watch now

Author Topic: Lending Money to Relatives  (Read 68886 times)

k_heart

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #200 on: June 20, 2012, 12:23:46 am »
Ah, mahirap talaga ito. Nung newly wed kami ng hubby ko, unknown to me, nanghiram pala ng pera yung isang kapatid ng hubby ko. Salary loan bale ang ginawa ng hubby ko. Pero nakapag loan na sya bago nya sinabi sa akin at naka-OO na sa kapatid nya. Sobrang laki ng amount, 6 figures na talagang, naglagay ng dent sa monthly budget namin. 2 years to pay sya. so dapat 2 years lang din sa kapatid di ba. Ang nangyari, yung 2 years to pay naging 4 years to pay sa akin. At instead na sya ang nagkukusa na magbigay ng payment monthly,ako pa naghahabol. Grrrr!!!! at ayaw naman magbigay ng checks, double GRRRRRRR!!!!!
Ayun natapos din after 4 years. Pero naku talagang pinagalitan ko yung asawa ko.
At di bale kamo kung importante ang binili, pang DP lang sa brand new car. Up to now, bwisit pa din ako dun sa kapatid na yun. As in,pinahairapan ako ng bongga sa paniningil, eh ito pa naman yung times, na sunod sunod akong preggy sa mga babies namin. Walang pakiramdam.hayyyzz! umiinit na naman ulo ko pag naalala ko.wahahaha!!!!!

imnuttz

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #201 on: June 20, 2012, 02:37:59 pm »
never na rin ako magpapa hiram ng money sa relatives. ako pa ang nahihiya maningil. nung ako ang may kailangan walang maibigay pero may balak bumili ng kotse.

jonielle

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #202 on: June 22, 2012, 02:57:55 pm »
samin naman inuunawa na lang namin kung mag bayad edi hindi kung magbayad edi salamat, alam naman namin ang situation nila na walang wala talaga. Kahit hindi nakabayad sa inutang pinapautang pa din namin alam naman namin na reasonable kung bakit sila nangungutang. Ito na lang iniisip naming mag asawa tutal meron naman kami kahit papaano at hindi kami gaano nagigipit ipahiram o ibigay na lang sa kanila.

juni

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #203 on: July 12, 2012, 01:45:58 pm »
Mahirap magpahiram ng money sa friends, lalo na sa relatives.  There's a big chance na you will never get it back.  So you have to weigh yung kagustuhan mong tumulong and yung pagproprotect din sa sarili mo.

iamnumberone

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #204 on: July 12, 2012, 02:54:33 pm »
don't lend... just give na lang... especially relatives malabo maisoli yan kaya para di sumama ang loob mo pag dika nabayaran.. GIve na lang as in tell them wag na bayaran,, para next time mahiya na sila kasi hindi ka nagpapabayad. haha

xenos54

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #205 on: July 12, 2012, 03:52:47 pm »
I cannot recall lending money to anyone.  And honestly, nakaka turn off if someone approaches me to borrow money kasi maiinis ako - kasi una una, binigyan pa nyako ng problema; pangalawa, ang kapal ng mukha nya/nila esp kung makita ko they are maintaining a certain lifestyle o may work naman sila.

Instead na magpahiram, minsan nauuwi sa sermon or interrogation. Then the person will not respond or feel uncomfortable then end up na hindi ako kukulitin.

Kasi ganito yun, if they need money for tuition for example. Ang sagot ko - anong ginagawa nito or si ganyan, wala bang trabaho? naka celfone si ganito at ganyan - d b puede yun ibenta?  parang ako ang nagbibigay ng suggestions sa kanila para makagawa sila ng paraan. Suggestions that LAZY people do not want to take.  So kako if I do not see the effort na gumagawa sila ng paraan (maliban nalang ang pagkakapal ng mukha nila mang approach ng uutangan), what makes me think they would exert efforts to pay me back?

sis.. actually hindi naman lahat ng nangungutang ay makapal ang mukha.. others are just desperate due to the situation they are currently in..
ako nangungutang ako sa mga close friends ko.. pero never sa kamaganak kasi mas mahirap pa sila sa akin..
yung mga inuutangan ko.. siya yung mga people na i feel that i can depend on at will not look down at me as less of a person just because im borrowing money from them.. malay mo sis di naman ka nila gusto bigyan ng problem.. its just that feeling nila you are someone they can depend on..

