watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 130155 times)

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #400 on: June 09, 2014, 11:24:10 am »
^ I can't help but reply... ang kikitid naman ng utak ng in-laws mo... hindi ba nila alam yung word na respect at privacy. Regarding on the baby's name, ignore them and as much as possible sanayin mo yung baby mo na ma-recall nya yung name na binigay nyo sa kanya. With your in-laws naman ignore them nalang then on weekends na lagi sila pumupunta sa house, minsan give them their lesson na alis kayo ng house na walang pasabi so by the time na pumunta sila eh wala kayo. Put your foot down sis, iba yung pakikisama sa inaabuso kayo. Isa pa right mo to have your own privacy or pag nag doorbell wag mo pagbuksan (joke!) hahaha. Sabihin mo pati kamo, si prince george may visiting hours din. :)

leiram05

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #401 on: June 09, 2014, 10:39:16 pm »
Sis shopaholicprincess, sobrang salamat sa pagtake ng time na basahin ang post ko kahit mahaba and sobrang salamat din sa pagreply sakin...ang laking gaan sa loob na malaman na may nakakaintindi sa nararamdaman ko at maraming salamat din sa advice sis, gagawin ko yung advice mo para matuto sila, thanks again sis! 😘

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #402 on: June 10, 2014, 10:00:49 am »
^ You're welcome sis. Sakin lang kasi I highly value my privacy din and ayoko din nung any time nalang na gusto ng mga in-laws or parents ko mag drop by eh ganun ganun nalang. Thankfully even malapit lang in-laws ko samin hindi naman sila nakiki siksik samin even my parents would call first if they want to go to our house.

Sana alam ng in laws mo yung salita na courtesy muna bago punta ng house kasi minsan pag weekends you just want to relax and rest tapos may bisita ka na aasikasuhin. Siguro you need to talk to your hubby din na kausapin yung parents nya regarding sa house policy nyo. After all ikaw ang masusunod sa bahay. Problem kasi pag atribida in-laws mo ikaw minsan pagpapasensyahan mo nalang. Speak up when you think you need to foot your down on them. Medyo abusado kasi ang dating sakin ng in laws mo parang lahat naka depende sa kanila even the name of your kid kelangan based din sa kanila. :P

leiram05

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #403 on: June 10, 2014, 03:33:19 pm »
Yes sis theshopaholicprincess kelangan ko na gumawa ng stand kasi very intrusive na sila 😞 thank you so much again for all your advice sis! God bless! 😘

BDJ

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #404 on: June 10, 2014, 07:19:35 pm »
leiram05 Naitanong mo na ba sa Hubby mo kung bakit ayaw ng Mommy niya sa Mommy mo? Well I think at some point karapatan mo rin malaman yun kasi mahirap na, para at least ready kayo for other possibilities na pwede pang mangyari in the near future if seem that your hubby's family has a problem with your parents.

Regarding naman sa name ng kid niyo, I just hope na yung mismong hubby mo never promised to his dad na yun ang ibibigay na pangalan kasi anything will happen talaga. Baka kasi sobrang nag expect rin ang father niya siempre excited sa apo eh! tapos pride niya na ang itatawag sa bata ay yung name niya. Hindi rin natin parating masasabi ang feelings o reaction on how to deal na merong taong hindi natin macocontrol ang pagkasama ng loob nila kay small or big thing to deal. Since you mentioned that they are self righteous, know it all at gusto nga nila on their way parati then I could assume that they are manipulative at the same time and they have the controlling power.

Regarding naman sa pagpunta nila, since nagalit na sila at napatanong na bakit daw hindi pwede na linggo-linggo nila makita bata at kung bakit daw kelangan pa nila tumawag o magtext pagpupunta sila, I think it is time for you and your hubby to expect na lang na they are going every weekend. Then inform them na aalis kayo kung mangyayari ito. At that point hindi na nila kayo pwedeng control na hindi dapat kayo umalis nandahil lang sa darating sila. Ito lang naman yun, at least hindi na kayo nagkulang sa paalala.

