watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 130240 times)

mslcgrey

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #420 on: June 17, 2014, 04:20:06 pm »
^this coming september, 50% na ang cover ng healthcard sa mga pre-existing na sakit. Then by next september, 75% na up to maging 100%. Senior citizens na kasi parents niya so di na namin maikukuha sa labas. Kami na lang ni baby ang ikukuha muna sa labas ng healthcard, or kahit si baby na nga lang.

Yes, tulong lang sa down need nila after sila na daw ang magtutuloy. Pero yun nga 25k pa rin yun.

Nasabi ko na kay hubby yung opinion ko and nakita naman niya yung point ko. Kapag kami ang nagka-emergency, wala naman kami mahihinging tulong sa family namin especially sa financial.

This is the first time that we will say no to them actually. So i don't know what will be their reaction. May pagka-weird kasi minsan mga reaction ng family ni hubby.

Sana lang they did not put us in this situation. Alam na naman nila na preggy na ako so dapat mas todo na kami sa pag-iipon ni hubby.

BDJ

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #421 on: June 18, 2014, 07:17:31 am »
^Tama just say NO to them lalo na dyan sa business venture part na yan. Bakit ang lakas ng loob magbusiness basta basta ang MIL mo tapos wala naman palang pang puhunan? Anong klaseng business venture ba yan? Hindi naman sa nagiging negative ako pero kung hindi siya makagawa on her own kung paano magkapuhunan then I am sure tuluy tuloy yan hanggang sa business sa nakikita ko baka mamaya pati business niya hindi maging successful tapos mapupunta lang sa wala then kayo patuloy nagbabayad.

Again you have the right to SAY NO! lalo na kapag negosyo na pinag-uusapan rito. I hope maliit lang ang plano niya. Pero yung mga permit and everything sobrang hassle yan as in malaking pera pa rin yan. Kapag hindi siya mahusay magpalakad ng business wala siyang mapapala instead na magkaroon siya ng malaking pera puro siya bayad sa ganito at ganun. Kapag business venture ang plano o pinag uusapan rito dapat yung may plano magkaroon ng sariling malaking pera rito. It is not good idea na manghiram.

^^sis BDJ, civilly wed na kami since 2012, though medyo secret yun. Inuna kasi namin yung pagbili ng house at yung mga laman ng house namin. So since may house na and syempre we want to live together na so we got wed civilly.

What do you mean by this na medyo secret? Sino pa ba hindi nakakaalam na Civilly wed na kayo? Buti hindi kayo nahahalata sa mga legal papers or kahit yung mga IDs na you are using the husband surname.

The idea of helping a family is actually good pero I must say it is not your obligation at all. That must be case to case basis saka may limitations rin ang lahat. Ako nga hindi ko pa nasasabi sa hubby ko eh! Ang laki laki ng nai-share ko sa bahay nila pero kung bastusin na lang ako ng Lola niya ganun ganun na lang and siya ang reason ng stressful pregnancy ko. Imagine sa akin binabagsak ang init ng ulo niya dahil sa pagkaimbyerna niya sa ibang tao. Within 3 months living in horrible life dun ko narealize na parang I've thrown 24k just for the house?  :o Kaya nga nung narealize ko it was totally horrible huge amount I already told my hubby na I can't make it anymore na kalahati ng sweldo ko napupunta lang rito sa bahay. Sinabi ko sa kanya ni hindi na nga ako makapag ipon on my own sa mga plano ko kaya feeling ko talaga ang laki ng naitapon ko rito sa bahay nila. I felt that way lang because of his horrible grandmother. Gusto ko na nga umuwi sa amin eh! Nagbago naman na siya although I don't have assurance kung hanggang kailan yung ugali niya. Huwag lang ako bastusin kapag andyan na yung bata. No second thoughts uuwi na ako sa amin. Kaya nga yung mga old crib na ginamit ng pamangkin ko and other baby materials pinahahanda ko na rin sa SIL ko sa bahay namin para in case then may back up.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #422 on: June 18, 2014, 09:48:05 am »
^^ sis yung sa healthcard sige help nalang sa kanila yun saka magiging ok naman pala na magkaka discount din yung parents ni hubby. Pero dun sa 25k na hinihiram nila, tama yun na mag say NO muna kayo. Especially now that you are pregnant, instead you can keep the 25k for your pregnancy needs and ipon for your delivery. Sayang yun ha. :) Saka sana naman maintindihan naman nila na ang hubby mo eh hindi lang namumulot ng pera sa Manila plus maintindihan nila na you will need the money because of pregnancy. Tama yung point mo kay hubby. Ganyan din kasi kami ni hubby, ni rremind ko sya lagi ng mag save for emergency reasons kasi pag nangailangan kami wala kami aasahan. Kahit may work dad ko ayoko lang makarinig ng sumbatan sa dulo.

