watch now

Author Topic: Lending Money to Relatives  (Read 68787 times)

tunamaki

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #220 on: March 30, 2013, 01:14:15 pm »
Hello newbie here. I'd like to share my experience regarding this. I have a sister who I always lend money to pero maximum na is 2K. She's used to me na hindi siya sinisingil so technically bigay na talaga yon. Last week she tried to "borrow" again, I was willing to give her the amount she was asking but I realized I need the money din pala mid April. So I told her to pay me agad, tapos sabi na niya na huwag na lang daw kasi she can't pay right away. Ang loka wala na naman sanang plano na bayaran ako! so from now on if she tries to borrow money from hihingan ko na agad ng due date hehe.

sarsingkit

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #221 on: April 06, 2013, 09:45:35 am »
As muchas i dont want to indulge on ill feeling towards my relatives sa mommmy side ko,  i cant help it. Tito at tita ko pa ang nanghihiram sa kin ng pera to think na pamangkin lang naman nila ako. I know naman na i am more capable kasi i am overseas pero mga kamag anak ko sa daddy side kahit hindi naman sila may pera, bibilhan pa nila ako ng gusto ko like jollibee pag umuuwi ako. Mga kamag anak ko sa nanay ko hindi man lang mangamusta, hingi agad. Galit pa pag hindi napagbigyan. May mga anak naman sila. Plus to think na namatay ang nanay ko bata pa lang ako so hindi ko naman sila nakikita ng madalas. Family na ng daddy ko yung nagpalaki sa kin. Haaay.

kr1sta

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #222 on: April 06, 2013, 10:22:12 am »
never. better give something much lesser than the amount they want to lend. if you are that generous to lend them cash, just don't expect to get paid.

betchuchay

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #223 on: April 19, 2013, 06:43:04 pm »
Sobrang nakakarelate ako sa topic na to. Ganyan din kase ngyare sa min ng hubby ko. Kami naman, tinatago nya sa kin, or maybe nakakalimutan nya banggitin agad tapos nahuhuli ko dahil sa sms or pm sa kanya thru fb na ngpapasalamat. mga few times yun. pero yung iba alam ko rin. Hays. Super sising sisi ako dito. Hindi naman kasi kami well off pero sa buong family kami yung medyo nakakaangat. Ang nagiging isyu lang namin, malimit nagagamit mga savings namin, kasi si hubby hindi natanggi sa mga kaanak nya. E "thank you" na lang yun. Nakakaloka. Tapos me mga times pa na nagloan kami para lang mapahiram sila. Kami pa talaga nagloan ha, HAHA! Pati mga kapatid nya, ilang beses nanghiram sa min tapos di rin makabayad. Nagsipag-asawa kase na walang ipon or di handa (althought me work) tapos kami lage takbuhan hayss... Isyu na namin to bago pa kami ikasal ni hubby. Mahilig si hubby magpahiram ng pera sa kaanak tapos lageng thank you. Nakakaawa daw kase. Sinong nakakaawa ngayon? Fast forward, di kami nakakaipon dahil lage na lang utang dito at utang duon. Mismong nanay nya ang malimit tumakbo sa min para lang pautangin ang kaanak. Ansakit sa ulo. Kahit recently lang, nashort kami kase nagpautang na naman si hubby nalaman ko lang thru pm sa fb ngthathank you kase cousin nya. Ayun, tinira-tira ko si hubby ng bonggang bonga kasi nga buntis ako ngayon at sabi ko, hanggang kelan na lageng kami takbuhan ng isang compound nilang mga kaanak. Ngayong tayo ang short me nagpapahiram ba sa tin? wala. Kaya hopefully, nadala na. Super gipit kami ngayon dahil di namin inaasahan na mabubuntis na pala ako this year. Nakakaloka lang. Me isa pang nangungutang sa kanya nung nakaraang linggo lang, tapos sabi namin singilin yung isang kaanak na me utang sa min. ABA! ang sabi, panu yan wala pa kami sahod e..naloka ako, kung kaharap ko lang yun sarap sapakin. Kami pa mamumureblema.

