Just came back from talipanan, puerto galera and i must say that if you want the most serene and private place in puerto galera, then this is the place to be!

Badtrip lang at umulan ng gabi, di kami nakadaan ng white beach para maki party-party

akala nga namin di kami makakauwi ngayon sa lakas ng ulan.. nagbbrownout pa..
BUS: We rode ALPS bus sa alabang bus terminal going to batangas port (tapat ng starmall, sa kabilang side..situated sa isang ginibang establishment) Php 137, 1.5 hrs travel time.. Pauwi, we rode Ceres bus P161.50 to Mantrade (MRT Magallanes Station)..All went well naman dito..
PORT: ang dami ng tao.. i suggest bili na kayo ng ticket then pila na agad sa pasukan..
BOAT: DO NOT RIDE FATHER AND SONS SHIPPING LINES (FSL)! super bagal..parang hindi ata 1 hour ang boat ride namin parang 2.5-3 hours! super bagal ng boat sa pagandar.. then nung papunta pa lang kami parang 1.5 hours kaming naghintay bago umalis.. i suggest you ride Minolo or Galerian na lang.. sobrang nabadtrip kami ng mga friends ko.. halos lahat ng mga kasabay naming boat sa pier nakaalis na..kami na lang ang hindi..
PLACE: we stayed at el canonero.. got the superior room at P2500 for 5 persosns..sabi ni giorgio (owner) fully booked na daw yung place..but hindi ko nafeel na fully booked! lagi naming solo yung pool..kung may ibang tao man, 2-3 lang yung nadadagdag.. cons: super liit ng cr, then yung bowl parang may permanent dirt na..di rin masyado lumalamig yung aircon.. and yung flush namin nasira hehe.. yung kabilang room naman, mabagal ang tubig, pero samen super lakas naman.. extremes.pero super private ng place..talagang ibang iba sa white beach parang kami lang yung andun.. and yung pool okay para sa amin.. solo namin siya..tapos walang restrictions.. you can wear shirt, you can dive hahaha mabait din pala si giorgio, the owner.. 12:30 pm na (check-out is 12:0nn), dumating na yung next visitor, kakarating lang namin from white beach, hindi pa kami nakakaligo and prepare at all.. pero nakasmile pa rin siya habang sinasabing bilisan namin dahil kailangan na naming umalis dun sa room hahaha
FOOD: masarap yung pizza sa luca's.. iba yung crust nya.. parang yung texture ng croissant..not-just-your-ordinary pizza..ang laki pa! hahaha 8 kaming magkakasama, merienda na namin yung 2 pizzas.. P790 yung bill namin.. yung pasta naman..so-so lang.. parang natikman ko na din dito sa manila hehe yung pizza lang yung unique talaga

Sa white beach kami naglunch.. winner ang VM Resort na restaurant.. ang laki ng servings at a price of 100-120 lang with rice na yun! yung ulam sa VM can be shared by 2 na..tapos hindi lang siya marami, lahat ng ulam na naorder namin, masasarap.. pineapple chicken, beef curry, pork sinigang, fish curry, sweet and sour fish, liempo.. lahat kami nasarapan sa inorder naming ulam

TRICYCLE: white beach to talipanan is P100/tricycle 4 pax ang max.. nung pauwi na kami P150 ang chinarge sa amin.. tsk!
PASALUBONG: got a shirt at P90 and a ref magnet at P35 (3 for 100)
PEOPLE: parang ayoko na magcomment dito hehe.. nadugas kami sa snorkeling at sa trike..tapos yung mga waitresses sa luca's ayaw na kaming servan ng pagkain..eh sabi samen, as long as may customer sa luca's, open sila.. 11 pm na nun and starving na talaga kami. hindi kami nakalabas kasi umulan ng malakas. and yun na yung last resort namin sa food. buti na lang at sinabihan siguro sila ng amo nila na magluto pa rin for us

...parang may nagpost na nga dito about sa dagdag bayad sa snorkeling..totoo yun. after nyo magagree sa 2500, dadalhin kayo ng boat sa isang place na may mga mini huts and may mga nakadaong na bangka..sasabihin ng bangkero niyo na languyin nyo na lang yung snorekling spot..eh siyempre diba tatamarin kayo.. so ang mangyayari, may smaller boat na magdadala sa inyo.. with a price of P200/head!!! sa sobrang inis ko, di kami sumama ni bf, nagstay lang kami sa boat. yung mga friends na lang namin yung tumuloy. after magsnorkel ng friends ko nagkaron sila ng mga parang mosquito-like bites..sabi nila dahil daw sa jelly fish yun..i dont know, hindi naman kasi ako sumama..sa white beach naman, nakakainis lang at maraming nagbebenta.. hehe
Di na namin inexplore yung batuhan na sinasabi ni sis chyng.. nakakatakot hahaha..lakas ng loob nila.. ni hindi nga kami lumapit dun sa mga bato na nasa tubig na..
OVERALL: ang nagpapanalo lang sa trip namin na 'to is yung privacy, yung VM resort resto, yung pizza sa luca's, and yung pool sa el canonero

P.S.. Sis Chyng, PHP 280 yung penne carbonara sa Luca's. you can update your blog if you like

Thanks sa help!
