Author Topic: dapat ba tayong mainsecure sa mga girls na unang minahal ng mga hubby natin?  (Read 37927 times)

jenie0519

  • Guest
Mmmm.. Before oo, nung bago pa lang kami ni hubby, sobrang insecure ako sa ex niya, 1st gf niya na tumagal sila ng almost 9 years.  Kasal na lang actually kulang sa kanila, naglive in na sila before nagabroad si girl. Nagka prob lang sila kasi gusto na magsettle down ni hubby, ayaw pa ni girl.  Nagka 2nd gf si hubby pero rebound girl.  Ako ang 3rd. Nung naging kami talagang continuous pa din ang communication ni hubby at 1st exgf niya. Nageemail sila, tumatawag si girl sa kanya, friends sila sa friendster, close si girl sa family ni hubby, especially sa MIL ko at sa 1 ko SIL.  Sobrang selosa ko kaya sinabi ko sa kanya na ayoko na nakikipag communicate pa siya ke ex.  Nung una di niya ko maintindihan kasi in good terms naman daw sila nung naghiwalay kaya friends sila. Inamin ko sa kanya na naiinsecure ako kasi almost 9 years sila, alam ko na mahal niya pa din kahit papano yung ex niya. 
So ang ginawa ni hubby pinutol niya communication kay exgf, pag nagttext si ex di na siya sumasagot, di na din siya nageemail, yung gift ni exgf na kwintas sa kanya pinabenta niya sa kin at winaldas ko ang pera, hehe.

Eto pa, ang MIL at SIL ko dati, ramdam na ramdam ko na ayaw sa kin.  Hanggang sa maikasal kami parang di ako nageexist for them. In-aupdate pa ni MIL si hubby about sa ex niya, kesyo ikinasal na din daw at buntis na.  Sinopla ko nga si hubby, sabi ko bakit ba kailangan pa siya iupdate ng nanay niya about sa ex niya? Anong pakialam nila kung buntis na at ikakasal na???? Siguro sinabi ni hubby kay MIL, ayun, tumigil  hehe...

Sorry ang haba ha? grabe ako nakarelate eh hahaha

Kimi_Rol

  • Guest
Ako hindi kasi mas maganda naman ako hehe kidding  ;) Tsaka ako naman ang piniling pakasalan and shempre past na yun ang important na ngayon is kaming dalawa.

goddessjem

  • Guest
dapat po siguro hindi. pero syempre depende sa sitwasyon. kung meron pang komunikasyon sa ex, naku, big big no no sa akin yun. dapat maging masaya tayo kase tayo pinakasalan ng mga hubby naten.

Kimi_Rol

  • Guest
@ goddessjem Super agree ako jan  :D

tamarind26

  • Guest
No, at the time we got married, si hubby ko lang and yung nanay ko ang nag-usap. Half hearted pa ako that time kasi nag-aaral pa ako. Since mabait naman si hubby and di naman ako nagduda sa feelings niya, go na ako. Iba yung mentality ko kasi when it comes to relationships. Gusto ko yung mas lamang ang feelings ni boy kesa feelings ko so go na with the wedding na walang insecurity with past girlfriends. Past is past, kahit pa mangulit exgfs, proven naman na di sila pinapansin ni hubby. Isa pang reason why I'm not insecure, e 100% ng sahod ni hubs binigay sa akin, nanghihingi lang siya ng baon weekly (just enough for gas & lunch) :D. Que, bumalik si ex or if ever may bagong gf, the new woman has to pay for everything. Di ako na-iinsecure sa mga babaeng ganyan na walang self esteem.

The_New Analyst

  • Guest
Hi mga sis, pa post lang.

Ako,never ako nainsecure sa ex ni hubby ko, or sa kahit na sinong ex ng mga past ko. Ewan ko, to think na 7years gf ni hubby ko yung ex nya and first time to experience sa lahat. Tapos kami sandali lang na bf/gf after ikasal,hehe.

