watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3  (Read 97346 times)

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #280 on: March 21, 2011, 12:40:14 pm »
kim
tignan ko muna yung item ha? kasi last year ko pa sya niligpit at nasa storage.. tignan ko muna kung ok ang pagkakatago ni hubby.. then PM kita ok?

di ko pala nasagot ang question mo regarding beeconomic..
its a website selling vouchers ng mga different establishments..madami nyan
may cashcashpinoy, ensogo, buyanihan, twangoo, and beeconomic or groupon manila
so far 2x pa lang ako nakabili sa ganito yung una dinner buffet sa spiral last year.. tapos lately 2 vouchers ng oral prophylaxis sa affinity dental..

lisa..
bakit naman ayaw ni mike na magpa-UA laser ka? ok nga yun eh.. eventually di na need mag shave.. kung may budget lang ako.. kakagatin ko ito.. hanggang pa wax at threading lang ang kaya ko sa ngayon..

marose
thanks ha? medyo nahihirapan ako kay hubby kasi he finds it cute na dinadramahan kami kaya tinatawanan nya!! nung saturday silang 2 lang mag ama ang naiwan.. kasi ang off si yaya and pumasok naman ako sa office.. dinramahan daw sya nung bibigyan na nya ng vitamins eh nakikita naman nya na kapag yung yaya or ako nagbibigay di naman umiiyak.. sabi ko tinesting ka nyan..

supportive naman si mom in law.. pinapagalitan pa si hubby pag tinatawanan nya si gianna pag dinisiplina ko.. kaso no effect eh nakakalimutan kasi..tsaka malambot ang puso pagdating sa anak nya.. panasin ko pag kaming 3 lang panay ang drama.. pero pag sila lang ng yaya nya ayos naman!

pia
wala na tumitingin ng lot nyo?? ano yun lot lang? grabe! baka may mag squat nga jan.. sobrang hirap nga magpaalis ng "tenant"!! for sure yan kapitbahay nyo na ngatnim tanim ng gulay sa lote nyo eh sangkaterbang dakdak ang sasabihin nyan.. naka experience na kasi kami ng ganyan.. kakainis lang..

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #281 on: March 21, 2011, 12:43:30 pm »
Lia, meron pa ako ditong cetaphil na malaki kaso nga bukas na kasi ginamit namin kay baby pagkauwi from the hospital. mga 2x lang nagamit. pump bottle naman. let me know kung gusto mo.

nakita ko din yung picture company sa beeconomic. bibili sana ako madami pero good for 2 months lang pala so 1 lang binili ko. may 400 ako na credit for referrals so 590 lang!  :D

Kim, check mo beeconomic.com. may groupon/voucher don for picture company. valid at any of their branches. bili ka na, sayang kasi 990 lang may 8x10 and 5x7 print na. eh kahit member ka, 1 8x10 print with 2 wallet size and electronic copy of the photo eh nasa 990. kung di ka member, ganyan din price plus you have to pay for the photo session so good na ito. yon nga lang, valid for 2 months lang so wag mo naman pakyawin.  :)

ano yung rocker/buncer na nabili mo? kasi our fisher price swing, di din masyadong naka-recline. that's why we only started using it nung 3 months siya yata or maybe 2.5 kasi nung una kawawa yugn head niya kasi di niya pa kaya i-support noon. but now ok na kahit hindi naka-recline masyado. baka naman eventually, what you have now will be ok na din for baby> pero i agree, cute nung kay lia.  :)

Luz, mura kujng 10k/sqm? pero maliit kung 90 lang. multinational is on the bottom of our list for paranaque area. ang hirap kasi puntahan, ang layo sa highway. pero pwede na siguro. pero yon nga, hindi siya part ng top 3 choices namin.

sabi ng husband ko, ayaw daw niya sa sun valley kasi madami daw "hip-hop" so puro away lagi.


satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #282 on: March 21, 2011, 12:50:24 pm »
o nga jen,  di naman maiwasan na may part talaga ng villages/subdivisions na may squatters kaso yung sa may sun valley dun mismo nag squat sa loob - sa pinaka dulo.  Vacant pa kase yung dulo and yung bukana pa lang ang may mga bahay.  Di siguro kaya paalisin nung developer kahit nagagalit na yung mga lot owners.  Mas ok pa din siguro yung mga well-known developers like Filinvest.  Check ko naman next week yung SouthPeak (Filinvest) sa San Pedro, malapit naman na din yun pag natapos yung skyway.  Sana ok dun.