one instance.. i borrowed money from my close friend sa office 30,000 kasi na-dengue ang kapatid ko.. and ang dad ko hindi namin ma-contact to send money for my sister who's in the hospital.. ang mom ko stay at home lang.. and im the only one working.. so nangutang talaga ko.. pero after nun binayaran ko talaga.. as soon as possible.. mga 10 days lang siguro..

i also lend money to relatives and friends.. kung may extra talaga ko.. nagpapahiram ako.. ang katwiran ko.. naka-tengga lang naman sa banko.. hindi din ako nagsisingil ng interest..
pero once na nag default ka ng payment sa akin.. never.. as in never ka na makaka-utang..
so far 2 friend ko na ang hindi ko na pinapautang kahit nangutang pa sila ulit after yung late silang nagbayad..
sa relatives naman.. hindi ko na mabilang kung ilan ang hindi nagbayad.. so di na sila makaka-ulit..

pero now.. na gusto ko na mag start ng own family.. siguro.. consult ko muna ang SO ko.. ayaw ko kasi yung ginawa ng hubby ni OP eh so di ko din gagawin yun sa SO ko.. at hopefully wag din gawin ng SO ko sa akin..

cheers sa mga kautangan!! hehe..

gil12

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #206 on: January 22, 2013, 12:04:31 pm »
hay naku... naiinis na ko, technically hindi naman nangungutang sakin pero nagpapasuyo gamitin checking account ko. kelangan kasi ng post dated checks para ibigay sa irrent na apartment.kainis! maya take nila for granted kasi alam nilang may PDC, eh kapag naubusan yun ng pondo??? ako pa agrabyado!!! kainis!!! hindi na nga ako nakaipon ng isang taon eh hayyy

nageinna

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #207 on: January 22, 2013, 12:54:14 pm »
hmm.. ako as much as possible hindi ako nagpapautang sa relatives. nagbibigay ako pag alam kong kailangan talaga nila or may pinagdadaanan talaga sila. but on a normal day lets say, hindi talaga. knowing my relatives sa father side ko, mahirap singilin yun. and i cant just give money to them everytime they are in need kasi namimihasa sila eh. iisipin nila ganun kabilis makakuha ng pera kaya konting gipit, lalapit ng lalapit.

meron ako isang pinsan ko sa father side ang kapal ng mukha, ang tagal ng may utang sa mom ko, wala talaga kaplano plano magbayad. umabot na ng ilang years. ang nangyari, yung mama pa niya nagbayad sa mom ko, buti pa mama niya marunong mahiya. then just last year, nagtxt pa sakin nanghihiram ulit, sabi ko sakanya, alam naman niyang wala akong work, saan ako kukuha ng pera. then she said, baka may iba daw ako na pwede hiraman, i know she's making parinig to my then fiance, now hubby. she knows hubby is medyo well off kasi. syempre hindi ako manghihiram kay hubby noh. hello?! and that time, kakamatay lang ng lola ko, ni hindi ko siya nakita dumalaw sa burol tapos uutangan pa niya ko. kaya ako i rarely lend money to relatives talaga. kasi ako pa mamomoblema sa huli.

quinone

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #208 on: January 23, 2013, 04:08:19 pm »
hay naku... naiinis na ko, technically hindi naman nangungutang sakin pero nagpapasuyo gamitin checking account ko. kelangan kasi ng post dated checks para ibigay sa irrent na apartment.kainis! maya take nila for granted kasi alam nilang may PDC, eh kapag naubusan yun ng pondo??? ako pa agrabyado!!! kainis!!! hindi na nga ako nakaipon ng isang taon eh hayyy

naku huwag ka papayag, kapag na.tyempong walang pondo at tumalbog ang check pwede ka i.demanda

little_princess

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #209 on: January 24, 2013, 09:47:20 am »
i don't like this but my mom lends money to her brother, nakakainis pa is that they don't pay on time and then you will see on FB that they bought a new car, new camera, new dog, etc etc.

