watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 129995 times)

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #220 on: November 10, 2012, 07:46:03 am »
what if may misunderstanding kayo ng isa sa bilas mo?tapos kinausap mo siya pero dedma?guilty ba pag ganon?tinanong mo lang naman kung sayo siya galit eh.kaya lang di sumagot.

another thing naman,di ba parang ang hard ko kasi i created a facebook account tapos di ko add in-laws ko?kasi ayoko na maulit yung ginawa ng tita ni hubby na ang dami reaction sa facebok activity ko.eh more on About Me quotes naman yun dati.saka bago lang facebook nung ginagawa ko yun syempre aliw pa ko nun at 21 years old ako nun,si tita niya 45 na yata.boy “sita” kasi kahit di ako kilala.ganon rin sila inlaws,mag post ka lang ng kung ano,itatanong pa sayo bait ganon or ano meron.ayoko i-reveal lahat baka gt rin sila eh.basta yung masasabi ko lang,medyo pakialamera kasi sila,chismosa pa.parang konting may gawin ka,pag uusapan pa.samahan mo pa na yun isang bilas mo meron pang barkadang chismosa rin na sa mukha lang kayo magka kilala pero nakikialam pa sa buhay mo..madami ng nangyari pero ano ba pwede ko gawin?tama ba na umiiwas ako sa kanila?kasi parang after ng feud namin ni bilas,parang nadamay ko lahat ng inlaws ko,feeling ko pareho lang naman silang lahat.kasi lagi silang may sasabhin.totoo naman kasi eh,dahil pakialamero/pakialamera sila.facebok quotes na nga lang ichi-chismis pa.ano pa kung mag vent out ako dun ng kung ano.mga paranoid kasi.ayoko ng maging facebok friend kahit isa sa relatives ni hubby.mas tahimik ako.atleast wala makikialam sa akin.ayaw ko na sila makita,kung di lang sa pamangkin nila anak ko,at kung di lang may anak ako na kadugo nila,di na ko lilitaw don.dumaan rin ang birthday ko na kahit isa sa kanila wala bumati thru text,pero di ko naman rin expect.pero alam ko naalala nila.

tingin niyo tama ba yung ginagawa ko?gusto kong umiwas,gusto ko mag isa muna.malayo sa inlaws ko.bahala na sila mag isip ng kung ano,mas tahimik ako pag wala sila.ang naiisip ko ngayon is mag move on,accept na may mga taong parte ng buhay mo pero di lahat sila totoo lagi sayo.na yung pagiging totoo mo sa ugali mo,masama para sa kanila..gusto ko tuloy umuwi sa family ko,kaso di kami ganon ka close.gusto ko sana mag visit sa kanila kahit ilang oras lang.feeling ko kasi kahit di ko ma open yung problema ko sa family ko,pag makita ko sila atleast mababawasan dinadala ko dahil sa mga inlaws na to..any advice? thanks!!!

caprice

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #221 on: November 11, 2012, 02:12:40 pm »
^ nasa sa iyo naman kung sinong gusto mong i-add sa fb. :) at kung less stress nga para sa iyo na hindi sila i-add, e di mas mabuti. hindi mo naman siguro obligasyon na i-add sila. :)

pero pano kung sila ang mag-add sa yo? ;D

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #222 on: November 11, 2012, 11:38:04 pm »
^oo nga sis eh.mas less stress nga pag wala sila sa facebook.atleast kampante pa ko na wala taga chismis ng facebook ko kila MIL.alam mo naman,tahimik ka na nga,hahanapan ka pa ng butas ng tao pag gusto ka pag tripan.na-explain ko na rin sa hubby ko.sabi ko sa kanya na sorry if ganon ginawa ko.sabi ko sa kanya masakit pa rin kasi sakin yung sinabi ng asawa ng isa sa kuya niya na saling pusa lang ako sa kanila.sabi ko,na after nun kahit na alam ko napatawad na si bilas,di ko pa rin makalimutan,wala pa nga halos half year yung dumaan eh.tapos ang nangyari,masakit tapos na trauma na ko.parang ayoko na sa kanilang lahat.nawalan ako ng tiwala.na baka next time yung isang bilas ko ganon rin pala or baka kung sino pa sa kanila ganon iniisip sa akin.okay naman sa hubby ko,alam naman raw niya na -trauma nga ako.saka kung magkita naman kami nila inlaws papansinin ko naman sila,basta ayoko na makipag facebook sa kanila..

kung add naman nila ko baka di ko agad confirm,magpanggap na lang ako nakalimutan ko password ko hehe..

