watch now

Author Topic: Lending Money to Relatives  (Read 68838 times)

babyjapnurse01

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #180 on: September 16, 2011, 02:40:29 am »
^ awww pero at least nagbayad sya, may konting pampalubag-loob. :D

usually nga sa mga Pinoy, kung sino pa yung umutang at di nagbayad according sa usapan eh sila pa ang galit, kung anuano pa maririnig mo. :D andyan yung sasabihan kang madamot, parang takot na takot na di bayaran, di naman tatakasan, etc. lumang tugtugin na sa mga di nagbabayad ng utang. :D parang they dont realize na hindi lang naman sila ang may kailangan ng pera.

naalala ko before, nung employee pa lang sa isang cargo forwarding company yung mom ko, may officemate sya na mahilig umutang sa kanya, may instance pa na siningil nya because she needed the money na, ang sagot pa sa kanya "mas kailangan ko naman yung pera, mas malaki naman sweldo mo eh", may ganun? :D haha! as if alam nya kung pano tumatakbo ang budget namin ha? hehe!
« Last Edit: September 16, 2011, 12:53:29 pm by babyjapnurse01 »

FayeP

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #181 on: September 16, 2011, 12:12:45 pm »
sis babyjapnurse01, naku totoo yan, lalo na pag relative mo umutang, kun ano ano maririnig mo na masasakit pag ikaw ang di nagpahiram.

may share ako sa inyo...my younger sister, passed away in Oct of 2007 because of cardio-pulmonary arrest..she's 21 years old then, ako naman 24yrs. lang.  she's a 4th year college student at that time.. at ako lang ang may work samin (3 kami magkakapatid, nag aaral sila 2, ako may work, hiwalay parents)...since ako lang ang may work, ako naghanap ng paraan para sa gastos dun sa hospital, sa funeral parlor, sa burol, sa libing, everything...

guess what..walang nagpahiram sakin kahit katiting mula sa relatives namin kahit lumapit ako...kun ano ano dahilan nila, kesyo tuition, kesyo may babayaran din..naintindihan ko naman kasi cyempre pera nila un...pero my gash, patay un sister ko di ba??!!

mabuti na lang talaga, un mga friends ko sa abroad, they wired money to me, tapos un mga sumisilip na bisita (non-kamag anak), they gave me money, as in andami nagbigay na di ko kamag anak (un mga kakilala lang namin, kapitbahay, mga ganun)...tapos un mga dati ko kasamahan sa office, tapos un mga current colleagues ko sa office ko ngaun...they gave me money to help finance the burol and libing....

ang bongga bongga nga nun burol at libing ng sis ko dahil, I have more than enough money para mairaos un wake at funeral nya..tapos may sobra pa nun nailibing na, which I used para sa 9 days, sa 40 days, sa mga pamisa...ganun...

pero pag samin sila lalapit, grabe, parang ikaw pa makokonsensya na di sila bigyan....

babyjapnurse01

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #182 on: September 16, 2011, 01:06:07 pm »
^    di ko nga rin maintindihan bakit yung pagiging tuso, kadalasan sa magkakamag-anak laging lumalabas eh. pag sila ang humiram, parang di mo pwede tanggihan, or else sasabihan kang madamot, yung need nila, urgent na urgent at hindi pwede mapalampas. tapos pag oras na ng need mo, wala kang maasahan hehe!

Naalala ko yung nangyari few years ago, may relative kami who asked my mom if she could work sa office namin, so mom hired her, come panahon ng piyestahan sa probinsya, umuwi si ate, syempre she was able to save enough funds para makapag-handa family nila sa fiesta, ininvite pa kami kasi super daming handa daw, etc. In short, bongga talaga yung celebration nila, tapos ito na, few days after nung fiesta, nagtetext na sakin if I could lend her money pang-pamasahe and pang-iwan na panggastos nila dun sa bahay, wala na daw makain, sobrang simot daw sila. Napa-kamot nalang ako ng ulo e haha!

