hi guys, kababalik lang namin from PG! we had a good weekend! :> good kasi at first, mejo may pagka-disappointment kaming nafeel pero worth it din naman ang stay.

ang liit lang pala ng white beach. tanaw na buong pangpang pagkababa pa lang sa boat. akala kasi namin malawak. hihi. saka pagdating kasi namin around 10am ng saturday, mejo walang tao. kunsabagay, di pa naman kasi peak season.

pero sunday morning, nakakatuwa, dumami na ang tao. parang mas masaya pa nga eh. hihi.
HOTEL: Bangera Inn
thumbs up:
*mas tahimik and mas relaxing kesa sa inns na nasa gitnang part ng beach. ang gulo ng mga tao dun eh.
*we really love the ambiance. ang daming pwesto na pang photo ops. bintana, hagdan, sala, name it! hahaha. or baka kami lang yun kasi mas bet namin yung mala-vintage style na bahay kesa yung typical na tiles and aircon rooms.

*isa pa, i love the comfort room there! okay ang hot and cold water sa shower and sa lababo.

thumbs down:
*madalas walang tao sa reception area. hehe. mejo nakakatakot na baka mawalan ng gamit. pero safe naman ang mga bintana and lock ng doors saka i think kapag peak season, magiging mas aware sila sa mga lumalabas at pumapasok sa inn.

*may nakita kaming ipis sa bed. huhu. super off nga lang yun. T_T
FOOD:
*saturday brunch - resto ng VM beach resort. ang tagal ng service and dito ko napansin na ang gulo ng tao na nagsstay sa kanila. dito yung maya't maya dumadaan ang mga tao.

*saturday merienda - we tried yung pizza store, i forgot the name. sorry. basta yung maganda ang ambiance ng lugar and may band. so so ang food pero super okay ang service. nakakaaliw ang mga staff, nakikipagbiruan pa.

*saturday night - Foodtrip sa galera.

yung mas malaking lugar. if im not mistaken, may isa pang foodtrip sa galera pero yung parang chicken inasal. okay ang food sa foodtrip, sulit sya and mura. kaso, di namin masulit yung unli rice. haha.
*sunday brunch - idk yung name eh. yung resto na may mga sunflower. hahaha. mejo matigas yung tapa nila.

all food naman ay okay, mejo matagal nga lang ang pagserve saka mejo pareparehas yung tinitinda nila. hehe. napansin ko din, mostly gays yung nag seserve. hehe.
ACTIVITIES:
unfortunately, wala kaming nakuhang tours.

mejo gahol talaga ang time and mas pinili nalang namin na magrelax.

nag-banana boat lang kami c/o K. Mark. basta andun lang sya sa beach, palakad lakad. no.46 ata sya, if im not mistaken. . matiim sya. as in. haha. kwela sya., sya pa ang nagalok samin na magpicture. haha. buti nalang para may group pic kami na hindi selfie. haha. kapag bumalik kami, definitely sa kanya na kami kukuha ng tours.

ALL IN ALL, we love our stay there. pero sa susunod na balik namin, for sure di na kami 3 lang. dapat as in large group. mas masaya kasi. haha.