Okay sa albergus, yung officemate ko yun ang nag cater nung anniversary nila.  Ganda pa ng set-up :)

Lia, i remember yung anak ko din nung mga 5mons pa sya marunong nang magdabog ng paa pag nagagalit o naiinis.  Kadalasan hinahayaan namin sya umiyak, tumitigil din naman pag di pinapansin.  And tama si marose na consistent dapat kase pag kinakampihan, dun sya laging lalapit tapos ang tendency bad yung di umiintindi sa kanya.  Hirap magpalaki ng anak :)

lisa, mura nga yun kase binebenta ng rush ng may-ari.  Maliit nga lang yung lot.  Napasin ko din even yung papauntang merville na parang sobrang dami ng tao sa kalsada.  Kakatakot kase malabo pa naman mata ko and hirap mag drive sa gabi, baka makabangga pa ko dun pag uwi ako ng late :(

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #283 on: March 21, 2011, 12:55:57 pm »
Lia, ewan ko ba dyan. sabi kasi di naman daw ako nagsusuot ng sleeveless sa labas, dito lang sa bahay. hmp. meron nanaman nga ulit sa ensogo for UA laser pero 750 naman tsaka ang layo, sa may MOA pa. sabi ko nga hin-haunt yata ako so patulan ko na. pero nung nakita kong MOA, ay wag na lang. sayang yung 650 na yon tapos magallanes lang. oh well.

yung pamangkin ko mahilig din magdrama. yung brother ko laging pinagbibigyan yung anak niya. yung wife ang strict, siya ang may stern voice at firm talaga siya. kailangan daw talaga maging ganon kasi kung hindi, hindi madidisiplina ang bata. eh yung bata kinakaya-kaya ang daddy niya so dapat daw siya ang maging firm.

nung nandito nga sila, kumakain kami ng dinner. ang bagal kasi kumain nung pamangkin ko eh sabi niya antayin ko siya kumain ng dessert so sabi ko bilisan niya. tapos bigla na lang sabi "dad, can i get a big hug?" so hinug naman siya ng daddy niya. tapos sabi niya "i'll also give you a big hug." bumwelo pa, lumakad palayo tapos tumakbo sa open arms ng daddy niya. tapos may binulong. pagbalik sa akin, sabi niya "daddy said i don't have to finish my rice". ayon, di inubos ang pagkain tapos kumain ng chocolate cake. don ko nakita yung sinasabi ng sister in law ko kaya siya ang nagpapaka-firm kasi yung kapatid ko kinakaya-kaya nga ng anak niya.

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #284 on: March 21, 2011, 01:01:26 pm »
lia, alrightie. will wait for your update. :D

lia and lisa, i see.. yun pala yun. sige, will check beeconomic. now na! hehe pero okay na kaya na kunin ko yun ngayon eh 2 months pa lang si katie? di ko alam kung okay na magiging pictures niya kasi di pa naman siya nakakadapa and di pa na-susupport neck niya so baka di pa okay kalabasan ng photo op. although i've heard of newborn photoshoots din naman. what do you guys think? pakuhaan ko na kaya siya?

lisa, bright starts yung nakuha ko. baka nga din dahil di pa niya nasusupport head niya kaya siya nakaslouch pero 2.5 months na din kasi siya, ganun pa din naman posture niya sa bouncer. baka din dahil she's too long for the bouncer.

