tamang-tama nagsisimula na rin ako mag-plan para sa 1st birthday party ni gelo. Disney Cars theme gusto ko

nag-start na ako mag-lista ng party preps ko sa notebook...
date of the party: sept 26, 2011, time: 5:00pm or 6:00pm
venue: wala pang final venue. meron car wash&kainan yung cousin ko. malaki yung space tska nung binyag ng pamangkin ko dun yung reception ok naman kasi may napakalaking tent. naisip ko pwede naman doon na lang para tipid
theme: diney cars
guest list: ilan ba ang ideal number of guests? both kids and adults? hindi pa ako nakapag-start gumawa ng guest list pero gusto ko i-limit lang yung number of guests pero ang dami kasi namin relative, 9 kasi magkakapatid sila mama hehe.... plus sa father side ko pa, relatives sa side ni bf at few friends
budget: ano po ba yung pinaka-ideal na budget? or rough estimate lang ng ok na budget.
save the date card: ano po ba mas maganda yung printed na save the date card or electronic save the date card like parang avp tapos send thru their emails?
invitations: hindi pa final yung ideas for the invitation,nag-iisip pa ako ng layout tapos gusto ko envelope or background nung invitation is red tapos may checkered black and white na accent sa envelope
cake: naghahanap pa ako sa net ng magandang disney cars cake na pwede kong gayahin-may konting background rin naman kasi ako sa pagbake ng cake and cake decoration. or order na lang ako ng cake sa goldilocks or red ribbon na disney cars theme
caterer: may relative kami na pwedeng mag-cater or hanap na lang ako ng ibang caterer na pwede ko rin marentahan ng tables,chairs,chair covers,etc
venue decor: diy na lang siguro kasi di ko alam kung kanino magpapagawa
-backdrop: di pa ako nakadecide if styro backdrop or layout ng background then print sa tarp, print lightning mcqueen,mater,luigi sa tarp then cut and paste sa styro
-standee: di ko rin alam kung saan dito may gumagawa ng standee kaya diy din
-balloon decors: diy bili na lang kami ng balloons, may balloon decorating business kasi kami dati. si mama kinukuha ng jollibee and other fast food chains dito para gumawa ng balloon decors pag may mga events
gusto ko may balloon arches, pillars,balloonderitas, table centerpiece, balloon burst/pinata na lightning mcqueen
host: wala pa
entertainment: wala pa, ayoko ng clowns...
party activities: games may mga naisip na ako na mga games na related sa theme tapos yung mga usual games na nilalaro pag birthdays
photographer: wala pa
videographer: wala pa
party planner: wala, ako na lang sana kayanin ko
tarpaulin: dun sa pinagawan ko ng tarpaulin nung binyag ni gelo. sa layout ng tarp wala pa, baka sila na rin gumawa pero magiisip pa ako ng idea for the layout
guest book: wala pa, naghahanap pa ako ng cute idea-inspiration na cars theme
name tags: wala pa layout
loot bag, loot bag contents, loot bag tags: wala pa, how much kaya budget for lootbags? ok na kaya ang 50-60php?
game prizes: wala pa
giveaways: nagiisip pa akong giveaway for adult guest tapos for ninongs and ninangs na cars-themed
food cart: how much rent ng food cart? wala kasi akong idea... siguro ice cream, cotton candy food cart
kiddie tables and chairs- sana sa caterer meron if wala maghahanap pa ako.
sound system: wala pa. magkano kaya dapat budget ko dito? enough na ba 2k?
costume: car racer suit. nakita ko 2.5K kay baby fashionista. either order ako sa kanya or patahi na lang kami basta nasa 2.5K na budget ko
sa menu, nag-iisip pa ako ng menu for adults and for kids. dinner na iseserve tapos snacks para kung may mga maagang dumating and hindi pa nagstart party pwede muna sila mag-snack. i need suggestions po for the menu. thanks
