Just got back from our 1st overnight stay in Puerto Galera! sharing with you our experiences mga sis.
We rode Minolo Shipping Lines, P450 round trip plus environmental and terminal fee na 80 pesos. Mabilis naman ang byahe, as in feeling namin hataw talaga.
Nung nagbabaan na lahat ng mga pasahero, syempre bumama na rin kame. without knowing na Muelle pala yung babaan na yun, hay. hindi tuloy namin alam kung hindi ba dapat kame bumaba or mali nasakyan naming ferry. so ayun nag trike pa kame papuntang white beach (P150) lessons learned: magtanong muna! siguraduhin kung tama ang binababaan o tama ang ticket na binibili. Sayang talaga!
we stayed at White beach Resort, P1500 overnight stay for 2. ok naman. Nag downpayment lang ako through BDO, since weekend to at baka madameng tao. ayokong mahassle sa paghahanap ng room. malapit lang sa mismong beach front, paglabas mo ng compound may restaurant na may free wifi pa. yun nga lang, nagsampay si hubby ng basang shorts sa labas ng room, ayun nawala. other than that, hassle free naman. Mabait kausap si Julius, yung in charge sa online booking nila, at si Ate Salve, she makes sure na ok kame.
Na aliw kame ni hubby sa nightlife dun, dun sa tipzinaku, pinag latagan lang kame nung waitress (becky) ng cloth sa tabing dagat then binigyan ng candle, ayun dun na kame nag stay while drinking Mindoro Sling. Pwede ng umorder ng beer o pulutan! Dun na rin kame nag sayaw ni hubby! hahaha. kahit gabi na, or madaling araw, madame pa rin nag swiswimming, hehe. Aliw din yung mga fire dancers. Totoo ngang madaming pumupuntang gays dun na nababasa ko sa mga blogs, aliw sila. yung mga hindi mo akalaing mga gays! heheh.
Mura din mga paninda. Since next trip namin would be Boracay, namili na kame dun ng mga pwedeng suotin. like dress, cover ups, shorts,sando laking mura. heheh
we had our brunch at Food trip at galera. sulit! naka 3 rice si hubby! heheh.
one more tip, mag pareserve agad ng ferry pabalik. kasi kame as in pagdating pa lang namin nag pa book na agad kame ng pabalik. buti na lang kasi,may mga nagtatanong pa ng on the day of the trip, ang available na lang daw eh 430pm. sobrang maalon na siguro nun! speaking of maalon, pag papunta kayong PG, dont stay at the left side. madaming nakaupo sa left side ang nabasa dahil malakas ang hampas ng alon, to think na may cover na ha. pag pauwi naman, dont stay at the right side, madame ring umuwing basa dahil sa right side nakaupo. ayun, to be safe sa gitna na lang kayo pumili ng seats. better din kung sa bandang una, kasi pag sa gitna na, hay walang mashadong hangin na pumapasok kasi may plastic cover yung mga tagiliran kasi humahampas yung alon.
ano pa ba? ah, kung may dala kayong car papuntang pier at iiwanan nyo, merong pagpipilian na covered parking at open. di kasi kame ngtanong agad kaya ayun dun kame sa open area. safe naman. parang P190, 24 hours na yun.not sure.
overall, we had fun at puerto galera! babalik kame sigurado, pero siguro next time maghahakot na kame ng barkada. magandang gimikan ng mga magkakabarka eh!
hope this helps!