. favorite ako nun, halos lahat binigay sakin, lahat ng gusto ko, kahit luho pa yun. sa kanila kasi ako nakatira nung bata pa ako.
kaye, dyan sa atin masarap ang pechay. dito sa dubai, ang pait! pag dumadaan ako sa sunset (friendship hiway) nun, may tanim kasi dun na pechay, bumibili ako, bagong pitas. P20 lang binili ko, kalahating sako yata binigay sakin. hehe. minsan ginagawa pa namin salad o sawsawan yan. slice ng maninipis yung pechay, kamatis, sibuyas, halubebe.
ysa, may suki kami sa nepo mart, masarap taba ng talangka niya. masarap yan sa mainit na kanin noh. sarap magkamay. sinigang? tagal ko na hindi nagsisigang na baboy ah.
ging, gaanong kadami ang kinain mo na ice cream? :-)
ah, so pinsan niyo ni atsing joy si kuya mike (nakikikuya lang, hehe). actually, sila brother noel (dad ni ate lot), band nila ang tumugtog nung wedding ng ate ni jay, wedding namin ni jay, tsaka wedding ni sil. nung wedding ni ate lot nag attend ba kayo? andun kami nun e. pati ako naiyak. hehe.
lyn, pano ginagawa ang saging con yelo? may nabibili kami na saging saba dito, gusto namin gumawa ng minatamis na saging, hindi namin alam gawin yung sauce. hehe.
yaikes! ganyan ba dito sa dubai? sabi ko nga kay jay pag nabuntis ako ayoko dito. gusto ko sa pinas. hindi palagay ang loob ko dito e, siguro dahil hindi pa ako naka meet ng mga doctors dito. sana makatyempo ng filipino na magaling.
tsaka nakakatakot talaga magpa inject dito, hindi kamuka satin na dahandahan tsaka minsan minamasahe pa yung ugat. dito bibiglain pa hatak sa syringe. hindi ka ba mahihilo nun. nung nagpa medical ako, 1week nangitim yung braso ko dahil sa pasa. baka yung ginawa sa hubby ni lyn, binigla naman ang pagtusok ng gamot sa buldit kaya masakit. :-)
ate joyz, talagang binigyan mo ng 1year survival yung anak mo neh. hehe.
wa, sali ku talagang sarili kung gamit. :-)