watch now

Author Topic: **sINGAPORe PART 7**  (Read 104960 times)

blooming

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #240 on: June 22, 2011, 09:50:47 pm »
Passport renewal, lahat ata tayo may kanya-kanyang story to tell. Sakin naman, naalala ko nakarating ako ng embassy before 8am.  Naka 100+ ata yung number ko pero pasok ako sa quota na 150.

Pagpasok sa loob, susme, ang bagal ng line.  9am na, parang wala pang 10/15 yung number!!!  Tapos napansin ko ang bottleneck is pagdating sa counter, tsaka lang nila i-ch-check yung docs.  Tapos napakasuplada nung nasa counter (kasi siguro maikli pasensya), sinisigawan yung mga DH na nag-r-renew na parang mga bata kausap nya, at the same time naka microphone sya. 

Around past 9, lumapit nako sa loob ng office, kinausap ko yung head nila sa processing. Sabi ko, ano ba puede gawin para mapabilis ang line?  Puede ba ako tumulong icheck yung mga docs ng mga nauna sakin para mabilis ako sa pila?  Kako 2nd balik ko na, sobrang inconvenient.  Tapos buti nalang nakulitan siguro sakin, inuna na nya yung processing ng passport ko kasi complete na docs ko, wala na rin kelangan i-alter.  Buti nalang, puede sila pakiusapan. 

Pero overall, may flaw talaga sa pagprocess ng passport satin.  Una una, dapat malinaw ang explanation sa bawat blank sa application form - kung paano fill-up-an.  Kung nakapaskil lang yun, wala sana silang problema.  Tapos, kung lumabas sana yung mga walang ginagawa sa office, at tumulong sa pagcheck ng pagfill up ng form, baka bumilis pila or malay mo, baka puede tumaas ang capacity nila ng number of passports they can process in a day.

Yung machine nga daw bottleneck nung andun helper namin. Nakadalawang balik din sya because of the machine.  Kawawa talaga itsura ng embassy natin dito, to think ang daming Pilipino dito. Dapat madali silang macontact, esp for emergency cases. Di ko alam ang ginagawa ng mga binabayad nating mga DFA/OFW fees.






Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #241 on: June 23, 2011, 12:18:17 am »
blooming, nung 1st time ko makapunta ng embassy natin nagulat ako na garahe lang pala cya. buti now nagrerenovate na sila. mas ok na ngayon actually and mas madami nang chairs na pwede upuan.

kayesl, pag change surname automatically renew na ulit ng passport kasi e-passport na tayo ngayon. ganyan kasi ginawa sakin.

ang expedite passport renewal processing satin daw would take 3 weeks. grabe. kaya expect delay talaga kasi galing pa ng pinas ang mga passports.

and speaking of ph embassy, finally! after 150 years may sumagot narin from the embassy at ready na passport ng baby ko. grabe 3 months inabot! :(

kRiStAh

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #242 on: June 23, 2011, 12:26:11 am »
hi mga sis s sg, i'm already in sg and start na work ko. i just want to ask regarding buses here. i'm staying spottiswood park road and work place ko sa mapletree business city how do i get there by bus? what bus numbers should i ride back and forth?

and also the company has given me only 2 weeks of free accomodation afterwards i'll have to get my own. any suggestion as to where can i get a cheap accomodation and is near to my office? i need a master bedroom as i'm processing my husband's DP already.

Thnks po! sana may sumagot really need help here. i don't know anyone here in sg. thanks!

Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #243 on: June 23, 2011, 05:35:22 am »
^check pinoysg.com to look for rooms. then gothere.sg for you to know your way around singapore i.e. what bus to take etc.

chinkee

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #244 on: June 23, 2011, 09:48:17 am »
sis kristah,

join ka sa forums sa pinoysg.com andami tips dun for Pinoys in Singapore plus marami ka pa makikilalang friends.. In terms naman of accommodation, go to sites such as Propertyguru.com.sg or Iproperty.com.sg (take not of the previous posts about agents and agent fees ha..).. or gumtree.sg marami din mga postings dun..

as for transportation, I use gothere.sg or streetdirectory.com pag hindi ko alam puntahan yung place.. Madali lang naman ang transpo system dito sa sg.. I learned fast dahil taga-commute din ako nung nasa pinas ako...

satumom

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #245 on: June 23, 2011, 10:36:05 am »
mga sis, bukod sa lucky plaza and yung sa marina square saan pa may kainang pinoy dyan sa Sg? yung pinsan ko kase naghahanap pa ng ibang makakainan na pagkaing pinoy.
thanks

Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #246 on: June 23, 2011, 10:52:06 am »
mama luz, meron mang kiko's sa makansutra & sa may somerset, near skate park. tapos meron rin sa kopitiam at tampines mall. there's also 1 sa kopitiam at novena square..

satumom

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #247 on: June 23, 2011, 11:09:53 am »
thanks mother, tinext ko agad sa kanya :) si hubby kase, nung tinanong ko, walang ibang kainang pinoy kundi yung sa lucky plaza saka sa harbourfront daw.

nabasa ko yung post about sa renewal ng passport.  Maski dito sobrang tagal din.  Sabi ng friend ng boss ko na consul dito, materials daw ang kulang kaya sobrang tagal.

mavhy

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #248 on: June 23, 2011, 03:33:19 pm »
Any sis here na Iglesia ni Cristo? I have a friend kasi na gusto pumunta ng SG and Iglesia sya, nagwoworry sya na baka wala sya masambahan.

May nasearch ako na mga local pero di kami sure :(

Sa lokal po ng Singapore West: +65 94779095 (K Rey - 2nd PD ) Jurong East Area

Singapore North : +65 92712084 ( K Ronnie - 1st PD) Woodlands Area

Singapore Midland: ( Geylang Area )

Pafeedback naman mga sis, thanks! :)

mystique

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #249 on: June 23, 2011, 06:08:56 pm »
^meron INC dito sa SG sis.. I have a friend na Iglesia ni cristo and may sinasambahan sila.. actually nun housemate ko sya dati.. if hindi sya umaattend for awhile pinupuntahan sya sa flat nun mga kasamahan nya to check up on him. :)

blooming

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #250 on: June 23, 2011, 08:39:54 pm »
hi mga sis s sg, i'm already in sg and start na work ko. i just want to ask regarding buses here. i'm staying spottiswood park road and work place ko sa mapletree business city how do i get there by bus? what bus numbers should i ride back and forth?

sis, tama sila. check mo gothere.sg.  Sasabihin nya sa iyo where to take the bus and where to alight.  ang challenge lang nga is counting the bus stops, minsan kasi hindi tumitigil ang bus kung walang sasakay, minsan naman may madadaanan kayong bus stops pero hindi talaga sya stop ng bus na sinasakyan mo. sa bookstores or sometimes 7-11 din, they have a small booklet that enumerates all the bus numbers and all their bus routes.  So kung nakuha mo na ang bus number na sasakyan mo from gothere.sg, you can check out kung san na kayo dumadaan para alam mo san ka bababa.

another way is to check googlemaps, para kahit papano, alam mo itsura ng dadaanan ng bus at kung san ka bababa.  once bumaba ka ng bus stop, alam mo rin if you are to go right, left, north/s/e/w.

be ready mawala. I find their directions very confusing at times, plus hindi din friendly lahat ng tao. kaya kung mawala ka, ok lang. maliit lang naman Sg  at di ka naman lalayo.  ;D



and also the company has given me only 2 weeks of free accomodation afterwards i'll have to get my own. any suggestion as to where can i get a cheap accomodation and is near to my office? i need a master bedroom as i'm processing my husband's DP already.


you ask your company HR baka may marefer din sila. pero what would be helpful is kung ishortlist mo muna yung list of towns na ine-eye mo. then from there ikaw magscout ng agents. try mo din sa propertyguru.