tapos the money that they lent was for their business. walang pondo for a business so they loaned from the bank tapos late daw i-release ng bank so they borrowed from my mom. when the loan came out, pwede ba daw if they issue PDC na lang daw payable for 2 years. so where did the loan amount go if we lent them the capital na?  :-\

daisy.battistella

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #210 on: January 24, 2013, 10:06:57 pm »
tskness...remembered my sister who was in need of money...she ask me to borrow from hubby...ehek...my hubby said no, so I sought help from friends till I found a lender in the neighborhood charging 10%...the money was settled on time, pero our relationship became sour...my mother felt humiliated DAW kasi me asawa ng ako foreigner di [textspeak!] sila natutulungan...and sorts of talks na di na kaaya aya. kesyo nakatira kmi sa malaking bahay na mamahalin, chuchu...daaaaah? kaya I swear from now on, di na ako papaapekto sa mga sasabihin nila...grrrrr

this_is_me

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #211 on: January 31, 2013, 05:03:29 pm »
naku naku!!!!

never magpautang sa kahit na kanino, kahit best friend o kamag-anak.

ill tell you my story.

yun asawa ko, pinsan and best friend niya, as in sobrang clooose. more than magkapatid ang turingan nila. always usap sa phone, always magkasama. sabay pa kami magbaclaran every wed.

anyway itong pinsan na to. umuutang pala sa asawa ko hindi ko alam. konti konti. tapos nagbabayad naman daw. one time dumating siya sa hindi niya mabayaran buo. si pinsan mismo nagsabi na interest nalang daw muna babayaran. hanggang sa lumaki ang utang.

ang reason niya palagi, kulang daw pera sa negosyo. umiiyak at sinasabi na maghihiwalay sila mag-asawa, yun mga anak kawawa na daw. kaya hindi matanggihan ng asawa ko.

one day, bigla nawala ang pinsan na ito. pumunta ng USA. nagtago dun. ang laki na pala ng utang dito sa pilipinas.

leche. ang kapal ng mukha. pati tatay nun ang kapal ng mukha. hindi pa marunong magsorry kahit na sino sa kanila. at siniraan pa ang asawa ko. asawa ko pa may kasalanan. hay nako. ang kapal talaga. kakainis.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #212 on: January 31, 2013, 05:53:06 pm »
hay naku... naiinis na ko, technically hindi naman nangungutang sakin pero nagpapasuyo gamitin checking account ko. kelangan kasi ng post dated checks para ibigay sa irrent na apartment.kainis! maya take nila for granted kasi alam nilang may PDC, eh kapag naubusan yun ng pondo??? ako pa agrabyado!!! kainis!!! hindi na nga ako nakaipon ng isang taon eh hayyy

Naku sis, you shouldn't allow it. PDC yan at nakapangalan sayo. I read in one article na as much as possible avoid lending your personal bank accounts and avoid being co-maker in loans. Mahirap yan baka mamaya di makabayad sayo tapos ikaw ang magigipit. Syempre para maiwasan yung talbog na cheke ikaw mag ffinance. If they can't provide PDC or they were already denied for PDC sa bank, chances are they are not fit to pay you.

gil12

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #213 on: February 01, 2013, 11:25:20 am »
^ thanks sis, kaka-reply ko lang sa isang thread mo dito rin.  ;D  buti nakalipat na sila and hindi required and PDC dun sa nilipatan nilang bahay. inencourage ko nga older sister ko magbukas na lang ng checking account kaso dami niya excuse na kesyo wala time and wala raw siyang valid ID..

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #214 on: February 01, 2013, 12:50:57 pm »
^ naku ha... ang alam ko mabilis lang mag apply ng checking account especially if you have existing accounts sa bank. It wouldn't take one whole day just to apply. At buti naman sis di mo na pinahiram. Ibang usapan na pag personal accounts yung gustong hiramin sayo. Mahirap yan pag hindi nakabayad.