Tama lang na hindi ka na mashadong nakikipag usap sa kanila kasi I am sure wala rin patutunguhan ang pag-uusapan niyo lalo na for a fact matatanda na sila then kung ano ang kinaugalian nila kadalasan dala dala na nila yun tapos lalo pang lumalala. Too harsh to say pero kadalasan naman nagbabago na lang pananaw ng ganyang matanda kapag malapit na silang mamatay. Kung alam ko namang narrow minded o hindi open minded ang kausap ko so why waste my time for that kind of people.  ;D Dahil ngayon alam mo na ganyan ang ugali ng in laws mo I just hope alert ka na rin sa ibang bagay. For example ma-preggy ka ulit, hangga't maaari huwag na kayo mashadong magbigay ng infos lalo na sa magiging name ng bata. Kailangan niyo talaga magproject na kayo na ang bahala run.

I can relate with you a little bit lang. That is also how I observed with my granny in law too that is the reason why I keep on talking with hubby regarding her na ayoko sa lahat yung magiging manipulative siya sa mga decisions namin at ayokong maranasan ng anak namin yung ginagawa niya sa akin at sa ibang tao. May issue rin ang granny ni hubby sa Mommy ko in which I already informed my mom about it kasi gusto ko ready rin ang family ko sa attitude niya of course karapatan rin nilang malaman yun eh! I told my hubby na ang in law ng bro ko sa years nilang nagkakakitaan never nagkaproblema family ko sa in law ng hubby ko in which nakakagulat on my part na 3 days pa lang nameet ng magulang ko ang in law ko then may problema na agad sa Nanay ko?  :o Eh di with the other issues that I have with in law hindi ko na maiwasan isipin na there is really something wrong with her. Kaya Mama ko iba rin ang impression niya sa in law ko.

Then since napansin ko nga na she is manipulative and tendency to control everything, I told my hubby na kahit yung granny in law ko huwag nang inform agad about the gender of our baby. Generally speaking ayoko rin namang may mapagsabihan kami kahit sa family and relatives about the gender of the baby para to avoid pressure tapos sensitive ako sa mga conversation na pinangungunahan ako agad sa mga bagay bagay. Although yung ibang hinala ng other people ay naging tama na babae ang anak namin because of the signs while I am pregnant. I told my hubby na huwag rin reveal ang name na plano namin para to avoid conflicts na may nakikialam. Ayoko talagang may nakikialam sa mga decision namin. So both gender ang the name kami lang ni hubby ang nakakaalam.

Just like theshopaholicprincess I highly value privacy too. Napakahirap in my case dahil we are living sa in law ko as I mentioned in other posts. Hirap lang ang hubby ko sa financial freedom kaya wala rin akong magagawa whereas choice na rin ng in law ko na umuwi na lang dahil siempre may asawa na apo niya. Kaya wala for us to have privacy in other things kailangan na namin mag adjust. I told my hubby in the first place kapag hindi ko magawa yung mga ibang kilos na gusto ko then I would really rather go home na lang kung ganyan rin lang. I told my hubby yesterday that I am actually worrying to his granny's attitude. May terms pa akong nasabi na nasaktan rin hubby ko pero I stand it na that is how I feel dahil mula nung dumating ako sa bahay siya ang kasama ko 24/7 at siempre pa kung bibilangin mo ang times na kasama ko hubby ko at Lola niya mas di hamak na mas maraming oras ko nakakasama granny niya kesa sa mismong hubby ko. Kaya ko naimention ito dahil kapag dumating na yung bata ayoko nang maging manipulative siya sa amin dahil ako mahihirapan kumilos lalo na yung init ng ulo niya hindi importante sa bahay yan tapos gusto pa niya damay kami eh hindi malabo pati anak namin damay rin.

Cayennepepper2014

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #405 on: June 11, 2014, 05:39:17 am »
I hate to say this, pero pansin ko lang, mabango ka sa kanila pag me kailangan sila, o binigyan mo sila ng material things lalo na pag pera. Di sila gagawa o mag ooffer ng help unless may kapalit.

My MIL badmouths both of my bilas to me, so I assume she also badmouths me to my two SILs when I am not around. :( Magaling sya magpatutsada, binibilang nya ang mga gamit sa bahay namin pati bills namin. She demands that she be given a portion of my husband's salary to her. Buti na lang din, ang asawa ko na ang nag set ng amount na dapat ibigay sa kanya at hindi yung dinedemand nya na ibigay sa kanya.