regarding drama of babies. ganyan na din si senyorita katie ngayon in as early as 2 months. as in! one time, naabutan daw siya ng MIL ko na naglalaro mag-isa sa playpen niya by just staring her mobile tapos nung binati niya ng "hi baby" aba! bigla daw umiyak at sumayaw sayaw dahil gusto magpakarga. kahit sakin din, panay ang drama nun. one day, pag ibang tao kumakausap sa kanya, tumatawa at nagpapacute siya. pero nung ako na pumansin, seconds lang ang pagitan, bigla din nagdrama at umiyak dahil gusto magpakarga. minsan pa iiyak iyak yun na walang luha pero pag kinausap mo, maya maya lang tatawa na ulit!


yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #285 on: March 21, 2011, 01:02:01 pm »
Lisa, hip hop.. hahaha.. tama! dyan nga sa sun valley.. nagkalat sila.. at ang pamangkin mo magaling sa strategy ha.. lol and ang UA laser ok nga din yan para less time to wax na din.. dont tell him na lang?

Lia, i forgot to comment about tantrums.. hindi ko alam kung common sa bata pero in one way or another nangyayari iyan.. Firm ang pagkakasabi ko ng "Not now!" sabay talikod ako pag nag gagaganyan sya.. Hinahayaan ko umiyak hanggang minsan nakakatulog na sa pagod kakaiyak.. Pagkagising nya dun ko kakausapin.. Short explanation but concise.. Sana napipickup nya.. Thankful lang ako at bihira naman ang ganyang incident pero meron pa din.

About sa lot, yes lot lang iyon sa Jackielouville.. Binili ng parents ko iyon nung 80's pa.. ako nagbabayad ng real estate tax (pero every 2yrs hehe minsan 3yrs).. Si kapitbahay sila pa din ang nandun mag mula nung kids kami at binibisita namin ang lot.. This June ayun naman aasikasuhin ko kaya kami uuwi.. to pay taxes and to visit the lot..

Has anyone of you bought a columbarium or memorial lot? Binili ko kasi yung sa pinsan ko.. 3 urns ang kasya.. dun nakalagay ang daddy ko.. I just want to know kung magkano na sya ngayon.. She sold it for 50k sa akin nung 2009, Feb.. We need one more lot..

Kim, nakakatuwa yang mga groupons na yan! magastos! hahah.. kasi ang daming good deals eh.. meron din ganyan dito sa SG..

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #286 on: March 21, 2011, 01:03:03 pm »
Hay naku, children, especially pag dumating na sila sa toddler stage, are manipulative!  Ang mga anak ko, kayang-kaya ang lola nila.  My mom stays with us and siya ang kasama halos the whole day.  Sa akin, bibihirang matakot.  Sa husband ko lang talaga sila takot. 

Si Milo ko, marunong mag-imbento.  Last week, gusto niya kumain ng chips [no-no sa akin] eh ang husband ko kasi ang mahilig kumain ng chichiria.  Sabi ko, no.  Sabi, can I ask daddy?  Sabi ko, go ahead.  Confident ako na di papayag si hubby.  Umakyat sa kuwarto kung nasaan ang asawa ko tapos bumaba ulit.  Sabi sa akin, daddy said I can taste the chips.  Sabi ko, are you sure?  Then, dumating si yaya, sabi raw ng daddy, no.  Aba, nag-imbento ang mokong!  After that, pinagsabihan ko siya.

Ultimately, tayong mga mommies ang kailangan magtuwid sa mga bata.  Kapag napariwara ang bata or lumaking sutil, ang unang sinisisi ang nanay. :(

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #287 on: March 21, 2011, 01:16:12 pm »
Pia - sure! sure! actually, si sis marose marunong dyan sa panlasa thing! sa kanya ko din lang nalaman si PC  ;D

Luz - oo mas maige na yung kilalang developer na lang para sure na wala squatter sa loob. Mas maganda nga pag Filinvest, DMCI or Ayala.

