watch now

Author Topic: **sINGAPORe PART 7**  (Read 104619 times)

tanya1109

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #560 on: April 28, 2012, 09:49:13 pm »
^thank you sis assie! good for you nakakuha kayo ng master's room. May nakuha na kami pero common room lang. Madami din kaming nakitang master's room for rent sa mga ads pero hindi sila pumapayag ng may kasamang baby.,5months old pa lang baby ko.

Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #561 on: April 28, 2012, 11:16:35 pm »
^naku mahirap pag may baby kayo. sobrang madalang ang pumapayag ng rent ng room na may baby. either you get a whole unit then parentahan nyo yung ibang rooms OR try to ask around sa mga kakilala. kami what we did is nag rent kami ng buong unit with hubby's friends.

tanya1109

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #562 on: April 29, 2012, 09:15:42 am »
^tama ka sis grayce ganun na nga ang nangyari. Bali yung makakasama namin sa room pamilyang pinoy din na may kid, sila ang kumuha nung whole unit tapos nagmessage lang sila samin sa pinoysg kung gusto namin ioccupy ang isang common room nila. Pumayag na rin kami kasi wala talaga kami makuha at gusto namin pinoy ang kasama sa bahay.

Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #563 on: April 29, 2012, 03:22:49 pm »
^buti naman may nahanap kayo :) kami baka next year lipat na naman. hay every year nalang nakakapagod na minsan. pinagiisipan pa namin kung kukuha kami ng flat kasi depends kung meron kami mahanap na kashare na kakilala. ang ayoko lang kasi puros boys ang kasama namin panigurado, makalat sa bahay ::) masakit sa bangs manita palagi

tanya1109

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #564 on: April 29, 2012, 07:16:15 pm »
^same sentiment tayo sis, ayoko din ng makalat sa bahay. Nature na siguro nateng mga girls yan. Kaya nga inassure ko muna na dapat pwede kaming umalis dun anytime kapag hindi namin nagustuhan ang pakitungo ng mga makakasama namin. Mahirap na kasi may baby pa naman kami.

assie

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #565 on: April 29, 2012, 10:45:35 pm »
Ako naman iniisip ko dati maghanap ulit after ng contract kasi NO COOKING allowed... pero si auntie landlady kahit deaf, super maasikaso kay hubby habang wala ako, napapansin nya pag di lumabas ng kuarto at alam nya na di naghaponan:( naghahatid sya ng pagkain at super concern sya if maayos ba pagtulog nya at ano pa kailangan nya, kasi kalilipat lang ni hubby at di pa ako nakakasunod kaya wala pa kaming gamit, pinapili nya si hubby ng ipapahiram na kumot at pinapili kung alin mas gusto nyang gamiting at sabi nya lalabhan nya muna para mas mabango.. Para talaga syang nanay, swerte naman namin kaya siguro di na kami lilipat...

tahimik din daw kasi ang place di dahil deaf si auntie kundi dahil, tatlo lang kaming renter nya, isang chinese student sa isang common room at sa isang common room silang dalawa ng anak nyang student tapos samin naman ang masters. So, lima lang kami, bunos na kasi may parang nanay na maalaga:)

Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #566 on: April 30, 2012, 01:11:55 am »
^you guys are lucky with your landlord! nagkaroon kasi kami ng disaster landlord before na super pinapakialaman kami. nagulat nalang kami tinry pa contacin relatives ko dito ::) ang reason nila is sila daw ang landlord and may right sila makialam. wow ha.

^^on top of kalat, isa pang issue is yung considerate sa mga kasama sa bahay. eto and cleanliness ang madalas na issue ata talaga pagdating sa ganito noh? primarily sa common area. minsan kahit na may cleaner kami na pumupunta every 2weeks dati, ang kalat parin kasi napapabayaan ang common area. tapos maghuhugas ng dishes ni hindi nililigpit after matuyo, or nakasalpak ang buong kaserola sa dish dryer! kaloka. :-\

tanya1109

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #567 on: April 30, 2012, 06:03:38 am »
^add ko lang mga sis yung naexperience ng friend namin. Local ang naging kasama nila sa bahay. Meron din silang baby. One day umiiyak yung baby nila, naingayan yata si local, ayun pinalayas sila nun din mismong oras na yun. Wala silang contract kaya wala silang habol.

snowflakes

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #568 on: April 30, 2012, 10:38:17 am »
magkano pamasahe from philippines to singapore?

Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #569 on: April 30, 2012, 12:03:43 pm »
^check airline websites

^^not all people kasi can understand the challenge of having a baby, and also to have the patience ba. kaya mababa rin birth rate dito kasi madami ayaw magkaanak

snowflakes

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #570 on: May 02, 2012, 04:13:51 am »
^ ay sorry bawal magtanong ng price dito? [textspeak!] check ko  na lang baka lang kase may promo na di ko alam since wala naman ako sa pilipinas. salamat

Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #571 on: May 02, 2012, 04:53:37 am »
^lahat naman ng promo naka publish sa mga airline websites. and majority ng nagpopost dito are also not in pinas. and i never said anything na bawal magtanong so no need for sarcasm :)
« Last Edit: May 02, 2012, 04:56:00 am by Grayce »

wintersolstice

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #572 on: May 20, 2012, 02:02:48 pm »
hello po. pasali po newbie here. 3weeks palang ako dito sa sg. :)

assie

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #573 on: May 21, 2012, 06:06:37 pm »
hello po. pasali po newbie here. 3weeks palang ako dito sa sg. :)

Ako may 16 pa lang, la pa yatang 1 week ;D Gusto ko na umuwi sa pilipinas.... Hahaha

streetsmartgirl

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #574 on: May 21, 2012, 10:49:43 pm »
^^hi mga sis, job hunting ba kayo dyan o may work na kayo? :)

wintersolstice

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #575 on: May 28, 2012, 01:45:41 pm »
^ on dependant's pass pero najojob hunt din. hirap makahanap ng work sa hospital dito :(

^^ ako din nahohomesick miss ko na baby ko :(

Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #576 on: May 29, 2012, 02:59:12 am »
^most hospital jobs here are hired in manila via an agency AFAIK. when i gave birth kasi nakipagchikahan ako sa pinay nurses na assigned sakin nun and that's what they said.

wintersolstice

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #577 on: May 29, 2012, 04:17:37 pm »
^ ah talaga sis? ayaw kasi ni hubby dumaan ako ng agency. :( btw, medical technologist ako not a nurse. nonetheless mahirap parin makapasok sa hospital jobs lalo na very strict and specific sila sa specialization mo. :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close