Mahilig sya magpaawa, to the point na sasabihin nya na wala syang kapera pera kasi isinusustento nya sa pamilya ng isang anak nya. I dont know if this is true kasi me trabaho naman sila. Pabida effect always... Sya ang magaling etc etc... She blames her dead husband for being bulagsak sa pera at kabuhayan and would say na kung di dahil sa kanya, di sana napalaki ng maayos mga anak nila.

Worst thing she did, pinabayaan nya ko manganak, di man lang umalalay sa hospital claiming wala daw sya pamasahe at anyway dami naman daw nurses at doctors na tutulong sa akin. Pero a week after I delivered my son, on the scheduled date ng pagkuha nya ng allowance nya, she showed up at our house.

BDJ

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #406 on: June 11, 2014, 09:06:15 am »
^She knows for a fact na bulagsak pala ang kanyang sa pera at kabuhayan ang husband niya so why not doing anything para maayos yun? Why still put the blame sa patay niyang husband?  ;D Bakit siya sumama sa lalakeng alam naman niyang hindi responsable in terms of finances. Tapos ngayon siya mismo hindi makagawa ng paraan to solve the problem, but then gumagawa pa siya ng another problem.

In my case wala na akong pakialam and worries if my granny in law is badmouthing me to other people. Ineexpect ko na yan kasi ganyan nga rin kung yung mismong anak nga niya kung ano ano pinupuna niya kahit sa ibang tao how much more to me? Hindi ko talaga nagustuhan on how she criticize the gf of my hubby's bro. Libakera talaga siya kung kani kanino. Pero in the end naman nakita ko rin naman na siya rin ang nasasaktan. Usually naman sila itong mga maramdamin eh! na tipong may nasabi ka lang na hindi sang ayon sa kanila offended agad.

Kaya to me hindi na effective mga paawa at konsensya effect nila, yung tipong mamanipulahin nila yung ibang tao tungkol sa hardships in life eh halos lahat naman tayo rito sa mundo may mga kanya kanyang pinaghihirapan eh! Hindi na mabenta sa akin yung arrogance nila at the same time kung ano ano mga pinagmamalaki sa buhay nila.  ;D Sarap nga barahin minsan na hindi na mabenta sa akin yan.
« Last Edit: June 11, 2014, 12:41:17 pm by BDJ »

mslcgrey

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #407 on: June 12, 2014, 10:26:58 am »
Naiinis ako ngayon sa hilaw kong SIL. live-in lang sila ng brother ko. Last weekend, bumukod na sila ng bro ko ng house. When they found out na buntis si SIL, dun na pinatira ni mama sa bahay niya si SIL. hubby and i live in a separate village but we are just a 10 minute walk away from them. So  until 4 months na yung pamangkin ko eh dun sila nakatira.

Unfortunately, lately naging shakey yung relationship ng mom ko and my youngest sis kay SIL. They notice na iba ang treatment ni SIL sa pamangkin ko compare sa first born niya with another guy. Mas maalaga and mas spoiled niya yung una. Tapos parang may usapan pa sila ng bro ko na narinig nina mama na yung gastusin sa pamangkin ko like milk and diapers eh si bro ang sagot while any gastusin sa first anak niya eh siya. Kahit yung bro ko nag-open up kay mama na napansin nya rin yun.

May instance din na alam ni mama na gising na si SIL eh hindi mapatahan yung pamangkin ko ni mama, kahit yung yaya nung bata hindi rin. Hindi talaga lumabas ng room si SIL. nagising na yung sis ko at siya pa yung nagpatahan kay baby. Marami pang similar events na kita yung favoritism ni SIL.

My bro treated her daughter like his own. Tatay ang tawag pa nga kay bro. Kahit nung bf-gf pa [textspeak!] sila, nakita namin how my bro cares for her daughter.

May issue rin sila sa sharing sa bahay. Dito naman lahat sila may fault. My youngest sis doesn't work and asa lang din sa bf/gf niya. I also have a niece from her. Kumuha pa sila ng katulong. Kaya lang yung sharing eh hindi nga equal. Ganun din kay bro, kulang din talaga if iisipin yung binibigay nila kasi silang 2 ni SIL, may yaya, and 2 anak.

