watch now

Author Topic: Lending Money to Relatives  (Read 68764 times)

SweetieNela

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #80 on: April 25, 2011, 04:48:21 am »
^
^ true sis, akala nila pag abroad mapera na, -_- sila nga sana ang makarating ng abroad para malaman nila hirap ng buhay. hirap kana nga sa trabaho, papagalitan kapa ng amo,minsan lalaitin kapa ng ibang tao, kulang na sweldo mo panggastos at pangpadala, pagdating sakanila at hindi ka nagbigay madamot kapa. isipin nalang ng iba nararamdaman ng ofw's ang layo nila sa pamilya. patayan ang work sa abroad.  >:(

gab54

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #81 on: April 25, 2011, 08:14:54 am »
hay, reading this thread reminded me of my brother in law na may utang na 80k, nihaniho wala lang. just bec we are rich, feeling niya dina kelangan bayaran? sana hiningi nalang niya, hindi nangutang? but since i love my hubby very much, i dont want to mention it na.

sieggy

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #82 on: April 25, 2011, 09:13:12 am »
^oo sa tatoo lang mahirap pag awayan ang pera. lalo na sa mag asawa. Yun ang ayoko na maging source ng alitan namin. Thank God naman at di nangyayari. Pero pag dedma lang naman sa mga naangungutang minsan umaabuso.

Minsan prinsipyo ko, sige wag mo ng bayaran, tutal di naman kami nagugutuman, yun nga lang di ka na makaka ulit at pabor para akin yun.

Dati may nag confide din sa akin na may mga ganyang problem din with  SIL at BILs. Sabi nya mahirap daw talaga pag sobrang close ang ties ng magkakapatid. Sagot ko sa kanya, kalokohan yan. Kung ganon na close sila dapat kayo may nakukuha din in return mula sa kanila. E wala puro sila lang nagbibigay. Diba?  Sabi ko abusado talaga pamilya ng asawa mo. Wala silang paki alam kung mawalan o maghirap kayo basta sila makuha nila gusto nila sa inyo. Nangungutang sa kanya, nung wala sya maibigay. nag guarantor nalang sya para sa kanya medyo malaki din kase kailangan na pera. Ok yung usapan nila na si SIL ang babayad monthly. Napansin nya  na di  nagbabayad.  sya na nagbayad ng penalty.  nung nahihirapan na sya magbayad, pinuntahan nya SIL nya para i remind yung utang mabawasan man lang yung capital. Ang sagot: Wala daw syang alam na utang nya.  :o Diba kabwisit? Haaaaay isa lang yan sa issue nya. may hundreds of situations pa bukod jan. asawa nya dedma lang. wala silang bahay. wala silang anak pa. wala din silang ipon. musta naman. OFW din asawa nya.
« Last Edit: April 25, 2011, 09:18:36 am by sieggy »

runea

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #83 on: April 25, 2011, 09:55:59 am »
mahirap ang usapang pera between relatives. rule of thumb: make sure to lend only the amount that you don't mind losing. tipong, kung di ibalik yung pera, ayos lang pero di na siya or sila makakaulit.

thebratinella

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #84 on: April 25, 2011, 12:13:39 pm »
hindi reason ang pagiging close knit ng family pagdating sa ganyan. sa aming magkakapatid, pag utang, binabayaran. may times na maraming funds kaya bigay na lang. kahit sa mom ko ganun. pasalamat na lang ako dahil generous siya. mga relatives sa dad's side ang iniiwasan namin. once gusto mangutang ng 50k pero kakabayad lang ng mom ko ng tuition. hindi pa maganda hirit sa text. sabi ko nga sa mom ko ano ba gusto nila huwag na tayo kumain para mapahiram lang sila?

SweetieNela

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #85 on: April 26, 2011, 10:03:58 pm »
sana hindi maging ganto kaisa-isang kapatid ni boyfie ko. >.<

blooming

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #86 on: April 27, 2011, 12:36:21 am »
if i have extra, i ll lend it to relatives or friend. But then again depending on who to lend it with.

sis, depende kasi what you define as "extra". 

kapag may budget ka sana na makapagbakasyon sa isang taon, will you call that extra since it is not a basic need?  should you deprive yourself of anything excess from the basic food, clothing and shelter para magpautang?

gorgeous_mommie

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #87 on: April 27, 2011, 02:21:13 am »
hay naku matagal nako na kuryente sa ganitong sitwasyon.... at if given a chance, di nalang sana... kasi pag pera na usapan madalas talaga nagkaka gulo.. hayyy sad but true!!!

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #88 on: April 27, 2011, 03:44:33 am »
aside from my monthly remittance to my mom, hindi ako nagpapautang. hindi kasi rin ako nangungutang except for my credit card that i try to pay on time all the time. mahirap mag-pautang sa mga relatives, talagang namimihasa or nagiging tamad.  ako noon walang kapera-pera pero di ko naisip mangutang. tiis-tiis to the max talaga. kaya wala silang masusumbat na nanghingi ako.

sieggy

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #89 on: April 27, 2011, 09:22:22 am »
@blooming: im not generous but i am not insensitive to know how hard life is for others. :) i ll give whatever na maluwag sa loob ko at kaya ko.

Actually ang arrangement namin sa money is i have a monthly allowance. Lahat don accounted for plus a little tini extra  ;D for emergency. Still, i can manage to save something pa monthly. Husband ko kase nag iipon para sa amin. Inaamin ko kase na parang maluwag ang pasok ng pera sa kanya kesa akin. Alam ko din naman kung magkano na. Updated naman me. Iba kase isip ng asawa ko. We have this certain amount of money to save monthly, whats left  yun lang dapat namin gastusin. Haaaaaaaaaaay una muna save bago gastos. Ayaw nya ng kung ano lang sobra sa gastos nyo, yun ang i save mo.