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #223 on: November 16, 2012, 01:17:12 pm »
magpapasko na.kaya yung family ni hubby humihirit na..demanding sa regalo. ::)

caprice

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #224 on: November 16, 2012, 02:41:21 pm »
^ like what? talaga nga naman. ::)

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #225 on: November 16, 2012, 02:53:44 pm »
yung brother niyang tambay sa bahay.na asa-asa kay MIL pati mag ina niya humihirit ng dvd player..3k tapos iba pa yung regalo sa mag ina niya.buti sana kung mayaman kami eh.

caprice

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #226 on: November 16, 2012, 03:22:03 pm »
^ ano sabi ni hubby? dvd player para sa kanya lang? hehe, e di lalo syang tatambay-tambay lang nyan. ;D

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #227 on: November 16, 2012, 04:11:28 pm »
Hayaan raw.kasi kawawa naman araw.kasi my hydrocephalus,may epilepsy.kung ano ano dahilan.normal na normal yung tao kumilos,nakagawa nga ng bata eh.ok [textspeak!] naman regalohan niya kapatid niya yon pero ilagay rin sa lugar yung paghingi.parang sinamantala kasi porque may nakitang bagong gamit kami,akala milyonaryo na.sabagay,baka kaya gusto humingi ng dvd player manonood silang mag asawa ng adult kovie.ano pa ba expect ko sa b.i.l ko,di naman nag iisip.pero pagdating sa textmates at kabastosan ubod ng galing.

jenie0519

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #228 on: November 22, 2012, 09:44:52 am »
Ang hubby ko ang me conflict sa nanay ko, pero di niya alam.  Ayaw maniwala ng nanay ko na di nagaabot ng sahod si hubby sa kanila, big deal sa kanya na hindi ako ang naghahawak sa sahod ng asawa ko kaya ayan, inis siya ke hubby. Kahit anong paliwanag ko na hindi ako inuutakan ng asawa ko, ayaw maniwala.  Baka daw kasi iniisip ng asawa ko na binibigay ko sa kanya yung sahod niya kaya ayaw na ibigay sa kin.  At kawawa daw ako pag nambabae ang asawa ko dahil wala sa kin ang sahod niya, mauubos daw sa magiging babae niya.  Kaya wag daw ako magstop magwork dahil magiging kawawa daw ako pag tumigil ako sa trabaho.

minaco_aino

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #229 on: November 22, 2012, 11:54:02 am »
Mabait naman saken MIL ko. Pero sya hindi mabait sa anak nya (hubby ko). Meron silang family business and yung hubby ko and mother nya ang nagmanage mula nung nawala father nya.

Grabe ang inabot ng asawa ko sa nanay nya. Kung ituring nya ang anak nya parang katulong lang. Kahit may sakit pinapatao nya sa tindahan. Samantalang yung kapatid nya nanonood lang habang nakahiga sa bahay nila. Walang ginawa kundi magwaldas ng pera kasama ang kapatid nyang batugan. Imagine yung sister nya 25 years old na hindi naghanap ng trabaho ever. Pag pinagsasabihan ng asawa ko nanay nya, sya pa ang galit. Bakit daw sya nakikialam. Kung ayaw daw nya sa pamamalakad nya magsolo na lang sya at umalis sa bahay nila.

Ang point lang naman ng asawa ko, medyo maghinay-hinay lang sa gastos kasi sa tindahan lang sila umaasa. Siya pa ang masama. Kung sagot-sagutin pa sya ng sister nya ganun na lang. Minumura pa sya. Pinagsasabihan lang naman nya na wag masyado magbarkada at mag-inom. Hay grabe!

