watch now

Author Topic: Reason's why you end up in CS? Pls do share  (Read 85010 times)

kettlekorn28

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #80 on: August 14, 2012, 09:25:46 pm »
My OB told me na maliit or masikip masyado ang sipit-sipitan (cervix) ko. She just told me about this matter the day before the operation (my 37th week). Tapos yung baby ko paikot-ikot sya, di sya napirme ng pwesto. Kinausap pa nya kami ni hubby ng masinsinan. Alam nya kasi how much I wanted to give birth via NSD. FYI, 4 years kami ni-work up ni OB bago ako nabuntis, so talagang super close na kami sa kanya. She told me na mahihirapan lang ako kasi 3 weeks pa ang hihintayin ko if ever gusto ko manganak via NSD, eh high risk pa naman ang pregnancy ko. When I reached that point na magle-labor na ako, mararanasan ko pa yung hirap ng labor, but in the end masi-CS din ako dahil hindi naman kasya si baby sa sipit-sipitan ko. Kung magdecide kami na i-CS ako, kinabukasan din ng 12 noon, dapat nasa hospital na ako. So nag-decide na kami ni hubby na ma-CS ako, which is the best decision that we've made. Bakit kamo? Wala akong kamalay-malay nung kinagabihan na nagli-leak na pala ang amniotic fluid ko. Clueless talaga ako. Taga-Laguna ako. Sa Teresa, Rizal pa ang hospital na pupuntahan ko. Habang nagbibyahe kami ni hubby, my mom and MIL, namamanas na ako. I thought it was normal, kasi manas na naman ako.

At around 1:30 pm nakaswero na ako. 6:30 pm nakapila na ako sa operating room. At around 7 pm, kinakausap na ako ng pedia. tinatanong nya kung anong pakiramdam ko. then sinabi ko kung anong nararamdaman ko. napangiti sya. sabi nya "Mommy, nagle-labor na po kayo!" Natawa din ako sa sarili ko, kasi di ko rin alam na nagle-labor na pala ako. 7:30 pm, sinisimulan na nila ang pagsesedate sa akin at kung ano-ano pa. The next thing I knew, groggy na ako at may nakaharang ng green na tela para di ko makita yung procedure.

Nung nasa room na ako, naramdaman ko yung nerbyos ng mga kasama ko. Sabi nila "Muntik na kayong mawala ng baby mo." Then I passed out. Kinabukasan, my OB walked in at nagkwento ng nagkwento. She said "Ay naku, tinakot mo ako ng husto! Grabe ang nangyari sa inyo ng baby mo, pati pedia, anes at nurses pinakaba mo. Alam mo bang drained na ang amniotic fluid mo. As in wala ng tumulo nung biniyakan kita. Ine-expect ko na sasabog yung tubig eh, pero wala talaga. At ang baby mo cord coiled! Meron sa tiyan, sa braso at tatlong ikot sa leeg. Ok naman ang UTZ mo di ba. Tapos biglang ganito. Siguro kung na-late lang ng isang minuto ang operation, baka pareho kayo ni baby mo ang nawala! Kung nangyari yun, di ko mapapatawad ang sarili ko kasi apat na taon kita inalagaan. Talagang sinabi ko sa team ko na magpapakulong ako once na may mangyaring masama sa inyo ng baby mo. To tell you honestly, nung kinuha ng isang nurse yung heart beat ng baby mo nung inadmit ka, may fetal distress na. tapos less na yung movement nya. Di ko lang ipinaalam sayo dahil alam ko na ang history mo na nagpa-palpitate ka ng sobra, baka mas lalo lang makasama."

Oh di ba, kinuwentomko na lahat. LOL! Ngayon 5 months na si baby boy ko.  :)

marssie

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #81 on: August 15, 2012, 12:35:22 am »
^ang sweet naman ng OB mo sis :) same case tayo,masikip din sipit sipitan ko,at nalaman ko lang yun day na manganganak na ako, pumutok kasi waterbag ko at 36weeks naman.. nung 6cm na ako at tsaka nagdecide na CS na raw

gheb

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #82 on: August 15, 2012, 12:55:04 am »
@ 32 weeks my water bag broke pero hindi malakas parang unti-unti lumalabas ang water hindi rin dere-deretso. i stayed overnight @ the labor room but then hanggang 4cm lang ako. yun cs for my first baby:)

kettlekorn28

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #83 on: August 15, 2012, 12:57:38 am »
^ oo sis, sweet talaga sya pero istrikta. kitang-kita ko nga sa video yung nangyari sa amin ng baby ko. pumayag sya na magtake ng pictures at kumuha ng video habang nanganganak ako...mga nurses nga lang ang gumawa nun. bawal na daw talaga ang ganun, pero dahil sa favorite nya ako, pumayag sya.  ;D

maliit din pala sipit-sipitan mo. naku, pag na-preggy ulit tayo, CS na naman ito.