Re tantrums - anak ko baby pa, so yung dabog wala pa ako diyan. Pero I noticed snobbish pag di nya type ang tao or iiyak ng malakas para di siya hawakan. Ganyan ganyan dilemma ko nitong umuwi kame kina hubby over the weekends. As in, ayaw niya sa mga aunts and uncles, as in todo iyak. Tapos pag nilalaro, pag nasa right side ang nakikipaglaro, ang harap niya sa left. LOL! marunong pa humikbi at tipong nagsusumbong pag kinuha ko na. Eh halos lahat pa naman dun kina hubby, gusto siya kargahin.

First time ko din pala iniwan si baby kasama yaya with my SIL's supervision, ay naku! todo iyak daw at hinahanap ako. Eh umalis lang naman ako saglit just to buy her a swimsuit kase di ako nakapag-empake ng swimwear niya at biglaan lang ang swimming trip ng mga kids dun. Pagdating ko, yakap lang siya sakin tapos mega smile na.

Makwento ko pala, ang sakit ng legs ko! Ang damuho kong asawa nagpakalasing lasing. LOL! Resulta, ako nag-drive pabalik from Pampanga to Manila last night. Jusmiyo! First long drive ko ulit yun kaya nangawit ang hita ko! LOL!

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #288 on: March 21, 2011, 01:19:58 pm »
Pia, ay nako kung pwede lang wag mo ko sabihin. ang credit card bills ko inau-audit buwan buwan. kasalanan ko din eh kasi magastos ako. nung una kasi ako humahawak ng pera namin eh walang natitira kasi kung ano-anong binibili ko kaya ngayon, siya ang may control sa finances at in fairness, nakaka-ipon kami. di na bale. may point naman siya, wala naman nakakaita ng UA ko kundi siya at ako. haha.

Kim, bianca was 3 months old when she had her 1st photo shoot sa picture company also. nasa FB ko if you want to see. pinahiga siya sa malaking bean bag. ganon lang. and 2 months pa naman. katie is 2.5 months na you said. pretty soon, she'll be able na to hold her head. so may time pa naman to use the voucher. yon nga, wag lang madami bilhin mo kasi sayang naman. i only bought 1. siguro buy pa ako isa mamaya. hehe. pwede naman one photo shoot na agad now, and then maybe just before the 2 months is up, use the other one diba? para medyo may pagitan naman.

Jen , masarap ang albergus. madaming beses na ako nakapunta sa events don mismo sa may capitol hills. sarap food nila. i considered them for baby's binyag kung mac-clubhouse ako. kung mag f-first birthday siya, i will consider them again.

Luz, check mo din don sa may daang hari. madami din yata doon? let me know naman pls mag may nahanap ka at saan para magka-idea din ako. thanks!

Marose, super nice mga gawa ni bunny baker no? kaya ko gusto ng candyland theme sana for baby's birthday because of the candyland cakes and cupcakes she made eh. mukhang yummy naman. she gets booked really fast though. i inquired last december for cakes for the binyag, which was last jan 30. she was booked na. now i'm pencil booked for november.  :)

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #289 on: March 21, 2011, 01:24:33 pm »
Luz, south area ba ang hanap mo?

my sister just bought a house and lot sa filinvest 1 ba yon, yung malapit sa congress. 3.3M 4br pero old house na. they used to stay kasi at our parents' house eh nabenta na, signing on friday. mad-displace sila eh yung condo nila 2012 pa ang turnover. temporary house nila ito at least malapit sa office niya tapos pagna-turnover ang condo, ipapa-rent daw nila. nagulat ako kasi ang mura. 4.5M ang appraisal ng BDO. ok sana kaso ang layo naman. tapos ayaw ko pang dumadaan sa commonwealth, aka killer highway.

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #290 on: March 21, 2011, 01:27:45 pm »
Lisa, talaga, mag-inquire nga ako kay BB soon pero kailangan mag-set na ng theme.  Candyland ang theme ng first birthday ni Kyle of Pia, by the way.  Ang cute nga ng theme!