So talagang last month halos di na sila nagpapansinan sa bahay. My youngest sis first decided to move out. Decision nilang mag-karelasyon. So far ok naman sila. May work na si sis and napipilitan siya na maging nanay sa kanyang anak.

A week after, umalis na rin ng bahay my bro and his family. The week na naghahanda sila, namili sila ng mga gamit like plantsa, stove, rice cooker, bed sheets, curtains, and kahit mga balde and the likes. So kami ok lang naman kahit iiwan nila si mama mag-isa kasi i believe na kapag may asawa na bumukod na talaga para din matuto.

Kaya lang ito, wala pa silang one week sa nilipatan nila at nagtetext na bro ko para humiram ng money. Pang-allowance niya kasi after more than a month na waiting siya dun sa bagong work niya eh magstart na siya this monday. Nagsabi pa siya na wala na nga siya pambili ng milk ng pamangkin ko.

June 12 ngaun and by tom may sahod na si SIL. Malaki naman sa tingin ko salary ni SIL. baka nga almost kapantay ng sahod ni hubby. So dito ako naiinis. They have the guts to move out, magdown sa lilipatan nila, bumili ng gamit and yet di sila nagtira for my pamangkin's needs and my bro's allowance. Bad trip lang.

I decided not to give in. Actually, may utang pa sila sa akin na 10k. Last april biglang nagreklamo si SIL na namanhid yung half of her body so they have to do a lot of tests to determine the cause na wala naman nakita. Nag-pgh sila kaya nakamura sila ng todo.

Sorry ang haba. Inis lang. Preggy pa naman ako so ayoko sana mastress. I just have to rant para di maipon.

BDJ

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #408 on: June 12, 2014, 05:02:06 pm »
^Sis curious lang ako, kaninong anak yung pamangkin na tinutukoy mo? Medyo naguluhan lang ako. Kasi sa pagkakaintindi ko may pamangkin ka na living with your SIL and bro tapos iba pa yung unang anak ni SIL na hindi naman anak ng bro mo?

Ikaw ba mismo sis kanino ka nakatira? Saka you and your hubby ba has separated house? Kasi nga as you mentioned magkakalapit lang sa village?

mslcgrey

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #409 on: June 13, 2014, 07:51:11 am »
^ My bro and SIL have a son (my pamangkin) while si SIL meron ng daughter from another guy.
Yes, we have a separate house na.

mslcgrey

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #410 on: June 13, 2014, 08:04:15 am »
By the way, sa bro and SIL ako both nainis kahapon. Mas lang kay SIL kasi we have a feeling na siya yung reason talaga why sila bumukod ng hindi handa.

I know my mom can be hard to live with sometimes but in fairness to her, madali siyang pakisamahan. Gusto lang naman niya if nakikitira ka dun, try to mingle with the people. Like during dinner, kwentuhan. Si SIL kasi pagkadating derecho agad sa room tapos halos wala ng labasan even on her free days.

Minsan pag bumibisita ako sa kanila, 2 hours na akong nandun saka ko pa lang malalaman na nandun si SIL.

Well, it is time for them to learn how to live on their own.

BDJ

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #411 on: June 13, 2014, 10:52:40 am »
^At some point I would understand na it is really hard to live with in laws talaga. Baka ayaw ng SIL mo yung sistema na lahat ng bagay siya mag aadjust tapos yung pakiramdam na lahat ng kilos niya mali. Masaklap kasi minsan kung sila pa nag aaway ng hubby niya because of in law. At some point rin mahirap rin to decide on your own when you are with in laws lalo na kung may aspect na mahirap pakisamahan ang in laws. Yung kilos sa house tapos may mga things na hindi rin comfortable yung SIL. Kung ganyan naman ang kaso dapat nakapagdecide naman yung SIL na sa family na lang niya siya tumira in which yung bro naman ang titira with in laws. Napag-usapan ba nila yun kahit minsan?

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #412 on: June 13, 2014, 11:09:59 am »
^ Hi sis :) easy ka lang... bawal ma-stress preggy ka pa naman kelangan lagi relax at iwas sa mga pasaway.