Pwede naman din abutan nyo nalang ng amount na pwede nyo ibigay pero wag naman whole 25k. Hehe. Sabihin mo kay hubby yung 25k nyo may maganda na kayo crib, stroller at newborn kit may sobra pa yun. (excited lang) :D

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #423 on: July 01, 2014, 08:00:36 pm »
things i dont like about IL's? madami! haha! not just the MIL but the whole clan. im sorry pero for lack of a better term-- parang squatter ang mga ugali. mga chismosa, pakielamera, inggitera,pintasera kala mo naman magaganda sila at walang ginawa maghapon kundi manood ng mga teleserye tapos feeling nila ang buhay nila parang teleserye! haha. sila pa tong mahilig magmataas, mga wala naman pagmamalaki, and last but not the least, mabait lang syo kapag may kailangan. i really cannot stand them, ang pinagmamalaki pa nila nagsisimba sila linggo linggo eh ang sasama naman ng ugali. sila sila mismo nag-aaway dahil pare-pareho sila ng ugali. inggitan ng inggitan. nakaka stress haha!

gil12

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #424 on: July 01, 2014, 09:46:34 pm »
I need help, I'm not sure if I'm over reacting or not, it's about something my MIL said this evening. We live with my ILs cause of financial reasons. Last month, we saw some red flags of autism in my son and I had to quit my work so I can spend more time with him. We went to a developmental pedia and diagnosis is language delay. It doesn't mean na 100% sure walang autism son ko, maybe because it's too early to tell but we started with OT na rin and my son attends toddler classes na. MIL was in our room awhile ago and kitang kita niya likot ng son ko. she kept on telling me na hindi raw normal ginagawa ng son ko, etc.. I'm not in denial, ako mismo worried pa rin na my son might have autism nga. ang sinabi ng MIL ko na medyo nainis ako, she asked me kung buntis daw ba ko, sabi ko "hindi po, hindi pa po" and she said na kung buntis daw ako sana naman normal na yung baby this time. I really want to have a baby ulit pero I'm having second thoughts, kasi, what if may chance ngang may autism son ko, it increases the chance na magkakaroon ng autism next baby ko and dahil sa sinabi ng MIL ko kanina parang ayoko na talaga magkaron ng anak ulit. sobrang sensitive ko ba sa sinabi niya and naging OA ko? We've lived with my ILs for more than a year, we moved out for two months lang and dahil nga dun sa autism concern with my son, we had to move in with my ILs again. Sa totoo lang, feeling ko more than a year na kong depressed living with them. Walang ginawa MIL ko kundi sabihan akong ang taba taba ko, as if naman obese na ko, kakainis na. Minsan pa hindi ko magawa gusto ko sa anak ko kasi sasabihin niya na baka masaktan, etc.. I understand she's concerned pero nanay ako ng apo niya, does she seriously think I'll let my son get hurt? Minsan nakakainsulto na eh..

angellouise06

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #425 on: July 01, 2014, 10:15:12 pm »
sis gil2, i feel for you. yung anak ko din diagnosed with a language communication delay. nakakairita talaga yung mga side comments lalo na yung para sa bata. yung anak ko kasi nag school na sa regular school and di naman sya nahuhuli sa class. infact 88% average nya nung nursery, pero yung gf ng [textspeak!] ko pinipilit na dapat daw sa sped ko ienroll yung anak ko. minsan sinagot ko na sya na "sabi po ng dev pedia nya di sya pede sa sped, regular school po sya dapat" firm at fierce tone. asar na asar kasi ako talaga tuwing mag get together yung ang comment nya. kung ano sa tingin mo dapat at tama para sa anak mo gawin mo hayaan mo mga sidecomments nila. bahala sila kasi welfare naman ng anak mo yung concern mo.

