watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 129785 times)

phatgirl

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #160 on: July 10, 2012, 01:19:46 pm »
last month lang nagpunta sila MIL dito sa bahay namin,pinahiram yung matandang HH nila..so ayon nga pagbalik doon sa kanila after 3 days,naikwento ng hh na yon na maasikaso raw ako sa anak ko at todo bantay ako,lagi rin ako naka sunod kung saan maglakad ang baby ko..1 year and 5 months baby ko ngayon,.so nung sunday nandun kami kasi nanganak yung blas ko,so doon sila nakatira kila MiL dahil jobless sila..inshort PAL..so ayon nga si Father-in law nag sesermon tungkol sa pag alaga ng baby ko,ang di ko lang gusto,kasi parang nagpaparinig kasi eh..di ko alam mabait naman yan si F-I-L kaso mnsan nahahawa sa ugali ni mil..bigla sinabi sa akin na "ngayon mo sundan ng sundan yang anak mo,hindi yung nasa kama doon ka sunod ng sunod..hindi sinusundan yung bata na nasa kama" so parang sa isip ko napa "ha?"ako..kasi ano bang sinasabi nito?sorry pero kasi nasa character ko talaga ang pagka sensitive pag di ko gusto eh..kasi ano na naman bang mali sa ginagawa ko sa pag alaga ng anak ko..lahat naman pinakikialaman nila..pati nga ayos ng sofa namin dito pnakikialaman nila..

nagpunta naman dito yung hh nila month of May lang naman yon,so kung sinabi man ni hh nila na nakita akong sunod ng sunod sa baby ko,wala sa kama yon,naglalakad na yyon..at kahit saan ko pa sundan ang anak ko wala na sila pakialam..kakapikon talaga..yang mga in-laws ko masyadong pakialamero,wala naman sa lugar..pati yung pag abroad ng asawa ko na pinigilan nila,akala nila nakakatulong sila..buti sana kung tutulungan nila kami,hindi naman..puro sila balak tumulong sa rent to own na bahay,3 years na sinasabi wala naman nangyayari..nakaka pikon masyadong epal,kaya ayoko talaga mapupunta sa bahay ng in-laws ko,lahat nasisita.

iamnumberone

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #161 on: July 12, 2012, 03:04:36 pm »
di dapat marunong makisama ang mga in-laws? kanya kanya lang talaga, makisama ka ng maayos sa kanila, hindi pa rin maganda ang maririnig mo.. hanggang sa magsawa ka nalang sa pakikisama dahil hindi mo na makakayanan mga naririnig mo pati mga demands nila. kaya idistansya mo na lang ang pamilya mo sa kanila para di maapektuhan ang buhay ninyo ng pamilya mo. Sila na lang ng sila ang iniintindi, sila hindi makaintindi. Hindi naman fair yun diba? kung makahingi ng pera akala mo malaki ang sweldo ng kapatid nila. kung makahingi ng regalo at magpalibre sa mamahalin pa ang hirit. hindi makaramdam. haha importante talagang alamin mo muna ang background ng family ng mapapangasawa mo dahil pag hindi. humanda ka sa ganitong mga conflicts.

longing

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #162 on: July 21, 2012, 11:26:47 pm »
For quite some time, medyo ok na kami ng MIL ko. However, just this week she sent a text message to my husband saying na nagtatampo siya coz wala daw silang picture nung birthday ng daughter namin last Sunday. Parang, huh, ano daw? Sorry naman, hindi naman ako ang may hawak ng camera, it so happen naman na my cousins and aunts went all the way from the province to help cook yung mga handa ni daughter at medyo may 6 pictures sila sa album.
My husband was more affected sa actuation ni MIL kasi medyo off ang pagtatampo niya, I have to remind him pa na wag ng patulan. Nagselos lang din siguro ang lola. :)
« Last Edit: July 21, 2012, 11:28:21 pm by longing »

sistah!

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #163 on: July 22, 2012, 07:06:01 am »
my parents in law are very nice people but my sister in law, hay, talagang difficult. she really doesn't like me but the reasons are really shallow. hindi kasi ako mahilig bumati sa lahat ng tao. im not suplada, im just really quiet around big groups and their family is really BIG. i just tend to get overwhelmed. she has, in the past, said that perhaps the only reason why i go to their family events is to flaunt my bags. she has also mentioned that i likely wont eat their food because they don't serve "pang-mayaman" na pagkain. i am really hurt that she can say those things because that's not true. i don't come from a rich family. i have very loving parents who tend to spoil me with the stuff that i like and i am very lucky for that. my husband says that she's probably just insecure but i don't know, she really nitpicks on everything and she doesn't even talk to me. pinupuna nya lahat.