I think tama naman na bumukod sila kay mommy mo kasi may mga sari-sarili na silang families. Ang mali lang dun sa set up ni hilaw mong SIL and bro is lilipat lipat sila ng house tapos di naman pala nila kaya bumukod na hindi umaasa. Pwede naman sila lumipat pero sana kinonsider nila yung mga gamit na bibilhin saka sana nag consider sila na since 1 month pa pala bago maka adjust si Bro sa new work sana pinagpaliban muna nila. True talaga na mahirap pag magkakasama sa isang house. Kasi may mga times talaga na ma ttest yung relationship nyo sa isat isa. Saka unfair naman ata na may favorite si hilaw mong SIL, best siguro kausapin din ni bro mo si hilaw na SIL sa share nila sa expenses. Ano yun, yung pamangkin mo si bro mo lang mag ssupport eh samantalang yung first kid nya na walang sustento from dad dun lang sya? Siguro para bawas stress din sila sayo, medyo tiisin nyo muna na saluhin yung expenses ni bro para matuto sila sa responsibilities nila as parents

Ganyan din issue ng demented SIL ko sa bahay ng in laws ko. Di talaga maiwasan yung favoritism sa mga anak. My SIL has kids from 2 different fathers. Since ang kinakasama nya eh yung dad ng 2 kids nya mas favorite at lenient sya dun sa dalawang kids plus sa private schools nag aaral. Then yung anak nya dun sa Japanese na kasama nya nun kung magsagutan sila eh akala mo may gyera tapos sa public school lang pinapasok. :P

Chill lang sis. Kelangan good vibes lagi especially that a new blessing is coming your way. In case you need to vent sabihan mo lang kami. ;) 

mslcgrey

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #413 on: June 13, 2014, 11:16:04 pm »
I do understand their decision. Totoo naman talaga na takaw sa misunderstandings and conflicts if you live with your in-laws. Sana nga lang mas prepared sila.
Fortunately, ang nilipatan nila is the house rented by my cousin na naka-base sa US so they are not paying for the whole rent, hati sila ng pinsan ko. Nakatambak sa isang room yung mga mga things ng pinsan ko. My tita (cousin's mom) is also quite generous. Pinahiram sila ng ref and beds.
Sis BDJ, nasa bicol region ang family ni SIL and from what my mom told me, shakey din relationship niya with her mom. May time daw na dumalaw yung mom niya sa bahay and di pinansin ni SIL.
I just hope that this decision of them will help them mature. Sana makapag-ipon na rin sila for my pamangkin's binyag. As for kasal, mas pag-isipan nila sana iyan. 

BDJ

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #414 on: June 14, 2014, 12:16:58 am »
^If that is the case sana then she have to choose if In law or parents though as you mention taga Bicol pala so mahirap naman on hubby's part if his work is in Manila.  ;D Yung pinasok nilang magrent sila is kind of complicated already dahil sa finances. Honestly I could relate a bit. Of course we weren't prepared of having family  ;D napreggy ako bigla eh so we need to decide. Buo ang decision ko to live with my hubby in which expected that in law is there. Hindi rin naging maganda ang relationship ko with the family by the time na umalis ako sa bahay in fact week before akong nagpaalam inaway pa ako ng Tatay ko na he wants me to go sinabihan pa akong anak lang kita at hindi kita kailangan sa buhay ko. So of course nag assume na ako na it could be more agony kapag titira ako sa bahay with my parents tapos magkaanak pa ako, inaalala ko rin nun ano na lang ang sasabihin nila sa hubby ko and of course worried rin si hubby na baka sabihing hindi ako kayang buhayin ng asawa ko o yung lalakeng pakakasalan ko. Since nakilala ko na itong granny ni hubby I am expecting already naman na she is frank at all pero with objective na parating nasa tama o sa lugar if she say such things. Pero I was turned off nung tumira na ako rito with her and as I said it was horrible. I am expecting a bit na kapag tumira ako with hubby I could have peace of mind but then I realized na kung ganyan rin lang I would rather go home kasi pareho lang rin eh! Andyan na yung nag aaway na kami about ni hubby about sa granny niya although good thing about it hindi na niya ginagawa ngayon, kapag may nakita siyang mali yung hubby ko na pinagagalitan. Nag-away na rin kami ni hubby about share of finances kasi nga nalalakihan ako halos kalahati ni sweldo ko. Malaking percentage nun sa akin galing. So good thing binawasan na. I am not comfortable to be here pa rin because of the environment and lifestyle na iba sa kinalakihan ko. Because of my hubby of course tinanggap ko yun pero yung sistema ng in law ang hindi ko pa matake until now even that is just small thing of course important detail pa rin. Nakapag usap na rin kami ni hubby na baka there would be a point talaga na we need to go back to my parent's house, so si hubby naman ang mag aadjust run pag nataon. Napakiusapan ko na rin ang mom ko na baka hihingi na kami ng tulong sa panganak ko, I already told my mom na we really have problems in finances since my hubby is still paying huge amount of housing loan. Good thing my mom is willing to do that. I even told my mom na kapag andyan na yung bata at nag attitude itong granny baka umuwi ako with the baby.  ;D
Tatay ko na lang ang hindi ko pa nakakausap regarding dito pero unti untiin ko rin.

