watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3  (Read 97369 times)

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #120 on: March 16, 2011, 02:18:46 pm »
Mabait Yung mommy. Pinatawad Nya ang yaya. Pero dami daw injections ng baby Nya. Bilib ako Sa kabaitan nung mom. nagtataka nga daw sila kasi ang bata nakagat pero ang yaya Hindi. Ewan ko Kung tumakbo.

Haven't seen Dead Silence. Madownload nga.

Ako mas takot ako sa exorcist type of movies kesa multo. Basta mga demonyo na topic nakakatakot. Kasi spirits para sakin normal sya. Pero demonyo ibang usapan. Like si Emily Rose. Dasal ako ng dasal nun. Tatakot ako humarap Sa mirror kasi Baka pag Our father ko mag iba muka ko. Shocks, next topic please!

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #121 on: March 16, 2011, 02:19:08 pm »
isang araw lang ako di nakabasa, may bago na thread at page 6 na :)  dami tuloy topics, na-overwhelm ako kung pano sasagutin at alin uunahin hahahaha :)

strollers- mclaren volo kami ngayon, binili ko kase super lightweight and madalas kami mag travel.  Yung Quinny ang bigat sobra feeling ko matatanggal matres ko hehe lalo pag titiklupin na, tapos ayaw sakyan ni Yuel. Kakahinayang, buti nabenta ko agad.  Sali din ako sa mga mommies na karga si baby tapos nsa stroller ang mga gamit :)

air freshener- di din kami gumagamit kase may allergy mga tao sa min kaya binawal ng doc.  Pero ang ginagamit ko scented candles (mas fan ako neto) lalo yung vanilla :)

colognes for babies di din kami gumagamit even baby powder kase ayaw ni pedia dahil sa mag trigger daw lalo allergy pag masyadong mabango.  Nag hoard pa naman ako ng johnsons bago manganak dati.  Ako tuloy ang gumamit.

re:brands - si hubby lang ang mahilig sa branded pero simula nung masali ko sa GT kung [textspeak!]-ano na gusto ko bilihin at -itry.  Minsan nga si hubby nagugulat na lang sa mga binibili ko.  Yung iba nga lang sobrang sandali lang nagagamit tapos binebenta ko ng sobrang mura :(  di din ako masyado invest sa damit, more on shoes din lang.

driving - mas ok na matuto habang bata pa kase habang nag age tayo mas nagiging matatakulin at yung reflex bumabagal na din

horror movies - di ako masyado fan neto...mas nauuna pa ko sumisigaw kahit wala pa yung mga monsters hahahaha :)

pia, sana gumaling na si kyle agad. kawawa pag may sakit e.  Pati, teething talaga yung stage na pinaka ayoko sa lahat. 

lisa, ako yung nagtanong about book ni Patricia Pingry, nagcocollect kase ako ng books nya :) simple illustrations and stories pero maganda ikwento tapos samahan ng madaming OA, patok sa kids :)

dami pala taga-South dito.  Ako sa south nag work kaya pag bibili kami ng house, sa south area.  Naghahanap ako ngayon sa bandang Merville.  Baka may alam kayo mga sis.

hi Cha! welcome pala sa thread :)



simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #122 on: March 16, 2011, 02:23:50 pm »
Pia, hindi ko pinanood yang Emily Rose. Tatakot ako! Haha, baka hindi ko kaya. Dame kasi stories about dito sa bahay. Hanggang ngayon nga, may nakikita daw sila. Waaahhhh!!!

