watch now

Author Topic: Lending Money to Relatives  (Read 68751 times)

yellowpie

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #240 on: December 17, 2013, 02:52:39 pm »
I'm not usually nagpapa-utang kase nahihiya ako maningil..pag merong nanghihiram na relatives I always direct them to my father para lumalabas na sa father ko sila may utang pero galing sa'kin ang money..para pag singilan si father dear ang maninigil  ;D pag ibang tao naman like friends na hindi mahindian..I'm just giving amount na kaya kong kalimutan not the whole amount na kailangan nila..sa ngaun kase pag sinabing "pautang" para na ring sinabing "pahingi".

sugardrop

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #241 on: December 18, 2013, 09:48:58 am »
I once decided to cut my ties with my relatives from my dad's side from all but one tita who really loved me and my dad. Usapang lupa, they didn't want to give my dad's share. Since he passed away almost 14 years ago, ako na daw yung may right. Pag nabenta daw finally yung land, wala daw ako makukuha. Mahirap lumaban because ako bunso sa magpipinsan, only child, mom can't fight with me because bawal sya ma-stress especially na yung isang pinsan ko from my dad's side owes her more than a hundred grand.

Sabi ko nga, mahirap lumaban mag-isa, and the only tita who said that hindi sya papayag na wala ako makuha na share ni daddy isn't getting any younger. Ibigay nila, thank you. Hindi nila ibigay, thank you na lang din. Pero I can't promise na di ako makakapagsalita na nung buhay si daddy, kung takbuhan sa pera akala mo banko na hindi din sila tinatanggihan. Namatay lang ganun na ang ginawa. No wonder namatay si daddy ng may sama ng loob sa kanila. Oh well. I don't know if they'll see a daughter's wrath but mas maganda if ipagdasal ko na lang sila.

insta_momma

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #242 on: December 25, 2013, 03:20:45 am »
Hay nakakasira talaga ng relationship ang pautang. Di na ko nagpapautang sa relatives ngayon. Ang kinaiinisan ko yung "friend" na pinautang ko. She's in the province isang text lang niya may sakit daw anak the next day deposit agad ako tapos siya naman nagsabi ng date kelan niya babayaran isang buwan na wala pa rin. I texted her and sent her a message in FB, sinabi ko talaga masama loob ko sa kanya kasi it happened twice. Syempre naka budget din naman ako and ngayon talagang NR na siya kahit nagmmessage ako sa FB, walang wala reaction. After nun never na talaga.

j.adore

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #243 on: January 03, 2014, 03:25:10 pm »
Pag nagpapahiram kasi, talagang dapat extra money at yung kaya mo malet go. Kung may pinaglalaanan kang importante, then don't.

Parents ko lagi nagpapahiram. Right now I think ok lang kasi extra money yun although meron talaga na hindi na nababayaran. Ang sabi lang nila "Ok lang yun nakatulong naman sa kanila. Pwede pa naman kitain ang pera."

Most of our relatives naman kasi eh mabait din as in marunong tumanaw ng utang na loob at talagang hirap lang kaya di makabayad. Pero meron din ng mga di mo makitaan ng gratitude.

Personally, I only lend out if I know walang wala sila AND if I know they can pay me back. Meron kasi na inuuna arte sa buhay tapos kukulangin sa needs. Yun di ko pinapahiram.
Pero meron na kulang talaga sweldo at kita ko naman mageeffort magbayad eh so go lang ako sa pagpahiram sa kanila.

sarah29

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #244 on: January 04, 2014, 09:22:32 am »
Lagi nangungutang parents ko kase and they never pay me back. Ever. Kahit gaano kalaki. Kaya minsan nadidiscourage talaga ako na maging galante sa kanila when I have money kase ang laki ng utang nila saken.

naiad

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #245 on: January 19, 2014, 05:55:43 pm »
Sorry for the long post :)

backreading this thread and I must say relate na relate ako ;D This is my current problem right now and I'm so happy I found this thread. Iba talaga ang GT nearly every topic under the sun meron dito.

