watch now

Author Topic: Lending Money to Relatives  (Read 68771 times)

tabbru

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #100 on: May 04, 2011, 12:14:35 pm »
A niece of mine (anak ng cousin ko) messaged me in FB. Nasira raw ang laptop niya at ang sabi raw ng asawa niya na nasa abroad, maghanap siya ng may credit card para makabili agad ng bagong laptop. Ang gusto nila, 6 months installment.

Naloka ako! Una, hindi naman na kami close. Kasi yung nanay niya who happens to be my cousin ay niloko ako sa pera. She still owes me 350k.

Pangalawa, nakakapalan talaga ako. Kung wala silang pambili ng laptop eh di wag silang bumili. Ako pa mamomroblema sa pagsingil sa kanila buwan-buwan? Eh ang layo ng bahay nila. Tapos kailangan ko pa silang samahan bumili ng laptop sa mall? At alam naman nating malaki ang tubo sa cc pag di nabayaran. Pag di sila nakabayad, no choice ako kundi magpaluwal. Ang kakapal!

red_one

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #101 on: May 04, 2011, 12:31:35 pm »
^ nasa abroad naman pala asawa nya, so bakit kelangan humingi pa ng help sayo? bakit di nalang sya humingi pera sa asawa nya para makabili ng bago.
ay naku, kung ako sayo sasabihin ko wala na ako credit card, pina-cut ko na lahat. hehe

jesrora

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #102 on: May 04, 2011, 01:05:24 pm »
ang kapal naman nun tabbru! maloka ako dyan kapag ganyan ang nirequest sakin!

mbeeyap

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #103 on: May 04, 2011, 01:47:30 pm »
at di yun nauunawaan ng isang nangungutang or nanghihingi. kapag tumatak na sa isip nila na mayaman ka or nakakaluwag ka sa buhay, yun na yun.

exactly. kapag nakatatak na sa kanila na may pera ka, mahirap na baguhin yun. ganyang-ganyan din nangyayari sa hubby ko ngayon. before kasi sa previous company niya, malaki talaga sweldo at single pa siya. eh toxic na para sa kanya yung work kaya lumipat na,at hindi na kagaya ng dati ang pay at hindi na sya single ngayon, pero iniisip pa rin ng family nya na ang dami-dami nyang pera, kaya laging  nanghihingi  :(

sieggy

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #104 on: May 04, 2011, 03:02:23 pm »
@tabbru: kakainit nga ng ulo  :P

ang nakakairita pa talaga, yung kung gumastos parang walang mga bukas. mga galit sa pera. tapos pag naubos na. Nag pe perwisyo ng ibang tao. Kung kaya naman pala nila hulugan ng ganon bakit di nalang nila ipunin yun in 6 months tas bilhin. diba? hehe

ako may mga kilala din na ganyan. pero panay ang mga shopping at papa parlor. haay nako.

tiggerlily

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #105 on: May 04, 2011, 04:37:59 pm »
^yan ang isa pang bwisit. ang lalakas mangutang kapag para sa importanteng bagay. pero kabi kabila ang gastos kapag para sa luho. parang nagkakabaligtad yata? e samantalang ikaw e tipid ng tipid para mapagkasya mo yung sweldo nyong mag-asawa at may maitabi rin kayo. pero hindi para sa kanila yun no!

yun kamong laptop e hindi sya mamamatay kung hindi nya mabibili kaya tiis tiis na lang kamo muna.

blooming

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #106 on: May 04, 2011, 08:09:58 pm »
A niece of mine (anak ng cousin ko) messaged me in FB. Nasira raw ang laptop niya at ang sabi raw ng asawa niya na nasa abroad, maghanap siya ng may credit card para makabili agad ng bagong laptop. Ang gusto nila, 6 months installment.

Naloka ako! Una, hindi naman na kami close. Kasi yung nanay niya who happens to be my cousin ay niloko ako sa pera. She still owes me 350k.


bakit wala ba silang credit card?  may laptop sya pero hindi sya makapag-apply ng credit card?  san galing yung laptop na nasira? nakaw?  ;D

tiggerlily

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #107 on: May 04, 2011, 08:46:25 pm »
^ feeling ko inutang din. hehe! or naka-cc na hindi nabayaran.

tabbru

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #108 on: May 04, 2011, 10:36:58 pm »
Hehe, actually yung niece ko ay 20 years old lang. She got pregnant at 17 so hindi na siya nakapag-aral. Same age sila ng nakabuntis sa kanya. Yung guy nagpunta ng US (di ko alam kung ano ang visa) at yun ang nagpapadala sa kanila ng anak niya ng money (na I doubt kung malaki). Nagsama sila dati pero hindi pa sila kasal talaga. Pero "asawa" syempre ang term nya.