happybee$$$

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #215 on: February 02, 2013, 01:32:39 pm »
Kami we do lend pero small amount lang na tipong pedeng ilista sa tubig. My brother who asked help from us, payed us on the date he promised kaya medyo napaparinig ko yun kay hubby na pag sa side niya wala wala lang. Parang may patago pero hindi ka na pay kaya siguro nahihiya na din si hubby sa akin. I got this friend na ginagawa akong banko, kada nashoshort eh sa akin hingi ng tulong. We help him kahit pa lahat ng pangako niyang pagbabayad eh mintis. Isip ko na lang eh long time friend ko siya. Pero makikita mo sa FB kung saan saan naglalamyerda, dine in, gadgets.Binata kasi, pero subukan lang niyang umulit ngayong 2013 naku pandidilatan ko talaga siya!

jazzygelable

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #216 on: February 19, 2013, 11:59:36 pm »
Okay lang naman ako magpahiram basta ba di naman gagamitin sa kayabangan. May pinsan kasi ako na seaman ang asawa so malaki laki ang kita kapag nasa dagat. Nagbinyag ang anak niya sa sosyal na restaurant. Ang bote din almost P1k isa. Ayaw ng mga generic na feeding bottles at gusto pa yung branded. Eh ilang bote yung binili niya grabe lang talaga. Wala naman akong pakialam dun kasi pera nila yun pero sana wag ubos biyaya. Ngayon at di pa nakakaluwas yung asawa niya, ni pampacheckup wala sila. Yung gatas nga pinagiisipan nila na wag ng formula at bear brand na lang daw. Kaloka at kawawa si baby.   

I'm single kasi so ako ang nauutangan. Kami din ang medyo angat so either me or sa mom ko yung plea nila. Sana naman umasal ng ayon sa kita. Sosyal nga feeding bottle ni baby eh wala ka namang pambili ng gatas? Wth di ba? Gusto pa niya Guess yung shoes ni baby eh kalalakihan lang naman. Okay yung Guess kung talaga namang marami silang extra. Kahit ba Hermes yan, okay lang as long as they can afford it without being broke.

First baby niya kasi so tuwang tuwa siya. Kaya lang yung baby din kasi nagkakasakit kapag may mga injection na namimiss dahil ubos na pera. Di ko alam kung bakit di nila narerealize yan. :(


chubbycheeks20

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #217 on: March 21, 2013, 07:25:38 pm »
Very timely. hehe. Madalas magpahiram ang husband ko sa relatives niya or friends and talagang walang solian or bayaran, o kung bayaran man, sobrang tagal. Backread muna ako before comment.  ;)

pinkswirls12

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #218 on: March 30, 2013, 01:44:51 am »
my mother's relatives especially my lola, her 2 brothers but the other one passed away last year and their wives see her as a walking ATM machine. ayoko ng isa isahin pa dahil nanggigil lang ako sa pangaabuso nila sa kabaitan ng mama ko. masama talaga kapag nasimulan na, wala ng katapusang hingi. wala ng ibang tinatakbuhan or maghanap ng ways para kumita ng kailangang pera kasi lagi namang available si ATM machine nila. never humindi at wala pang masasakit na salitang maririnig. hindi uso sa kanila ang term na "utang", everything is considered "bigay". wala na kaming magawa sa nanay namin. si papa patay malisya na lang kahit pinghirapan nya rin yung perang yun. nililihim ni mama ang remittances para sa mga alaga niya. awa naman ng Diyos, hindi kami nagugutom at nagkakasakit at stable ang negosyo ng parents ko. sana forever ganun dahil kapag kami ang nangailangan ng matindi, for sure walang tulong mula sa kanila..

naughtybrat

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #219 on: March 30, 2013, 01:00:30 pm »
OM my family can relate to this! Lagi paawa etc ang relatives, may mga pera naman ayaw lang gastusin yung sa kanila, gusto pera ng iba. Pag hindi pinautang magkakampi kampihan at aawayin kami. Bakit daw may bagong car samantalang di sila pinautang. Pera nila? May patago? so eventually nag gi give in din. Pero im trying to teach my parents wag na, mag set lang ng limit kasi ang mga siblings, sangla, tubos ng parents ko, sila siblings sangla ulit, tubos ulit over and over again. Nakasanayan na, nagagalit pa at kinukuha na ang mana eh buhay pa ang mga magulang.
Walang work halos lahat, waiting lang sa allowance na padala ng parents ko.
Cute nila noh?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close