Aaminin ko at some point parang may kaugali ako dyan sa SIL mo kahit kaunti lang.  ;D The problem lang with her is padalos dalos siya sa decision niya. Baka naman kasi nagproject siya sa family niya pati na she can stand on her own whereas she still needs help. Tapos ngayon nag-upgrade pa ng another complicated situation. I have to admit na I am not humble enough pero naging dahan dahan rin ako sa mga naging conflicts with family. Ayoko rin basta magmayabang dahil mahirap na aaminin ko kakailanganin ko pa rin tulong ng mga tao.

Bakit ba hindi pa sila magpakasal ng bro mo?

mslcgrey

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #415 on: June 14, 2014, 08:14:20 am »
^ sis BDJ, nung nalaman na on both sides na preggy si SIL eh di siyempre nag-usap ang both sides. gusto nga ng side ni SIL na magpakasal na sila ng brother ko. siyempre, twice ng nabuntis out of wedlock yung anak nila tapos si bro naman eh wala naman balak takbuhan yung pananagutan niya. kaya lang ang gusto nila eh Catholic church wedding which my bro and our family can't afford to give. We are not rich. My bro is just a simple employee na minimum lang ang salary. Parang nagkaroon din sila ng usapan na kahit civil na lang.

Ako kasi naniniwala ako na hindi kasal ang sagot sa ganyan. You get married not because of the baby lang but because you are decided to be together for the rest of your life.

Unfortunately, may problem si bro sa birth cert niya. Wrong spelling yung surname niya but ang payo nga namin sa kanya eh di sundin nya na lang yung birth cert niya. mas mahirap ipabago yun. But ewan ko hindi rin talaga inasikaso ni bro. Yung karelasyon ng youngest sis ko tutulungan na sila na mas mapabilis yung pagpapakasal nila kasi may kakilala sa city hall but bro ko na yata nagsabi na parang di pa siya decided to marry. Magulo daw kasi isip ni SIL.

Also, mapili din sila. Parang gusto ni SIL eh sila yung mamimili ng date ng kasal which you can't just do if civil unless kilala nyo personally si mayor or the judge. Sinabihan na nga namin if gusto talaga nila makasal, kahit yung kasalang bayan eh dun sila but nag-inarte sila eh.

But if hindi man nagawang pakasalan ni bro siya, bawing bawi naman si bro sa pag-aasikaso. Maselan   daw kasi yung pagbubuntis ni SIL so todo alaga niya. Our family and even some friends na dumadalaw sa bahay at kahit mga neighbors namin witness sa devotion ni bro sa kanya and her daughter.

Share ko naman on the other side of my fence. Hindi rin ako type ng mga in-laws ko. My personality is very different from them tapos may konting language barrier pa. My hubby's family is from Bacolod so first time ko silang nakilala eh nagstay na ako agad for a few days with them. Unlike others na at least, first meeting nyo eh saglit lang. Hours lang. Sa akin days agad agad. I don't speak Ilonggo so gustuhin ko man sumingit sa kwentuhan nila, I can't because I can't understand them. Lagi akong nagpapatranslate but siyempre if nakikita mong continuous yung usapan nila, it is quite difficult to butt in and ask my then bf pa lang na i-translate. Solong lalaki din si hubby and he is very close with his sisters. So ramdam ko talaga na they see me as competition for his attention.