Sa tingin ko happy-go-lucky rin naman yung guy. What can you expect to a 20-year-old? Kaya duda ako kung mababayaran ang laptop. Kasi kung magpadala lang naman yata yun ay around $200 per month, eh di panggatas lang ng anak nila yun.

Important sa kanila ang laptop kasi for communication dahil nga long distance. Pero kung wala silang pera eh di sana humingi sila ng tulong sa mga magulang nila. Bakit sa akin? Eh ni hindi ko nga sila nakikita! Nakakaimbyerna! I KNOW na sa estado nila, di nila ako mababayaran ng maayos. Irresponsible young parents ang tingin ko sa kanila eh. Puro gimik at pa-cute pa ang trip (batay sa nakikita ko sa fb).

Nakakainis kasi nananahimik ako at ang credit cards ko tapos ako ang napagdiskitahan. Porke alam nila na may pera ako (dahil "matanda" na raw ako at single pa), ako ang aabalahin. At yung mamahaling laptop pa ang gusto ha! Grabe, nag-anak-anak sila ng maaga tapos mang-iistorbo sila ng iba. Kung wala silang pambili, tumigil sila noh.

Di ko na nga sinagot sa fb. Ayaw ko ng mag-explain kasi sayang lang ang oras ko.

Ay btw, binasa ko uli yung message sa akin. Palibhasa di sya familiar sa mga cc, ang akala nya pala ay in 6 months pa babayaran (akala ko nung una 6 months na installment ang gusto). Kasi ang term nya: "di ba po may 6 months to pay po doon... pero sure ko po wala pang 6 months mababayaran na po yun..." Grrrr! Nakakainit ng ulo!
« Last Edit: May 04, 2011, 10:42:56 pm by tabbru »

tiggerlily

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #109 on: May 04, 2011, 11:19:13 pm »
^ sis, di pa rin sila mamamatay kung walang laptop. meron pa ring cellphone at internet shops. at kung wala talagang money, meron pa ring snail mail. anuvah... luho pa rin ang laptop at hindi nakamamatay!

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #110 on: May 05, 2011, 03:19:07 am »
sa immediate family namin ni hubs, there's no such concept as utang... bigay lang lahat.. hindi na naniningil.. and everyone's OK with it. tulungan lang talaga ang family pag may kelangan.. kung sino ang may pera magbigay..

baka mababait ang kapamilya mo sis kaya maluwag kayo  :) magkaiba naman kasi ang UTANG sa BIGAY. madalas pag immediate family, hindi madistinguish ang pagkakaiba! sana kung yung mga mahilig umutang ay marunong ding magbigay pag me pera sila pero hindi naman. uutangan ka, hindi magbabayad tapos pag nagkapera sila, nagkakaroon ng amnesia :o maaalala ka lang uli pag wala na namang pera. viscious cycle!! paulit-ulit hanggang kumapal ng kumapal ang balat at talagang hindi na tinatablan ng hiya  >:(

tabbru

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #111 on: May 05, 2011, 10:19:08 am »
^ sis, di pa rin sila mamamatay kung walang laptop. meron pa ring cellphone at internet shops. at kung wala talagang money, meron pa ring snail mail. anuvah... luho pa rin ang laptop at hindi nakamamatay!

korek, sis! grabe noh, mang-iistorbo ng iba para makabili ng luho! tsk.

sana kung yung mga mahilig umutang ay marunong ding magbigay pag me pera sila pero hindi naman. uutangan ka, hindi magbabayad tapos pag nagkapera sila, nagkakaroon ng amnesia :o maaalala ka lang uli pag wala na namang pera. viscious cycle!! paulit-ulit hanggang kumapal ng kumapal ang balat at talagang hindi na tinatablan ng hiya  >:(

Parang 99% ng nangutang sa akin ay ganito. Ke matanda, ke bata, pare-pareho silang may hindi marunong magbayad. As I think about it, parang wala nga yata talaga akong perang napautang na naibalik. Kaya talagang I promised myself na hindi na uli ako "magpapauto." In cases of emergency, kunwari may sakit yung anak at nangungutang ng pera, "binibigyan" ko na lang (pero hindi kasing laki ng inuutang nila, kung magkano lang talaga ang pwede ko maibigay).