anyway, sometimes i think things will get better lalo na ngayon na may mga anak na kami. in fact, halos sabay kami nanganak. every month, sa birthday ng anak nya, we go to their house (they live with my parents in law) to celebrate. hindi nya ako pinapansin, pero ok lang kasi for the kids naman yun. but they never go to my baby's birthday. ok lang na palampasin nya ang birthday ko, pasko at ano pang event pero yung sa anak ko, honestly nao-offend ako. i make an effort for her kids, she doesnt make any effort for mine. kahit sa mga bata man lang sana, maging ok but i guess her hatred for me is greater than that.

phatgirl

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #164 on: July 22, 2012, 01:43:26 pm »
goodluck naman sa akin next week..pupunta na naman dito sila MIL ..at sigurado biglaan na naman yan..2 hour notice bago sila dumating dito..kakainis..hilig mambulaga..yung dining set na binigay niya sa anak niya,bigay na eh pinakkialaman pa..okay naman sa akin may malasakit siya pero pag sobra na kasi nakaka pjkon na..yung bigay niya na 4 seater dining set di rin naman siya ang ang bumili nun..kakatawa kasi eh,magtetext sila dito para sabhin na pupunta sila dahil may dadalin silang sapin ng dining table..di nauso yung "mantel"eh..ayaw ni hubby nun..nagpa sadya na nga kami ng salamin na ipapatong sa dining table,guguluhin pa..pinagpipilitan yung mantel niya..lahat ng abubot gusto dito itambak sa amin,..

kakainis na naman pagdating nila dito,nakatambay na naman dito sa kwarto namin.ano kaya magandang  sabihin kay hubby para sa behavior ng relatives niya..kasi ayoko ng ganun,syempre kwarto namin ito,ayoko ng kung sino-sino hihiga sa kama at tatambay dun.di ko gusto..kaso paano kung okay lang sa kanya yon?kasi relatives niya yun eh.at yung mga pamangkin  niya na masyado malakas mag t.v,pati computer gustong buksan,pag ayaw kumain,tinatabig yung kutsara,nagkakalat dito sa amin ng pagkain.kaka pikon,,ayoko na sila bumisita,tumataob ang bahay ko..

axlrocksmyworld

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #165 on: July 26, 2012, 04:43:28 pm »
sobra sila pakialamero't pakialamera, lahat na lang ng bagay pinapansin, pag wala ako kung ano ano pinagsasasabi, ugali pa nila na kapag andun yung anak ng BIL ko sinisigaw sigawan at minumura nila yung anak ko na dapat sana mas affectionate sila sa kanya kasi ulila na sa ama ang anak ko.. mga ugaling kanto talaga, mga walang breeding  >:(

iluvmysoldier

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #166 on: July 28, 2012, 10:11:15 pm »
si MIL nagpadala ng fruits kala ko naman sariling palo yun pala may kailangan, nanghihiram ng pera. jusko! may anak na CPA na may asawang seaman, may anak na nasa abroad tapos kanino pa niya talaga naisip humingi ng pera, sa anak niyang sundalo?! nakakainit ng ulo! alam naman niyang pinagiipunan namin ang 1st birthday party ng anak namin tapos makikisabay pa siya.  >:( kakasama talaga ng loob. buti sana kung wala siyang pension galing sa late father in law ko tapos may sarili pa siyang pension. kaloka!
« Last Edit: July 28, 2012, 10:22:09 pm by iluvmysoldier »

pretty empress

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #167 on: August 10, 2012, 03:47:10 pm »
pasubscribe..

mrsbrut

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #168 on: September 15, 2012, 07:39:49 pm »
wala naman kami conflict. pero asar lang ako sa mga desisyon nila sa buhay. masyadong magastos pero reklamo ng reklamo na walang pera. binigyan namin ng work may issue pa sa commission namin kahit maliit lang ang commission - haller, paano naman yung pagod namin sa pag-aasikaso ng trabaho nila at mga fees na babayadan sa processing. pati increase sa sahod nilalakad din namin para sa kanila pero may issue pa rin. parang lumalabas masama kami dahil may kaltok kami. e di ba ganun naman talaga ang kalakaran ng recruitment?  :-\

may naglibre for ng food delivery for BIL's family kasi birthday nun isang pamangkin ni hubby. nun dumating yung delivery humingi pa ng pangtip kay hubby. nye. sana di ka na nag-tip no. pwede namang wala kung wala ka namang ibibigay. nakakainis lang na P20 lang naman e hindi pa sya makapag-produce, may work naman sya.  :o

sa totoo lang tinatamad ako pumunta sa kanila dahil kapag pumunta kami sa kanila, kailangan pa namin maglabas ng pera para may makain. palagay ko naman e hindi papayag si hubby na sila ang gumastos sa pagkain kung pupunta sila sa bahay namin di ba? di ko lang masagot si hubby before nun tinatanong nya ako kung ano daw ba ang problema ko sa pamilya nya. paano kasi lagi nya pinipintasan yun iba nilang kamag-anak na palaging nakalahad ang kamay. e ganun naman ang ugali ng mga kapatid nya. kapag dinadala ko sya sa family house namin, hinding hindi nya kailangan gumastos. busog na busog pa sya. kaya lagi rin sya masaya kapag pumupunta sa amin. pero di talaga ako masayahan pumunta sa bahay nila. kaya sorry na lang.