^mahirap yang sa iyo sis kasi parents na, mas madali kasing tumanggi sa extended family. Ang sa akin justified na rin na hindi ka maging galante sa kanila when you have extra money. Since di ka talaga makatanggi kapag nanghihiram, i-save mo na lang yung money na gusto mo ibigay/spend sa kanila para kapag nangailangan maluwag na rin sa loob mo ibigay kasi meant for them naman yung amount. Just think of it as saving for them since parents mo naman.

Hindi ako well-off pero compared to most of my family medyo maganda na yung kinikita ko plus single pa ko and bf naman is financially independent din. Dati relatives ko sa US yung go-to person ng mga kamag-anak ko pag may money problems. Pero since nagkatrabaho ako ako na yung madalas na nahihiraman dahil malapit.

I have this aunt who borrowed from me about a year ago. Sabi nya within a month maibabalik yung pera, ang nangyari hindi nabayaran plus hindi na siya bumibisita sa amin. Even for this christmas hindi na siya pumunta kahit na dati naman regular na bisita siya sa bahay. One time na ako yung napunta sa kanila, siya na yung nagbrought up na may utang siya sa akin at pasensya na daw at di pa mabayaran. Sabi ko na lang ok lang kasi di ko pa naman kailangan saka na lang siya magbigay pag maluwag na siya.

Pero even after nireassure ko na siya, hindi pa rin siya pumupunta sa bahay eh especially close sila ng mom ko. Paano ko ba ibring-up yun na wag siya mahiya sa akin? Ayoko naman na mawala yung relationship kasi close pa din naman ako sa family nya. Wala na sa akin yung amount pero ayoko na sinasabing outright na kalimutan yung pera kasi hindi magandang precedent din.

Ishare ko lang din pala what I learned from my experience from relatives asking for help financially,

Tama ang most of our sisses here, bigay mo lang yung extra na kaya mo dahil kapag gagamitin mo na yung money at di nakapagbayad sasama talaga ang loob mo, baka  maging cause pa ng rift dahil mahirap kalimutan ang ganitong bagay.

Secondly, once nagpahiram ka wag mo na asahan na ibabalik pa yung pera, pag di ka nagexpect di ka din madidisappoint. Hence the lend what is extra advice. Pag nagbayad eh di pleasant surprise :)

Lastly (this one I learned from my relative in the US, sa kanya lang ako nagrarant kasi sha lang yata ang di nanghiram sa akin), ayaw mong maging madamot pero ayaw mo rin naman maagrabyado kaya give everyone the benefit of the doubt. If first time na manghiram and you can afford to lend the money, just give it to them without condition. Pag nagbayad e di maganda, pag hindi isipin mo na lang tulong mo sa kanila yun.

Kapag nanghiram uli pero may bad experience ka na with them, you can say no with good conscience kasi may track record naman kasi. If it's really hard for you to say no, just give them a token amount, even a small amount helps naman talaga.

Saka lagi ko iniisip mabuti na ang nagpapautang kesa nangungutang (though minsan di talaga gumagana hence this post :))
« Last Edit: January 19, 2014, 06:22:28 pm by naiad »

mama7

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #246 on: June 03, 2014, 08:34:10 pm »
what if lending money to friends?

actually di nga matatawag na friends, Acquaintances lang ni hubby..i hate the fact na nagprisinta pa si hubby na magpa utang sa taong di naman ka-close pero ka facebook para lang sa toy collection.. tama ba na mainis ako sa hubby ko pati dun sa umuutang sa kanya? ang nangyari kasi na-kwento ni hubby sa kakilala niya na yon na may raket siya,so ito namang si acquaintance ni hubby nagpa awa na may gusto daw siya toy di niya pa afford kasi mahal..nabasa ko ang reply ni hubby pagka bayad raw ng raket niya papautangin si fb friend..so ako naman nagulat  :o  kasi di naman basta toy lang na mura, 6k yung toy and to think na pamilyado si hubby,yung guy na yon single,bakit ka magprisinta magpautang mayaman ka ba? di mag ipon yung friend mo wala naman binubuhay kundi sarili niya,di naman kayo talagang friends..imagine mo yung pera dun sa raket na yon madami pag gamitan,ngayon kung may sobra tama ba ipa utang mo agad para lang suportahan yung luho ng ibang tao..