Nang nagkasakit MIL ko, asawa ko ang nagasikaso lahat sa hospital. Sya ang nagbantay at hatid sundo pag may chemo therapy sya. Kami ang nagbayad ng hospital bill nya galing sa savings naming magasawa. Na kung tutuusin pera ko lang yun kasi ang binibigay lang naman ng nanay nya sa kanya ay wala pang 5k. Walang naibigay ang tindahan kasi wala silang ipon ni singkong duling  >:(

Ngayon, may sarili ng trabaho ang asawa ko at hinayaan na nya ang kapatid at nanay nya sa business nila. May sarili na kaming sasakyan, bahay at lupa na unti unti naman naming nababayaran.

Yung tindahan nila ngayon? Maya't maya umuutang sa labas para mabayaran lahat ng dues nila kasi hindi maayos ang pagpapatakbo. Sabi ko nga, kala ko ba kaya na nila?

Sensya na medyo napahaba.

caprice

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #230 on: November 22, 2012, 03:03:05 pm »
^ ganda ng kwento mo, sis minaco_aino. :) hindi ba nangungutang sila MIL at SIL sa inyo?

minaco_aino

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #231 on: November 22, 2012, 03:24:59 pm »
sis caprice, pinapahiram ng asawa ko.  Hindi makatiis. Talagang malapit na kasing lumubog yung tindahan nila. Ayaw niyang mawala yun kasi saan daw sila kukuha ng pangaraw-araw. Pinundar din kasi yun ng Tatay niya kaya mahal nya yung tindahan. >:( Nag-aaway muna kami bago ako pumayag.  ;D Kasi nawitness ko ng bonggang bongga yung mga panahon na yun.

Wala pa kaming anak nun. Umiiyak asawa ko saken na bakit ganun sila. Wala naman daw syang masamang ginagawa. Sabi ko hayaan na natin sila. Ikaw na lang ang magpakumbaba kasi ikaw ang mas malawak ang pag-iisip. Gustong-gusto ko na rin kasi na bumitiw sya dun sa business nila kasi parang yung pamilya lang nya ang binubuhay nya to think na may asawa na sya. Tiniis ko na lang muna yun kasi wala pa naman kaming anak that time. Board passer sya pero mas pinili nya munang asikasuhin yung tindahan nila pagkamatay ng tatay niya.

Sabi ko 3 years na tayong kasal pero hindi pa magkaanak. Baka sakaling bigyan tayo ng baby kung magpapakumbaba tayo. Kaya eto biniyayaan naman kami ng smart and pretty baby.  ;D

mayje6

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #232 on: November 22, 2012, 08:09:27 pm »
Sis @fairywinkle79122, naka relate naman ako sa story mo. Meron din akong naka conflict na bilas noon at medyo nagka damay damay na rin sa ibang in-laws. Kasi nag iba din kaagad ang tingin at pakikitungo nila saken. Pero okay na kami ng bilas ko, although civil lang. Di kasi ako nakikipag close din sa kanila kasi feeling ko nabibigyan ng ibang meaning mga actions at nasasabi ko.

Di ko rin friends sa fb mga in-laws ko. May isang nag add pero di ko ina-accept. Buti na lang okay lang kay hubby yun, siya pa nga may gusto na wag ko na lang silang i friends sa fb eh para wala akong nababasang posts nila na ikaka stress ko lang hehe...

Mention ko na rin mga sis, sa lahat ng in-laws ko, ang MIL ko lang ang ka close ko. Siya lang nga ang nakaka kwentuhan ko eh. Sa mga SIL ako medyo hindi comfortable. 