BDJ

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #426 on: July 02, 2014, 12:22:45 am »
Nakakaasar nga yung ang sama kaagad ng side comments ng in law. Ako nga buntis pa lang ngayon tapos nagrereklamo na ang granny in law ko na babae yung anak ko kasi daw kapag babae ang unang apo magiging mahina yung Lola which is yung anak niya  ??? Basta mahilig magsalita ng walang basihan. Tapos yun nga kesyo magiging malandi raw anak ko katulad ng anak niya.  ::) WTF! Kaya nga sasabihin ko sa hubby ko uuwi ako talaga sa bahay kapag nagcomment siya sa anak ko ng hindi ko magugustuhan. OA kung OA pero anak ko yun eh!

Tapos ito pa nung isang araw lang kasi nga ang real name ko is Angelina so she keep on singing the one that is totally rude ang composition. Ito yung kanta na binaboy lang ng mga tambay pero it is a french song that is about love. Grabe nakakasuka when she sang that.  >:( I mean ang tanda tanda na niya tapos kumakanta siya ng ganun na bastos songs. Next time I would really tell my hubby to prevent his Grandma to sing. Sa totoo lang hindi na ako natutuwa sa kabastusan niya.

honeypurplegray

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #427 on: September 13, 2014, 02:59:11 pm »
MIL – nag uusap kami pero hindi kami close, hindi rin kami nag aaway. Silent type kasi si MIL. I love her kasi super sipag nya. Lahat ng household chores ginagawa nya tapos sya pa nag aalaga sa kids ko eh 3 bata un.. Wala ako narinig na masama sakanya… I salute her as a Mother and Wife though minsan parang sya na din yung nagturo ng katamaran sa iba nyang anak… Pero mukha naman syang masaya sa ginagawa nyang pagsisilbi.

This! [textspeak!] – I can say mabuti syang ama pero hindi sya mabuting TAO! Wala syang salita na hindi pasigaw which is nakakairita na sa pandinig. Sobra lakas magpagtugtog parang sya lang tao sa bahay! Nagyayabang siguro sa kapitbahay! Kaya kapag rest day ko umaalis talaga ako w/ the kids wag lang makapag stay sa bahay nya!  And he used to say t****. Kahit nagkukwento lang sya, sisigaw pa yan and magsasalita ng t****. Feeling nya napakagaling nyang tao kung makapananga! Alam nya naman may mga bata na nakakarinig sa kanya… At matindi pa nito mahilig sya bumili ng kung [textspeak!] anong gamit eh wala naman syang source of income at kapag bayaran na kung makahingi sakin akala mo may patago! Paawa effect pa ha! Pero pag normal situation yung mukha sobrang sama! Pwedeng itupi!  Worst pa nito magbibigay ng date kung kelan babayaran pero di tinutupad! Paasa! Akala yata bangko ako!  And siguro kaya vi-ne-verbal abuse ako ng anak nya kasi pinalaki nya sa mura! My God… Pag kagaling nya church at nag simula na uli magkwento (buhay ng iba)asahan mo yung pagmumura nya! Hindi magandang mannerism lalo kung may kasamang bata sa bahay. KUNG MAY VOLUME LANG BOSES MO MATAGAL KO NG MINUTE YAAN!

BIL – kelan ka ba magiging masipag? sa lahat na lang ng bagay ang tamd mo! Work work din pag may time…

HOW I WISH NA MAKAALIS NA AKO SA BAHAY NYO AT KUNG PWEDE KO LANG SOLI ANAK NYO WILLING AKO! KASI MAS PRIORITY PA NYA KAYO KESA SAMIN!

honeypurplegray

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #428 on: September 13, 2014, 03:11:05 pm »
F I L - walang magaling sayo kundi sarili mo! ang arte arte mo pa sa mga pagkain! super. wala ka naman pera kung makapag inarte ka jan parang ikaw gumagatos. di matuwa sa kung anong meron. naiinis lang talaga ako sayo.

