watch now

Author Topic: Paglilihi  (Read 184038 times)

ayami

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #120 on: April 20, 2017, 05:46:02 pm »
3rd pregnancy ko without hilo or pagsusuka. I don't feel pregnant ngayong first trimester. Food aversion: chocolate! Kung ano pang favorite ko hehe.

I'm assuming boy na naman siguro ito (I read a myth pag mas maselan girl). How true kaya? Haha mukhang sasali na naman ako sa Coping with gender disappointment thread :))

MalditaNgaAko

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #121 on: June 22, 2017, 01:55:11 pm »
From 8 weeks until recently (i'm on my 11th week), wala akong gana. Ayaw ko sa lahat ng food. Hirap din uminom ng water. Tried orange juice and mango juice, sinusuka ko lang. anyone na nakaranas ng ganito? Pano ginawa nyo? Kinakabahan ako baka walang nutrients si baby.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #122 on: June 22, 2017, 06:38:13 pm »
^naexperience ko rin yan. Ang ginawa ko ganito.
-crackers or sky flakes sa morning and pag hindi ako makakain
-fruits
-smoothies pede mix fruits pero madalas banana smoothies
-soup

Ganyan muna kinakain ko before start ng main meal or kung ano gusto ko kainin. Kapag hindi mo rin alam paano ka gaganahan kumain talk to your ob.

MalditaNgaAko

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #123 on: June 23, 2017, 10:22:27 am »
^thank you sis! anong milk ang nilalagay mo sa smoothie mo? Pwede ba tayo chocolate drink like milo kunyari? Kasi di ba pag cocoa nakaka induce ng labor?

Shadow Angel

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #124 on: June 23, 2017, 02:05:03 pm »
^sabi ng ob ko ok lang chocolate drinks basta in moderation. Almond or soya milk gamit ko palitan lang di kasi ako pede sa dairy milk.

bollin_pop

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #125 on: July 06, 2017, 01:49:30 pm »
Ang paglilihi ko naman ay nakakatawa...
Hanggang PANAGINIP naglilihi ako...  ;D
napapaginipan ko yung mga gusto kong kainin.
Tapos nakakaginhawa din sa pakiramdam kapag kumain ako nun.

Ngayong 2nd trimester na - ok ok na ako.. :)

Anyone had the same experience? Or baka sadyang ang takaw ko lang :D

yn061515

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #126 on: July 06, 2017, 02:28:53 pm »
^ pregnancy causes us to have weird dreams... as in super mega weird... nabasa ko somewhere hihi.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #127 on: July 06, 2017, 04:43:57 pm »
^^ako ganyan din ako sa pagkain ng 1st trimester ko hanggang panaginip kaya kailangan makain ko pag gising ko.

bollin_pop

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #128 on: July 06, 2017, 04:50:27 pm »
Kaya naman pala sis yn061515, kung ano ano din napapaginipan ko haha :)

Ayun di ako nag-iisa sis Shadow Angel :D

Wala pa naman akong super weird food combo na gusto. 
Isang beses lang yung gusto kong food - dapat galing taga Bulacan.
Effort tuloy pero after nun ang sarap sa pakiramdam..   ;)

Shadow Angel

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #129 on: July 06, 2017, 04:52:52 pm »
^ no weird foods craving ako or something na kailangan ipagawa sa asawa.

Aftergl0w

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #130 on: July 13, 2017, 04:01:33 am »
I'm not sure if this is the right thread, but normal lang ba na mas easily sexually aroused ang babae pag buntis?  :-\ :-\ :-\

Shadow Angel

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #131 on: July 13, 2017, 06:31:40 am »
^yap sabi ni OB it's either mas active or wala naman gana. Ako dun ako sa walang gana pero may mga gabi na magigising ka dahil aroused ka ang weird lang pero no sweat basta kasama mo si mister no problem.

iceheaven31

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #132 on: July 13, 2017, 10:11:55 am »
I'm not sure if this is the right thread, but normal lang ba na mas easily sexually aroused ang babae pag buntis?  :-\ :-\ :-\

ang mahirap dito is yung aroused ka pero pinagbawal naman ng doktor, like for our case on the first trimester. tiis-ganda e.

Aftergl0w

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #133 on: July 16, 2017, 12:26:17 am »
^True. Kami naman, no matter how "hot" I get we don't do it anymore kahit hindi naman kami pinagbawalan. We both feel so uncomfortable na. In my case, malaki na ang tummy ko. Mabigat everytime I move. Si hubby naman, he said he feels scared daw kasi parang ma-harm si baby. Haha. Kaya tiis2x nalang muna.

I've also googled about it and read other pregnancy forums. I felt less guilty to find other soon to be moms who feel the same. Akala ko ako lang. I was worried kasi feeling ko I have these impure thoughts at baka maka affect kay baby! Weird. But I guess it's just the hormones. Whew.

ilikemarvel

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #134 on: July 19, 2017, 02:57:16 pm »
Hi moms!

First time ko po dito. And I would like to ask something lang.

I am currently 4 days late on my period. Nag take po ako ng PT kanina and negative naman. Pero nakakaramdam po ako ng pagkahilo at minsan ay naduduwal ako. Napapansin ko rin po na madalas masama ang pakiramdam ko. 2 weeks ago nung nag start ako makaranas ng pagkahilo. Hirap na hirap ako makatulog na para bang ang init init  ng pakiramdam ko. Tapos kung [textspeak!] anong pagkain ang naiisip kong kainin.

