Passport renewal, lahat ata tayo may kanya-kanyang story to tell. Sakin naman, naalala ko nakarating ako ng embassy before 8am. Naka 100+ ata yung number ko pero pasok ako sa quota na 150.
Pagpasok sa loob, susme, ang bagal ng line. 9am na, parang wala pang 10/15 yung number!!! Tapos napansin ko ang bottleneck is pagdating sa counter, tsaka lang nila i-ch-check yung docs. Tapos napakasuplada nung nasa counter (kasi siguro maikli pasensya), sinisigawan yung mga DH na nag-r-renew na parang mga bata kausap nya, at the same time naka microphone sya.
Around past 9, lumapit nako sa loob ng office, kinausap ko yung head nila sa processing. Sabi ko, ano ba puede gawin para mapabilis ang line? Puede ba ako tumulong icheck yung mga docs ng mga nauna sakin para mabilis ako sa pila? Kako 2nd balik ko na, sobrang inconvenient. Tapos buti nalang nakulitan siguro sakin, inuna na nya yung processing ng passport ko kasi complete na docs ko, wala na rin kelangan i-alter. Buti nalang, puede sila pakiusapan.
Pero overall, may flaw talaga sa pagprocess ng passport satin. Una una, dapat malinaw ang explanation sa bawat blank sa application form - kung paano fill-up-an. Kung nakapaskil lang yun, wala sana silang problema. Tapos, kung lumabas sana yung mga walang ginagawa sa office, at tumulong sa pagcheck ng pagfill up ng form, baka bumilis pila or malay mo, baka puede tumaas ang capacity nila ng number of passports they can process in a day.
Yung machine nga daw bottleneck nung andun helper namin. Nakadalawang balik din sya because of the machine. Kawawa talaga itsura ng embassy natin dito, to think ang daming Pilipino dito. Dapat madali silang macontact, esp for emergency cases. Di ko alam ang ginagawa ng mga binabayad nating mga DFA/OFW fees.