EllaBratin

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #224 on: April 23, 2013, 04:13:23 pm »
Depende.
Ate ko - ok lang kasi after few days naibabalik naman niya at nangungutang din ako sa kanya.  ;D
Pinsan 1 - Never. Pareho silang jobless mag-asawa tapos sa private school napasok yung anak nila!  ::)
Pinsan 2 - pinapahiram ko naman pag meron ako pero kapag medyo malaki na ang amount, hindi ko na keri!
F.I.L. - once nangutang ng 1k noong April 2010 at sa July 2010 daw niya ibabalik (anong petsa na?) di na siya nakaulit.  :P
SIL - humiram ng 200 pambayad daw ng book ng panganay niyang anak tapos hindi ko naman siningil pero nalaman ko sa bata na hindi pala ibinayad sa books, ipinambayad ng ibang utang. Tapos nung nagkapera sila ng kuya niya nangungutang pa rin ng 5K pandagdag daw sa pambili ng motor, sabi ko wala ng extra, may pagkakagastusan kami.  >:(
Lola ni hubby - ok lang, nagbabayad naman saka kaya lang siya nangungutang sa akin dahil may nautang din sa kanya.

sarsingkit

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #225 on: May 06, 2013, 07:14:23 am »
bakit ba may mga taong minsan mo lang hindi matulungan, galit na agad? parang hindi mo natulungan before. and when i explained my side on why i can not help, ijujudge pa ako na mas maswerte pa daw ako kaya dapat itake ko daw ang opportunity to help. tapos nagpaparamdam lang kung kelan may kailangan.

minsan nga napapaisip ako kung madamot ba ako, naguguilty ako pag may bago akong gamit tapos yung mga tito, tita ko eh walang pera. pero naman, minsan nakakadala yung akala ko utang pero hindi naman na babayaran. tapos yun nga kung kelan may kailangan saka lang magpaparamdam at lelecturan pa ako ng helping others pag wala akong maibigay.

nettai

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #226 on: May 06, 2013, 09:59:27 am »
^ I agree! Minsan tatawagin pang "ingrata"! Jusko, what are we to be grateful of to them? Parang tayo pa ang may pabor sa kanila. @_@

Pero yes, what we do is... We give small amounts then di na namin sinisingil. :)

------

RE: Topic:

Isang lesson ang natutunan ko sa thread na to: NEVER lend your money if your money is to be used for something else. @___@

------

Anyways lemme share my experience on this, medyo mahaba ang kwento hehe. Wala syang kinalaman sa pera pero sa lupa.

When Mommy was alive and single, bumili sya ng lupa at bahay for her family. But because sobrang hirap sila noon at medyo nakakaangat na ang Mom ko, once she got married, she and Daddy bought a house for themselves and pinatira yung isang tito namin na walang wala. But then, nagkaroon ng lamat sa relationship ni Mommy at Daddy sa Mother's side namin, since Tito had the guts to sell a part of the land; ni katiting lang di nakinabang Mommy ko dun. Buti na lang, before Tito sold everything of it kinuha na ni Mommy yung titulo (2 titles kasi yun).

When Mommy died, lumipat kami malapit sa mga relatives namin sa Father's side. Also, since malaki ang utang na loob ng mga pinsan ko kay Mommy, my cousins allowed Daddy to have Mommy buried dun sa lupa ng mga pinsan ko sa sementeryo.