sabi ko kay hubby magagalit ako pag pinautang niya ng 6k yung tao na yon dahil di naman kami banko para ganun basta maglabas ng pera..problemado nga kami magpa sweldo pag nagkarron ng helper,tapos ganun siya kabilis magpautang sa iba..

sobrang wala sa lugar feeling ko..di naman ako mahigpit sa asawa ko,supportive ako sa mga gusto niya kung afford naman,kahit mahal yung toy collection niya ok sa akin basta wag masyado mahal..pero yung magpapa utang ka pa sa ibang tao para sa luho nila,sila rin naman may trabaho parang di na tama..

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #247 on: June 08, 2014, 12:33:16 am »
Fortunately, wala naman kaming relatives na mahilig mangutang - except for one. Yung panganay naming pinsan. Super duper dami na nila utang sa parents ko. And now that we are friends on Facebook, they think na ang 'yaman' namin. So ako naman inuutangan. Nakakaawa din naman yung mga pamangkin ko sa pinsan kong ito dahil sila ang nahihirapan sa schooling needs nila. Pero namaaaan - my pinsan is able-bodied pa naman. And so is his wife. They have six kids. And bata pa lang yung mga batang yun, lagi na silang nakaasa sa abot ng nanay ko (kapatid ni mommy yung dad ni cousin). Nagaaway na nga parents ko before dahil laging nag-aabot si mommy sa kanila. When they asked for my help, I yielded once. Nung dumiga na ng second, third time, I told my mom na. And my mom said, na wag na anak - humihingi na sila sa kin for the longest time, pati ba naman sayo na anak ko na?

Parang sa kin kasi, hindi naman sa nagdadamot, pero they have the ability pa naman to improve their life. Ito kasing si pinsan e apparently, nag-da-drugs. Kaya ayun, can't hold a job for long. Feeling ko, pag nagbigay ako ulit, hindi na matatapos ang paghingi. :( At parang kinunsinti ko na rin what my cousin is doing by giving him a way to continue being irresponsible.

E kung ako nga sa parents ko, pag hingi ako ng financial help sa kanila (di naman madalas, pag super super need lang), di ako mapakali pag hindi ko pa tapos mabayaran. Bakit sila na hindi naman naila magulang yun, kamag-anak lang, di sila nahihiya na mandeadma na sa mga utang nila? Bakit kaya may ganung notion  dito sa atin ano? Na pag may generous, or medyo mas nakaangat na kamag-anak, parang feeling ng ibang relatives, obligado yung taong yun na magbigay pag hiningan... At pag naningil ka pa, ikaw ang masama...kakaloka.

bluish_mommy

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #248 on: July 04, 2014, 03:10:04 pm »
mga relatives din namin (both sa akin at side ni husband), parehas mahilig mangutang. kala nila nakahiga kami sa pera kung mangutang. di nila alam pare-parehas lang kami ng problema, which is pera. my husband and i are working hard para matupad namin ang pangarap namin sa pamilya namin. sapat lang at kung may savings man kami, hindi para ipautang. kadalasan kasi nauuwi sa walang bayaran, at ito ang pinag-uumpisahan ng samaan ng loob. kaya pag may nangungutang sa amin, at may extra naman kami ni hubby, nagbibigay na lang kami (pero hindi worth ng inuutang nila), kasi alam namin wala ng bayaran ito. kaso kadalasan wala kaming extra kaya di rin namin sila natutulungan.