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #123 on: March 16, 2011, 02:40:59 pm »
^di tayo pwede magsama i see dead people rin ang drama ko :P

Teka backread ako paguwi, nakaw na sandali lang ako now kasi pauwi palang kami. Di ako halos maka babad sa net nowadays kasi exclusively breastfeeding ang drama ko & bumabawi ako ng tulog when i get the chance to.

galing kami pedia ni Jayden and I'm super happy sabi ng pedia super clear and no jaundice si baby! ;D then just when I expect na magdadrop weight nya he gained .3kg since last wk. Iba pala ang feeling pa nasabihan ka ng doctor ng good job mommy :) kahit na feeling ko binugbog ako ni pacquiao sa sakit ng katawan ko due to labour, kebs na rin, idaan nalang sa paracetamol :P

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #124 on: March 16, 2011, 04:58:33 pm »
Bago kami nagka-baby, every sunday ang routine namin mass sa magallanes at 1130, mall (usually glorietta, greenbelt or power plant) for lunch then movie kung may maganda or shop/window shop. Every 2 weeks din foot spa sa cans.

Pag saturday, we stay in. Wake up at noon, have lunch tapos movie or tv show marathon hanggang gabi. Si hubby mahilig magdownload ng mkv tv shows at blu ray movies din, or bili blu ray discs. Nakakabit pc namin sa home theater at plasma tv tapos naka blackout shades kami sa kwarto. Sarap manood ng movie, naka-upo sa sofa, nakapatong ang pa sa bean bag, sabay kain ng chips with dip/salsa at pepsi max. Nam-miss ko yan.

Teka, meeting ako. Tuloy ko mamaya.

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #125 on: March 16, 2011, 05:01:57 pm »
Pupunta ako sa S & R Fort.  Sana may maabutan pa kami! :D

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #126 on: March 16, 2011, 05:07:30 pm »
Cancelled ang meeting yata...

Kaka fire drill lang namin. Nakakainis kasi 3pm pasok ko pero dumating ako 2pm kasi may im-meet akong friend for coffee sa nearby starbucks. Pagbalik ko sa office ng 3pm, pagkaupong-pagkaupo ko sa desk ko, tumunog ang alarm for fire drill! Sana nagstay muna ako sa starbucks. Buti na lang 1.5" lang heels ko today. At 2/f na lang. Sa dati kong company 18/f, dndread ko ang fire drill.

Nabenta na yung quinny zapp na nasa marketplace so di na ako hindi mapakali.

Naghahanap kami ng bahay sa tahanan village. Pero baka in 2-3 years pa. Di pa pala namin kaya ang downpayment ngayon.

May nagpunta na ba sa s&r?

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #127 on: March 16, 2011, 05:19:56 pm »
Lisa - same drama tayo dati!  ;D as in ganyan na ganyan sa inyo ang routine namin ni hubby. Tagal din kase naming di nagka-anak, biruin mo almost 4 years. Pero 5 years na kame ni hubby talaga, the 1st year kase, we enjoyed each other lang not knowing na mahirap pala ako mabuntis.

Ako di pa nagbalak mag S&R kase coding kame today. Di ko kaya hintayin pa ang out ni hubby na 7PM para lang maiuwi mga napamili. Di ko alam if I'll go tomorrow or friday, but not on weekends kase uwi kame sa in laws ko. Buti na din yun at good-bye SALE sa mga malls! LOL!


twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #128 on: March 16, 2011, 05:24:10 pm »
Tin, [textspeak!] Emily Rose maganda yon.

I like watching horror films pero pagkatapos non nagpapasama ko sa hubby ko when I need to go to the bathroom hahaha

Yung Red Riding Hood I wanna watch it din pero feeling ko ipapa-dl ko na lang kay hubby kase this year sobrang daming magandang films pero this is one na ok lang saken even if I dont see it at the cinema.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #129 on: March 16, 2011, 05:32:13 pm »
good luck marose!!
kami mamaya when i get home... "try" lang baka mamaya pagdating namin dun biglang u turn ako pauwi :P

ganun nga yata talaga pag weekends..
noong wala pa kaming baby..we used to wake up at 10-ish pag weekends.. stay nin bed the whole day..or mag double date kami with hubby's sister and her then bf.. sine and eat out din..
minamadaling araw na kami sa kakanood ng tv or kaka-surf ng net :P

lisa
why specifically tahanan village?
madami sa phase 1 na magandang villages.. there are a couple of houses in our village or enclave (manresa) na kaka-renovate or newly built.. yung isang bungalow aroung 6m.. 3 bedroom, 2tb, 1powder room, dining, sala, kitchen, maids room and drivers room + their own bathroom.. a laundry area..2 car garage..

