^yes sis. ok yung mga mascots! super love them! mickey addict kasi ako kaya di pwedeng walang mickey mascots. hihi! Good thing nakita ko yung mascots ni pink and peach. may iba kasing suppliers na di masyadong kamukha si mickey di ba tapos 2500 yung rate. eh yung kay PPP, 3k/mascot kaya ok na din at least medyo hawig nung nasa disney. hehe.
nakakatuwa nga kasi nung lumabas sila, matagal bago sila nakarating sa stage area kasi pinagkaguluhan na. ayaw ng bitawan ng mga kids sa may entrance. happy ako na namanage din ni chayno, our host, ang crowd.

nagprepare sila ng dance number. tapos kasama namin sila sa candle blowing.
matagal na naman sila nakapagexit kasi binakuran naman ng mga adults yung mga mascots para makapagpapicture. hihi! .. and bago sila tuluyang umalis, kasama namin sila nagpapicture sa photobooth.
chayno was our host. maraming good feedbacks sa kanya dito kaya inupgrade ko yung package. dapat kasi si butch gonzales yun pero naisip ko, si chayno kasi nagcocostume din ng mickey jumsuit kaya pasok sa theme. fluent in english and attentive ang mga kids sa mga games nya. i liked his approach kung paano nya pasasalihin yung mga adults sa games. well, it's new to me. overall, worth it naman ang pagupgrade ko sa kanya.

for the venue dressup, dun ako naging happy din kasi naexecute lahat ng requests ko. initially, kasama sa balloon package ko eh ceiling balloons, pillars, entrance arch, table centerpiece, cake arch at balloon burst. pinalit ko yung pillars and entrance arch sa additional ceiling balloons kasi ang hirap iuwi ng mga yun and ang request ko kasi sa styro entrance signage eh styro arch na parang "mickey park" so no need na maglagay ako ng balloons sa entrance.
nagbigay ako ng preferred design sa cake arch tapos ginawa nya at mas maganda pa
yung sa table centerpieces naman, pinaconvert ko din na simple centerpiece lang pero may mickey print + stuff toy.
yung balloon burst, naginstruct lang ako na 10red balloons (for the major prizes) tapos yung iba, other colors na. binigyan nya ako ng free table centerpiece set dahil last minute nagpadagdag ako ng adult table and 2 plant balloons sa may entrance.

about the swags, 4 colors lang ang nasa contract pero 5 colors ang nakita ko sa event

may mga accents din sya na dinagdag sa ceiling and it's free

overall, dami ko freebies and nagmukhang festive ang venue dahil sa colorful setup!