Now, savings ang definition nya jan is, kailangan may meron kami alloted na pera na mabubuhay kami ng at least 8 mos without a job. o wala pumapasok na pera. Siguro by those time makakahanap na kami ng job. Pag meron na kami ng ganong amount, don palang papasok ang savings. Don palang kami magsisimula. And sa Awa naman ng Diyos, nangyayari. Nasa pag uusap pag titipid at pag titiis makakaya. Di naman "NYA" kami pinababayaan :)

Di malaki ang earning namin monthly. Kaya basic lang talaga nasa priority namin, mostly sa house improvements and comfort namin everyday. As for this year no gadgets. travel etc. Next target is saving for my son's college education. Time is ticking. Prices are rocket high. Kailangan samantalahin. Not everyday is a sunday you know. but then sometimes we dream that someday we got to travel and hopefully we'll enjoy our retirement money. ;)
« Last Edit: April 27, 2011, 09:37:17 am by sieggy »

confusedgirl51

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #90 on: April 27, 2011, 09:33:25 am »
hay hirap talaga ng money matters!

confusedgirl51

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #91 on: April 27, 2011, 09:44:38 am »
Isa ako sa mga naiinis sa ganitong issue. BF ko searching for job sagot ko pagprocess niya pati uniform worth 3k pati pala balance niya pagprocess license na 2k sa akin na naman. Di man lang tulmulong family niya or magremedyo man lang. Parang gusto ko pa nga singilin 6k ginamit namin tindahan na mama niya nagbabantay ngayon para man lang may magamit siya kasi talagang gipit na ako. Buntis kasi ako at ako bahala sa lahat pre natal, vitamins, milk ect. Halos wala na nga natitira sahod ko tapos etong BF ko pag kelangan ng pera as in sahod ko tlaga hinihintay hindi man lang magremedyo.
Minsan parang gusto ko mag isolate na lang para makaiwas sa ganito. Ni hindi ko nga alam kong may maasahan ako sa kanila pag nanganak na ako. Minsan tuloy napapaisip ako kaya ko naman buhayin anak ko kahit mag-isa. Yong hospital bill ko lang tlaga upon birth problema kasi I'm sure medyo malaki na rin magagastos don.

mbeeyap

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #92 on: April 27, 2011, 02:42:22 pm »
buti na lang my hubby has learned to say no sa relatives niya na nanghihiram.  mahilig kasi silang manghiram pero hindi naman binabayaran. na experience ko na rin to na yung perang dapat ay para sana sa panganganak ko eh nagamit dahil sa kanila, at nung time na i was at the hospital already with the bill in front of me,(na short kami dahil sa kanila) eh di man lang tumulong  >:(
super inis talaga ako.

kaya we don't lend our money na talaga except if may extra extra extra.

a_y_e_n

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #93 on: May 02, 2011, 06:42:08 pm »
to TS, ano na nangyari, nabayaran na ba utang senyo?

ako ok lang magpautang sa relative BASTA sisiguraduhin lang na babayaran sa mapag-uusapan date. pag hindi, ay nako, bahala sila.

boaVista

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #94 on: May 02, 2011, 10:06:26 pm »
dati si hubby maluwag magpautang sa mga relatives nya. ngyaon buti na lang BUTI na lang marunong ng magsabing walang pera. KIBIR kung sabihin nilang madamot or barat. sa dami ng mga utang na walang bayaran baka kung sakali laki na ng ipon namin ngayon.

sachism

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #95 on: May 03, 2011, 09:26:53 am »
sa immediate family namin ni hubs, there's no such concept as utang... bigay lang lahat.. hindi na naniningil.. and everyone's OK with it. tulungan lang talaga ang family pag may kelangan.. kung sino ang may pera magbigay..

mbeeyap

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #96 on: May 03, 2011, 04:47:18 pm »
^ buti sana kung ganyan nga. bigayan. pano kung kayo lang ang bigay ng bigay? ok lang sana kung sadyang maraming pera. if milyunarya lang ako, why not. eh minsan mahirap ipa intindi na wala talagang mapapahiram.  :(

sachism

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #97 on: May 03, 2011, 05:25:25 pm »
i agree sis.. dapat talaga ay nasa tolerable level lahat ng actions ng mga tao :( lalo na pagdating sa pera

blooming

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #98 on: May 03, 2011, 10:46:18 pm »
sa immediate family namin ni hubs, there's no such concept as utang... bigay lang lahat.. hindi na naniningil.. and everyone's OK with it. tulungan lang talaga ang family pag may kelangan.. kung sino ang may pera magbigay..

in the ideal world, ok ito.  If God provides kung kelan kelangan, ok lang.  But then nagkakaproblem kasi kung yung nagbigay sa past, biglang nangailangan ngayon at walang maibigay yung nabigyan nya in the time he needs it most.  dito na nagkakaproblem. 

red_one

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #99 on: May 04, 2011, 10:16:45 am »
in the ideal world, ok ito.  If God provides kung kelan kelangan, ok lang.  But then nagkakaproblem kasi kung yung nagbigay sa past, biglang nangailangan ngayon at walang maibigay yung nabigyan nya in the time he needs it most.  dito na nagkakaproblem.
correct sis, di naman kasi sa lahat ng pagkakataon eh lagi meron. may time din talaga nakakaranas ng financial crisis ang isang tao. at di yun nauunawaan ng isang nangungutang or nanghihingi. kapag tumatak na sa isip nila na mayaman ka or nakakaluwag ka sa buhay, yun na yun.
sad

 

Latest Stories

Load More Stories
Close