But I prove them wrong. For months after ng first visit ko sa kanila, I text them almost everyday to say good morning and the likes. Hindi kami nagbreak so wala naman talagang nakitang super samang ugali ko si hubby sa akin para iwan niya ako. And for me, this what won them over talaga. I gave up our Christian wedding last year for my father in law. Ready na kami sa wedding, invites are out, may airfares na lahat ng aattend ng wedding from Manila, all deposits are made, as in ready na. My father in law got hospitalized again (2 years na siyang halos labas pasok sa ospital and it really drained the family's finances) so problem na naman ang pera. Whatever we have left at that time for our wedding fund, binigay namin. So ngayon, hindi man kami super close they know na whatever their first impression of me is wrong.

But I still won't live with them... hahaha...
« Last Edit: June 14, 2014, 09:49:55 am by mslcgrey »

BDJ

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #416 on: June 14, 2014, 10:58:49 am »
^ sis BDJ, nung nalaman na on both sides na preggy si SIL eh di siyempre nag-usap ang both sides. gusto nga ng side ni SIL na magpakasal na sila ng brother ko. siyempre, twice ng nabuntis out of wedlock yung anak nila tapos si bro naman eh wala naman balak takbuhan yung pananagutan niya. kaya lang ang gusto nila eh Catholic church wedding which my bro and our family can't afford to give. We are not rich. My bro is just a simple employee na minimum lang ang salary. Parang nagkaroon din sila ng usapan na kahit civil na lang.

Catholic wedding is not a problem anymore yan ay kung tatanggalin nila ang usual mentality of making it grand lalo na sa wedding reception. As I posted before Malate and Manila Cathedral are offering simple rite at meron ring wedding with mass. Pwede pa nga silang hindi magbihis ng gown run eh! Ito sana ang plano namin ni hubby though may problem siya with baptismal certificate and wala pa siyang confirmation o yung kumpil though madali na lang sana yun if nahanap niya yung baptismal certificate. Tapos yung principal and secondary sponsor kahit tig 1 pair lang. Meaning sa secondary sponsor kahit na ba yung 2 tao magpartner ang gumawa lahat ng candle, cord and veil allowed yun sa Malate Church. Yung bride pwede pa ngang mag pants and simple white top basta yun nga all white lang raw ang irerequired nila. Wedding ring malamang requirement ito pero siempre nakadepende na sa couples yun kung magkano naman ang kukunin nila. Tapos reception kahit naman restaurant lang na kayo kayo lang. Madali na lang gawan ng paraan ito. Sabihin mo nang ang magagasta lang rito is more or less 10k with the reception na yun ha. Mas mura pa rin ang civil of course like 2500 pesos then sa reception bahala na. So far in our case sa Shakeys kami nagreception.  ;D

Kung may problem nga si bro sa birth cert niya that is complicated nga! kasi alam ko baka may court hearing pa yan dahil lang dyan sa typo error.  :o Not sure ha! or something like magbabayad ng malaki to make it right.

Nagtataka naman ako bakit hindi pwedeng basta mamili ng wedding date? Kasi kami naman dito sa QC hall wala naman kaming naging problem in fact may nagkwento pa nga nangyayari pa raw na 2 days ahead lang nagpapareserve ng schedule as in sobrang biglaan. Yung pinili ko pa ngang wedding date birthday ng nephew ko eh!

In your case san na kayo nagpakasal ng hubby niyo if nagkaroon ng problem financially? Swerte ka pa rin na you are not living with in laws.

mama7

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #417 on: June 16, 2014, 06:47:19 pm »
yung tinaguan ka ng facebook post nakakainis na ewan..dapat ba ko maasar? ;D

si brother-in-law kasi hiwalay na sa asawa,then meron siya gf ngayon,yung Ex niya,naging gf daw bago ikasal kay legal wife niya..ayun in-add ako sa fb nun pero never ni-like posts ko,nagtataka nga ako bakit nag exist pa siya sa account ko..never kami nag usap sa facebook pero kung maka cheek to cheek sa personal wagas..seasonal relative ba tawag don 8)