lilvanity

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #429 on: September 25, 2014, 09:53:18 pm »
My MIL talked to me this morning, she told me na we (my husband and I) should be mature na raw and act as a married couple and hindi na single. She even told me to take care of my baby, I do pero I have a yaya for him din. I was offended, unang-una, all this time na married kami ng anak niya, para sa kanya hindi kami nagaact as a married couple? nakaka insulto rin na she gave me an advice to be a mother to my child, I may not be as hands on but I do everything I can for the sake of my child. We live in their house, wala silang ginawa kung hindi sitahin kami na para bang hindi kami pwede lumabas ng bahay magasawa. She should talk to her son, yung asawa ko, he isn't working, we've been planning to start a business pero ang tagal niya. My husband said na wag ko na raw damdamin sinabi ng MIL ko kasi masama raw pakiramdam na kesyo nafifeel na raw na anytime mawala siya. She's done that before and nothing is wrong with her. Minsan naiisip ko na lang na sana hiwalay kami ng husband ko kasi he doesn't have the b*lls to confront his mother. Nahihirapan na ko, hindi ko naman masagot MIL ko. I've cried a lot of times because of his mother. Medyo taklesa kasi minsan, kung ano lang masabi niya kahit makasakit siya. It's affecting me mentally and emotionally, para bang mababaliw na ko kapag tumagal pa kami dito sa bahay nila. Pakiramdam ko una pa yata ako mamamatay sa MIL ko eh. Alam ko namang hindi ako ganun kagaling or katalino pero parang minamaliit talaga ako ng MIL ko. Wala na ko masabihan ng sama ng loob, parang sasabog na ko.  :'(

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #430 on: September 25, 2014, 11:45:41 pm »
i hate everything about them. every little thing they do annoys me. forever na ata to lol!

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #431 on: September 26, 2014, 01:48:53 am »
Mabait naman si MIL, magkasundo naman kami sa lahat ng bagay except ayaw nya na pakasal kami ulit ni hubby. Married na kami ni hubby sa church rites nila pero kasi my hubby suggests that right after we settle the house and makabili kami ng bagong sasakyan, that's the time we will plan another wedding. Ok naman ako dun kasi I saw some of my cousins and uncles na later on in life nagpakasa ng bongga at marami ang guests nung super stable na sila. Simple lang yung wedding namin nun as in 10 lang yung guest namin kasama yung pastor. Ayaw na ayaw ng MIL ko kasi daw gastos eh samin naman pera na pang kakasal namin plus hubby promised me to do another wedding na sa dream destination ko. Sabi ni MIL kasal na daw kami bakit pa uulitin. Di naman ako tampo pero sakin kasi gusto ko pa rin ikasal seeing most of my friends and relatives will attend. Dream ko kasi ikasal na yung dad ko yung mag wwalk sakin sa aisle kasi hindi ko nagawa yun nung wedding ko and my dad was out of the country at that time of my wedding. Gusto ko lang ma experience yung magsuot ng magandang gown, shoes and putting my wedding themes. I know my MIL is practical pero if ever me and hubby decided to wed again, it will be our choice. Plus si hubby din aminado he wants to have another wedding.

mslcgrey

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #432 on: September 26, 2014, 04:15:40 am »
^at dahil hindi na dere-derecho ang tulog ko, makakapag-comment ako at this time. Hahaha....
Siguro nga, she is just being practical. Syempre, wedding costs a lot these days especially if it is a destination wedding. Pakita nyo na lang sa kanya na kaya nyo naman financially. Pinag-iipunan naman iyon. Pati you'll always prioritize your baby's needs naman over those things.
That is just her opinion and good thing with her naman, hindi naman talaga siya nakikialam sa mga final decisions nyong mag-asawa.

mslcgrey

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #433 on: September 27, 2014, 09:51:48 am »
Nagpabili si youngest SIL ng slimming coffee kay hubby. Nagkataon naman na may planned trip kami ni hubby sa divisoria where we buy those coffee so ok lang. 2 boxes lang naman but syempre ipapadala pa sa province so additional expense din yun. But sige, hinayaan ko lang.
Yesterday, when hubby asked SIL if nareceive niya na yung coffee oo daw. But after a while, eto na humihingi na ng 5k kay hubby. She will start a business daw, parang 5-6. I already mentioned before that she quit her job as a call center agent para daw maalagaan niya parents nila.
When we went there last August, I observed na hindi naman talaga nila need si SIL everyday.  May kasambahay silang mag-asawa who do the household chores and kahit pagbabantay sa tindahan nila. They also have a sort of pamangkin na pinag-aaral nila (si hubby nagbibigay ng allowance, 1k a month) who also helps sa bahay. I admit, need nila si SIL during their dad’s weekly visit sa hospital for his dialysis for medical decisions but the whole time they are there more on taga-bantay lang si SIL sa dad nila kasi takot sa dugo si MIL.
Well, nag-no na naman si hubby. As if may choice siya, we just bought a car. Starting next month, additional expenses na yung monthly payment nun. Also, I’m preggy and we also have to prepare for that. Ayaw pa kasi sabihin ni hubby na kumuha kami ng car para hindi na sila manghihingi ng additional aside sa monthly padala naming. Baka daw kasi magtampo ek ek.