Gets ko naman parte ng cultura natin especially those na nasa probinsya yung pagcecelebrate ng fiesta as thanksgiving, pero sana naman hindi ubos-ubos biyaya diba? Magpapasikat ka sa mga dadayo sa inyo para makikain tapos after ng piyesta ni wala silang mai-saing na bigas, minsan kasi masyado din sila nagiging confident especially when they know na meron silang relative na nakakaluwag sa buhay na pwedeng malapitan. To be honest, dati gusto namin mag-hire ng mag-hire ng relatives para sa operations ng business namin, especially those na mga nasa probinsya and walang hanap-buhay, kaso sila talaga yung may tendency umabuso rather than yung sila dapat maging role model sa ibang employees, kaya ayun, ngayon, never na kami naghhire ng kamag-anak to work for us. Sakit lang ng ulo eh.


FayeP

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #183 on: September 16, 2011, 03:26:01 pm »
tama sis babyjapnurse, pag kamag anak mo mahirap i-hire kasi parang laging kelangan may special privilege sila porke't kamag anak..nasabihan na din ako na madamot ako , one time kasi another tita asked me for 3,500 pesos, as in un kala mo may patago "pahiram nga ng 3500 mo jan"

kako ala na ako pera (kasi nag aaral pa nga un bunso namin at ako lang talaga may work), aba ang sabi "naturingang sa callcenter ka ala kang pera"...nyek!!! eh ano kun call center??? di naman guaranteed na dapat madaming pera kasi college kaya un bro ko, nangungupahan kami, kumakain kami, namamasahe diba???!!!

parang kun humingi may patago...


babyjapnurse01

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #184 on: September 16, 2011, 03:31:13 pm »
^ baka ang akala nila pag sa call center ka nagwowork, exempted ka sa gastos kaya feeling nila dukot ka lang ng dukot sa bag dapat pag sila ang may kailangan.. :D

sarap sagutin na, ikaw nga naturingnang tita kita pero sakin ka pa nanghihiram e pamangkin mo lang ako, magtrabaho ka nga! Che! :D haha! 

tiggerlily

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #185 on: September 18, 2011, 03:09:21 am »
^^ hahaha!  ang reaction ko lang dyan kung tita ko yan >>> ATM??!!!

smm_0411

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #186 on: September 19, 2011, 01:48:03 am »
I have now this problem for lending money.  Actually its my sister who wants to borrow money from me, mga 40k daw para pamasahe nila papunta Canada dahil mag migrate na sila don. Kesyo wala daw pera si hubby nya dahil nagbayad sa immigration officer sa Canada na nag-ayos ng papers nila.  Eh ako naman nagwork dito sa mideast at okay ang sweldo pero sana isipin naman nila ng mga nakaraang gastos namin kasi I gave birth last May and gumastos kami ng 120k tapos yung school ng eldest ko.  Now yung baby namin have super sensitive skin kaya every visit sa doctor mahina na ang 2k na gastos, pati ang injections ang mahal mahal as in ang dami namin gastos tapos sabi ko sa kanya baka hindi ko siya mapahiram dahil ang dami ko pang bayarin sabi ba naman ng sister ko sa akin ah, baka daw ayaw ko lang sila paalisin kaya ayaw ko magpahiram... ano ba yan parang kasalanan ko pa... as in naiinis ako kasi ang mga anak ko malayo sa akin at ako nagsasakripisyo para sa future ng family ko eh samantalang siya sahod lang ng sahod sa padala ng asawa nya at kasa kasama nya ang anak nya.. wala akong ibang mapag buhusan ng sama ng loob dahil wala naman akong masyadong friends dito sa mideast.  I don't know what to do, ayokong mag kagalit kami ng sister ko ng dahil sa pera pero paano ang gagawin ko kung walang wala talaga ako. 