ayun nabubuksan niya fb ni BIL at kahapon habang nag browse ako using hubby's fb nakita ko pictures ni BIL,bagong upload lang,aba custom post ah..akala ko ma-like ko so nung tinignan ko ulit using my account aba wala..di ko makita  :P kilala ko si BIL,once active sa fb yon,never nag custom yun ng post dahil konti lang friends niya,feeling ko itong si "pretend wife" ang nag upload since siya naman ang nakikialam sa fb ni BIL lately..pati sa text mukhang nagpapanggap na si BIL,never nag send ng text with "mwah"yon si BIL sa brother niya kaya alam namin ni hubby siya yung nag reply hindi si BIL..sabi nga ni hubby kung si gf nga yon papansin naman..

ewan ko never ako tinaguan ng post ni BIL wala naman dahilan paa gawin yon,mabait sa akin yun eh..nagtaka lang ako simula nung nakikialam si GF niya sa fb niya may mga posts si BIL na nakikita ko lang pag fb ni hubby gamit ko..
« Last Edit: June 16, 2014, 06:49:42 pm by mama7 »

mslcgrey

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #418 on: June 17, 2014, 10:27:05 am »
^^sis BDJ, civilly wed na kami since 2012, though medyo secret yun. Inuna kasi namin yung pagbili ng house at yung mga laman ng house namin. So since may house na and syempre we want to live together na so we got wed civilly.

Haaayyyy, di yata ako tatantanan ng stress ng mga in laws ko. My bro is again trying to borrow money from me. Kasasahod lang ni SIL tapos eto na naman.

Dumagdag pa si SIL from my hubby's side. Humihiram sa amin ni hubby ng 25k pang-down sa kukunin na mini-van for their dad. I know na since tag-ulan na mas mahirap ng itravel si father in law pahospital every sunday for his weekly dialysis. So parang nirequest yata sa kanya iyon. The problem is wala namang ganung amount si SIL at hindi pa siya yata pwede magloan. Parang september pa siya makakaloan. So kay hubby siya lumapit.

Naku, feeling yata nila eh bangko kami ni hubby. Oo, we have been very generous but sana naman huwag abusuhin. Just this may, nagpahiram kami ng 5k  sa mom ni hubby para pang-puhunan niya sa new business venture niya na pautang tapos araw araw yung bayad. Sabi ko kay hubby, bigay na iyon. This is on top of the 5k a month na pinapadala din namin na pambayad sa utang na dahil nga sa hospitalizations ni father in law. My hubby is also paying for his parents health card na more than 3k a month din.

Hindi nga ako maikuha ni hubby ng healthcard because of them kasi pag ikinuha niya ako tanggal automatically parents niya. Even our future baby ikukuha namin ng private kasi matatanggal nga parents niya. This is just for 3-4 years habang pwede pa sa healthcard sila.

As i have said, i'm pregnant so gusto ko sana iwas kami sa pagpapahiram ng pera kasi baka kami yung biglang mangailangan tapos wala na kami.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #419 on: June 17, 2014, 01:36:58 pm »
^ Sis, I suggest dun sa healthcard sabihin mo kay hubby mo na ikaw na yung i-enroll kasi kayo na yung immediate family nya. I think you and your baby will need the healthcard. Yung sa parents naman ni hubby mo, inquire kayo if may mas mababang healthcard na pwede sa kanila na outside  sa company ni hubby. Kasi based sa kwento mo yung dad naman ni hubby di rin masagot ng buo ng healthcard yung bayad kasi pre-existing na yung sakit bago pa maikuha ng healthcard (just correct me nalang if mali). Meron kasi mga healthcards like Medicard which offers 1.8k a year bayad for checkups sa doctors. Inquire nyo nalang baka kasi mas makatipid kayo sa ganun.

Medyo malaki kasi yung hinihingi sa inyo ng SIL mo ha... How often ba nag ttravel yung dad ni hubby mo for treatment? Baka kasi pwede nalang humiram or  mag rent nalang ng van especially kung weekly lang naman yung visit. Sakin kasi medyo malaki ang 25k, ang hirap bumitaw sa ganyan amount para ipahiram. Saka after ba nung DP na 25k sino ang magtutuloy nung monthly bayad dun sa sasakyan na bibilhin nila? Sila na ba after that?

 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close