mysterious_me

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #84 on: September 05, 2012, 01:18:20 am »
Fetal distress :(

jenie0519

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #85 on: September 05, 2012, 03:40:44 pm »
3 days overdue na ko pero di pa din ako nagle-labor.  Nagcocontract daw ang tummy ko pero di bumubuka ang cervix ko, the reason is si baby imbes na ulo ang nauuna, yung shoulder niya.  Ang explanation pa ni OB, parang si baby daw bumubungo sa nakasarang pinto, baka daw mastress magpoop sa loob ng tummy ko.  Kaya ayun, pinatawag ang parents namin ni hubby at pinagdecide if CS ba or wait pa din, nung una ayaw ng matatanda kasi normal daw sa nanganganay ang maoverdue.
Pero dahil nasstress na din ako sa mga pinagsasabi ng OB ko, pati sila nastress na, pumayag na kaming lahat na i-CS ako nun ding araw na yun...

After the operation, sabi ni OB buti daw nagpaCS na ko, kasi si baby nagpoop na ng konti sa tyan ko.. good thing na nabuksan ako agad kaya di nakakain si baby ng poop...

kh4t3r1n3

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #86 on: September 07, 2012, 04:08:38 pm »
nung 1st cs ko, due date ko na di naman ako naglabor pero the night before naramdaman ko na hirap ako makatulog and medyo madame na ko discharge na watery and may konti red then nung morning nagluto pa ako for lunch before nagpunta sa clinic ng ob ko kasi [textspeak!] nya pumunta ako pag due date ko na at wala pa din ako nararamdamang sign n manganganak na ako. then nung pag-ie nya sa akin 8cm n daw ako and di na ako pinauwi at sabay na daw kmi pumunta ng ospital. pagdating pa ospital pinaglabor ako sa delivery room and nung time na yung humihilab na ang tiyan ko at pinutok na ni dra yun waterbag ko and tinuturuan ako ng mga nurse kung pano umire. ewan ko kung bakit antok ako at nakakatulog habang  nglabor. eh natagalan na masyado wala pa din and dahil wala na water kaya emergency  cs na ako.

ngayon cs ulit ako this oct.17 sana maging ok and safe kame ng baby ko.

pinkpunk

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #87 on: September 10, 2012, 02:11:47 pm »
emergency cs due to fetal distress

incay

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #88 on: September 16, 2012, 09:33:18 pm »
Initially, I went to the hospital for an induced labor it's 3 days past my 40th week already.  Unfortunately, after 3 days of going through induced labor, 3cms pa rin ang dilation ng cervix though my waterbag was still intact. On the 3rd night of the failed induction of labor na-CS na ko.  Gusto ko talaga i-try manganak ng normal kaya lang since day1 ng induction of labor ko, 3cms lang talaga dilation ko then sabi ng OB ko, instead na bumaba si baby mas umakyat sya kaya yung mga IE sessions namin sobrang hirap & sakit. Thank God kahit slightly overdue na si baby yung amniotic fluid sa tummy ko although running very low was still very clear, meaning di pa naka-pupu si baby sa loob.  :)

DaintyMe

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #89 on: September 17, 2012, 04:21:19 pm »
Overdue na si baby at tumaas pa ang sugar ko. Nagperform ng IE si doc kung ilang cm na, 0 daw. Kung i-induce labor naman ako mababa ang probability na maging successful. Saka lumaki na si baby, baka hindi magkakasya sa pelvic bone ko. Kaya nagdecide kami ni hubby na CS na ko. Tama ang naging desisyon namin, dahil cord coil din pala si baby.

