huwaw mga sis, thread 3 na pala tayo! hello sa lahat

! thanks sis abey for the pm and welcome na din (at sa iba pang mga newbies odessa17 at kleinne). masaya nga talaga dito..... hehe
namiss ko na ang kakulitan at kasweetan ng mga gurls....
@sis pumpkin13 - ang cute naman ng story mo, medyo me hawig tayo ng sitwasyon. ang kaibahan lang, ako yung boyish at natotorete sa girl crush ko, hehe. at aalis na sya going to SG this may

gaya nga sabi ng ibang mga sisterets natin, we should talk to our girls about what we feel. i-corner na natin sila ng magkaalaman na, hehe. ang cute ng suggestions - halikan talaga o kaya lasingin, hehe

@sis missybebz - you both have needs - ikaw, to be respected on what you want and do not want. sya naman, to compensate for the longing kasi nasa malayo sya. nothing beats the power of compromising. pag-usapan nyo na lang ulet maigi sis...

@ sis odessa17 - about your story sa babe mo, bigla ko naisip sarili ko. like her, pa-baby din ako sa bahay. bunso eh, hehe, pero getting close to 30 na rin ako

siguro darating din sya sa point na maiisip nya (and also her mom) na it's time to spread her wings and fly on her own... had tried going to exclusive parties twice nung bata-bata pa ako. ok naman sya, dominant ang butch na attendees pero meron din mga hot&pretty ladies...kung malakas ang loob mo, meron at meron kang makikilala. ako nun, ang tanging ginawa ko lang, magmasid, uminom at magbutas ng bangko, hehe, kahit ipagtulakan na ko ng mga frends ko to approach a girl. certified torpe kasi ako kaya single till now:D meron daw upcoming party this apr16 sa manila ocean park sabi ng frend ko. try mo sis, cool din naman, dagdag experience....

@ sis, bubblin - ang lulufet ng mga advices mo! procedural ito, hehe, super idol na talaga kita

at pansin ko nga, mukhang naka-tag na sayo ang pole dancing. madami tuloy naka-antabay. ikaw na ang bagong sfazhiva ng hehe
@ sis summerster - busy on a monthend? naghahawak ka din ba ng "libro"? hehe....
@ sis jaded1025 - ano bang nangyayari pag nagkapalitan ng pins ng BB? parang instant messaging din ba? sorry, mejo lumang henerasyon na ako weh... hehe

@ sisses eich at clumsish - still going better and stronger huh. im so happy na hindi nyo na kelangang magkalayo and you've both decided to build your own dreams na kasama pa din ang isa't isa. go lang ng go! stay happy and in love....cheers to forever! riot na hehe

@ sis 24 - dont worry too much. puro positive vibes lang lahat dapat para masaya esp malapet na ang "big day", yey! and nakakatuwa yung pa-goodshot strategy mo ke mother-to-be huh, winner na winner yun! sana maging ok nga yung first meeting neo on sat...goodluck sis

pansin ko lang din, ang dami gusto mgresign huh! epekto ba ito ng summer? hehe....basta tandaan lang lage ang golden rule, huwag magresign hangga't wala pa lilipatan. sayang naman lalo na't summer, madami pagkakagastusan, hehe
o cea mga sis, napahaba na yata comment ko, sensya na, hehe. naexcite lang ako kasi tagal din hindi nakabisita.....happy summer sa inyong lahat