FieryAngel027

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #233 on: November 22, 2012, 08:36:21 pm »
Me too, hindi ako nag aadd ng relatives ni hubby. Ayoko sila i add kasi walang kwenta lang naman mga posts. Sa ngayon sa brother in law ako mainit ulo palagi. Nakikitira sya dito sa manila samin ni hubby kasi dito nagpipilit mag work. Tapos kapag wala na work nganga na naman sa hubby ko. Ang tamad tamad pa kasi. Pati pinag kainan di man lang hugasan. Ang arte pa sa ulam. Kaya minsan ang niluluto ko yung para samin lang ni hubby bahala sya sa pagkain nya, hindi ko naman pinakasalan hubby ko para mag intindi sa kapatid nya. Isa pa, maldita image ko sa family nila. Palibhasa spoiled ako sa hubby ko. Pag need nila pera, sakin nagpapa alam si hubby or sinasabi ni hubby na sakin magsabi. Pero hindi naman sila nagsasabi sakin kasi alam nilang no ang sagot ko. Nadala na kasi ako, dati palagi hiram samin, hiram ng hiram ng hiram, wala naman bumabalik. Ngayon, magtipid naman sila. May asawa na anak at kuya nila kaya dapat di na sila naka asa sa hubby ko. Ako naman, sinasabi ko ke hubby, bumalik ka na lang kaya sa kanila? Pag palagi pamilya nya iniintindi. Di ko alam kung unfair ako pero side ko never na umasa sakin simula nung nag asawa ako. Pag umuuwi ako ng province, nag go grocery na lang kami ng kapatid at mama at papa ko. Mapuno lang ref at stocks ng cabinet oks na sa kanila tapos mauulit yun pag naisipan ko na lang umuwi ulit. May sarili naman kasi business family ko kaya never magiging problema ng hubby ko ang family ko. Minsan sa inis ko nagsasabi ako ke mama ko, kaya yun, naiinis din tuloy si mama sa family ng hubby ko. Yung MIL at SIL ko, hindi ko rin masyado kinakausap. Feeling ko bruha kasi tingin nila sakin. :))

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #234 on: November 22, 2012, 11:23:35 pm »
kukumustahin kami thru text.tapos imbis na banggitin yung name ko dahil sa number ko nagtext,pangalan ng anak nila ang sinasabi..sino ba kausap ako o anak niyo?alam niyo naman pangalan ko eh.wag na kayo mag text. che >:(

minaco_aino

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #235 on: November 23, 2012, 10:29:56 am »

Mention ko na rin mga sis, sa lahat ng in-laws ko, ang MIL ko lang ang ka close ko. Siya lang nga ang nakaka kwentuhan ko eh. Sa mga SIL ako medyo hindi comfortable.

Same here sis. Hindi ako comfortable sa SIL ko. Iba kasi ugali. Feeling maganda, mabait, matalino, mayaman. Lahat naman kabaligtaran.

sofistikada_1230

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #236 on: November 24, 2012, 07:50:04 pm »
Hi Sis. Yes pinagtanggol naman ako... pero siempre i know na to some extent lang kasi di naman niya pwede awayin parents niya for me... ito pa update sis, yung kapatid niya, inunfriend ako sa fb. weird lang. not a big deal na inalis ako pero di ko lang talaga maintindihan... :(

Sissofistikada_1230, anong sabi ni boyfie sis? Suwertihan talaga pagdating sa mga inlaws... AKo din ayaw sa kin dati ng MIL at mga SIL ko... Pero sis ang importante dyan si boyfie... Pinagtatanggol ka ba ni boyfie sa mom niya?

mayje6

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #237 on: November 27, 2012, 11:15:10 pm »
Mga sis, I need some insights. Di pa kasi ako maka post ng topic at ito lang ang thread na pinaka related sa concern ko. Kanina na open na sa conversation namin ni hubby kung ano plans ko this December. Nasa labas kasi hubby ko at mag isa lang ako dito sa house namin sa hometown nila. Bale compound kami, nasa kabila lang house ng parents-in-law ko. Tapos may brother-in-law ako na nasa malapit lang din. Ask si hubby kanina kung sakali daw ba na dun mag Christmas ang mga in-laws ko sa bayaw ko eh, sasama daw ba ako dun. Nagpagawa kasi ng bagong bahay bayaw ko at lilipat na daw sila before mag new year. Sabi ko sa hubby ko, kung Christmas okay lang siguro na pumunta lang ako dun pero di ako mag overnight or mag stay din dun the whole time na andun silang lahat. Pero sa new year, gusto ko sana dito lang ako sa bahay namin kahit mag isa pa ako. Usually kasi mga sis, umuuwi ako sa province namin pag december, eh, this year parang gusto ko dito mag spend ng new year sa house. Nakaka guilty din kasi na walang tao sa new year eh, kawawa house namin.