design21

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #112 on: May 05, 2011, 10:39:51 am »
^sis ang daming internet cafe sa tabi tabi dun kamo sila magusap. nasira lang laptop namroblema na ang dami daming paraan dyan kahit ba bata yan noh. And, ang layo mong kamaganak na yan ni hindi mo direct na pamangkin, demanding?

sachism

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #113 on: May 05, 2011, 10:44:38 am »
winner yan.. lalo na yung sabi mo na hindi naman kayo close at may utang pa yung mother sayo.. tsk tsk :)

thebratinella

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #114 on: May 05, 2011, 10:55:15 am »
dapat sa parents nila sila lumapit hindi sa iyo. baka gusto magbakasakali kasi nakalusot mom niya sa iyo. kung walang pambili, magsave for it. ganun dapat. kung walang pera, huwag unahin ang luho. lalo na huwag mandamay ng ibang tao sa problema. nagpapakahirap ka magwork at magsave tapos uutangin lang nila na walang bayaran. sana pala nag-anak ka na lang at ginastusan at least you'll see the fruits of your labor. sobrang pasasalamat ko lang at nagising na dad ko sa katotohanan na inaabuso ng relatives niya kabaitan niya. mas okay pa kami ngayon kaysa nung nagmamaclose sila. isipin mo may apo siya na binigyan ng tuition para matapos na since 4th year college, nalaman namin na yung dad (nephew ng dad ko) ay ninanakawan pala negosyo ng dad ko sa mindoro. sila pa may ganang magmalaki. yung apo ng dad ko kahit hi walang sinabi nung nakasalubong niya dad ko. tapos after a few months, nagtext kasi nanghihingi ng tulong para daw makapagwork abroad. grabe ang sama ng ugali. ako yung nasasaktan for my dad.

tiggerlily

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #115 on: May 05, 2011, 02:08:12 pm »
@tabbru: kung ako sa yo, singilin ko ang nanay nya. sabihin mo e bibilhin mo yung laptop ng anak nya. aba kung mababayaran ng nanay nya yun, e, kahit kaunti lang e nakabawi ka na, nabilihan mo pa sila ng laptop. baka may sukli ka pa dun sa 350k. kung di ka man mabayaran e at least naipamukha mo sa pamilya nila na wala na silang karapatang mangutang dahil di pa sila nakakabayad. sabihin mo hindi mo ginagamit ang credit card mo kapag wala kang hawak na cash.

blooming

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #116 on: May 05, 2011, 07:25:16 pm »

sana kung yung mga mahilig umutang ay marunong ding magbigay pag me pera sila pero hindi naman. uutangan ka, hindi magbabayad tapos pag nagkapera sila, nagkakaroon ng amnesia :o maaalala ka lang uli pag wala na namang pera. viscious cycle!! paulit-ulit hanggang kumapal ng kumapal ang balat at talagang hindi na tinatablan ng hiya  >:(


mismo sis!  at hindi lang yun, pag nagkapera, hindi nanga magbabayad, at may ibang luho sila naiisip na naman. pag nagkita kayo, mas magara pa celphone nya haha at yun ang pinagkaabalahang bilhin, instead na magbayad sya ng utang, or at least magsave man lang for rainy days, para di na sya umutang sa future d b?!


blooming

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #117 on: May 05, 2011, 07:27:20 pm »
@tabbru: kung ako sa yo, singilin ko ang nanay nya. sabihin mo e bibilhin mo yung laptop ng anak nya. aba kung mababayaran ng nanay nya yun, e, kahit kaunti lang e nakabawi ka na, nabilihan mo pa sila ng laptop. baka may sukli ka pa dun sa 350k. kung di ka man mabayaran e at least naipamukha mo sa pamilya nila na wala na silang karapatang mangutang dahil di pa sila nakakabayad. sabihin mo hindi mo ginagamit ang credit card mo kapag wala kang hawak na cash.

magandang suggestion! hehe 

mommy nya hingan mo ng pera - sabihin mo naawa ka naman sa anak nya pero wala kang pera para sa laptop nila. hehe


blooming

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #118 on: May 05, 2011, 07:32:47 pm »