Jen, mas okay kapag nangingilala ang baby.  Developmental milestone iyan.  Mas nakakatakot kapag NR = no reaction ang bata.  Praning ako sa autism, ADHD, speech delay, etc. kasi ang dami kong kilalang may anak na may special needs.  Kaya up to now, tuloy ang check-ups ng kids ko sa developmental pedia nila.  Mabuti nang sigurado or maagapan kung kailangan ng therapy. :)  Ito rin ang reason why maaga ko pinasok sa school ang twins.  Gusto kong maging okay sila sa social development.  May kids akong kilala kulang sa social skills kasi nasa bahay lang palagi or mga parents lang nila ang madalas kasama.  Mabuti naman at during the first year of preschool, na-fulfill ang objective ko na maging exposed sa ibang bata at sa ibang environment (aside from home) ang mga kids ko.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #291 on: March 21, 2011, 01:35:00 pm »
Marose, i didn't know na milestone pala ang pangingilala. at what age ba nags-start mangilala? my baby kasi sumasama kahit kanino pero ang exposure naman niya sa sisters ko pa lang and my cousins. sumasama siya kahit kanino and kuntento siya. madali din siyang patawanin. what's the ideal age to bring baby to a developmental pedia? will check that thread nga.

my cousin's son is 4.5 years old na but he only started talking early last year yata yon. until now, medyo bulol pa siya. utal-utal actually. not like my brother's daughter who's super daldal and diretso magsalita but only a month older than my cousin's son. sabi ng cousin ko they're thinking it might be the vaccine daw that cause the speech delay. yung mga 6-in-1 ganyan. nakakatakot.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #292 on: March 21, 2011, 01:37:57 pm »
Lisa - nag-inquire na ako kay Albergus, wait ko na lang email nila. Let's see if okay naman and wala ng ek ek na charges! ;D

Marose - ganun pala yun! so normal si Yesha!  ;D ay naku, yan din gusto ko tutukan talaga, yung social skills kase sabi ko nga, mahiyain akong bata. LOL! May friend nga ako na kumare ko who just commented on one pix of Yesha sa FB na too early daw if papasok ko si Yesha sa school. Eh sabi ko naman, playschool lang not regular school when she gets a year older. Sabe, wag ko daw madaliin  :) Eh I said na, ang stimulation ng mind ng bata is from womb to 3 years (of course di naman nila alam yun).

Also, nagmamadali ba ang tawag sa magsuot si Y ng pants, ng dress ng bracelet, ng swimsuit and other anik anik? eh it's all her first eh. Ano naman gagawin ko sa anak ko, MANANG? LOL! Eh sa may pambili ako ng anik anik niya eh.  ;D

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #293 on: March 21, 2011, 01:39:22 pm »
si Kyle naman nangingilala when he was 6months ata til 15months.. hindi sya sumasama basta basta.. kaya ko sya pinasok sa school para meron syang exposure sa ibang tao.. dito kasi sa house, 4 adults lang kami..

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #294 on: March 21, 2011, 01:40:11 pm »
lisa, thanks for the info. will try to buy that groupon na. :D meron ngang okay na subdivision sa may daang hari. i just forgot the name.

marose, eh pano yung mga baby na hindi nangingilala? hindi naman NR pero okay lang din sa kanya sumama kahit kanino. anak ng friend ko ganyan eh. may problema kaya siya sa development niya? si katie pa naman ngayon may ganyang tendencies. kahit kanino nakikipag-usap.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #295 on: March 21, 2011, 01:42:02 pm »
so talagang good cop / bad cop ang drama naming mag-asawa nito..
dadating ang mga cousins nya on wednesday (2 boys) haaaayy!! natatakot na ako sa chaos na daratnan ko sa kuarto tuwing gabi! hahaha! pero super happy naman si gianna kasi may kalaro sya... hopefullyu hinde sya mag suplada..