meron din 2 story na bahay.. yon di ko pa napapasok.. dati kasi naglalakad lakad kami ni hubby sa village namin kaya nakikita namin yung mga for sale na bahay...
may maynilad na din and  our place is very near the gate to alabang hills..

madaming enclave na pwede mo tignan if you're looking for a house sa BF..
i love this place na kahit papaano.. kasi gitna sya ng lahat.. we can go to makati via skyway, we can go to cavite, tagaytay via daanghari.. laspinas via the different shortcuts from bf.. the airport is very near bdin..
ang ayaw ko lang dito di ko kilala kapitbahay ko and walang sari sari store... :P

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #130 on: March 16, 2011, 05:32:18 pm »
Grayce, you see dead people? Ako, hindi! At ayoko! Pls pls, ayoko. Pero yung cousins ko, meron daw sila nakikita.

Van, maganda yung Emily Rose? Scary? Mas nakakatakot kesa dun sa original Exorcist? Parang hindi ko kaya eh. Ilang linggo ko maiisip yan. Ako din, puro download nalang. Bihira na din kaso ako magwatch ng movie sa sinehan kasi si K. Though hindi ko pinalagpas syempre ang Unknown, HP, Eclipse, etc.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #131 on: March 16, 2011, 05:36:55 pm »
di kaya ma -lock ang thread natin kasi piracy at downloading na pinag uusapan natin?? joookee!!

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #132 on: March 16, 2011, 05:40:45 pm »
^ang ayaw ko sa Emily Rose is yung tawa!!! $h1t!!!! as in parang narinig ko tuloy ulit ngayon!!!  goosebumps ito!

grayce, ay trulili? may third eye ka? oy bru, kumusta ka naman? at nakuha mo pang mag GT ah ;D *hugs*

inupload ko na sa FB yung pic namin ni Pia sa Ikea ;D nasa wall ng GT Mommies!!! by the way, ginawa ko nang closed yung group ha, kung may gustong sumali pwede naman, by approval na lang. ayaw ko kasing kung sino sino makakita ng mga posts dun :)

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #133 on: March 16, 2011, 05:54:19 pm »
Weng, ay okay yun sis. Closed na. Para hindi nga kung sino sino makakakita. Haha, arti ko. Katakot talaga? Mas nakakatakot sa original exorcist?

Lia, oo nga, naisip ko na din yan. Waaah! Wag naman sana. Sorry, hindi na mauulit :(

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #134 on: March 16, 2011, 06:04:14 pm »
Jen, hindi ko pa maasikaso si oDesk.. hindi ko matyempuhan yung job na gusto ko.. tagal din pala kayo hindi nagka baby.. mabuti na lang dumating si Yesha.

Ate Lisa, magkano sq.m. ngayon sa Tahanan?

Lia, yan din problem namin noon.. walang sari sari store.. tricycle ka pa papunta sa grocery..

hahaha.. nako baka nga malock :( wag naman.. me ganon ba?

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #135 on: March 16, 2011, 06:11:54 pm »
Pia - okay lang yan re oDesk. Ganyan din ako nun, pili lang ng pili. Makukuha mo din gusto mo  ;) Re Yesha, ay naku sis sobrang thankful at dumating siya  ;D Mahabang kwento na ang pinagdaanan namin sa kanya, si sis marose medyo alam ang kwento kase siya ang ka-sis ko dun sa APAS thread. Sabihin na nating, lahat na ata ng tumbling eh, nagawa na namin nun. LOL!