dito ko lang nailalabas to. wala akong pinagsasabihan kasi nahihiya ako para kay hubby. kung sa kanya ko naman sasabihin, ingat na ingat ako magsalita. alam nya yung iba pero hindi lahat ng sinabi ko dito. nakakalungkot lang. kasi palagi namin sila tinutulungan. pero palagi pa rin kulang. paano kasi si hubby ang tulong nya e tulong na pangtamad. kahit tinulungan nya na, ayaw nya pa rin mahirapan ng kahit kaunti man lang. haynako. di ko na alam ang solusyon sa problema ko.  :'(

yndy

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #169 on: September 23, 2012, 07:13:15 pm »
Wala ako masabi sa parents ni hubby pero sa SIL ko napansin namin ni hubby nag-iba ang ugali nung nagkatrabaho. Eh nataon I resigned from work. She teaches now in a small school near our house though hindi pa sha nagbo-board exam. Napansin namin lagi nakasimangot pag andiyan kami ni hubby. Father in law kasi is maluwag sa pera and since I don't have work and does some of the paperwork for their business he gives us money na madalas sa akin inaabot. Minsan naman he gives money like panglakwatsa. Usually magkasama kami ni SIL, napansin ko pagsa kanya inabot ni father in law yung money hindi nya ginagastos. Ako pa din naglalabas ng panglakwatsa namin. (Own money ko na) then may times na naiiwan ko yung pera sa house nila, again galing sa papa nila, pagnakuha ko lagi bawas na. Napapansin din pala ng kuya niya yun. Buti na lang kampi sa akin si hubby. Nagseselos lang daw siguro yung kapatid niya.

vain_kixie

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #170 on: October 03, 2012, 12:56:09 pm »
^ hahaha sis natawa ako sa comments mo sa inlaws mo. Complicated talaga mga sisters in law. Parang easier to deal with ang brothers in law. Yung mga kapatid na babae din ng hubby ko, ingittera at ma- drama. Kaya para silang namatayan nung wedding namin ka kakaiyak, well namatay nga talaga ang supplementary card nila galing sa Kuya nila (hubby ko) dahil pinaputol ko bwhahahaha. Never never bite the hand that manipulates the one that feeds you.

whinx

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #171 on: October 03, 2012, 01:10:40 pm »
^ ako naman sis baliktad mas close ako sa sis in law kesa sa bro in law ko...

whinx

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #172 on: October 03, 2012, 01:26:39 pm »
^ mabait kasi SIL ko sa hubby ko :) si BIL kasi mejo mahirap idrawing ugali nya and ng wifey nya kaya kahit si hubby and SIL ilag sa kanila... Meron din naman bad traits si SIL pero pwede na di pansinin kasi overall naman she's nice.

zone25

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #173 on: October 07, 2012, 01:04:13 am »
For others na di kasama ang mil or sil, swerte kahit pa di kyo magkasundo.kase kailangan nyo lang pakisamahan tuwing may okasyon. Ako kasama ko si mil sa house na laht napapansin. Kahit di ako parati sinisita pero palagi naman nakabantay at pinapanuod ang pagbantay ko sa anak ko..before kasama ko sil, thank God ngayon hindi na. Napakapintasira.ang hilig manghiram d naman marunong magsaoli.o minsan manghihiram [textspeak!] mamimintas pa.tpos sobrang kulit sa anak ko.ako dinidisplina ko,sila bigay kung [textspeak!] gsto.of course skin ngagalit baby ko.lumalayo loob sa akin. Tapos kahit d ko na kasama s house ,pero linggo linggo naman kayong nagkikita,once or 2x.nakakasawa.kailangan parati magkakasama.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #174 on: October 10, 2012, 10:25:25 am »
I don't have any problems with my parents in laws and my SIL. Actually mababait sila at maasikaso. Ang kinakainisan ko ngayon eh yung pamangkin ni hubby kay SIL. Tuwing andyan sya palagi sya nag sstir ng conflict. HB na asawa ko sa kanya dahil sa pinag gagawa nya. Ako naman na-sstress sa bahay na lagi may away or pagtatalo, kasi lumaki ako sa household na ako lang, sister ko at parents ko so hindi ako sanay na pag morning may inisan na agad.