Ugali ko na kasi magtanong ng lovestory ng mga exes, and kinikilig pa ako minsan. Minsan naiilang sympre magkwento mga guys sa past nila di ba. Anyway,in that way kasi,mas nakikita at nakikilala ko partner ko on how he was before pa kami nagmeet. :-)

Meron lang pala isa na medyo ouch sakin dati, kasi yung pinalit ng ex ko sakin super prettyness talaga, anak mayaman at anak pa ata ng tipong "secure the man in white" hehe,tipong bigtime.. Pero carry lang, im not more of pagirl and super pa make up na tao kasi, cowboy type ako. :-)

imbisibol_

  • Guest
to answer the thread starter- no, i don't get insecure.  our husbands came with a past.  even we came with a past.  and so when we chose to get married, we accepted that person wholly and fully- his past and all. 

xhien

  • Guest
ako, not totally insecure naman..la ako care sa mga yun..kasi nasakin c hubby ngayon at ako ang pinakasalan niya sa lahat..hehe..kaya super proud ako na ako pinakasalan niya at hindi sila..hehe. and sakin din siya magkakababy na..so im not worried.. wag lang yung may communication talaga kasi nakakainiz yung ganun noh!! ;)

theshopaholicprincess

  • Guest
ISANG MALAKING HINDI. Kasi he wouldn't be your hubby if it weren't for the fact that he chose to marry you. Pareho kami may past and sometimes hindi maiiwasan na hindi ma-brought up yung past relationship with exes, pero hanggng dun lang yun. Past is past, but we need to move forward.

Ako naman ever since I never get insecured sa ex ng hubby ko. Kasi noon palang kinukwento na ng asawa ko na sobrang laki ng insecurity at sobrang baba ng self esteem ng ex nya. So why go to same path, eh kaya nga nya ako nagustuhan because I am confident with myself.

kuliglig^^

  • Guest
Hindi, kasi mas maganda ako. lol.  ;D Pero kunwari na lang nagsselos ako para kiligin naman si hubby.  ;)

queen_blair

  • Guest
Pano if yung MAMA nya unang minahal nya? Una at wagas na pagmamahal! Pwede ba tayong ma-insecure?

Mommy•Shey

  • Guest
No, because I know marami akong traits na wala sa mga past exes niya kaya ako yung pinili niyang pakasalan  ;D. Tsaka nakita niya daw sakin yung pagiging Wife Material. Madami daw siyang natutunan sakin (good things) so kaka-proud din.  May mga bagay na wala ako na meron ang mga ex niya, pero mas madami daw siyang nakitang bagay na meron ako na wala ang mga ex niya ♥ hehe.

I'm really lucky sa hubby ko, he's so romatic, understanding, caring and good provider talaga, and he never speaks negatively sa mga exes niya, unless may sinabi sa kanyang hindi maganda. He doesn't want to talk about his exes kasi nirerespeto niya daw ang relasyon namin  ;)

summersong

  • Guest
For some it's easier said than done, but NO. Even if his exes are all beauty queens or Nobel Prize winners or as rich as Oprah, he chose YOU. YOU have what he needs. YOU are the person he loved enough to marry. Why cause unnecessary wrinkles? Papangit ka lang. :D

Now try reversing the situation. How would you feel if your hubby continues to be super jealous and insecure about all your exes? Wouldn't that make you roll your eyes  lol

dulcette

  • Guest
hinde. kaya nga ikaw ang pinili eh. sila ang ma-insecure sayo. hehe.

msals2007

  • Guest
what if he said hindi naman kasi ako nahirapan sa iyo...comparing you and an ex na niligawan whom he stopped courting kasi nahirapan siya, what would you feel.

ayka

  • Guest
for me, there's no need to be jealous, insecure or even think about my hubby's ex. after all, she's just a part of his past. i am his present and future! and i know he doesn't care about my past as well. pano kung siya naman ang nagtanong sa akin about my ex-bf's diba? we both came from bad break-ups and that's reason enough for us not to bring up the past anymore...ever!

kayzkulet

  • Guest
Re: dapat ba tayong mainsecure sa mga girls na unang minahal ng mga hubby natin?
« Reply #156 on: November 03, 2012, 10:36:17 am »
no. hindi dapat. bakit? kasi tayo ang pinakasalan.  ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close