vain_kixie

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #434 on: September 27, 2014, 10:28:05 am »
Theshopacholicprincess, ako ang perception ko diyan is: he who has the gold makes the rules. So kung ikaw and si hubby mo ang magbabayad fully, then go kahit 5 million pa ang wedding na ikasasaya mo. Si MIL dapat wala siyang say kasi di naman siya gagastos kaya wag siyang magreklamo.

la_pinay

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #435 on: September 27, 2014, 11:43:34 am »
we are getting married next year and may mga comments din si MIL na ang gastos daw. well i stand firm with my choices kasi kami naman gagastos. although minsan hindi ko na lang alam i rereact sa mga ganun comments nya.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #436 on: September 30, 2014, 09:14:35 am »
^at dahil hindi na dere-derecho ang tulog ko, makakapag-comment ako at this time. Hahaha....
Siguro nga, she is just being practical. Syempre, wedding costs a lot these days especially if it is a destination wedding. Pakita nyo na lang sa kanya na kaya nyo naman financially. Pinag-iipunan naman iyon. Pati you'll always prioritize your baby's needs naman over those things.
That is just her opinion and good thing with her naman, hindi naman talaga siya nakikialam sa mga final decisions nyong mag-asawa.

Yep. Hindi naman ako galit kay MIL, honestly that's what I love about my MIL hindi naman sya pakialamera samin. Siguro nga nanghihinayang lang sya kasi hindi na talaga biro ang gastos sa kasal. Practical lang talaga sya sobra. I understand her naman kasi struggle talaga sila nung nag aaral si hubby ng college. Siguro sa kanya save for the rainy days nalang. Sinabi ko naman hindi pa naman ngayon. Syempre andami pa namin ibang financial goals. Yung pagpapagawa nga lang ng bahay magastos na, what more pa yung wedding plus in 2 years time mag aaral na rin si baby.

Theshopacholicprincess, ako ang perception ko diyan is: he who has the gold makes the rules. So kung ikaw and si hubby mo ang magbabayad fully, then go kahit 5 million pa ang wedding na ikasasaya mo. Si MIL dapat wala siyang say kasi di naman siya gagastos kaya wag siyang magreklamo.

thanks sis. yun din naman sabi ni hubby, kahit mag suggest sila or magsabi for sure kami pa rin masusunod. Mabilis kasi manghinayang si MIL pagdating sa gastos, I understand her naman. Like katulad nung time na hubby bought a stroller for our baby which costs a lot, gusto nya i-recycle namin yung stroller nung niece ni hubby, eh di kami pumayag ni hubby sa 2nd hand gamit ng baby namin kasi we set a budget for our baby's needs bago sya lumabas plus I don't want to use 2nd hand strollers kasi possible pa na ma-aksidente yung baby namin dahil luma na yung stroller. Ayoko pati ng gamit na galing sa SIL ko (LOL). So we explain to my MIL na when it comes to our baby's needs we want the best for him and for safety reasons din. Oks sa kanya, nag eenjoy nga sya nung ginagamit nya yung bagong stroller ni baby nun. LOL
« Last Edit: September 30, 2014, 09:38:06 am by theshopaholicprincess »