Medyo nagpapanic po ako kase I had my wisdom tooth extracted at nag take ako ng antibiotics for a week. Which is bawal kung buntis nga ako dahil makakasama yun sa baby. Tsaka nagkaron na ako ng miscarriage dati. At ganitong ganito din ang nangyari sa akin. I was pregnant ng di ko namamalayan. Irregular kasi ang menstruation ko non. Nag PT ako ng ilang beses pero puro negative. Nagulat na lang kami ng biglang sumakit ang puson ko tapos may liquid na umagos coming from my vagina. Ang sunod non, bata na pala.

Kaya ganito na lang po ako mag panic ngayon tuwing nadedelay ako tapos  negative ang result ng PT.

Ang tanong ko lang po, meron po ba sa inyong nakaka-experience  o naka-experience ng ganito? Is there a chance na pregnant ako? O baka dahil lang sa stress or baka side effects ng medication kaya ako delayed.

Rein2915

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #135 on: July 31, 2017, 10:49:50 am »
Hi guys. ☺ i'm on my 8 weeks na po. Swerte nung mga hindi maselan maglihi 😭 ako i feel nauseous all day everyday. Ag start nung 6 weeks ko. Hindi ako nagsusuka pero pakiramdam ko araw2 may sakit ako. Then sa food ayon wala gana. Pinipilit ko na lang din. Ayaw ko ng mga amoy ng fried fish. Kahit yong favorite fish ko ayaw ko. Pati pansit canton. Sa gatas bihira ako uminom dahil naiisip ko pa lang ng titurn na stomach ko.. ang hirap [textspeak!]. Yong panglasa ko mapait halos lahat food di masarap. Parang my sakit ka talaga. Nagwoworry ako kung may nutrients ba nakukuha baby ko. 🙁 sana matapos na to. Have a safe paglilihi guys. ☺ 

Maxim04

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #136 on: September 13, 2017, 12:27:09 am »
^ Hi Sis! Onga some buntis are maselan daw talaga ang some moms need to quit their jobs to focus on pregnancy blues.  :'(

I am one of the lucky ones na walang hassle sa pagbubuntis. The moment i knew i was pregnant at 6 weeks, kinakausap ko na si baby na wag kami mahihirapan pareho.  :D  Pre pregnancy hindi ako maselan sa food, i literally eat anything and sinet ko lang sa mind ko na ngayon namang preggy ako, mas kailangan ko ng nutritious food kaya hindi ko naman so far na-experience ang pagsusuka whole day long. I also take milk once a day. This is contrary to the doctor's advise na take 2 glasses of milk everyday. KAsi medyo big na si baby and one factor daw is yung gatas. So i just cut down the amount na iniinom ko. hehe.  ;D

eihsy11

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #137 on: September 13, 2017, 12:18:59 pm »
Hi moms!

First time ko po dito. And I would like to ask something lang.

I am currently 4 days late on my period. Nag take po ako ng PT kanina and negative naman. Pero nakakaramdam po ako ng pagkahilo at minsan ay naduduwal ako. Napapansin ko rin po na madalas masama ang pakiramdam ko. 2 weeks ago nung nag start ako makaranas ng pagkahilo. Hirap na hirap ako makatulog na para bang ang init init  ng pakiramdam ko. Tapos kung [textspeak!] anong pagkain ang naiisip kong kainin.

Medyo nagpapanic po ako kase I had my wisdom tooth extracted at nag take ako ng antibiotics for a week. Which is bawal kung buntis nga ako dahil makakasama yun sa baby. Tsaka nagkaron na ako ng miscarriage dati. At ganitong ganito din ang nangyari sa akin. I was pregnant ng di ko namamalayan. Irregular kasi ang menstruation ko non. Nag PT ako ng ilang beses pero puro negative. Nagulat na lang kami ng biglang sumakit ang puson ko tapos may liquid na umagos coming from my vagina. Ang sunod non, bata na pala.

Kaya ganito na lang po ako mag panic ngayon tuwing nadedelay ako tapos  negative ang result ng PT.

Ang tanong ko lang po, meron po ba sa inyong nakaka-experience  o naka-experience ng ganito? Is there a chance na pregnant ako? O baka dahil lang sa stress or baka side effects ng medication kaya ako delayed.

hi sis. much better po na mag consult ka sa ob mo.  kasi para mabigyan ka niya ng pwede mong ipalabtest or pwedeng ipagawa sayo.

eihsy11

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #138 on: September 13, 2017, 12:21:58 pm »
Hi guys. ☺ i'm on my 8 weeks na po. Swerte nung mga hindi maselan maglihi 😭 ako i feel nauseous all day everyday. Ag start nung 6 weeks ko. Hindi ako nagsusuka pero pakiramdam ko araw2 may sakit ako. Then sa food ayon wala gana. Pinipilit ko na lang din. Ayaw ko ng mga amoy ng fried fish. Kahit yong favorite fish ko ayaw ko. Pati pansit canton. Sa gatas bihira ako uminom dahil naiisip ko pa lang ng titurn na stomach ko.. ang hirap [textspeak!]. Yong panglasa ko mapait halos lahat food di masarap. Parang my sakit ka talaga. Nagwoworry ako kung may nutrients ba nakukuha baby ko. 🙁 sana matapos na to. Have a safe paglilihi guys. ☺

HI rein.. ako naman 1st trim ko ganyan ako sa foods sis. wala akong gana kaya nangangayayat ako. pero normal sakin pag ganun sis. 18 weeks na ko ngayon parang nasa moment ako na mahilig kumain. unlike nung 1st trim.

babygrace14

  • Guest
Re: Paglilihi
« Reply #139 on: August 13, 2020, 08:51:11 pm »
10 weeks pregnant pero sobrang wala akong ganang kumain tapos ang pait pait ng panlasa ko pag iinom ng tubig.  Okay lang ba yung ganyan sa pag bubuntis. Ang hirap lang kasi hindi makakain ng ayos.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close