Basta, party planning ang topic hindi ako mapakali.

Kim, walang yema filling ang butter cake, yung chocolate cake lang. Sa Katipunan mismo ang Shoppersville, tapat ng Miriam College. Landmarks - nasa gitna siya ng Shell gas station and BPI.
Kapag may EB tayo, except this Saturday ha kasi may party kaming pupuntahan, puwede akong magdala ng Shoppersville choco cake and cuppies.

Lisa, compute mo na lang kung saan mas makakamura. Ang tanda ko talaga, mas mura ang plated kiddie meal than if naka-set up siya na buffet. Saka, masikip ang venue nga pala namin last year kaya rin pala ito ang pinili ko. Hindi na nahirapang pumila ang yayas or bigger kids kasi may nag-serve na sa kanila. Parang may division ang plates, reminds me of canteen sa Holy dati pero mas maganda naman ng konti ha kesa sa standard canteen plastic plates. Parang melamine yata ang material ng plates tapos nga masarap ang fresh fruit juice niya, kita mo pa ang apple bits.

For kids and adults ang fresh fruit juice.
Hindi ko pa rin na-taste ang crepe ng PC.

Nabasa ko dati mas mahal yata ang rates ng food carts ni jacque than apple's. Check mo rin prices ng partytime philippines.

Tin, baka ma-compromise ang quality ng cake, especially customized pa naman, kung magta-travel from Katipunan to bicutan. Sayang naman. Masarap ang Ms. Polly's! May isang baker sa South, Diane ang name niya, Majesto ata ang trade name or something, na masarap at affordable ang customized cakes and cuppies. Suki yata siya ng GT sisters sa South. Ask mo si jhoanneganda or guerzman.

Nasa FB lahat ng pictures ng birthday cakes ng mga anak ko.

Jen, mabuti at nalaman ko dito ang price increase. Ang requirements ko lang naman kay Apple this year ay murang host na may balloon twisting na kasama at Mickey Mouse and friends na standees. Walang balloons. May host siyang sinasabi na P3500 lang, ayos sa budget ko. Sa bahay lang kami kaya puwede na yun.