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #437 on: September 30, 2014, 09:24:33 am »
Nagpabili si youngest SIL ng slimming coffee kay hubby. Nagkataon naman na may planned trip kami ni hubby sa divisoria where we buy those coffee so ok lang. 2 boxes lang naman but syempre ipapadala pa sa province so additional expense din yun. But sige, hinayaan ko lang.
Yesterday, when hubby asked SIL if nareceive niya na yung coffee oo daw. But after a while, eto na humihingi na ng 5k kay hubby. She will start a business daw, parang 5-6. I already mentioned before that she quit her job as a call center agent para daw maalagaan niya parents nila.
When we went there last August, I observed na hindi naman talaga nila need si SIL everyday.  May kasambahay silang mag-asawa who do the household chores and kahit pagbabantay sa tindahan nila. They also have a sort of pamangkin na pinag-aaral nila (si hubby nagbibigay ng allowance, 1k a month) who also helps sa bahay. I admit, need nila si SIL during their dad’s weekly visit sa hospital for his dialysis for medical decisions but the whole time they are there more on taga-bantay lang si SIL sa dad nila kasi takot sa dugo si MIL.
Well, nag-no na naman si hubby. As if may choice siya, we just bought a car. Starting next month, additional expenses na yung monthly payment nun. Also, I’m preggy and we also have to prepare for that. Ayaw pa kasi sabihin ni hubby na kumuha kami ng car para hindi na sila manghihingi ng additional aside sa monthly padala naming. Baka daw kasi magtampo ek ek.

Naku makiki comment na nga dyan sa youngest SIL  mo sis... sakin lang ha, sabihin na dapat ni hubby na bumili na kayo ng car para medyo ma-tone down na yung paghingi hingi/hiram nila sa inyo. And hubby should tell them dapat medyo hinay muna sila since magkakababy na kayo. Syempre yung pahingi hingi nila ng small things plus pahiram hiram ng pera sayang din yun na pang dagdag sa ipon nyo for the baby. Hindi biro yung sabay sabay yung gastos and hubby needs to put his foot down on his sis. Bakit di nalang maghanap ng work si youngest SIL. Eh meron naman pala kasambahay sa household ni hubby mo, so instead of "helping" kuno mas makakatulong si youngest SIL kung may work sya para makatulong sya sa additional expenses needed sa bahay nila. Sayang kasi yung kikitain nya kung istambay lang ang peg nya dun. Di ba noon you gave your MIL 5k for a 5-6 business? Ano nangyari dun saka bakit pati si youngest sis eh 5-6 din ang business? I would understand naman your hubby is helping your parents in laws which for me ok lang yun kasi si hubby nag hhelp din sa parents nya, pero yung mga SILs dapat medyo sensitive na sila na their brother has a family of his own so wag na nila masyado asahan when it comes to their financial emergencies. Wala ba fallback plan si youngest SIL regarding on her decision to quit her job? Wala ba sya ipon bago sya umalis ng work? 

tischarmedlife

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #438 on: September 30, 2014, 11:42:30 am »
what I hate with my ILs? Marami eh.. LOL! Well, yung MIL ko is sobrang pakialemera at akala mo kung sino'ng santa. Halos lahat ng isuot ko noon, may nasasabi sya. Sa school na pinasukan ng baby ko, nakikialam sya, kesyo mahal daw at wala nang pera yung anak nya! Jusko naman, hati kaya kami ni hubby sa tuition ng baby ko (I'm working din kase). Almost 4 years old na nga yung anak ko at 6 years na kaming couple, di pa din nya mapakawalan ang 33 year old nyang hijo! Sobrang paawa effect (kahit mukha pa syang malakas kesa sa tatlong kalabaw) at laging may reklamo sa buhay.

BIL sobrang tamad nung bunso na 28 years old na, wala pa din trabaho! yung isang BIL ko, may work nga puro porma naman at halos ayaw magbigay sa parents nya ng financial support!

[textspeak!] sobrang nag-self pity to the point na nag-ermitanyo na sa loob ng bahay nila. Dati silang well-off (as in may 3 cars, 2 househelp, driver at nakakapag-abroad anytime) at nung nawala ang work nya, wala din lahat ng ipon nila plus nagkasakit pa sya! Hindi man lang tulungan ang sarili nya, paawa effect din lagi. Kainis!

Buti na lang hindi ako nag-stay ng matagal sa kanila. Umuwi ako samin with my son (after six weeks yata yun na tumira ako sa kanila) and haven't visited them in 19 months now!

mslcgrey

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #439 on: September 30, 2014, 09:15:45 pm »
^^ i don't know what's her plan regarding her career. Parang gusto niyang magkawork sa munisipyo nila but no opening yata. I don't think may ipon siya but meron naman siya natanggap na back pay for sure, i just don't know what she had done with it.
Mukhang walang nagchecheck sa kanila ng fb accounts nila kaya di nila nakita yung post ni hubby sa car but before the week ends, pipilitin ko na talaga di hubby na sabihan na sila.
 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close