Ann_2128

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #90 on: September 17, 2012, 04:38:04 pm »
First born ko CS kasi breech presentation

2nd baby after 10 years CS pa rin, transverse naman ang position niya

kakaiba talaga ang tubo ng mga anak ko :)

hailey06

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #91 on: September 18, 2012, 04:05:17 pm »
Baby was in breech presentation.  My OB tried to turn her around pero ayaw talaga umikot.  Turned out, the cord is wrapped around her leg.  Also, I had high blood pressure from I think 6th month.  So no choice talaga, 3 reasons na for CS.
I'm currently pregnant with my second child.  I was looking to have normal delivery but apparently, it will only cost me more since I'll be a high risk patient.  So we agreed for a scheduled CS again.

switblububbles

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #92 on: September 18, 2012, 06:01:34 pm »
Abruption of placenta at 7cm...

mishyewarians

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #93 on: September 18, 2012, 09:46:21 pm »
Initially, I went to the hospital for an induced labor it's 3 days past my 40th week already.  Unfortunately, after 3 days of going through induced labor, 3cms pa rin ang dilation ng cervix though my waterbag was still intact. On the 3rd night of the failed induction of labor na-CS na ko.  Gusto ko talaga i-try manganak ng normal kaya lang since day1 ng induction of labor ko, 3cms lang talaga dilation ko then sabi ng OB ko, instead na bumaba si baby mas umakyat sya kaya yung mga IE sessions namin sobrang hirap & sakit. Thank God kahit slightly overdue na si baby yung amniotic fluid sa tummy ko although running very low was still very clear, meaning di pa naka-pupu si baby sa loob.  :)


Samehere sis..due to failed induction.. 3days sa LR.. :)

yohan_louis

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #94 on: September 21, 2012, 02:03:12 am »
CS ako sa 3rd baby ko kc malaki daw siya 4.05 sa ultra sound at overdue na siya. Di rin daw bumababa si baby di siya maabot ni ob pag IE niya ako. Pinainom din ako ng buscopan yata yon pampahinog daw ng cervix nong mga 40 weeks pregnant ako para maglabor na pero wala. Sched ako ng CS 4 days before mag 42 weeks. Pagdating sa emergency IE ako at may lumabas na tubig. Since gusto ko sana normal pa rin ako wait kami ni OB kung may progress ang labor ko kc 1 cm na siya nong time na yon. After 4 hrs 1.5cm lang daw at wala akong maramdamang labor pains or contractions. Pag IE ako saka lang may lumalabas na tubig at sabi ni OB di pa rin daw bumubuka cervix ko and nakapopo na daw si baby. Ayon CS ako. Natry ko ang CS at normal delivery. Takot na takot pa ako non sa sugat ko pero after 2 days linis ni OB nagulat ako parang walang sugat para lang syang scratch ng pen sa tummy. After 1 week pa check up ako at namasyal na sa mall. Yong 1 month check up ko don nagulat si ob na naglalakwatsa na daw ako kc nalaman niya bumyahe pala ako ng malayo buti daw at di nagagalit mga matatatanda sa akin. Ask ko sya kung bawal di naman daw basta kaya ko.

chrisann

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #95 on: September 23, 2012, 12:58:57 pm »
Fetal macrosomia... Big daw si baby. My OB estimated she'll be a 9-pounder and the Ultrasound confirmed her weight is within that range so we opted to have scheduled CS at 39 weeks. I gave birth to a healthy and active 8.8-lb baby girl. :)

chizmosato

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #96 on: September 23, 2012, 11:21:19 pm »
Stayed at 4cm for 12hrs kahit nilagyan na ako ng pampahilab. Sabi ng ob, expect cs delivery on consecutive deliveries kasi hindi lumalaki cervix ko...  :(

agatha19

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #97 on: September 23, 2012, 11:35:40 pm »
Abruption of placenta at 7cm...
sis, may i ask, what happened?

**My Sweet November**

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #98 on: September 27, 2012, 03:15:59 am »
Ako naman tumataas ang BP ko upon reaching 32nd week ewan ko ba hindi na nga ako halos kumakain ng carbo :(

Na pre eclampsia naman ako on my 1st baby...sa 2nd baby inobserved lang ako sa hospital for half day pero less fetal movement na si baby & tumaas na naman si BP...ayun na CS na naman :(

Now preggy again going on my 25th week, for sure CS na ito...as of now okay pa kami ni baby. Walang complications or whatever, thanks God!
« Last Edit: September 27, 2012, 01:34:51 pm by **My Sweet November** »

bibibuy

  • Guest
Re: Reason's why you end up in CS? Pls do share
« Reply #99 on: September 27, 2012, 04:44:55 am »
40 weeks and 3 days wala akong nararamdamang paghihilab or anything. i just decided to go to the hospital and asked my ob to open me up. good decision kasi cord coil na and ng pupu na baby ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close