We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
na ospital nanay ko, umabot ng almost P150k ang bill. usapan namin ng kapatid kong lalaki hati kami sa bayaran. icre credit card daw nya. eh di tumatanggap ng credit card yung ospital. so ako naglabas. ilang buwan na walang nababanggit na magbibigay na sya ng share nya sa bill. nung dati pang na ospital nanay ko P25k inabot ng bill, ganun din ang kwento, share daw kami. wala din inabot sa akin. eh babae ako, walang trabaho, sa asawa ko lang ako umaasa pagdating sa ganyan. ang nakakahiya pa dito eh gusto ng nanay ko sa makati med sya ipasok for the surgery. eh yung nanay ng asawa ko sa UDMC lang dinadala, may ka share pa sa room. kaya pinagpilitan ko sa UDMC din sya magpa opera. masama yata ang loob, hindi nagtawag ng mga amiga nya para dumalaw sa kanya, nahiya yata at pangit yung room nya. at heto pa ang pinakamasakit, ang press release ni mader sa mga kamag anak at amigas nya eh kapatid ko nagbayad lahat ng hospital bills. gusto ko sugurin kaya lang matanda na, ayoko na patulan. makatarungan ba naman yun?
swak na swak sa banga ang thread na eto sa akin... ako ay ngpapautang sa relatives ni hubby na hindi na nabayaran and ngpaparide ng bonggang bongga sa credit card... nakakainis pero minsan hindi ko nalang iniisip... baka eto na talaga ng cross ko sa buhay. Sana dumating yung point na kaya ko na mgsay ng NO and hindi nalang puro reklamo and kwento sa mga BFFs ko ang gawin ko.