sardonyx

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #251 on: June 23, 2011, 11:05:10 pm »
sis satumom, may pinoy food din sa  kopitiam at jurong point :)

kayesl

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #252 on: June 24, 2011, 01:12:50 am »
so far, aside from LP, eto yung mga places na alam kong may pinoy food:

mang kiko's at makansutra (nr esplanade), lau pa sat, orchard
tapa king at lau pa sat, century square tampines
gerry's grill at rasapura masters MBS

meron bagong bukas sa kopitiam sa simei (beside eastpoint mall daw. havent been there yet...)
meron din sa kopitiam sa tampines mall
meron din daw sa harbourfront
syempre yung 7,100 sa marina square (na ubod ng mahal)
kamayan restaurant (Tanjong Pagar Road)
bonifacio restaurant (Kreta Ayer )

meron pang iba pero tinatamad na akong i-google. hehe

mavhy

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #253 on: June 24, 2011, 08:12:56 am »
Thanks sis mystique! :)

marsh_candy

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #254 on: June 24, 2011, 08:38:51 am »
hi mga sis s sg, i'm already in sg and start na work ko. i just want to ask regarding buses here. i'm staying spottiswood park road and work place ko sa mapletree business city how do i get there by bus? what bus numbers should i ride back and forth?

sis, isama ko lang, i usually use www.streetdb.com, mas preferred ko sya and mas sanay lang ako.. yun nga lang, magbibilang ka ng bus stops.. Sa iPhone ngayon, may streetdirectory GPS apps, grabe, never nako nawala haha..

nakup, nakalimutan namin i-follow up passport ni hubby.. May 25 dapat 8 week nya.. naku, 3 mos na nga to.

Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #255 on: June 24, 2011, 10:49:43 am »
kayesl, dba matagal na yung kopitiam sa simei? nakakain na kami dun a few times pero d na ako bumalik nung nakakita ako ng malaking daga doon :o

mama luz, balita ko nga kahit dyan ang tagal. hay ang ever efficient na gov't talaga natin kahit kailan o... ::)

kayesl

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #256 on: June 24, 2011, 01:13:51 pm »
sabi nga nung friend namin may pinoy food sa simei area.  pero accr to the flyer na binigay nung weekend sa divine mercy, bago daw.  dunno din... wala din naman kami balak puntahan kasi parang pareho lang food nung nasa tampines mall.  (at kaya ko naman lutuin mga food doon - except for sisig :P)

Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #257 on: June 24, 2011, 01:24:02 pm »
^same reason why i dont eat at LP ;D except for mang kiko's. mahilig kasi talaga ako sa liempo and bbq. kaso grabe ang mahal ng bbq sa mang kiko's, $5.50 ata yun pero 2 sticks and malaki naman laman.

blooming

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #258 on: June 24, 2011, 09:19:12 pm »
meron pa akong nakita sa marina square one time - 7001 islands ata ang name. Pero kumain kami once doon, disappointed ako. so far, wala pakong natitikman na ok na sisig.

sa may upper thomson dati, meron isa. disappointing din, kaya ilang buwan lang, nagsara na.

marsh_candy

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #259 on: June 24, 2011, 11:55:44 pm »
yeah, meron na nga dito sa simei.. actually, nagclose yung dati at kaka-open lang ng bago. Lutong Pinoy masarap. Naku sa 7100, naku sobrang mahal! syempre, marina square eh hehe.. sa Kabayan, di ko malimutang ang ipis sa halo-halo.. ayaw pa aminin ni ate na ipis halo-halo.*pasintabi po* ;D.

Mang Kiko, mahal din.. Sa Tampines Mall, ok naman..

Naku, di lang ako makaget-over sa sobrang mahal ng Likas Papaya sa Katipunan hehe.. $4.95 at $5.95/pc. Makabili nga ng madaming LP pag-uwi.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close