simpleemie

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #249 on: July 12, 2014, 07:28:39 am »
i have learned to say no kapag di bukal sa kalooban ko  :) marami na kasing times yung pangako na 'bukas' nagiging months, meron din  thank you na lang lol

Girltalker2

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #250 on: July 12, 2014, 10:27:59 am »

I think this is one of the root causes why Filipinos learn not to save. Kasi kahit anong pagod nila at makapagsave sila, ang tingin ng relatives nila sa kanila eh ang yaman yaman na nila, kahit say 50k lang na save nila.  Tapos they will be the eye of everyone's envy pa. Kung di nila pinautang, sila pa masama.  ::)  Bakit kaya ang daming ganyan, nakakainis.


theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #251 on: August 26, 2014, 02:16:51 am »
Just sharing lang and also venting out na rin :P

My dad has so many cousins from his mom and father's side. I've met some of them during my visits/vacation in the province since magkakalapit lang naman mga houses nila. Meron kami relative bale cousin sya ng dad ko sa mother side (so tito at tita ko). Nagulat ako kasi my mom called na this relative of my dad was borrowing 50k from us... ang sabi kasi nung tito ko if my mom cannot lend them money sakin daw sila manghihiram... naloka naman ako kasi it's been years since I havent saw them. Tapos ang reason daw nila kaya sakin manghihiram kasi me and my husband has a work and wala daw vices husband ko  ::) Nakakaloka lang kasi itong relative ng dad ko manghihiram ng 50k eh both walang work and inaasahan lang nila eh allowance nung anak nila na nag aaral sa Science HS tapos ang pang back up nila in case hindi makabayad eh yung lola ko na more than 70++ na. Grabe, parang 5pesos lang sa kanila yung 50k. So dineretso ko na na I won't be able to lend them that amount since inaayos na namin yung paglipat namin sa house namin plus we were considering on adding up additional funds for my son's future. Nakakainis lang kasi this relative of my dad eh mas high end pa samin yung phone and they have other relatives na di hamak naman na pwede mahiraman. Isa pa they haven't met my husband and they already concluded na mabait ang asawa ko para pahiramin sila. Hayyys napapakamot nalang ako sa ulo sa hinihiram nilang pera.  ::)

mslcgrey

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #252 on: August 26, 2014, 10:07:29 am »
^ akala siguro ng mga ibang tao sa provinces na if you work in manila eh sobrang taas na ng salary mo. Well, yes mas mataas but mas mataas din ang expenses.
Also, that is quite a large amount of money. Tapos from someone pa na hindi mo naman ganun ka-close.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #253 on: August 27, 2014, 12:15:47 am »
^ Exactly! Akala nila just because we are both working sa Manila eh kala nila ATM kami na pag kelangan nila pwede mag withdraw. Hindi nila alam aside from huge taxes subtracted after each pay day eh may binabayaran kang amortization ng bahay, groceries and baby needs. Parents In Laws ko nga hindi nanghihiram samin ng ganyang kalaking halaga and sometimes pag dinala namin for hospital check up nahihiya pa samin. Isa pa I have cousins in province who are working abroad and mas close sa kanila. I bet siguro na-frustrate na rin sa kakapahiram. Nagulat lang ako sa guts nila to borrow huge amount na walang guarantee ng pagbalik. I pity my lola kasi pinain pa ng anak.

Annie M.

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #254 on: September 24, 2014, 03:15:09 pm »
I also have this problem. Ginagawa kaming ATM ng mga relatives namin.

May magandang article sa Smart Parenting about this. I hope to do implement all these tips to deal with this problem. Anyway, eto yung mga highlights:

1. Ask for a couple of days to ‘think about it.' This will give them an impression that money is important to you and not just something you can generously give away.

2. As an alternative, you can offer to help in other ways. One way is to finance financial literacy seminars they can attend, which can help teach them responsibility regarding the use of money. Another is to help them find other sources of income. Be sincere in your willingness to help, especially if they show they are also determined to help themselves and that they don’t simply ask for money whenever they can cadge extra cash.