Ang tigas ng ulo ng pamangkin ni hubby. Tinulungan na sya noon ng hubby ko tapos di nya sinunod yung sinabi ng asawa ko regarding his issues tapos lumalapit na naman sya sa gulo eh di nabwisit na talaga asawa ko. Gusto pa nya sya yung intindihin. Sana maisip din nya na may sarili nang family yung uncle nya at sya ang nagdadala ng gulo sa bahay tuwing andyan sya. Pag wala naman sya sa bahay ok naman kami lahat. Ewan ko sa batang yun, ang angas angas na sumagot sa nanay at grandparents nya eh wala pa naman sya mapagmamalaki. Andami pa nya kakainin bigas bago makagraduate, kung maka asta akala mo kaya na nya lahat eh nanghihingi lang din ng allowance! Tapos ayaw pa maging resourceful sa projects sa school. Pwede naman gawan ng paraan gusto nya easy way out. Buti nalang this time medyo firm ang asawa ko regarding on teaching a lesson on his pamangkin kasi nga sumosobra na.

Sorry mahaba... i just need to vent out my inis and stress.. Ayaw ko pa naman ng stress dahil malapit na ako manganak. grrr!

caprice

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #175 on: October 10, 2012, 04:51:22 pm »
^ na-curious naman ako sa kwento mo, sis. walang kang sinabing specific pero nainis na ako agad sa pamangkin ng hubby mo...

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #176 on: October 11, 2012, 11:22:50 am »
^ ganito kasi yan sis, ok naman talaga sa house ng husband ko. Wala me masabi sa sister nya at parents nya. Naiinis ako dun sa pamangkin nya kasi sinasagot nya yung mom at grandparents nya over his lousy underaged gf. Magkasama kasi sila sa church choir and bawal sa ruling ng choir yung mag gf at bf. Nung una ayaw pa aminin na sila na pero dahil hindi marunong gumamit ng laptop nag save ba naman ng pics nila at nilagay pa sa desktop so kita namin lahat. Yung mom at sister ni hubby ayaw talaga nila sa girl kasi nga ang bata bata palang ang landi landi na. Ngayon humingi ng tulong yung mom ni hubby sa church kung ano dapat gawin. So in short lumaki yung issue and si hubby inask nila for help. Kinausap na ni hubby yung relatives nung girl regarding on the issue and he told his pamangkin na iwanan na yung girl at umalis nalang ng choir. Eh ayaw papigil ng pamangkin nya nagmamatigas pa at nakikipag away sa bahay. MUntik na atakihin yung parents in law ko sa pang aaway ng pamangkin ni hubby. Tapos tuwing andyan kami sa bahay nina hubby he keeps on asking us ano gagawin. Sa super pikon ng hubby ko sinagot nya na so away galore na naman ulit. Even yung birthday ng sister ng pamangkin ni hubby hindi nya pinalampas para magkagulo sa bahay. Nakakainis lang kasi parang sobra nang papansin. Sa lahat pa naman ng ayoko yung may nag aaway sa bahay kasi lumaki ako sa bahay na nag uusap ng maayos lahat. Plus ayoko pa ng negative vibes kasi nga I'm already 8mons pregnant. As much as possible iniiwas ko sa lahat ng klaseng negative vibes at stress yung baby namin kaya ayoko ng away.

 

caprice

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #177 on: October 11, 2012, 01:57:03 pm »
^ ilang taon na pamangkin ni hubby? naku naman, nang dahil lang sa babae hindi na sya marunong rumespeto sa mga nakakatanda. laking gulo sa pamilya, buti sana kung magtatagal nga sila. ::)

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #178 on: October 11, 2012, 02:17:42 pm »
^he's already 18 years old and the girl is 14 years old palang. Di ba nakakainis? Sinasabihan na namin lumayo pero sya yung matigas ang ulo. Ever since naging sila pag andun sya sa bahay nina hubby laging aburido. Tapos reklamo pa ng reklamo na kesyo wala daw nakakaintindi sa kanya or tumutulong sa kanya. Eh well-provided sya ng mom nya sa baon at gamit sa school. Ayaw gumawa ng paraan. Ang hinala namin kaya kulang baon nya kasi pati yung girl nililibre nya. Pati yung phone na di ginagamit ng hubby ko binigay dun sa malanding gf na hindi nagpapaalam ng maayos. Nakakagigil lang sa katigasan ng ulo at sa ugali nya na nananagot ng magulang at grandparents.

whinx

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #179 on: October 11, 2012, 02:22:26 pm »
^ano ginagawa ng parents nya sis?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close