20 years later. Tito died so binisita namin. Nakita na namin na nag-grow yung family nya so we decided na ibenta na sa kanila yung lupa (para daw kahit papaano makinabang naman kami as Mommy's heirs to assert our rights), pero sabi ni Tita na walang wala pa sila; so we decided na we have to check na lang if they pay their annual taxes dun sa bahay, otherwise we will have to sell the land to another. Ayun, mukhang nagsumbungan and nagbitaw ang mga relatives ko sa Mother's side ng hindi magagandang salita sa aming tatlo (e.g. "Ang kapal naman ng mukha mo, pinagpeperahan mo pa ang kapatid ko, gumastos din ako sa bahay na yan", "Pinalibing namin ang Mommy mo dun sa lupa namin, blah blah")

Hinayaan na lang namin, but should my relatives ask na itanggal yung mga labi ni Mommy dun sa lupa nila, hinanda na namin ang malilipatan nya (but we didn't want to dahil dun nakalibing ang lola namin). Also, my Dad and Ate decided to cut their ties with them (not me though), and to force-sell the land should the need comes; tutal nasa amin naman ang titulo ng bahay. Buti na lang, sa father's side namin, everyone's willing to GIVE money dun sa mga nangangailangan and marunong magbanat ng buto yung mga nangangailangan mismo.
« Last Edit: May 06, 2013, 10:10:59 am by nettai »

sarsingkit

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #227 on: May 06, 2013, 10:48:37 am »
^oh jeez, same tayo! yung relatives din namin sa mother side ang ganyan. and my mom died din when my sister and i were young. so yung relatives namin sa father side and nagpalaki samin. in fact, yung relatives din namin sa father side and nag-alaga sa mom ko nung maysakit sya. although we see them naman after my mom died pero minsan lang. nakakaasar lang kasi yung lelecturan ako about "helping relatives when times get rough" eh hello as if naman our lives were smooth sailing, eh namatay nga yung nanay ko pero we never get any help from them. lahat ng needs namin tatay ko lang ang nagpoprovide pati mga tita and tito and especially lola sa side ni daddy ang nagprovide.

my dad is not working anymore and so my sister and i are fully supporting him. eh nagkataon na marami kaming gastos lately so we reasoned out na sorry hindi kami makakapagbigay ng pera kasi maraming gastos. ayun judged pa kami na mas capable pa rin daw kami to help kasi we have "nice" jobs. eh I was like, how did you even know eh ni hindi nga man lang nagtext ng kamusta. hingi agad ng pera. I just felt it is unfair for other people to measure one's money. hindi ba pwedeng pag sinabing walang pera eh maniwala na lang dahil everytime they asked help naman eh we give kahit konti without asking questions. my sister has more patience and hindi na lang nagsasalita at and stand nga nya is cut ties na lang because ayaw na lang magspend ng time explaining her side dahil hindi naman nya dapat kailangan mag explain.

nettai

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #228 on: May 06, 2013, 05:33:22 pm »
^ Nakakalungkot eh no? Families cutting ties to each other nang dahil sa pera...
Ang reason lang naman why I am not yet cutting my ties to my mother's side, eh dahil dun sa Tanging Yaman na movie. Toink.

mhy_pie03

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #229 on: May 31, 2013, 01:58:36 pm »
Ako problema namin parehong sides. Mother and father. Yung sa side ng daddy ko sobrang parasite as in simula ng nakapagabroad tatay ko sustentado sila tas nagkukulang parin yung bigay saka naman mangungutang sa nanay ko na wala ng balikan. Pag hindi mo nga nabigyan, sisiraan ka pa sa ibang tao. Yung side ng tatay ko 2 lang talaga silang magkapatid na buo, the rest mga half siblings so may mga half cousins din. Medyo magulo yung genealogy nila eh. Dahil sa sobrang abuso, bastos at walang modo ng mga kapatid niya na kinakampihan pa niya, ilang taon na namin silang hindi kinakausap o kinikita. Kahit pumupunta sila sa bahay nagmamano lang ako sabay alis na.
Sa side naman ng nanay ko mga palautang/hingi rin. Sa dami ng naitulong ng nanay ko sa mga kapatid niya ang nangyari pa nung minsang hindi namin natulungan yung isang pinsan ko na makalipat ng Singapore (dahil Singapore-based sina daddy at kuya pati misis niya) gumawa ng kwento doon sa mga alipores niyang kapatid din tapos pinagtulu-tulungan nanay ko. Pinagmumura nila nanay ko at sinabing masunog sana bahay namin at maghirap kami. Iyak ng iyak nanay ko. Kaya magmula ngayon hindi na rin namin sila tinagpo at tinanggal na namin komunikasyon sa kanya. Kaya kahit papaano natahimik buhay namin. Yung isang nantungayaw sa nanay ko (btw, eldest nanay ko) nagkasakit dati, eh halos mamamatay na siya, binigyan ko ng 10k kasi kahit nagkaroon ng ganung isyu hindi parin kami ganung kasama hindi tulad nila. Aba nagtext after few weeks nangungutang na naman at babayaran daw. Hindi ko na tinext. Sobrang dami ko pang kwento pero wala kaming swerte sa kamag-anak. Puro hirap at pasakit lang inaabot namin pero ni thank you wala ka namang mapala.