3. Before you lend money to your parent-in-law or relative, consider the possibility that the borrower cannot really pay you back. How would you and your spouse feel if this happened? The rule of thumb is to not lend money which you cannot really afford to part with. All loans should be treated as a gift.

4. Some relatives end up asking you for money because you look particularly well-off. (Ganito yata kami ni hubby -- at least this is what our relatives think because we are gainfully employed, have our own house, etc.)

Perhaps you can impress upon them that comfortable lifestyle is due to the fact that you are managing your finances with great care.

“I have a couple of ‘rich’ friends,” shares Villafuerte; “they have their own businesses, they travel a lot, and they look pretty much well-off. It would be so easy to ask them for a loan when you need one. But you'll have second thoughts if you truly know them because they're really conservative with their finances. They're pretty frugal, they're not impulsive buyers, and they always have tight control over their finances.”

Here's the link to the article: http://www.smartparenting.com.ph/home-living/moneywise/a-guide-to-lending-money-to-your-relatives/page/1



bluish_mommy

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #255 on: October 07, 2014, 10:41:47 am »
kapag may relative na nangungutang sa akin, this actually works with me ALWAYS.

"naku, parehas pala tayo ng problema ngayon. kailangan ko rin ng extra para sa (tuition or something else)"

usually nililitanyahan ko rin sila ng problema ko, bakit ba eh totoo naman eh. ang lumalabas pa, mas ako pa ang may kailangan ng pera kesa sa kanila hehe ayun tumitigil na sa pangungutang..

ycel0612

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #256 on: April 18, 2015, 10:35:42 pm »
pano kung parents mo nangungutang? father ko kasi may business pero mukha namang palugi pero ayaw pa rin itigil. hula ko di nya maitigil kasi mawawalan ng trabaho yung other woman nya. "sales agent" nya daw yun e so may commission daw sya. hmp. so yun nga kahit mahina benta, para maisurvive. kung san san sya nangungutang. inutangan ko na sya thru personal loan and credit card cash installment. father ko naman nagbabayad ng monthly pero may times na nadedelay sya, so sa akin sya nanghihiram. ngayon nakaka 30K na sya na utang sakin na walang kasiguruhan kung kelan magbabayad. sumasama loob ko kasi para ngang atm tingin nya sakin na pag gipit sya isang sabi lang sa akin may lalabas ng pera. my emergency fund is below my critical level na dahil sa utang nya sakin.

17glut

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #257 on: April 18, 2015, 10:57:17 pm »
ako diretso sinasabi ko di ako nagpapautang pero pag magulang ko hihiram (which is very rare) pinapahiram ko naman. Marunong din sa pera parents ko, so they don't exactly need to borrow often.

tischarmedlife

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #258 on: April 19, 2015, 08:13:30 am »
Two of my aunts (maternal side) may utang sakin from years back. Although hindi naman ganun kalaki (Aunt A owes me P1000 while Aunt B owes me 3000) pero ang pangako na magbabayad, nakalimutan na.

So lesson learned, linawin kung utang ba o hingi. lol  ;D and yes, ipahiram lang kung magkano ang extra money na eventually ay hindi na mababayaran.

Pero now, hindi na ko talaga nagpapahiram. Ang nirarason ko na lang is kailangan ko lahat ng pera na mae-earn ko since I'm supporting na my father who recently suffered from mild stroke. Effective naman! haha  ;D

ohcmon

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #259 on: April 19, 2015, 12:03:01 pm »
Hindi na ako nagpapautang kahit sa closest cousins ko not because I'm madamot pero kasi 'yung mga humihiram wala namang means na magbalik. Ang mindset ko ngayon, ang ipapahiram ko lang is the amount of money I can afford to lose. 'Pag may mga nangungutang kasi dati sa'kin, good as bigay na, hindi na napapalitan.

My parents are the exception, of course. Kahit 'di na nila bayaran, keri lang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close