lisa
ill get your cetaphil.. sa EB na lang? how much?

lisa and luz
oy grabe ang gaganda kaya ng villages sa daang hari..kaso liblib na pook..i mean kailangan de kotse ka lagi and walang commute doon..walang jeep walang tricycle.
nakapasok ako ng verdana kasi nag attend kami ng birthday party sa clubhouse doon ang ganda ng clubhouse nila, pool area ang play area ng kids..may walking trail and biking trail.. tsaka very secure ang community.. ang ganda talaga! wish ko lang makabili ako ng lot don..
madaming camella homes don... and a few ayala villages.. kaya lang parang ang mamahal naman..

di ko ma-convince si hubby na bumili ako ng picture company na voucher eh... nainis kasi sya don sa gb5 na branch nung nag trial kami... he didnt like the set-up na nakahubad baro ang bata.. tapos nababagalan sya sa sa photog tuloy may nami-miss syang shots eh.. ako naman yung nag enjoy... ewan try ko pa sya i-convince..

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #296 on: March 21, 2011, 01:48:37 pm »
lia, bakit ganun? sa SG site ako nadidirect? tapos di ko naman mapalitan yung country when i click the dropdown..

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #297 on: March 21, 2011, 01:54:07 pm »
Kim, iba-iba rin ang temperament ng mga babies.  Basta, mga autism flags yung NR nga, no dire4ct eye contact, does not smile/giggle, does not seem to "connect" even with parents and caregivers, hindi lilingon kapag tinatawag ang name niya, speech delay at kung ano ano pa. 

I don't want you girls to get paranoid ha.  Basta, be mindful lang of these things.  Marami kasing cases ng autism, hindi agad nada-diagnose kasi in denial ang parents.  Basta kung may napansin kayong kakaiba or hindi normal, mag-research muna and kung hindi kayo mapakali, ipa-assess sa DP.

Jen, pina-assess ko sa DP ang twins at 11 months old.  Delayed kasi ang gross motor skills nila.  Hindi pa sila gumagapang ng ganoong age.  Saka, SOP sa pedia nila ang i-refer sa DP ang super preemies (preemies na sobrang aga ipinanganak and very low ang birth weight).
« Last Edit: March 21, 2011, 01:57:53 pm by marose17 »

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #298 on: March 21, 2011, 02:00:55 pm »
lia, found it na pala. thanks! :D

marose, oh okay... well at least hindi naman siya deadma samin and super daldal niya nga. very reactive din sya so i guess i shouldn't worry for now. baka highly sociable lang siya.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #299 on: March 21, 2011, 02:08:46 pm »
kim
try mo www.beeconomic.com/philippines

si gianna din at 6 months nangingilala sya.. ayaw nya nga sa mom ko eh kahit noong 3 months pa lang sya.. when we bring her to my parents house.. my mom would approach her ng patalikod.. or pa side.. di pwedeng face to face sila kaagad kasi ngangawa na kaagad ang bata.. kasi natatakot kaagad ang bata.. i guess sa new surroundings sya natakot noong time na yon.. eventually she got over it..and loves my mom na ng mas higit pa sa amin ni hubby.

marose..
ako naging paranoid.. every week nakatutok ako sa babycenter..lalo na sa developmental stages don... so far ok naman...
dahil sa iyo kaya ko naisipan ipasok si gianna sa gymbo last year kasi ganun nga.. wala syang kahalubilong kids her age...

rose.. ganyan comment sa akin ng inlaws ko.. when i enrolled gianna sa gymbo last year.. akala nila magaaral.. eh hinde naman.. more on singing and play sila talaga.. very nice sya.. sa una ayaw nung bata sumali sa group mas gusto niya maglaro sa play area at mag slide ng mag slide.. ewan ko na lang pag nag gymbo sya uli.. kung ganun pa din gagawin nya.. sana lang wala syang awayin na bata.. kasi nakakahiya sa ibang parents..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close