alexsy

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #230 on: June 01, 2013, 05:44:41 am »
dapat sa mga parasitong kamag anak ay mag community service ng 10 taon. para magka silbi naman sila

kookie420

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #231 on: June 19, 2013, 06:15:15 pm »

my parents learned this the hard way. My sister and I always agree that we should never lend money to our relatives (siblings of our parents). Di maganda ang track record nila sa amin when it comes to paying their debts so dapat di na makaka ulit. Pero tong nanay at tatay ko, pusong mamon kaagad pag naririnig na walang pera kapatid nila, kesyo ganito, ganyan. Ayan, tinakbuhan sila at ngayon sila ang may utang sa banko. Kung pwede lang pagalitan silang dalawa, ginawa na namin ng Ate ko.  ::)

kreez

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #232 on: July 23, 2013, 07:48:48 pm »
kami naman ni hubby, dahil alam namin na hindi maiiwasan, may envelope kami tawag namin "emergency fund - Others" every month naglalagay kami ng funds don tapos pag may umutang inievaluate namin kung valid yung reason, kung valid at may lamang pondo ang envelope nagpapautang kami.  ang isa pa namin policy pag nag "pautang" kami hindi na namin inaasahan na babayaran kami... ok na yun, parang a way of giving back na rin for all the blessings that we receive.  pag nagbayad eh di dagdag pondo sa emergency fund pag hindi ok na lang din :D

cloudzy_09

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #233 on: July 31, 2013, 06:47:55 am »
Yung pinsan ko nangutang sa akin sabi niya ibabalik niya sa ganito petsa ofcourse hindi binalik ang kinakainisan ko lang is feeling ko na swindle ako kasi buong family pala namin ganon ginagawa niya mangugutang tapos sasabihin huwag sabihin kahit kanino tapos pag sinigil mo sasabihin niya naka pag padala na siya ng bayad or today mag babayad may tatawagan lang siya. Pati kapatid niya ganon ninakawan ng malaki halaga yung lola ko ilang taon niya na pala ginagawa ito e 88 yrs old na lola ko nagbtra trabaho pa din iyak nga ng iyak pag naalala yung ginawa ng pinsan ko. Pati tita ko na nag paaral sa mga kapatid nila, pag pabahay nag bigay ng trabaho nag bigay ng tulong pangbpa hospital sa kanila e nagawa pa pag nakawan at lokohin pati rin mga empleyado ng tita ko ultimo pati janitor swindle din yung pera.