Pinoy mentality na talaga yata na pag ang alam nila eh nasa abroad, mayaman na.. hayysss di ko alam kung pano ba to. di ko alam kung ano pa ang sasabhin ko sa kanya para maniwala siya na wala talaga ako ipapahiram sa kanya na ganon kalaking pera.  :(

ilyababy

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #187 on: September 19, 2011, 11:11:04 am »
^ Since nasa abroad yun husband niya, dapat antayin nalang niya kung kelan makaluwag un husband niya para mapadalhan siya ng panggastos. Bakit kelangan sayo pa muna mangutang? Plus, kung mag migrate na siya, pano ka naman niya babayaran? Malamang pag nakaalis na sila ng pamilya niya, sabihin naman sayo, malaki pa yung gastos nila dun for adjustment, etc, tpos sa susunod ka nalang babayaran, hanggang sa mamuti na yun mata mo, hindi ka pa nabayaran. And masaklap pa dyan, tuwing sisingilin mo na kelangan mo na yung pera, ikaw pa yung masama, kasi hindi mo intindihin yung situation niya, pero siya? Inintindi ba niya na kelangan mo rin yung pera? Kahit pa kapatid mo siya, mahirap magpautang. Pag-isipan mo, dati ba tuwing nang "hihiram" siya sayo ng pera, binabayaran ka ba niya? Or lista na yun sa tubig? Kung lista sa tubig, e di wag ka na magpahiram. Plus, sabi mo nga, marami ka ring gastos, so bakit ka magpapautang kung ikaw mismo ay nangangailangan ng pera para sa mga gastusin mo? :o

tiggerlily

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #188 on: September 19, 2011, 07:21:09 pm »
^^ talaga nga naman ano? may pamilya ka na at may pamilya na rin sya. yung pamilya mo ang responsibilidad mo. hindi sya. kaya don't be guilty about it. quiet ka na lang. babatiin ka rin nyan ulit kapag hihiram sya ulit. hahaha!

euwie

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #189 on: September 19, 2011, 09:17:24 pm »
ako naman, alam ko na to na kapag magpautang ako, hindi na maibabalik. pero nagpapautang lang ako sa immediate family ko. hindi kami marunong maningil ng asawa ko, kaya walang naibalik sa amin. pero ok na rin yun, at least hindi pa naman kami kinakapos. malaki na nahiram ng kuya ko sa akin. siguro mga over P300k na. pero ok lang. para naman sa pamilya nya. hindi ko naman na inaasahang mababalik pa yunn pero ok lang. pero kung hindi ko naman immediate family ang manghiram ng pera, hindi ko pahihiramin. haha. ang sama ko ba? ang dahilan ko kasi, nangangailangan rin naman ang pamilya ko syempre uunahin ko sila bago ang lahat. wala pa naman kasi kaming anak ng asawa ko so ok pa naman sa ngayon.

sa mga relatives naman namin, kabisado ko na yung sa father's side ko kaya hindi na sila makakahirit pa. sa relatives naman ng mother ko, walang nangungutang sa kanila maski na minsan gipit sila kaya yun masarap bigyan ng tulong.
« Last Edit: September 19, 2011, 09:33:43 pm by euwie »

Analene3

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #190 on: September 19, 2011, 10:07:14 pm »
I lend my Mom whenever shes in need but I wish I wouldnt need to collect it. But since its my hubby's mollah, and he's working, I think it would put a bad impression to my family especially to my in-laws who look down to people who borrows.

smm_0411

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #191 on: September 20, 2011, 01:07:50 am »
Thanks sis ilyababy and tiggerlily, hindi ko alam kung ano ang dapat ko sabihin sa kanya kasi sobrang pagtulong na ang ginawa ko sa kanila ng family nya at sa kanya kahit nung mga single pa kami. Now, parang ako pa ang masama dahil di ko naibigay ang gusto nila.  Bahala na kung ano ang kalabasan ng mga pangyayaring ito, di na ulit nagtext kanina eh nung nag uusap kami kaya I don't know kung ano ang situation.

whitelady17

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #192 on: September 20, 2011, 10:38:07 am »
Sis smm, don't feel bad about it, kasi may anak ka na eh, of course uunahin mo ang anak mo, and kung sister mo iyon maiintindihan niya kasi may anak na rin siya. Pero I think may pera pa sila ayaw lang nilang galawin kaya nanghihiram at ginigipit ka. since immigrant alam ko may show money iyan sa embassy eh puwede naman nila gamitin iyon pambili ng ticket, or they can always use a credit card in purchasing a plane ticket, and since nauna na ang hubby niya sa Canada, for sure may work na iyon doon kaya they can pay their credit card dues. Huwag ka magpa pressure sa kanila unahin mo ang baby mo. Ginusto naman nila mag migrate eh puwes panindigan nila.