Ayan na naman tayo sa usaping bahay, buti pa si Weng pinapatayo na ang mansion niya!  ;D Kame, matagal tagal pa. Dito muna sa pag-rent, ang maganda pag nagsarili, kaw ang reyna ng bahay  :) Trabaho muna kame para sa pang-DP. Question pala, may approve housing loan na pala si hubby sa BPI, later on kaya if i-avail namin ulit yun, pwede pa? Di kase namin naituloy yun sa pagkuha nung townhouse dati (south area din), at by the time na magbibigay na kame DP (as in days lang pagitan), naku, nag-positive ako sa PT kit. We have to set aside that plan muna at ang katulad ko eh, sobrang mahal ang maintenance ng pagbubuntis.

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #136 on: March 16, 2011, 06:30:14 pm »
@lisa, oo nga why in tahanan? madami naman magandang houses sa bf na mejo mas mura. almost same lang naman vicinity so halos wala talagang difference tahanan from bf. where ka ba in bf right now?

@lia, true ang sa sari sari store. although i heard from a friend na may mangilan ngilan naman daw house sa bf na merong parang sari sari store. i just don't know where though kaya ruins pa din talaga bagsak namin.

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #137 on: March 16, 2011, 06:40:17 pm »
Jen, yung loan na inapply ko dati sa UCPB nag lapse.. they required me to resubmit the requirements.. Approved na sya pero di ko nagamit agad.. Mabilis naman naprocess after I advised them na gagamitin ko na.. It took less than a week.

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #138 on: March 16, 2011, 06:53:24 pm »
mother weng, windang akech sa pag juggle kay bebe & sa chores & mister! mas may pahinga pa asawa ko kaysa sakin hmp kinacareer ko ang pagiging mother goose ko ngayon pero tong asawa ko pasaway lately, oh well. chores & guys are not really synonymous. i need to remind myself on that sa kasawiang palad :-\

usapang horror ba itey? yung emily rose true to life daw yun diba? dun ko nga lang nalaman na meron pala different kids of devil, in which nakasulat naman talaga sa bible, from legion to ano pang other name na yan. which reminds me, may kakilala akong na possess dati back in my HS days. took the school pastor more than 15hrs to cast the demons away. scurry :-\

mommy tin, yep nakakakita ako and inggit ako sayo kasi d ka nakakakita :P may level level pa yang 3rd eye na yan actually. on the brighter side d ako directly nakakakita unlike others. minsan pa delayed reaction ako sa ganyan, tipong it'll take me until next day to realize na minulto na pala ako ;D which is good atleast d ako agad natatakot kahit na dakilang duwag talaga ako. kahit dito sa tinitirhan namin meron pero DEADMA lang ako. the more na iacknowledge mo kasi sila the more na matatakot ka and tatakutin ka.

sis lisa, how much ang quinny zapp dyan satin? dito nakasale ang quinny zapp xtra nasa $559SGD nalang

i noticed parang puro south ata mga mommies dito, walang taga north?

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #139 on: March 16, 2011, 06:55:37 pm »
Jen, ang loan pag na-approve usually you have 60 days to avail. Otherwise, pa-approve ulit.

Lia, Kim, may friend kasi kaming nakatira sa tahanan and we like the neighborhood. Parang mas secure kesa sa bf? Ang dami kasing small villages pa within bf, di namin alam which area is good.

Lia, 4-bedroom hanap namin or 3-bedroom plus den. Need a room for my parents for when they're in manila. Binebenta na kasi nila yung bahay nila sa qc. Also need a den for hubby's home theater. Ang requirements niya lang ay yan plus a small backyard kasi gusto niya ng dog. Kung may alam ka, let me know naman pls. Thanks.

Kim, better living ako ngayon. Pag bibili na kami ng house, we want sana paranaque alabang area. Pwede abot ng verdana kung may ok don. We regret not buying a lot there before. Pero ang layo daw sa poveda (dito na gusto ni hubby, ayaw na ng woodrose kasi hindi progressive school yon).

Pia, may ate talaga ha. Hee. Yung mga house and lot nanakikita ko nasa 9-11mil range, mga 300-350 sqm floor area.

Grayce, di ko alam how much ang brand new. 2nd hand yung nakita ko, used for 5 months lang daw, 10k. Pero sold na eh.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close