maen_she23

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #234 on: September 05, 2013, 03:07:58 pm »
One of my biggest mistakes.. Maawain ako sa mga relatives ko, and I know mababait naman sila. SO pag lumalapit sila sa akin to borrow money, kahit nakalaan na yun halimabawa pamabayad sa bahay in a few months, ipapahiram ko pa rin. So for for maybe 2 years, ako naging lapitan nila. Ang babait nila sa akin noon. Nung time na kailangan ko na ang pera, sa date na pinag usapan na kailangan na nila bayadan [textspeak!] hiniram nila, wala silang maibigay sa akin. Yung tipong gipit na ako dahil may paglalaanan talaga ako para dun. Wala man lang silang effort to look for money. Wala naman akong sinasabing masama, basta I just keep reminding them that I need the money. I know na they tell other people bad things about me pa. I can see them naman purchasing phones, appliances, etc, tapos di naman sila nagbabayad sa akin.
Time past by, hindi na nila ako kinakausap. Tipong dati special treatment ako sa kanila, ngayon alam nila na wala na sila mahihiram sa akin parang di na nila ako kilala. Yung hiniram nilang pera, nabayadan din after many months to a year without interest ha.
Nakakasama ng loob di ba. pag may makukuha sayo ang gagaling nila, pag oras ng singilan nagtatago na and ikaw pa ang masama.
SO I learned, never loan money to your relatives, if you want na smooth sailing ang relationship mo. Kasi kahit gaano ka kabait, sumasama ang loob nila sa yo sa singilan time. And next time na mangailangan ulit sila at hindi mo pinagbigyan, ayun madamot ka na...  ???

cinnamonmon

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #235 on: October 04, 2013, 04:44:30 am »
Sa Family namin pag nangungutang ang relative considered  na bigay na. Kasi naman pag nakuha na yung gusto nakakalimutan na utang nila. ::)

harlet

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #236 on: October 04, 2013, 05:16:32 am »
ok na ring magalit ang mga kamag-anak sa atin pag di napa utang, at least matitigil na ng kauutang....masakit sa ulo.....we're solving their problems tapos we're creating our problems naman kasi yung inilabas nating pera, di naman extra, need din natin...in the end tayo naman yung me problema kung san kukuha ng para naman sa pangangailangan natin.....

huggykaye

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #237 on: October 04, 2013, 10:37:54 am »
recently, sunod sunod hiram ng tita ko (pinsan ng mom ko)... at least 5k every month... good thing, nababalik naman on our agreed date...
ang ayoko lang sa nangyayari kasi makikita ko sa fb yung mga anak nya lagi nag ttravel o laging nasa party... bakit hindi sila yung tumulong... bakit ako na pamankin lang... naiinis lang ako dun sa mga anak nya hindi nila tulungan nanay nila... tapos yung mga pinsan kong yun hindi man lang bumibisita sa min pag nauwi dito sa pilipinas...

ococmodestatus

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #238 on: November 21, 2013, 06:54:48 am »
Pwede naman but weigh things down padin, madali lang ako kausap lalo na kung health issues.  But once you look like their banker and seeing them as they were like high and mighty, never had doubts drawing lines on them.  Lesson learned from the experiences of my dad.

danne

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #239 on: December 17, 2013, 09:26:24 am »
Ako super nadala na magpautang sa relatives, actually, not my relatives, but sa husband ko. It happened before pa kami maging mag-asawa ni hubby. They seem very nice naman and based sa mga kwento ni hubby, and based narin sa promise ng mom niya sa akin, nagtiwala naman ako. Pero a year has passed, ang dami ng nangyari, hindi natupad ang promise nila sa akin. After almost 2 years, binayaran ako, pero halos half lang, kinalimutan na ang iba. Sabi ko sa self ko, okay narin at least papano may naibalik. Pero I really learned from that incident na. Madalas pupuntahan or kakausapin lang naman nila ako kapag hihiram, may ipapakiusap at may iaalok. Madalas na NO ang sagot ko. Basta anything na related sa pera and sa kanila, ayoko na talaga. The last time na kinausap ako ng mom ni hubby, gusto niya sumali ako sa networking nila, and hindi lang ako, pati daw ang mom ko. Sabi ko hindi pwede kasi may father won't allow her na paalis alis ng house and ako naman, ayoko na talaga magpapautang then maniningil. Sabi ko madalas kasi, kung sino pa ang malakas ang loob mangutang, sila pa ang palpak magbayad. Hindi ko naman siya pinatatamaan, pero iyon lang talaga ang pagkakaalam ko sa office. Then si sister in law, asking for help para maincrease credit limit niya and iapply ko ng postpaid plan under my name. Good thing na lang, hindi pumayag si hubby.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close