Ang iniisip ko lang kasi kung hindi ako dun maki new year's eve kasama nila, baka may masabi naman silang negative. Mukha nga walang pakisama ang maging dating ko pero talagang ayoko kasi sana eh. 2 years ago sumama ako sa kanila dun, new year's eve di ako masaya kasi andito nga ako pero wala naman ako sa house namin at yung house namin madilim, walang tao, nakakalungkot? Last year wala ako dito, pero dito nag stay mga hipag ko na galing manila so open ang bahay nung new year. Eh this year, uuwi rin daw sila pero dun nga daw lahat sa new house ng bayaw ko.

Ang naisip kong options tatlo.
1. dito lang ako sa bahay, dedma na lang ano mga sabihin ng mga hipag at bayaw ko.
2. uwi na lang ako sa province namin para makaiwas na lang sa situation.
3. sama ako sa kanila at dun ako mag new year's eve, pero siguradong malungkot ako (at sana ayoko sabihan ako ng happy new year kasi alam ko hindi ako happy!).

Hay mga sis. Sabi ni hubby bahala na daw ako kung anong option piliin ko. Alam ko gusto niya option 3 without the being unhappy. Pero sabi niya intindihin na lang ng iba na may bahay din kami na dapat tauhan. Tapos sabi niya talagang iniisip ko daw na may masabing negative agad, eh sa pagkakakilala ko na sa kanila hindi malabo yun. Hirap nga sa mga hipag ko kung anong desisyon nila expect nila lahat sunod na. Pag may pupuntahan nga tapos di ako sasama, parang nag iiba mga timpla ng mukha nila.  Ano pa kaya na lahat sila dun mag new year tapos ako hindi.

Priceless

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #238 on: November 28, 2012, 11:29:55 am »
Hindi ka pa naman ata iniinvite ng bayaw mo kaya hindi pa sya big issue. Besides, malapit lang naman kamo ang bahay nila sa bahay nyo - ibig sabihin, hindi naman siguro masama na hindi ka doon mag-overnight. Malaki ba ang bahay nila at may space ba sila para sa iyo? Kasi baka nga sila pa ang namumroblema kung saan ka nila ilalagay kung di naman kalakihan ang bahay nila.

I would say na it's really important that you maintain good relations with your in laws. Maliit na bagay lang ang isang buena noche at media noche para pagsimulan ng tampo at di pagkakaunawaan. Ang suggestion ko, you go to their house when they invite you, help out in the preparations (kahit dumating ka doon nang maaga) tapos magpaalam ka nalang pagkatapos ng kainan na uuwi ka sa inyo. Mag arrange ka na in advance ng way pano ka makakauwi whether magdrive ka or magtaxi or magjeep or magtricycle nang di nakakaperwisyo sa kanila (napapahatid ka pagbalik sa bahay mo). Ganyan din ang gawin mo sa media noche, tumulong ka sa preparations, pero sabihin mo na uuwi ka sa inyo bago mag start ang putukan dahil delikado pauwi tsaka kamo ayaw mong iwan ang bahay nang walang tao pagpasok ng bagong taon mismo.

Good luck!


mayje6

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #239 on: November 28, 2012, 12:07:23 pm »
@Priceless - Sis, wala ng invite invite sa kanila. Sa kanila kasi pag sinabi na dun mag christmas until new year, expected nila dun na lahat. Wala na nga tanong tanong kung sasama ba ako or what eh, sinasabi na lang nila yan na "dun pala tayo mag christmas at mag new year" ganun. Nung minsan sinabi ko susunod na lang ako dun, nag iba mukha ng hipag ko, tapos pagdating ko dun parang iba ang atmosphere. Tapos minsan sabi ko uwi muna ako, di sila umimik. Kasi nga yun ang gusto nila, kung dun sila dun ka rin. Para bang kung ano desisyon ng isang kapatid, dapat mag conform lahat.  :(
« Last Edit: November 28, 2012, 12:52:22 pm by mayje6 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close