Important sa kanila ang laptop kasi for communication dahil nga long distance. Pero kung wala silang pera eh di sana humingi sila ng tulong sa mga magulang nila. Bakit sa akin? Eh ni hindi ko nga sila nakikita! Nakakaimbyerna! I KNOW na sa estado nila, di nila ako mababayaran ng maayos. Irresponsible young parents ang tingin ko sa kanila eh. Puro gimik at pa-cute pa ang trip (batay sa nakikita ko sa fb).


sis, una una sasbihin ko sana deadmahin mo nalang. pero I know something is bothering you. Kasi di ba kung may umuutang sa iyo, parang ikaw pa ang hindi comfortable na HINDI magpautang. Parang they make you feel na ang sama mo, tapos heto naman tayo nakokonsyensya - kaya nakakapikon! Ikaw pa ngayon namomoblema!



Nakakainis kasi nananahimik ako at ang credit cards ko tapos ako ang napagdiskitahan. Porke alam nila na may pera ako (dahil "matanda" na raw ako at single pa), ako ang aabalahin.


Alam mo, ito ang isa sa mga pinakamaling logic lagi ng mga maraming anak at mahilig mangutang sa mga singles.   Palagi nila sinasabi wala ka naman pinagagastusan blah blah blah. Eh engot pala sila eh! Pag lumaki ang anak nila, sila ang i-prioritize sa pagtanda nila. 

And being single, natural na habang bata pa, you need all the savings you can have kasi walang sasalo sa iyo in the future in case you need other's help.  Sila may anak.  Di ba all the more kelangan mo mag-ipon?  Eh bakit ka nila iniipit at ang selfish nila at sarili lang nila iniisip nila?

Hay naku sus, hayaan mo sila!


tabbru

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #119 on: May 05, 2011, 08:48:17 pm »
@tabbru: kung ako sa yo, singilin ko ang nanay nya. sabihin mo e bibilhin mo yung laptop ng anak nya. aba kung mababayaran ng nanay nya yun, e, kahit kaunti lang e nakabawi ka na, nabilihan mo pa sila ng laptop. baka may sukli ka pa dun sa 350k. kung di ka man mabayaran e at least naipamukha mo sa pamilya nila na wala na silang karapatang mangutang dahil di pa sila nakakabayad. sabihin mo hindi mo ginagamit ang credit card mo kapag wala kang hawak na cash.

Naku sis, I wish eh may ibabayad yung nanay niya sa akin. Actually andami niyang nalokong tao at nautangan. Dinedemanda na siya at hinahabol kaya they"flew" from our place. Nagtatago. Dapat talaga idedemanda ko kaso kahit piga-pigain ko, wala talagang ibabayad. Ang mga relatives namin, pinakiusapan ako na wag na muna ako makisali sa mga nagdedemanda sa kanya kasi nga pinsan naman daw ako. Pinabayaan ko na lang din muna kasi nga malaking gastos pa kung magfa-file ako ng case tapos imposible rin akong mabayaran.

Kaya nga ako sobrang naiinis kasi despite pangyayaring ito, ni hindi pa nahiya yung anak niya sa akin. Ang kakapal noh? I don't even have an idea kung saan sila exactly nakatira ngayon (I assume na magkakasama sila). Basta ang balita ko lang ay somewhere Valenzuela.

Yung mommy nung nakabuntis dun sa pamangkin ko ang alam kong may money. Dun sila dapat humingi noh.

sis, una una sasbihin ko sana deadmahin mo nalang. pero I know something is bothering you. Kasi di ba kung may umuutang sa iyo, parang ikaw pa ang hindi comfortable na HINDI magpautang. Parang they make you feel na ang sama mo, tapos heto naman tayo nakokonsyensya - kaya nakakapikon! Ikaw pa ngayon namomoblema!

Sobrang tama ka, sis! Madaling sabihin na dedmahin yung mga nangungutang. But still, pag inutangan ka, you have to do something eh. Nalalagay ka sa isang alanganing sitwasyon. Ang choice ay either magbigay ka ng pera o mag-explain kung bakit di ka magpapautang. Nasa inutangan pa ang burden to explain why, di ba? Tapos yun nga, kahit anong paliwanag mo ay di pa rin nila iintindihin, ang matatanim sa isip nila ay nagdadamot ka lang. Tapos they will make you feel guilty with what you have, like yung magaganda mong gamit, travels, etc.

And yeah, ang mga single na tao ang palagi nilang pinagdidiskitahang utangan. Kasi nga wala raw obligasyon sa buhay. Duh. Fallacious reasoning talaga. Nakakapanggigil.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close