KB

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #193 on: September 21, 2011, 10:49:20 pm »
today i crieid a lot, wala akong masabihan kasi pag makalabas ito masama pa ako. Last week kasi without our knowledge kinuha ng [textspeak!] ko ang suweldo ni hubby, nalaman nalang namin pag kasi tumawag ang tita n'ya na kinuha  nga ang suweldo n'ya. Ok naman kay hubby, nung monday exam na ng anak ko nag bigay lang ng 4thu. so ok lang ako, pero kanina na inis talaga ako pag tawag ni hubby na wala ngang pera pambayad parents n'ya. Naka sked kasi anak ko sa Dev. Pedia tomorrow eh, na re-sked kami kasi dumating kami late na , nag antay talaga ang doktor kaya nahihiya na akong ipa cancel kasi bukas na baka magalit na doktor sa amin, tska diba pag ganitong case ang hirap pumila nag hahabol pa naman ako kasi 4 y/o na ako masyado ng late para sa kanya pag pa check up. Kelangan na n'ya mag therapy para maka pasok na s'ya sa school next year. Ang ikina iinis ko pa kasi kanina may pera pinabili ng paninda ng MIL ko, alam kong pag may pera sila di naman madamot sa amin. Pero sa ngayun hinde ko talaga mapigilan ang sarili ko kasi para naman sa anak ko 'yun eh, tinitiis ko ang lahat ng hirap never ako mag reklamo ni pag pa gupit di ko magawa kasi nga ayaw kong bawasan ang pera pam pa check up ng anak ko, sumasakit na paa ko 2mos. na ako di na kakapa foot spa. Now tell me masama ba akong DIL???

einjhel

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #194 on: May 02, 2012, 04:34:32 pm »
^e ano naman kung bato? maging malambot ka, ikaw ang talo. magpahiram ka man o hindi, pagdating sa dulo, ikaw pa rin ang masama. e di wag na lang di ba? kapag ba ako ang nangailangan, sa palagay ko ba tutulungan nila ako? yung sagot dyan ang sagot ko kapag nagpapahiram ako.

totoong totoo ito sis

black_star13

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #195 on: May 07, 2012, 01:08:10 pm »
mahirap talaga sa couple pag pera na ang pinag awayan...kasi nadikit nyan sumbatan..lalo na pag may damay na pamilya..hayyysss

whinx

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #196 on: June 19, 2012, 09:11:43 am »
Nabayaran na ako ng [textspeak!] ko yey! Although after hindi na ako masyado kinakausap. Fine lang naman sa akin if yun mkkpgpasaya sa kanila.

candid_girl

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #197 on: June 19, 2012, 10:23:35 am »
naku iba talaga mga sis pag pera ang involve lalo na sa in-laws pahiramin mo or hindi ikaw pa masama, mas maganda huwag sila pahiramin. mamatay sila sa inggit

whinx

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #198 on: June 19, 2012, 03:05:54 pm »
true sis... although in my case nabayaran naman ako it's just that hindi na ako masyado kinausap after paying... hindi ko lang alam kung meron pa ibang reason/s bakit biglang nag distansya sa akin.

candid_girl

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #199 on: June 19, 2012, 03:16:52 pm »
pag gnyan sis meaning nahihiya na sya, at never na yan hehe hayaan mo sya d mo na kasalan magpahiram sya my fault d agad sya magbalik. sa akin pwede kang humiram d mo ibalik on time or d mo balik at all d ka na naman makakaulit ewan ko lang kung my taong makapal pa ang sa face sa ganung situation
« Last Edit: June 19, 2012, 03:19:02 pm by candid_girl »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close